"Sir,Nathan at Sir,Greg! Tama na po 'yan!"
sigaw at awat ko rito.
"Napaka gag* mo Greg!"sigaw ni Sir,Nathan kay Sir,Greg.
"Ikaw 'yun,Nathan!"gigil na sagot ni Sir Greg,at agad hinila ko palayo kay Sir Nathan at sinigawan ako nito.
"H'wag mo ako hawakan! Sino ka ba rito?!"sigaw nito sa akin at natulala ako.
"Hoy! Greg,'wag mo ibaling kay Eunice ang galit mo!"sabat na sigaw ni Sir,Nathan.
At agad naman dumating ang ama nina Sir,Greg at Nathan,dahilan para matahimik kami. "Anong nangyari rito?!"tanong ni Sir,Griego.
"Tanungin mo 'yang magaling mong anak!"wika ni Sir,Greg.
"Bastos ka talaga,Greg! Baka nakakalimutan mo na mas matanda pa rin ako sayo!"galit na saad ni Sir Nathan.
"Anong pakialam ko!"sagot muli ni Greg,at muli sinuntok ito ni Sir Nathan.
"Tumigil kayo!"sigaw ni Sir,Griego ama nina Greg at Sir,Nathan.
"Lumayas kayo rito kung dito kayo mag papatayan!!"galit na sigaw ni Sir,Griego.
"Dad,nasa ospital ngayon si Antonia. Dahil sa gago na 'yan!"baling ni Sir,Nathan sa Daddy nito.
"Ah,kaya pala bigla mo na lang ako sinugod rito at sinuntok. Nag aalala ka sa kaniya,bakit hindi na lang kayo ang magpakasal,"mahabang wika ni Greg.
Muli umamba ng suntok si Sir,Nathan at matalim na tumitig kay Sir,Greg.
"Sir,tama na!"awat ko.
"Akala mo ba hindi ko alam ang kalokohan mo,one year ago,"gigil at mahinang turan ni Sir Nathan at natigilan si Sir,Greg.
Napatingin ako kay Sir,Greg at nag tama ang mga tingin namin nito.
"Tama na 'yan,Nathan!"sabat ni Sir,Greg.
Agad umalis si Sir,Nathan at Sir,Griego. Naiwan kami ni Sir Greg at nagkatinginan,magkasalubong ang kilay nito at padabog na umalis sa harap ko.
Ano kaya ang kalokohan ni Sir,Greg na sinasabi ni Sir,Nathan,wika ko sa isipan.
Patungo na sana ako sa hardin nang tawagin ako ni Brenda,katulong rin gaya ko.
"Hoy,Eunice! Ikaw nga ang mag dala nito sa kwarto ni Sir,Greg. Ayoko mag hatid doon at baka pag balingan pa ako ng galit ni Sir,"wika nito at inabot ang tray na may pagkain.
"Sige,"tugon ko.
Umakyat ako sa kwarto ni Sir,Greg at kumatok,nang buksan nito ay nakita ko hawak nito ang cold compress at dinikit sa pisngi nito,niluwagan ang pinto nito at pinapasok ako. Nilapag ko ang tray sa mesa at binalingan ito.
"Sir,tawagin n'yo na lang po ako kapag may kailangan kayo,"wika ko rito.
"Sandali,"wika nito nang akmang palabas na ako sa kwarto nito.
"Linisin mo muna ang banyo bago ka lumabas."Utos nito at napatingin ako sa banyo.
Nagtungo ako sa banyo at napa takip ng ilong dahil amoy suka ito,agad ko ito nilinis at nang matapos ay lumabas na ako ng banyo. Nakita ko itong nakatayo at nakatingin sa isang litrato kung saan kasama ang buong pamilya nito.
Bunsong anak si Sir,Greg,tatlo silang magkakapatid at puro lalaki. Si Sir,Niel at Sir,Nathan at ito,masungit ito si Sir,Greg at bigla na lang din nagagalit kapag mainit ang ulo. Dahan-dahan ako lumapit rito at nag paalam.
"Tapos na po ako Sir,Greg. Lalabas na po ako,"wika ko at dahan-dahan lumabas.
Nang makapasok ako sa kwarto namin ni Lola ay nakita kong hawak ni Lola ang kwintas na mah pendant na krus. Agad ko ito inagaw at nag salita.
"Lola,bakit n'yo po ginagalaw ang mga gamit ko,"tanong ko at muli tinago ang kwintas.
"Nakita ko kasi 'yang kwintas sa gamit mo kanina,medyo pamilyar sa akin kaya tinignan ko sandali,"wika ni Lola.
"Hindi n'yo na dapat pinakelaman ito Lola,"medyo mataas na boses kong wika rito.
"Aba'y bakit naman,kanino ba 'yang kwintas,"tanong ni Lola at hindi ako sumagot.
Tahimik ako habang nag liligpit ng mga gamit ko hanggang sa muli mag salita si Lola.
"Apo,sayo ba 'yang kwintas na 'yan? Bakit hindi ko naman nakikitang suot mo 'yan,"wika ni Lola at bumaling ako rito na medyo galit.
"Tama na,Lola! Please wag na kayo mag tanong,"wika ko at lumandas ang luha sa pisngi.
"Bakit apo?"mahinang tanong ni Lola.
"Hindi akin ang kuwintas,kundi sa rapist na gumahasa sa akin," sagot ko at naupo sa kama.
Doon ay muli bumalik ang madilim na pangyayari sa akin,mahina akong umiyak habang hagod ng kamay ni Lola ang likuran ko.
Niyakap ako ni Lola at humingi ng tawad sa akin dahil sa pakikialam sa kwintas.
"Apo,tahan na. 'Wag ka na umiyak apo,nasaktan rin ako pag nakikita ka na gan'yan,"wika ni Lola habang yakap ako.
"Lola,hindi ko mapapatawad ang lalaking gumawa ng bagay na 'yon sa akin.. "iyak kong sabi rito.
"Apo,kalimutan na natin ang nangyari. Magsimula ka muli at tapusin mo ang pag aaral mo,"sagot ni Lola at hinarap si Lola.
"Lola,paano ako magsisimula kung gabi-gabi ako hindi pinapata-tahimik ng bangungot na nangyari sa buhay ko!"umiiyak na sagot ko kay Lola.
Matapos ang araw na 'yon ay muli nanumbalik ang pangyayari na iyon sa isipan ko. Sumapit ang gabi at tahimik ako na naghahanda na sa pag tulog nang makarinig ako ng ingay sa labas ng tulugan namin ni Lola. Agad ako lumabas at nagtungo sa malawak na sala ng malaking bahay,tahimik at atay ang lahat ng ilaw sa buong sala hanggang sa meron ako naaninag na tao sa sofa.
Dahan-dahan ako lumapit roon at nakitang meron dalawang taong naghahalikan sa sofa,nanlaki ang mga mata ko at napa atras hanggang sa natabig ko ang flower vase at naglikha ng malakas na ingay.Nag bukas ang ilaw at bumungad sa akin si Sir Greg at katabi nito ang babaeng hindi ko kilala,nalipat naman ang tingin ko mula sa gilid na nagbukas ng ilaw na si Sir Nathan at lumapit sa gawi namin.
"Sino 'yang kasama mo?"baling ni Sir,Nathan kay Sir,Greg.
Hindi sumagot si Greg at inayos ang butones ng suot nito na polo at hinagis sa kasamang babae ang shoulder bag nito.
"Alis na,"baling nito sa babae matapos ihagis ang bag nito.
"Hindi mo ba ako ihahatid,Greg,"sagot ng babae.
"Umuwi ka mag isa,"tipid nitong tugon sa babae at patakbo lumabas ng malaking pinto ng mansyon.
"Hoy,Greg! Hindi hotel rito,"wika ni Sir,Nathan.
"Alam ko,"tipid na sagot nito at akmang aalis pero binalingan ako nito.
"Hoy,palagi ka na lang nakakabasag ng gamit,"baling muna nito sa akin at tuluyan umalis.
Dinampot ko ang bubog pero nasugatan ako,agad naman ako nilapitan ni Sir,Nathan at kinuha ang daliri ko. Kumuha ito ng panyo at nilagay sa dumudugo na sugat ko.