bc

Parte Ng Iyong Mundo

book_age18+
353
FOLLOW
1.6K
READ
billionaire
love-triangle
playboy
prince
student
twisted
bxb
magical world
supernature earth
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Love Between Merman and Human.

Gusto lang ni Aariv na maging parte siya ng mundo ng mga tao. Subaybayan natin ang takbo ng buhay ni Aariv sa pakikipagsapalaran niya sa mga mundo ng mga tao.

Wallace Allerge .... Dagger Leviste ? Sino ang pipiliin ni Aariv na maging parte ng buhay niya?

chap-preview
Free preview
Mundo 1
Chapter 1 "Silas, anak tara na kain na muna tayo," ngiting sabi ni Krisna. "Mamaya na lang ina busog pa po kasi ako," magalang na sabi ni Silas. Gusto na muna maglakad-lakad ni Silas sa maputi at pinong buhangin sa dalampasigan sa bayan ng San Roque. Gusto niyang namnamin ang magandang tanawin na nakikita niya ngayon. Ang asul at mala-kristal na tubig dagat. Ang nakaka-relax na tunog ng hampas ng alon. Ngayong araw na ito ay family reunion nila at naisipan nilang pumunta sa isang beach resort sa bayan ng San Roque. Para dito ganapin ang family reunion nila. "Ganun ba? Sige punta ka lang sa cottage natin kung nagugutom ka na?" ngiting sabi ni Krisna. Napabuntong hininga na lang si Krisna habang nakatingin sa kanyang anak na papalayo sa kanya. Alam naman niya na malungkot ang kanyang nag-iisang anak na babae. Lingid sa kaalaman ng kanyang anak na si Silas ay alam niyang kakahiwalay lang nang kanyang anak sa kasintahan nito. May idea rin siya kung bakit nakipaghiwalay ang nobyo nito. Masyado kasi subsob sa trabaho ang kanyang anak. Para lang suportahan ang pamilya nila. Ang anak lang niyang si Silas ang may trabaho sa kanila. Siya ang nakaisip na pumunta sa isang beach resort dahil noon pa man bata pa lang ang kanyang anak na si Silas ay alam niyang gustong-gusto nito pumunta sa dagat. "Sige po ina maglalakad-lakad na muna ako dito," masayang sabi ni Silas. Sa paglalakad ni Silas sa dalampasin sa beach resort sa bayan ng San Roque ay nakarating siya sa may mga malalaking bato sa dulo ng dalampasigan. Lalo siyang nabighani sa ganda ng lugar. Mabilis niyang inalis ang kanyang suot na tsinelas at nakangiti siyang umapak sa mala-kristal na tubig dagat. Agad niyang naramdaman sa kanyang paa ang malamig na tubig ng dagat. Napapangiti siya tuwing ang alon ay humahampas kanyang mga paa. Bigla na lang siya napakunot noo dahil meron siyang narinig na umunggol. Hindi pangkaraniwang unggol ang narinig ni Silas. Parang ang narinig niyang unggol ay unggol na nahihirapan o nasasaktan? Napalunok na lang siya ng laway dahil bigla siyang nakaramdam ng takot. Ngunit agad niyang binalewala ito. Naisip niyang baka guni-guni lang niya ang kanyang narinig. "A-ang s-sakit," Parang biglang nagsitayuan ang mga balahibo sa buong katawan ni Silas. Rinig na rinig niya na may nagsalita. Boses iyon ng lalaki. Nagkamali siyang guni-guni lang niya ang kanyang narinig na unggol kanina. Naramdaman niya sa boses ng lalaki na sobrang nahihirapan ito. Agad siyang tumingin sa paligid. Hinanap niya sa kanyang mga mata ang nagsalitang lalaki. "S-sino 'yan?" takot na takot na tanong ni Silas. Napapalunok na lang ng laway si Silas dahil sa kanyang narinig. Inihahanda niya ang kanyang sarili sa anuman panganip na haharapin niya ngayon. Humigpit ang hawak niya sa tsinelas sa kanyang magkabilang kamay. Tinitignan niya ang buong paligid kung may tao ba? Naghintay siya kung may sasagot ngunit lumipas ang ilang minuto ay walang sumagot. Bigla na lang siyang napatawa dahil naisip niyang guni-guni lang niya talaga ang kanyang narinig. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Silas. Masyado lang siguro siyang maraming iniisip ngayon. Sa totoo lang ay wala siyang planong sumama ngayon sa family reunion nila. Abala kasi siya sa kanyang trabaho bilang isang manager sa isang fast food chain sa bayan ng San Roque. Buong buhay yata niya ay nagtratrabaho siya para sa kanyang pamilya. Sa edad niyang dalawampu't anim ay maraming trabaho na ang kanyang pinasukan para lang masuportahan niya ang kanyang pamilya. Siya ang panganay sa anim na magkakapatid. Sa anim na magkakapatid ay siya lang ang nag-iisang babae. Siya ang bread winner sa pamilya nila. Isusubo na lang niya ang pagkain ay ibibigay na lang niya sa kanyang pamilya. Isang mapait na ngiti ang lumitaw sa magandang mukha ni Silas. Bigla niyang naisip na siguro kaya nakipaghiwalay ang kanyang kasintahan ay dahil wala siyang oras para sa relasyon nila. Puro trabaho at pamilya ang kanyang iniisip. Wala siyang oras para sa kanyang sarili. Muli sa ikalawang beses ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Pinilit lang siyang sumama ng kanyang ina para raw kahit papaano ay makapag-relax siya. Puro trabaho na lang daw ang kanyang nasa isip. Sa edad niya ngayon ay gusto na niyang lumagay sa tahimik kasama ang kanyang nobyo na ngayon ay ex-boyfriend na niya. Aaminin niya sa kanyang sarili na naiinggit siya sa mga kaklase at kaibigan niya may masayang pamilya na. Sa ikatlong beses ay isang malalim na hininga ang muling pinakawalan ni Silas. Napapikit na lang siya ng kanyang mga mata at ninamnam niya ang preskong simoy ng hangin na dumadampi sa kanyang balat. Dinama niya ang alon na humahampas sa kanyang mga paa. Naisip ni Silas na kahit ngayong araw lang na ito ay alisin niya ang trabaho sa kanyang isip. Bigla na lang siyang napalingon sa kanyang likuran dahil meron siyang narinig na biglang bumagsak. At narinig na naman niya ang isang unggol na parang nasaktan? "S-sino 'yan?" sigaw na tanong ni Silas. Hindi na hinintay ni Silas na may sumagot sa kanyang tanong. Naglakad na siya papalayo sa lugar na iyon. Ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay bigla niyang narinig ang isang baritonong boses ng isang lalaki. "T-tulong! Tulungan mo ako!" Napatigil na lang si Silas sa paglalakad niya dahil sa kanyang narinig. Napalingon siya sa kanyang likuran boses iyon ng hirap na hirap na lalaki. Hinanap niya sa kanyang mata kung sino ang nagsalita at humihingi ng tulong sa kanya? "N-nasaan ka? S-sino ka?" takot na tanong ni Silas. Kahit na nanginginig ang tuhod ni Silas sa takot at bumibilis ang t***k ng puso niya ay naglakas loob pa rin siyang bumalik sa lugar kung saan may mga malalaking mga bato sa dalampasigan. Dahan-dahan siyang naglakad at hinanap niya kung sino ang humihingi ng tulong sa kanya. "N-nasaan ka?" tanong ni Silas. "Nandito ako sa likod ng malaking bato," Napalunok ng laway si Silas sa kanya narinig. Lalo niyang nilakasan ang kanyang loob na pumunta sa likuran ng pinakamalaking bato na kasing laki ng isang kotse. Bigla na lang siyang napatigil sa paglalakad papunta sa likuran ng malaking bato. Dahil biglang pumasok sa kanyang isipan na baka masamang tao ang lalaking nasa likuran ng malaking bato? Baka niloloko lang siya nito? Baka mapahamak lang siya kapag pinagpatuloy niya ang pagpunta sa likuran ng malaking bato. "Tulong! Parang awa mo na kailangan ko ng tulong mo!" Boses iyong ng isang nagmamakaawang lalaki. Napailing na lang si Silas at pinagpatuloy niya ang paglapit sa malaking bato. Hindi niya kaya ng kanyang konsensya kung iiwanan niya ang lalaking humihingi ng tulong sa kanya. Bigla na lang siyang napatili ng makita niya ang isang lalaki na nakahiga sa buhangin na walang suot na kahit anong saplot sa katawan nito. Kitang-kita niya sa dalawang mata niya ang makisig na hubad na katawan nito. Agad niyang ipinikit ang kanyang mata at tatalikod na sana siya ngunit bigla niyang naramdaman na may humawak sa kanyang paa. Hindi niya naiwasan na mapatili sa sobrang gulat at takot. "Aaaayyy! B-bitawan mo ko! Bastos ka! Bitawan mo ako!" sigaw ni Silas. Pinagsisipa at pinaghahampas ni Silas ang lalaking nakahawak sa kanyang kanang paa. Takot na takot siya at nanginginig ang buong katawan niya dahil sa takot. Sobrang bilis na rin ng t***k ng puso niya dahil sa paghawak ng lalaking nakahubad sa kanyang paa. "A-aray! Aray! T-teka! Hindi ako masama! Kailangan ko ng tulong mo! Parang awa mo na!" pakiusap na sabi ng hubad na lalaki. "Bitawan mo ang paa ko! Manyak ka! Bastos ka! Wala kang saplot sa katawan mo! Bastos!" galit na sigaw ni Silas. Nawalan ng balanse si Silas dahilan para mapaupo ito sa buhangin. Lalo siyang nagtitili dahil takot na takot na siya. Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata dahil ayaw niyang makita ang hubad na katawan ng lalaki. Nagsisisi na siya ngayon kung bakit pa siya pumunta sa likuran ng malaking bato. Hindi niya talaga akalain na makakakita siya ng hubad na lalaking nakahiga sa buhangin. "Aray! Tama na! N-nasasaktan na ako! H-hindi ako makalakad. T-tulungan mo ako." muling pakiusap na sabi ng hubad na lalaki.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.8K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.5K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
101.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook