Chapter 19 "Dude ayos ka lang ba? Mukhang ang lalim-lalim ng iniisip mo?" ngising sabi ni Noah. Kanina pa napapansin ni Noah ang kanyang kaibigan na si Wallace na tahimik pa kanina pa. Nakamasid lang ito sa dagat na para bang pinagmamasdan nito ang malalakas na hampas ng alon sa may dalampasigan. Nandito sila ngayon sa tabing dagat at nag-iinuman. Sa tulong ng mga nakapalibot na ilaw ng poste sa may cottage area at sa liwanag ng buwan ay nakikita nila ang ganda ng dagat ngayon. Kitang-kita ni Noah sa kanyang dalawang mata ang magandang tanawin ng dagat na para bang nakahalik sa liwanag ng buwan. Malamig na rin ang simoy ng hangin na nagmumula sa dagat at malalakas na rin ang mga hampas ng alon sa may dalampasigan. "Pasensya na kayo dude. Hindi naman masyado malalim ang aking ini

