Sky Valerius
“Pre, tell me, bading ka ba?”
Muntik ko nang maibuga ang alak sa bibig ko dahil sa tanong ni Alfred habang nag-iinuman kaming tatlo. Isang malaking himala kasing nakatakas ang dalawang kumag na ito mula sa kanilang mga asawa. Si Trevor kasi ay mas takot pa kay Helena kaysa sa multo, samantalang si Alfred naman ay strict ang anak—hindi basta nakakaalis ng bahay nang hindi kasama ang inaanak ko.
Time moves so quickly. Not long ago, we were practically living in each other's pockets because we spent every day together, but now those moments are rare. And honestly, I'm deeply happy for them. Ganoon naman siguro talaga kapag mahal mo 'yong tao—ikaw ang unang magiging masaya para sa kanila.
At kung alam ko lang na itatanong niya lang kung bading ako, sana nagkulong na lang ako sa bahay. Ang kakapal ng mukha ng dalawang ito! Matapos akong maging bahagi ng buhay-pag-ibig nila, ako ngayon ang ginagawa nilang pulutan.
“Whoa… bading? I doubt it.” Nakita ko pang itinuro ni Trevor ang ibabang bahagi ng pants ko gamit ang nguso niya.
Halos mahulog naman si Alfred sa katatawa nang magkatinginan sila ni Trevor. Natatawa akong dumampot ng nachos na nasa harap namin upang ibato kay Trevor dahil sa pasimpleng pang-aasar nito. Natatawa pa itong umilag habang si Alfred naman ay umaktong parang bakla; binasa pa niya ang kanyang labi at mapungay ang mga matang tumingin sa akin.
“Baby, how much ang hotdog mo?”
Sabay pa naming naibuga ni Trevor ang alak sa mukha ni Alfred dahil sa sinabi nito, kung kaya naman lumikha kami ng ingay at naging center of attention sa mga tao sa bar.
“Asshole! I know you want me, but you can't taste me!”
Napuno ng tawanan namin ang paligid dahil sa kung anu-anong kalokohang naiisip namin na para bang mga bata sa mga sandaling ito. I really missed them…
“Sky… ” tawag ni Trevor sa seryosong tono.
Agad naman akong napatingin sa kanya at tila ba bumalik ang lungkot sa puso ko nang mga oras na 'yon. I know for myself, hindi ko pa rin kayang harapin ang reality. I'm used to avoiding it every single day of my life. Naramdaman ko pang hinawakan ni Alfred ang balikat ko at bahagyang tinapik.
“You can't change the fact that Trina had left… Pre, harapin mo ang katotohanan kahit masakit, kasi ito lang ang magpapalaya sa'yo… ”
Ngumiti ako nang mapait dahil sa sinabi ni Trevor at muling lumagok ng alak saka nagpakawala ng buntong-hininga. If I only knew the fastest way para lang mabura lahat ng sakit, kahit pa milyon ang halaga nito, I would buy it.
“Pre, wala kang laban doon. Mahirap kalaban 'yong sinamahan ni Trina. Pero sa tingin ko naman, masaya na siya.”
Tumango ako sa sinabi ni Alfred at muling itinuon ang atensyon sa alak dahil ayaw kong umiyak sa harap nilang dalawa. Mahaba na rin ang panahon para magmukmok ako, pero until now ay hindi ko pa rin kayang maging okay.
Trina… bulong ko sa aking isip.
“Ingat!”
sigaw ko pa sa kanilang dalawa nang maghiwa-hiwalay kami sa parking lot. Tumawag na kasi si Helena kay Trevor, samantalang si Alfred naman ay hinahanap na ng anak niya.
Natatawa pa ako habang napapailing nang makapasok sa sasakyan. I've never seen them kung paano matakot sa babae, pero everything has changed.
“Poor old men… ” nasambit ko pa habang binubuhay ang makina ng sasakyan. Huminga muna ako nang malalim saka nagsimulang magmaneho pauwi upang makapagpahinga.
“Nay Karen, bakit naman gising pa kayo? Automatic naman ang gate natin kaya hindi niyo kailangang hintayin pa ako. At may susi naman ho ako ng bahay,” nangingiti kong tanong sa kanya nang pagbuksan ako ng main door.
“Aba na bata ka, alam mo namang hindi ako sanay kapag wala ka pa sa bahay. Saka tinatapos ko pa ang K-drama na pinapanood ko. Alam mo bang nalaman na ni Diana na hindi niya totoong asawa si Gilbert! Sabi ko na nga ba, alam kong impostor 'yon!”
Tumawa pa ako sa sinabi niya dahil sa edad niyang 'yon ay mahilig pa rin siyang manood ng mga K-drama na 'yan.
“Oh, sinong totoong asawa niya, Nay? Buhay pa ho ba talaga ang totoong Gilbert?” usisa ko pa sa kanya. Kahit hindi ko pinapanood 'yon, dahil sa kwento niya ay feeling ko updated na rin ako sa plot.
“Naku, malalaman bukas! Teka, kumain ka na ba? Paghahain kita ng adobong manok at atsarang papaya—”
“'Wag na ho, Nay, tapos na po. Magpahinga na po kayo at aakyat na rin po ako sa room ko. Nay, may pupuntahan ho pala ako bukas. May aasikasuhin lang po ako sa Pangasinan. Napag-isip-isip ko na po na ito lang ang paraan para magpatuloy ang buhay ko. Matagal ko na pong pinag-isipan at tama kayo, hindi dapat dito natatapos ang buhay ko.”
Hinawakan pa ni Nanay ang kamay ko at saka ngumiti.
“Anak, maraming magagandang bagay pa ang darating sa buhay mo. 'Wag mong ikulong ang sarili mo sa takot at lungkot. Kung doon gagaan ang lahat sa'yo, gawin mo, at nandito lang ako sa likod mo. Sabi nga ni Adeline, kung dumating man na balutin ka ng dilim ng kalungkutan, aba! Baka kailangan mo lang magbayad ng bill ng kuryente!”
Natawa pa ako dahil lahat na lang ng pinapanood niya ay naisasama niya sa pag-uusap namin.
“This is exactly the coordinates.”
Pakiramdam ko ay para akong dinala sa isang napakagandang paraiso. Isang breathtaking, overlooking view—mula dito sa taas ay natatanaw ang parola. Malayong-malayo sa siyudad na aking kinalakihan. Una kong naramdaman ay kapayapaan sa lugar na ito. Napakaganda. Walang katulad.
Inayos ko ang hawak kong blueprint tube bago ako mabilis na naglakad patungo sa kinaroroonan ng babae na tila nagmumuni-muni habang nakatanaw sa malayo. Mula sa likuran ay nabasa ko ang nakasulat sa kanyang suot na T-shirt: "Iniibig kita magpakailanman Bakery"
Sa isip ko pa, uso talaga sa probinsya ang pagsusuot ng mga ganitong damit, at I'm sure freebies nila sa mga suki nila. At very obvious dahil may bitbit pa itong tinapay.
“Excuse me, Miss? Ikaw ba ang nagbabantay rito? Nasaan ang may-ari ng lupang ito? I need to talk to them! Bibilhin ko kahit triple the price!”
“Hoy! Bago ka magtanong, hindi ba pwedeng mag-Good morning ka muna, Mister?! Ayos ka rin magtanong, ah!”
Pakiramdam ko ay nalaglag ang kaluluwa ko at lumaylay ang panga ko sa lupa nang humarap ang babae! Sa pagkagulat ko ay nabitawan ko pa ang hawak kong blueprint tube. Hindi ko alam kung gutom ba ako, o nanaginip, o na-engkanto?
“P-prank ba 'to, ha? Y-you! A-anong ginagawa mo rito, ha! Explain!” bulyaw ko sa babae na tila nagulat pa dahil sa sigaw ko.
Itinaas niya pa ang kanyang hawak na supot ng tinapay bilang panangga sa akin habang ako naman ay hindi pa rin nababalik sa katinuan. I'm dreaming, right?! It can't be!
Kumagat pa ito sa tinapay saka nagsimula muling magsalita.
“Hoy! Explain your face! Nakaharap mo na ang may-ari ng lupa na ito! Ako si Tala Calderon. Ikaw, sino ka ba, ha? Mukha kang suka sa putla! At para sabihin ko sa'yo, I'm sorry, it's not for sale! Pulutin mo 'yong blueprint tube mo, nahulog na, sayang ang ink!” matapang pa nitong bwelta sa akin.
Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng ulirat dahil sa babaeng nasa harapan ko ngayon at hindi ko alam kung totoo ba talaga ito o imahinasyon ko lang. Pagod sa biyahe? O puyat! Pati ang pagnguya niya ng tinapay ay tila ba naka-slow-mo.
Pumikit ako nang mariin bago muling nagsalita.
“Y-you're joking, right? Who's your doctor? 'Yong mukha mo? How come—hindi mo ba talaga ako kilala? Sky—Sky Valerius… Please!”
Kitang-kita ko pa ang pagkunot ng noo niya dahil tila wala siyang ideya sa mga sinasabi ko.
“Anong doktor? Anong mukha? Lasing ka ba? Natural ang mukha kong maganda! Pa-doktor? 'Yong alipunga ko nga ay hindi na gumaling dahil walang pera, magpa-doktor pa ng mukha? Nagpapatawa ka ba?”
Tila naiinis na rin ito pero wala akong pakialam, gusto ko ng katotohanan!
“Imposible na hindi mo ako kilala! Sky—Sky Valerius—”
Tumawa pa ito nang malakas sabay tingala sa langit.
“Ako si Tala, ikaw si Kalangitan? Ano, bibilhin mo na ba ang ulap para kumpleto tayo? Umalis ka na nga rito, Manila Boy. Hindi ko binebenta ang property ko, kahit magdala ka pa ng pabrika ng semento rito!”
Sabay talikod niya at naglakad palayo sa akin. Naiwan naman akong parang nababaliw.