CHAPTER 5

4319 Words
Last day today ng midterm exams, napagkasuduan naming magkakabarkada na manood na mag dinner sa fave BBQ house tapos manood ng movie after. Apat lang kami magkakasama si VM, Nika saka si Yara. Kasi alam natin na magiging busy kami kinabukasan kasi si Nika may practice game sa softball in preparation for the upcoming intrams. Ako naman busy din para sa dance contest saka para sa video coverage na sa department namin nakaassign since mga Mass Comm students kami. Si Yara uuwi daw after ng opening ng intrams, s'ya lang ang 'di mapakali 'pag 'di nakakauwi sa tuwing weekend. Laging rason n'ya namimiss n'ya ang mama saka papa n'ya. Samantalang si VM, sabi n'ya dakilang audience daw s'ya. Nga pala sa aming apat s'ya ang naunang may nanliligaw na. Kabarkada ng kuya n'ya. Kaya hindi na s'ya mabored habang hinihintay kami kasi for sure may bubuntot-buntot na sa'kanya. 'Yun kasi napansin sa'kanya since nagstart manligaw 'yung David na 'yun. Kinabukasan 6:30 am pa lang may kumakatok sa door ng apartment. Tok! Tok! Tok! "Sino ba 'yang ang aga-aga eh!" Nayayamot na sabi ni Nika. S'ya kasi ang naunang nagising at bumangon na rin. Pa pikit-pikit pang naglakad palabas ng kwarto nila ni Yara papunta sa sala para pagbuksan ang kung sino man ang kumakatok sa pinto. "Oh!" Gulat ang mukha ni Nika sa nakita. "David? Ba't ang aga mo? Sino ba ng kailangan mo si AC ba o si VM? Pareho pang tulog mantika ang magkapatid," napapakamot sa batok si David. "Ah, eh. Si VM sana kasi gusto ko s'yang i-surprise kaya may dala akong pang breakfast, kaya ako na ang magluluto okay lang ba?" Spaced out si Nika sa narinig hindi agad n'ya naabsorb ang sinabi ni David sa'kanya instead she stretch her hand in motion to let David enter the apartment. Hinayaan n'ya si David na pumuntang kusina para magluto, tapos pumanhik s'ya papunta sa kwarto namin ni VM. At nang makapasok. "VM! VM! VM!" sabay yugyog sa kay VM na mahimbing na natutulog habang yakap-yakap ang isang unan. "Gising VM! Ano ba?! Nandyan na ang buntot mo! Nagluluto ng breakfast natin!" Biglang gising si VM pati ako naalimpungatan. Sabay kaming napasigaw "Ano?!" Tapos nataranta ang loka dali-daling bumangon at nag ayos. Pinagtawanan namin kasi parang 'di n'ya alam kung ano ang uunahin gawin. Nahihiyang lumabas ng kwarto. Parang tanga! Palakad-lakad tapos sisigaw habang tinatakpan ang bunganga n'ya para hindi marinig sa labas ng kwarto namin. Pulang-pula ang mukha panay ang kantyaw namin sa'kanya kaya mas lalong namumula. After breakfast iniwan ko na sila sa apartment, sumabay si Nika sa akin kasi may practice game daw sila. Ako naman kailangan kong pumunta sa office ng department namin kasi may meeting kami saka tutulong ako sa pag aayos ng mga kailangan para sa video coverage para sa Intrams. By 3pm may practice kami ng dance troupe. Natapos ang araw ng medyo pagod na pero magkasama kami ng mga ka-dance troupe ko papuntang mall kasi bibilhin kami saka nag usapan din namin dun na din mag dinner bago maghiwa-hiwalay pauwi. After dinner nang palabas na ako ng mall around 9pm when suddenly I heard someone's calling my name. I saw familiar faces. Guess who? It's no other than Ali, Jed and Georje, magkasama na naman ang tatlong itlog. Habang malalaki ang ngiti nila Ali at Jed nakatingin lang sa akin ng malamig pa din si Georje. Na, para bang hindi kami nagkaka-usap saka para bang hindi s'ya nasiyahan na nakita n'ya ko. Takte! Alam ko naman na haggardo versosa na ang fes ko kasi madami akong ginawa buong araw sa school. Naka shorts lang ako tapos loose shirt habang nakasukbit sa balikat ko ang backpack ko tapos nakabun ang hair ko, may dala-dala akong paper bag 'yung pinamili namin kanina. "Lui! Kumusta brod!" Tawag sa'kin ni Ali. Yes, you read it right! Brod nga ang tawag nila sa akin kasi hindi daw ako mahinhin para daw akong tomboy kung kumilos. Haler! Sa Kilos lang po. Certified girl po talaga ako. "Ngek! Akala ko naman kung sino nang tumawag sa akin. Kayo lang pala," gulat kong tanong, hindi ko naman kasi inasahan na magkikita kami dito ngayon. "Aba choosy ka pa ah! Sa gwapo naming to aarte ka pa?" sambit ni Jed. "Takte! Oo na, alam ko naman hindi ako sexy at maganda eh! Pero sana man lang 'yung crush ko ang tatawag sa pangalan ko!" pang-aasar ko. "Ay wow! Si Maria Luisa Demiranda may crush na! Nag da-dalaga ka na brod! Congrats!" Kantyaw sa akin na mga balahura kong mga kaibigan. I smirked to them. "Mga kontrabida talaga kayo ng buhay ko 'no! Buti pa hindi na lang tayo nagkita. Kainis kayo!" pikon kong sagot. Nakatitig pa din ng malamig habang nakikinig si Georje sa amin na nag aasaran. Naisip ko may dumi kaya ako sa mukha? Malamang ang dugyot ko na sa itsura ko kasi pawis na pawis ako kanina sa practice namin sa sayaw. Nagbihis lang ako ng shirt bago kami pumunta sa mall. "Hindi naman Lui! Natutuwa lang kami pakinggan na may crush ka na, improving Lui ah, infairness!" sabi ni Ali "Luh! 'Di naman bago 'yan dati pa naman ako may crush ah! 'Ge lang! Grabe kayo sa akin!" Napanguso tuloy ako. Nakakainis talaga bakit ba hindi mawala-wala ang issue na tomboy ako. Pwede pakilagay sa dictionary n'yo ang move on! "Ay, nag ta-tampo na, alam mo hindi bagay eh! Hindi ka kasi pagirl!" pang -aasar pa lalo sa akin. "Alam n'yo sinira n'yo lang ang araw ko! Pagod na nga ako dahil ang dami kong ginawa sa buong araw, tapos ito kayo ngayon, para putaktehin ako!" Sabay lakad ko palayo sa kanila at iniwan, sila habang panay ang tawa ng dalawang mokong. Bwisit talaga nakakahiya kay Georje. "Hoy Lui! Biro lang naman!" sigaw niya. "Please lang pagod na talaga ako!" Sigaw ko pabalik na hindi ko na nilingon nagpatuloy na ako sa paglalakad papuntang sakayan ng jeep, makauwi na nga nang makapagpahinga. Bahala kayo dyan! Manigas kayo! Mamaos kayo sa kakatawag sa akin 'di ko talaga kayo lilingunin. Pinagtitinginan na akong mga tao na nag aabang din ng masasakyang jeep. Kainis talaga! Super bad trip ako pagdating sa bahay nang maabutan kong may nag fe-fencing na naman ng mga sandok. Hay buhay naman talaga oh. Sino pa nga ba eh, si Nika at AC nag aaway na naman kung sino ang maghuhugas ng pinagkainan at pinag lutuan. Naging hobby na yata nilang dalawa ang mag-fencing ng mga sandok sa tuwing silang dalawa ang nakatoka mag-linis at mag-hugas ng kusina pagkatapos kumain. Kaya hayaan na sila, kung dyan sila masaya eh suportahan na lang. I immediate went to sleep after I freshen up. I have still have a lot of things to do tomorrow at school. Ilang days na lang opening na. Gagawa pa kami ng booth para sa department namin, para do'n namin ide-display ang mga featured photos namin for the event. 8am nang dumating ako ng school, nauna akong dumating sa student lounge kung saan ang meeting place namin ng mga ka-major ko, do'n kasi namin itatayo ang booth namin kailangan may malapit ng outlet kasi may mga pasabog kami sa booth pag gabi para dagdag attraction para booth namin. Wala na gaanong klase pwera lang do'n sa mga hindi magparticipate sa intrams kasi most of the teachers, ng mga minor subjects namin pinagawa kami ng term paper para I sa-submit namin pagbalik ng regular classes. So pwede nang hindi pumasok 'yung mga kasali sa activity ng intrams. Sa department namin ginawang project ang video coverage at booth ng mga proof namin kaya totally wala na kaming pasok. Lunch time nang kailangan namin pumuntang mall kasi may kulang para sa mga gagawin namin, kaya kasama ko si Zette classmate ko major at kasama ko din sa dance troupe para bilhin 'yung mga kailangan sa bookstore. Do'n na lang din kami kakain ng lunch, malapit lang naman kaya naglakad lang kami papuntang mall nang biglang nakasalubong namin si Georje. Ano ba naman 'tong tao na 'to bigla-bigla na lang sumusulpot kung saan-saan. Hindi siya nakasmile, nakatingin lang s'ya sa akin kaya akala ko 'di 'nya ako kakausapin. "Lui? Hi," monotone lang ang 'hi' n'ya. Walang ka feelings-feelings. "Uy! Bakit ka nandito? Wala kang pasok?" tanong ko sa'kanya. Meron, kakalabas ko lang para maglunch hinintay ko ang mga kasama ko may dinaanan pa kasi sila." Paliwanag niya. "Ah ganun ba? Si Zette nga pala classmate ko. Zette si Georje friend ng kabarkada ko." Nag 'hi' silang dalawa. Tama ba 'yung sinabi ko kasi ba't parang nakakunot yata ang kilay ni sungit? Bahala na nga. Tapos biglang tahimik. Bago pa kami magkaron ng ugat sa kinatatayuan namin, pinutol ko na ang katahimikan na namamagitan sa aming tatlo. "Sige Georje mauna na kami nagmamadali kasi kami, may inutos sa amin sa bookstore." Tango lang sya. Nang ilang hakbang na ang layo namin sa'kanya. "Lui! Free ka ba later?" biglang tanong niya. Huh? Ano 'yun? Paglingon ko nakakamot s'ya sa ulo n'ya. "Huh?" tanging tugon ko. I can't believe this! Why all of a sudden he ask me? Anong meron? "Kasi may sasabihin sana ako sa'yo. Kung okay lang sa'yo saka kung free ka?" sagot niya agad. Isip Lui. Bigla kasi akong kinabahan at napaisip kung ano ang pag uusapan namin. Tiningnan ko si Zette na para bang nag pa-patulong ako kung ano ang dapat kong isagot. Tinanguhan n'ya lang ako. "Ah, eh, 'di kasi ako sure kung anong oras kami matatapos kasi busy kami para sa preparation namin para sa intrams?" I explained. "Ah ganun ba? Kaya pala hindi kayo naka-uniform," ay talaga napansin n'ya 'yun? Wow ha! "Pwede bang after intrams na lang? Tawagan na lang kita para sure na free ako. Okay lang ba?" sabi ko. "Okay," 'yun lang ang sagot niya. Nagmamadali agad kaming umalis kasi kumakalam na mga sikmura namin saka para makapunta na agad sa bookstore para sa mga bibilhin namin at makabalik na agad sa school kasi 3pm may dance practice ulit kami. 4:00 am nagising ako sa alarm kailangan ko kasing maagang pumuntang school para sa video coverage ng school mass then after parade, tapos opening program after ng parade. Nauna akong umalis sa kanila VM, Yara at Nika kasi mamayang 6am pa naman ang mass. Kailangan kasi nakaset up na kami sa gym nang mas maaga bago pa mag umpisa ang mass. Before 5am nakarating ako ng school nadatnan ko ang mga kasama ko bitbit na nila ang mga gagamitin namin for the coverage pababa sa building namin papuntang gym. Buti na lang nagkasya ang lahat ng gamit ko sa duffle bag na dala ko na nakasukbit sa balikat ko hindi kasi kaya ng backpack ko kaya duffle bag na ang pinaglagyan ng lahat ng kailangan ko, kinuha ko na lang ang ibang gamit na kaya kong mabitbit para naman makatulong. Mamaya ko na isipin kung paano ko mailagay ang mga gamit ko sa quarter namin. May kanya-kanya kasing nilaan na quarter para sa participants para may pwedeng mapagpahingahan, malagyan ng mga gamit saka dun na din kakain. Mabilis ang mga pangyayari. After ng parade ang team namin nagpapahinga sa quarter namin kasi ibang team naman ang naka-assign na magcover sa ibang event. After lunch pa ang sched ng team namin para magbantay sa booth. Excempted ako sa pagbabantay today ng booth since may dance practice kami kasi bukas pa ng gabi ang dance competition na sasalihan namin. Nakatulog kami saglit after kami kumain, free meal kaming mga participants kay no need to go to cafeteria para kumain. After lunch nang nagising kami ng sabay-sabay kami ng mga kateam ko dahil ginising kami ng isa sa mga officer ng department namin para pumuntang booth. Habang ako naiwan sa quarter kasi parating na daw ang nagdala ng mga costume namin para bukas ng gabi, ngayon kasi ang gagawin ang dry run namin with complete costume. As usual, I had a long day. Around 7pm nang magkita-kita kami nila VM and Nika. Si Yara wala na, umiskapo na after the parade para umuwi wala din naman daw s'yang gagawin. Kaya kami na lang tatlo muna. Paglabas namin ng gate, naabutan namin ang grupo nila AC at iba pang kasama namin na mountaineers. Nagyaya sa amin na sabay na lang daw kami magdinner. 'Di na kami nagdalawang isip na sumama kanila since magkakilala naman na kaming lahat. Maingay pero masaya, puno ng kantyawan lalo nang malaman ng lahat na sinagot na pala ni VM si David. Aba ako lang yata ang huli sa balita kasi 'di ako nakakasabay sa kanila ilang araw na. Saka pagka uwi ko sa gabi wala na pagod na kaya borlog na. Tapos ang mga mokong may pustahan kung anong department ang maging champion sa intrams ngayong taon. Hindi ako sumali sa pustahan wala akong hilig sa mga gan'yan. Okay na ako na ako na nakasama ko ang mga mokong na 'to kasi kahit papaano naibsan ang pagod ko. Happy lang walang bitter. Nag inuman ng konti pampatulog lang daw. Oks naman ako do'n. No problem nasanay na akong uminom, but don't get me wrong hindi ako lasinggera minsan lang naman akong uminom kasama ang barkada. Nakikitawa lang ako sa mga kalokohan ng mga lalaki habang may iilang mga babae din sa grupo na sumasali sa kalokohan. Until unexpectedly, napunta sa akin ang attention nilang lahat. Kasi parang biglang may Q&A na naganap. Marami daw ang na-curious sa gender identity ko. Hindi naman ako na-offend kasi hindi na bago sa akin ang gano'ng tanong. Lagi daw kasi nila akong nakikita na hindi nakauniform, usual get up ko daw ang shirt and jeans, no make up and sneakers lang din daw ako. Well, sabi ko. "I am a certified girl/young lady, it's just mas prefer ko lang talaga ang shirt, jeans and sneakers kasi do'n ako comfortable. More on outside the campus na ang pinagawa sa amin ng mga major subjects namin kaya binigyan kami ng priviledge ng admin to wear our most comfortable clothes for our field works." Hiningal ako do'n sa speech ko ah! Akala ko seryoso pa din ang sumunod na tanong 'yun pala... "Good news 'yan para sa friend ko, cheers!" sigaw ni AC tawa naman nang tawa si David sabay naiiling ang kanyang ulo. Hmm, teka I smell something fishy lalo na nakita kong siniko ni VM si David. Ang mga mokong nagsabay-sabay taas naman agad sa mga baso nila sabay sabi cheers! Goodluck friend! Cheers? For what? Parang ako lang naman ang walang alam. Ilang dekada ba ako nawala para maging blind sa mga pinag uusapan nila. "Lui," sabi ni AC medyo may tama na yata. Napatingin ako kay Nika, tingin na nagpapatulong kung pwede sabihan nya ako kung ang nagyayari. Kasi honestly, I am clueless, tapos tinignan ko si AC na tumayo habang nakatingin pa din sa akin. "Lui, magkaibigan naman tayo 'di ba?" nananantyang tanong niya sa akin. "Ano ba namang klaseng tanong 'yan AC! VM! Ano 'to? Anong meron?" Nakangiti lang si VM sa akin saka pailing-iling lang, I get it pinagkakaisahan talaga nila ako. "Maria Luisa 'Lui' Demiranda," sabi pa ni AC parang may gusto s'yang sabihin pero hindi niya tinuloy. "Wow! Kailangan talagang i-announce ang buo kong pangalan? Ano ba kasi?! Alam mo AC lasing ka na, uwi na nga tayo. VM ang kuya mo kalakadkarin mo na nga lasing na 'yan eh! Saka kailangan ko na din magpahinga kasi bukas na ang competition namin!" Napanguso na 'ko, sabay dampot sa bag patayo na sana ako nang magsalita ulit si AC, kasi pangiti ngiti lang si AC tapos hindi makatingin sa akin ng diretso parang batang nagtatago sa likod ng boyfriend n'yang si David. Kainis! "Lui, sandali lang. May importante lang akong sabihin don't worry bukas lahat kami dito we will cheer for you! Para saan pa naging friends mo kami kung hindi ka namin susuportahan sa competition mo bukas." Pampalubag loob niya. Nagsasalita habang nakatayo pa din sa likod ng mga close friends n'ya na kasama din namin sa mountaineering org. Nasa almost 20 yata kami lahat kaya sobrang ingay namin kaya napapatingin tuloy sa amin ang ibang tao. "Ano nga kasi?" Naiirita kong sabi. "Ganito may pustahan kami kung anong department ng magchampion pagkatapos ng intrams right?" pagsisimula niya. "Huh? Ano naman ngayon? Hindi naman ako pumusta? At wala akong balak pumusta kasi hindi ako nagsusugal and FYI ayo'ko ng sugal! Okay?" Lahat sila palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni AC habang nagbabatuhan ng salita. "Oo nga 'di ka pumusta. Pero may ibang bagay akong sasabihin na related pa din sa intrams," sagot niya agad. Clueless at speechless ako, nag iisip kung ano ang punto n'ya. Tinignang ko lang si AC. Tiningnan ko ulit si VM na nasa bandang kaliwa ko na pinagitnaan namin ni David. Siguro kasabwat s'ya dito kasi nagtataka ako kanina kasi himalang 'di tumabi sa amin ni Lanie. Nang tiningnan ko naman si Lanie sa bandang kanan ko itinaas n'ya ang kamay pinapakita na wala s'yang kinalaman. Hay, ano ba kasi 'to? Akala ko mag e-enjoy lang ko kasama ang mga 'to pero nagkamali yata ako, biglang sumakit ang ulo ko sa kakaisip kung ano ang gusto nilang mangyari. Hindi ako nakatiis. "AC, stop beating around the bush! I don't have the power to read what's on your mind. I'm tired and I wanna go home," I groaned because he's so annoying. "Patay na! May nanalo na SOS bros konti lang ang baon kong English baka mag nose bleed ako nito," sabay tawa na nakitawan na din ang kanina pang nakikinig sa aming dalawa. Biglang tayo ang isang barkada nila na 'di ko tanda ang pangalan. "Lui, tatapatin na kita 'wag kang mapikon o magalit sa amin. Andito lang kami kasi kailangan ng tulong ang isang naming bro." pagsabat niya sa usapan. "Uh? Ano naman ang kinalaman ko? I can't help! I am so busy with so many things! Kaya pass," sagot ko agad. "Malaki, kasi hindi s'ya marunong manligaw pero matagal na siyang may gusto sa'yo, kaya lang nag aalangan na lumapit sayo kasi lagi ka niyang nakikitang may ginagawa at parang laging galit. Ang hirap malapitan," I caught off-guard of what I heard. May gano'n? Bakit hindi ko naman yata alam o namalayan man lang ang mga bagay na 'yun? Tahimik ang lahat para bang naghihintay silang may sasabihin ako. Tiningnan ko ang baso na hawak-hawak ko saka ang bote ng beer na nasa harapan ko kung may laman pa ba? Nilagok ko ang natitirang beer sa baso ko tapos sinunod kong iniangat ang bote saka inisang lagukan ang natitirang beer sa bote, pampalakas ng loob sabay inihanda ko ang sarili ko sa posibleng kong marinig. Gustong ko nang matapos na agad ang lahat nang ito. Ang sarap na matulog lalo na't nakainom ako hindi pa naman lasing nakakaantok lang naman talaga pagkatapos kong nilagok ang mga natitirang beer sa baso at bote sa harapan ko. Parang construction worker lang na uhaw-uhaw pagkatapos sa maghapong pagtatrabaho ang peg ko tuloy. Hindi nga kasi ako pa girl. "So, Lui ano masasabi mo?" tanong sa akin nung lalaking nagsalita na 'di ko maalala ang pangalan n'ya, na nagtaas baba ang mga kilay niya habang may ngiti na nakititig sa akin. Marami kasi silang sabay sabay na pinakilala kaya 'di ko matandaan. "Huh? What's your point guys? Straight to the point!" pagsusungit ko pa din sabay inagaw ko ang bote sa harap ni David at nilagok na din. Bahala na si Batman! Pwede naman akong hindi maaga sa school bukas kasi ibang team naman ang nakatoka na magbantay sa booth namin. Saka after lunch pa naman kami required magpakita sa quarter para magprepare para sa competition. "Wala ka bang boyfriend? Pinapatanong ng bro namin," nag aalangan niyang tanong. "Teka, teka. Kanina pa ko pa kayo nahahalata, sino ba kasi ang bro n'yo na 'yan? Bakit hindi s'ya mismo ang makipag-usap sa akin ngayon? Nandito ba s'ya?" naiinis kong tanong. Isa-isa kong tiningnan ang mga kasama naming lalaki tinatantya ko kung sino ba sa kanila. "Ayun! Paano ba 'yan magpakilala ka na bro 'wag kang mag alala hindi naman nanununtok si Lui eh! Kami bahala sa'yo. Narinig mo naman siguro na ikaw ang gusto niyang kumausap sa'kanya. Itayo mo ang bandera natin bro," sabi ni AC habang niyu-yugyog n'ya ang isang kabarkada n'yang namumutla na hindi makatingin sa akin ng diretso. Pinapatayo na nang mga kabarkada nila. Nakayuko parang ano mang oras mahihimatay sa kaba, halatang ang putla n'ya kasi. Kaya ang ginawa ko. Tumayo ako at ako na ang lumapit. Leche lang, ang bading lang kasi! Para matapos na ang lahat nang makauwi na kasi ramdam na ramdam ko na ang pagod at antok. Tumayo ako sa harapan ng mesa katapat n'ya saka ko s'ya tinapik sa balikat. "What's your name? Pasensya na 'di ko matandaan though you look so familiar 'cause if I'm not mistaken, you were with AC when we had our outing at the beach right?" matigas kong sabi. Biglang nag ingay ang lahat, may nagkalampagan sa mesa, 'yung iba sa pinapatunog ang bote/baso sabay sigaw nilang sabay-sabay. Mas lalo tuloy naging maingay ang mesa namin. "'Yun oh!!! Natandaan ka pala! Go bro! Tatayo na 'yan, tatayo na 'yan! Chance mo na 'to bro!" Tumingala s'ya sa akin. Halatang nahihirapang makatayo. Habang ako nakataas ang kilay na nakatitig sa'kanya. "What?" tanong ko habang naka-cross ang mga braso ko dibdib. "If you'll keep on staring at me and remain quite, I'm gonna leave right now. I'm so tired I had a very long day today. I really need to rest now. So, take the chance I'm giving you now. Or else I can't give you any chance anymore," pagmamatigas kong sabi. Para s'yang isang bata na tumingin sa mga kabarkada n'ya at humuhingi ng tulong, samantalang ang mga mokong sumisenyas na patayuin na s'ya. Nang tuluyan na syang nakatayo. "Ah, eh..." sabay kamot sa kanyang batok habang ang isang kamay halatang nanginginig na nakahawak sa dulo ng shirt nya. "James nga pala Lui," nag aalangan pa sya kung iaangat ba n'ya ang kamay n'ya para makapag-shake hands kami. Samantalang ang mga hinayupak sa paligid parang nanood ng pelikula kulang na lang ng popcorn at drinks habang naghihiyawan. Takte talagang buhay na 'to! Nakakabanas para kaming nasa sabungan ang iingay ng mga kasama namin nakakahiya, sobra! Gusto ko na talaga matapos na to at nang makauwi na. I am still crossing my arms in my chest habang tamad na tinignan si James sa harap ko na 'di pa din mapakali. "Paano ka manligaw n'yan, kung hirap ka magsalita?" Hiyawan ulit ang mga hinayupak. Tuwang-tuwa ang mga mokong, mga kyah! 'Lang hiya, tss! "As I've said, 'cause I'm so tired already. I can give you a deal. I just wanna end everything tonight while I still have the energy to stand and talk to you any longer. Let's make a deal. Everyone else here tonight will be the witness. If our department will remain as the overall champion for this year's intramurals, please stay away from me, no further discussion." Mahangin kong sabi. Makapal na ang mukha ko lalo dahil nakainom na medyo tama na ng konti. Natahimik na nakikinig ang lahat. I'm sure hindi nila inasahan ang marinig mula sa akin ang mga salitang 'yun. I don't have enough time to think it over and over. All I want is to get the things over with 'cause I am already super tired and yet now here I felt so exhausted hearing these things from these people. "But if you're department will bag the championship spot then I will be your girlfriend." Parang nabuhayan ng dugo ang lahat muling naghiyawan ang mga hinayupak! "Huh? Ah, eh," tanging tugon niya habang nakakunot ang noo nakatingin sa akin. Halatang gulat na gulat sa mga narinig. "Hep! I'm not finish yet. If you're department happens to be the champion you have to be there in our apartment early morning as you can, then bring flowers with you." Taas noo kong sabi. Because I am confident enough na kami pa din ang magiging champion this year, grandslam kami last year kaya this kelangan lang namin i-maintain 'yun. I turn my back right away hindi ko na hinintay kung ano ang isasagot n'ya. Hindi ko na pinansin ang ingay nila bumalik ako sa inuupuan ko sabay dampot ng bag ko at tuluyan na silang iniwan nang walang paalam. Hindi ko namalayan agad na nakasunod pala si Nika sa akin patakbo. "Lui? Okay ka lang?" tanong niya habang naghihintay ng cab. "Hindi ako okay kasi pagod na ako kanina pa, kung alam na magiging ganito ang mangyayari sana hindi na ako sumama rito maaga pa sana akong nakapagpahinga sa apartrment." "Maniwala ka Lui, hindi ko rin alam na mangyayari ang lahat nang 'to. Wala talaga akong alam Lui. Kaya kanina no'ng tiningnan mo 'ko iling lang ang naisagot ko sa'yo kasi wala talaga akong alam, nagulat din ako." "Okay lang Niks! I understand. No worries," sabi ko na lang. "Lui, pwedeng magtanong?" tanong niya. "Oo naman, ano 'yun?" sagot ko. "Bakit mo sinabi 'yung mga sinabi mo kanina? Sigurado ka na ba do'n?" nagtataka niyang tanong. "Honestly, hindi," diretso kong sagot. "Paano na 'yan alam kong naman na may gusto kang iba?" tanong niya ulit. Hindi makulit ang pagkatao ni Nika pero naintindihan ko siya kung bakit ang daming niyang tanong ngayon sa akin. "Hayaan mo na, if things are meant to happen it will definitely will happened no matter what. But if things are not meant to happen, something different will come along the way." Sabi ko na lang. Wala eh, nasabi ko na. May isang salita akong tao. Kaya kailangan kong ihanda ang sarili ko sa posibleng mangyari sa mga darating na mga araw. Malalim na buntong hininga lang ang naisagot sa akin ni Nika na may pailang-ilang pa. Parang siya ang nahihirapan sa sitwasyon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD