Mundo 2

1171 Words
Chapter 2 "Kumalma ka tao. Hindi talaga ako makalakad! T-tulungan mo ako," pakiusap na sabi ng hubad na lalaki. "Bitawan mo ako! Bastos! Bastos! Manyak ka!" sigaw na sabi ni Silas. Patuloy pa rin sinisipa ni Silas ang lalaking nakahubad na nakahawak sa kanang paa niya. Nanatili pa rin nakapikit ang kanyang mata. Dahil ayaw niyang makita ang hubad na katawan ng lalaki. Takot na takot siyang nagsisigaw. Ngayon lang nakakita si Silas na nakahubad na katawan ng isang lalaki. Kahit ang kanyang ex-boyfriend ay hindi pa niya nakitang nakahubad. "Parang awa mo na tulungan mo ako. Hindi talaga ako makalakad," pagmamakaawang sabi ng hubad na lalaki. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at nakita niya ang nakakaawang itsura ng lalaking nakahawak sa kanyang paa. Napakunot noo na lang siyang nakatingin ngayon sa lalaking nakahubad. Dahil nakahiga pa rin ito sa buhangin. Naisip niyang baka totoo ang sinasabi ng lalaking nakahubad na hindi ito makalakad? Nakiusap siyang bitawan nito ang kanyang paa. Hindi siya kumportable na hawak nito ang kanyang paa. "Bibitawan ko ang paa mo pero pakiusap wag mo kong iwanan dito. Tulungan mo ako makalakad," pakiusap na sabi ng lalaking nakahubad. "S-sige," maikling sagot ni Silas. Parang nakahinga ng maluwag si Silas dahil binitawan ng lalaking nakahubad ang kanyang paa. Agad siyang umatras para lumayo sa lalaking nakahubad. Tinanong niya ang nakahubad na lalaki kung bakit nakahubad at hindi ito makalakad? "A-ah? N-ninakawan ako. O-oo ninakawan ako. Kaya wala akong saplot ngayon tsaka nagising na lang ako na nandito sa dalampasigan at hindi ko magamit ang mga paa ko. Ako nga pala si Prinsipe Harish," ngiting sabi ni Harish. Kailangan na magsinungaling ni Harish para tulungan siya ng taong nasa harapan niya. Matagal na niyang pinagmamasdan ang mga tao sa lupa. Alam niyang mahigpit na pinagbabawal ng kanyang mahal na amang hari na pumunta sa ibabaw ng karagatan. Dahil iniiwasan nila na may makakita sa kanilang tao. Baka huliin o patayin sila ng mga taong makakakita sa kanila. Dahil sa kakaibang nilang anyo. Dahil na rin sa likas na katigasan ng ulo ni Prinsipe Harish lihim pa rin siyang pumupunta sa dalampasigan para pagmasdan ang mga tao. Naaliw siya sa mga ginagawa ng mga tao meron na siyang nakitang kumakanta at sumasayaw. Meron na rin siyang nakitang tumatakbo. Hindi niya maiwasan na mainggit sa mga taong nakikita niya. Gusto rin niyang magkaroon ng paa para makalakad, tumakbo at sumayaw tulad ng mga taong nakita niya. Humanap si Prinsipe Harish ng solusyon para magkaroon ng paa. Nalaman nga niya na ang maliit na batong kulay asul na tinatawag na yatin ang makakapagbigay ng paa sa kanya. Kailangan lang niya makuha ang batong yatin sa kamay ni Tushant ang taga bantay sa batong yatin. Napag-alaman niyang bawal pa lang gamitin ng kahit sinong sirena o sireno ang batong yatin. Dahil na rin sa matigas ang kanyang ulo ay kinausap niya si Tushant sinabi niya rito na pinapakuha ng kanyang amang hari ang batong yatin. Hindi naman siya nahirapan kunin iyon dahil walang pagdadalawang isip na binigay ni Tushant, sa kanya ang maliit na bato na kulay asul. Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Prinsipe Harish agad siyang lumangoy sa ibabaw ng karagatan at pumunta siya sa dalampasigan. Kailangan lang niya ikiskis sa ibabaw ng kanyang buntot ang batong yatin. Ngunit sa hindi niya inaasahan ay sobrang sakit pala ang mararamdaman niya sa unti-unting pagkawala ng kanyang pinaghalong asul at gintong buntot. Pakiramdam niya ay parang sinasaksak ng isang matulis na bagay ang kanyang buntot hanggang magkaroon na siya ng paa. Akala niya kapag nakaroon na siya ng paa ay makakalakad na siya tulad ng mga taong nakikita niya. Ngunit nanghihina at hindi siya makatayo kaya humingin siya ng tulong sa taong nasa harapan niya. "S-sigurado ka ba? B-baka niloloko mo lang ako? Prinsipe Harish, talaga ang pangalan mo?" pag-aalangan na tanong ni Silas. Nakakunot noo siyang nakatingin sa mukha ng lalaking nagngangalang Prinsipe Harish. Hindi maitatanggi ni Silas na napakaguwapo at mestisuhin si Harish. Parang may lahi itong amerikano? Hindi niya intensyon na pagmasdan ang matipunong katawan nito. Mula sa guwapong mukha, hanggang bumaba ang kanyang tingin sa matipunong dibdib ni Harish. Hanggang ang tingin niya ay mapunta sa nakakapanglaway na abs nito. Ngunit agad din siyang tumingin sa ibang direksyon dahil malapit na siyang mapatingin sa ibababang parte ng katawan ni Harish. "Mukha ba akong manloloko? O-oo Prinsipe Harish, ang pangalan ko. Hindi ko talaga magalaw ang mga paa ko. B-baka mababa na naman ang potassium ko?" napapailing na sabi ni Harish. Lihim na natatawa si Harish sa kanyang sinabi dahil ilang beses na niyang narinig ang salitang potassium sa mga taong nakikita niyang nag-uusap sa dalampasigan. Ayon sa mga naririnig niya na kapag bumaba ang potassium ng isang tao ay hindi ito makakalakad. Kaya iyon ang dinahilan niya sa babaeng kaharapan niya ngayon. "Teka, babalik ako. Hihingi ako ng tulong. Hindi naman kita kayang buhatin at para na rin madala ka sa hospital," sabi ni Silas. Totoo ang sinabi ni Silas hihingi siya ng tulong sa kanyang mga kapatid na lalaki para mabuhat at madala sa hospital si Harish. Sa pagkakaalam niya kapag bumaba ang potassium sa katawan ng isang tao ay puwede nitong ikamatay. Tumayo na siya sa pagkakaupo niya sa buhangin. Pinagpag niya sa kanyang kamay ang likuran niya dahil meron itong mga buhangin na dumikit sa kanyang suot na short. "S-sandali lang hindi mo na kailangan pang humingi ng tulong. Ikaw na lang ang tumulong sa akin. Tsaka ano iyong hospital na sinasabi mo?" kunot noo sabi ni Harish. Hindi maiwasan ni Harish na mangamba dahil hindi niya lubusan na kilala ang babaeng nasa harapan niya. Baka imbes na tulungan siya nito ay baka ipahamak pa siya ng babae. Lalo siyang nag-alala para sa kanyang sarili dahil ngayon lang niya narinig ang salitang hospital. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng salitang hospital? "Sira ka ba? Hindi kita kaya at ang laki-laki ng katawan mo! Hindi mo talaga alam ang hospital? Doon dinadala ang mga taong may karamdaman para malunasan ng mga doktor," inis na sabi ni Silas. "P-parang awa mo na wag ka na tumawag ng ibang kasama mo. Tsaka hindi ko naman kailangan na pumunta sa sinasabi mong hospital. Hindi lang ako makatayo dahil mababa ang potassium ko," nagmamakaawang sabi ni Harish. Nakakaramdam na si Harish ng labis na pag-aalala dahil hindi siya pinansin ng babae. Nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad papalayo sa kanya ang babae. Kahit anong tawag niya rito ay hindi ito lumilingon sa kanya. Hanggang mawala na ito sa kanyang paningin. Kailangan na niyang bumalik sa ilalim ng dagat kung hindi ay baka mapahamak pa siya. Sinabi sa kanya ng kanyang kaibigan na wag na wag siyang magtitiwala sa mga tao. Napatingin siya sa kanyang hawak na maliit na bato na kulay asul. Ito ay ang yatin na nagbigay sa kanya ng mga paa. Kailangan ay magkaroon ulit siya ng buntot. Kailangan lang niya isawsaw ang kanyang mga paa sa tubig dagat para muling bumalik ang kanyang buntot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD