Mundo 3

1141 Words
Chapter 3 "Tulong! Tulungan niyo ako!" sumisigaw na sabi ni Silas. Hingal na hingal si Silas na tumatakbong lumalapit sa isang cottage kung saan masayang kumakain ng tanghalian ang kanyang pamilya at mga kamag-anak niya. Kailangan niyang humingi ng tulong para kay Harish baka lalong bumaba ang potassium ng guwapong binata at ikamatay pa nito. "Jusko! Silas! Anong nangyari sa'yo? Napano ka anak ko?" pag-aalalang tanong ni Krisna. Agad siyang lumabas sa cottage upang lapitan ang kanyang anak na babae. "Ina, ayos lang po ako. Kailangan ko lang ng tulong ng mga kapatid kong lalaki. Meron kasing humihingi ng tulong sa akin," pag-aalalang sabi ni Silas. Kailangan na bumalik ni Silas, sa may dulo ng dalampasigan dahil hindi niya maiwasan na mag-alala sa lalaking nakilala niyang si Prinsipe Harish. Hindi siya mapakali hangga't hindi niya ito matutulungan. "Jusko ko naman Silas! Pinakaba mo naman ako akala ko napano ka na? Teka sino ba tutulungan mo bakit kailangan mo pa ang apat mong kapatid na lalaki?" usisa ni Krisna. Napahawak tuloy si Krisna sa bandang dibdib niya dahil sa kaba dahil akala niya ay ang anak niyang si Silas ang napahamak. Tinawag ni Krisna sa loob ng cottage ang apat na anak niyang lalaki. Sinabihan niya ang mga ito na tulungan ang Ate Silas ng mga ito. Napakunot noo na lang siya dahil sa kinuwento ng kanyang anak na si Silas. Meron daw itong nakitang isang hubad na lalaking nakahiga sa buhangin. Hindi raw ito makatayo dahil mababa ang potassium nito. Sinamahan nila si Silas sa may dulong ng dalampasigan kung saan daw nandoon ang lalaking sinasabi ng kanyang panganay na anak. "Ate Silas, sigurado ka ba na dito mo nakita ang nakahubad na lalaking nakita mo?" kunot noo tanong ni Mark Dave. Ang pangalawang kapatid ni Silas. "Oo sigurado akong nandito lang siya kanina. Hindi ko lang alam kung bakit wala na siya?" pagtatakang tanong ni Silas. Tinuro pa ni Silas ang kinalalagyan kanina ni Prinsipe Harish. Sigurado siya na dito niya nakita at nakausap niya si Prinsipe Harish, ang guwapo at matipunong lalaking nakahubad na nakahiga sa buhangin. Napatingin siya sa paligid hinanap niya sa kanyang mata si Prinsipe Harish. Ngunit hindi niya ito nakita. Pinagtatawag at sinisigaw pa niya ang pangalan ng guwapong binata. Pero wala siyang narinig na tugon mula kay Prinsipe Harish. "Ate Silas, mabuti pa ay kumain ka na. Siguradong gutom lang 'yan," ngising sabi ni Chan-Chan. Ang bunsong kapatid ni Silas. "Tama si Chan-Chan, Ate Silas, baka gutom lang 'yan? Impossibleng meron isang lalaking nakahubad na nakahiga dito sa buhangin," kunot noo sabi ni Jepoy. Ang ikatlong kapatid na lalaki ni Silas. Napapailing na lang si Silas sa mga sinasabi ng kanyang mga kapatid na lalaki. Hindi siya gutom o ano pa man? Kitang-kita niya sa dalawang mata niya kanina na meron siyang nakitang lalaking nakahubad dito mismo sa kinatatayuan nila ngayon. Sinabi pa niya sa kanyang mga kapatid at ina na hinawakan pa ni Prinsipe Harish ang kanyang paa. "Ate Silas, tara na balik na tayo sa cottage," ngiting sabi ni Yuan. Ang ika-apat na kapatid ni Silas. Hinawakan ni Yuan ang kamay ng kanyang Ate Silas. Malapit siya sa kanyang Ate Silas kaysa sa tatlo niyang kapatid na lalaki. Sa edad niyang sampong taong gulang ay alam na niya kung ano ang sitwasyon ng kanilang buhay. Kaya pinagbubutihan niya ang kanyang pag-aaral upang balang araw ay siya naman ang tutulong sa pamilya nila. "Yuan, naniniwala ka ba sa akin?" malungkot na tanong ni Silas. Pabalik na sila Silas sa cottage area kung saan nanghihintay na roon ang ilang mga kamag-anak nila. Napatingin siya sa kanyang nakakabatang kapatid na si Yuan. Si Yuan ang mas malapit sa kanya kaysa sa tatlong pang kapatid niyang lalaki. Mas nakaka-bonding niya si Yuan nakikita niya sa kanyang nakakabatang kapatid na magiging matagumpay ito sa buhay. Dahil na rin sa matalino at masipag ito sa pag-aaral. "Oo naman Ate Silas, naniniwala ako sa'yo. Baka sireno ang nakita mo kanina?" ngiting sabi ni Yuan. Kitang-kita niya ang pagkakunot noo ng kanyang nakakatandang kapatid na babae. "Sireno? A-anong ibig mong sabihin?" tatakang tanong ni Silas. "Narinig ko kasi ang usapan ng mga taga rito. May mga kumakalat na balita na may sirena at sireno dito sa bayan ng San Roque. Naisip ko na baka isang sireno ang nakita mo Ate Silas?" ngiting sabi ni Yuan. "Walang ganun Yuan," kunot noo sabi ni Silas. Alam ni Silas na mahilig manuod ng cartoon o anime ang kanyang nakakabatang kapatid na si Yuan. Alam din niyang malawak at malikot ang pag-iisip ni Yuan. At hindi na siya nagtataka kung nagpapaniwala ang kanyang nakakabatang kapatid na lalaki sa mga naririnig niya tungkol sa mga sirena o sireno. Sa panahon ngayon ay impossible na meron ganung uring nilalang sa mundong ito. Samantala sa kalaliman ng karagatan. Nagmamadaling lumangoy si Prinsipe Harish pabalik sa kaharian ng Ekathva. Siguradong hinahanap na siya ng kanyang amang hari at kailangan na niyang ibalik ang batong yatin kay Tushant. Napakunot noo na lang siya ng makita niyang papasalubong sa kanya ang mga kawal ng kaharian na tinatawag nilang Kanu. Mabibilis ang mga paglangoy ng mga ito papalapit sa kanya. Mga makikisig at matatapang ang mga Kanu. Ang mga buntot ng mga ito ay kulay berde. "Mahal na Prinsipe Harish, kanina pa kayo hinahanap ng iyong mahal na amang hari." magalang na sabi ni Kanu Naren. Ang pinakapinuno ng mga Kanu, sa kahariang Ekathva. Kanina pa nila hinahanap ni Kanu Naren ang mahal na Prinsipeng Harish. Pinapahanap ng hari nila ang nag-iisang anak at susunod sa trono nito. Ginalugad na nila ang bawat sulok ng kaharian ng Ekathva ngunit hindi nila nakita si Prinsipe Harish. Lingid sa kaalaman ng kasamahan niyang Kanu. Alam niya kung saan nagpunta ang mahal nilang prinsipe. Alam ng mga taga Ekathva na isang pasaway na sireno si Prinsipe Harish. Dahil na rin anak ito ng hari ay nagagawa ng guwapo at makisig na prinsipe ang nais nitong gawin. "Sige na umalis na kayo. Kaya ko na ang sarili kong bumalik sa Ekathva," inis na sabi ni Harish. Ayaw na ayaw talaga ni Prinsipe Harish na binabantayan siya ng mga Kanu. Kaya niyang ipagtanggol ang kanyang sarili sa mga masasamang nilalang sa kalaliman ng dagat. Naging anak pa siya ng hari ng Ekathva kung hindi niya kayang ipagtanggol ang kanyang sarili. Napapailing na lang siya dahil hindi sumunod sa kanyang utos ang mga Kanu. Isang masamang tingin ang binibigay niya kay Kanu Naren. Nakita niyang medyo lumapit sa kanya ang pinuno ng kawal sa kahariang Ekathva. "Hindi ko kasalanan ito Harish. Inutusan lang naman ako ng iyong amang hari," ngising sabi ni Kanu Naren. "Lagi naman!" inis na sabi ni Prinsipe Harish. Nagpatuloy na sa paglangoy si Prinsipe Harish kasama ang mga Kanu na nasa likuran niya. Naiinis siya sa kanyang amang hari dahil ginagawa siyang bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD