4pm pa lang naka make up na kami lahat mga dancers, punong-puno ang quarters namin kasi magkahalo ang lahat ng mga participants sa department, busy ang lahat sa pag-preprare para mamayang Letirary Musical Night. Nagsimula na akong kabahan para sa performance namin later. Naka-robe na kami para madali na lang ang pagbibihis mamaya. Nasa isang tabi kami ng mga kasama ko. Biglang sumagi sa isip ko ang mga nangyari kagabi nang may sumilip sa pintuan ng quarter namin, halatang ako ng hinahanap buti na lang eh nasa pinakagilid at pinasulok ako nakaupo pero naka angel sit ako sa sahig. Kilala ko 'yung sumilip isa 'yun sa barkada nilang babae. Ayaw ko munang magpakita kahit kanino sa kanila. Kanina nga sa bahay iniwasan ko nga ang mga possible questions nila. As much as possible I want to focus myself for the competition. Pero ang nakakainis kasi talagang bumabalik at bumabalik sa isipan ko ang mga sinabi ko. 'No! For sure kami pa din ang champion this year. Grand Slam nga kami 'di ba ibig sabihin kami ang pinakamagaling at walang makakatalo. Kaya confident akong walang mapapala ang lalaking 'yun. Ano ba naman 'yan kung sino ang hindi ko type s'ya ang nagpaparamdam, 'yung matagal ko ng crush deadma huhu. 'Yung isa ko namang crush grumaduate na't lahat 'di pa din alam na crush ko s'ya and ready na ako magpaligaw. Kainis naman! Buti na lang at friends kami, 'di bale bibisitahin ko na lang ulit s'ya sa station nila kasi isa siyang disk jockey or radio DJ kung tawagin.
"Gutom na 'ko," reklamo ko kay Mitch na nakasandal sa tabi ko, katulad ko rin nakaupo kami sa sahig nakasandal sa dingding.
"Ako nga din eh! Kaso hindi tayo pwede kumain, kahit nga tubig konti lang daw muna baka daw kasi mabibigatan tayong sumayaw sabi ni coach," sagot niya. Super strict kasi talaga ang dance coach namin kailangan talaga sundin namin ang mga rules na binigay kundi malalagot ang hindi susunod.
"Mabuti pa si Zette, mukhang nakaidlip na," sabi ko pa nang malingon kong nakapikit at nakasandal sa upuan.
"'Yan lang ang natutulog na may makapal na make up at naka-robe pa," sabi ni Mitch sabay tawanan naming dalawa.
We are dressed up and we are now at the back stage waiting for our name to be called. Nanlamig na mga kamay namin magkahawak kaming lahat dahil kakatapos lang namin magpray. We then gave a hugged to each other and said goodluck.
"Guys! Don't forget to smile. Ayaw kong may makikita akong nakatingin sa stage or sa kasamahan. Dance with confidence and full gracefulness! This is not the first time na sasayaw kayo sa stage na 'yan, it's not also the first time na may titili sa inyo. As much as possible hayaan niyo lang ang mga sigaw ng audience sa inyo. Presence of mind, avoid wrong execution of the steps and listen carefully sa music para siguradong magkakasabay kayo. Kaya niyong ipanalo ulit ang laban na ito! Nakuha niyo na ito ilang years na kaya alam kong kaya na pa din ngayon! Okay! Chill! Smile, smile! Sige na, go! Go, go! Kayo na ang next form your line faster!" sigaw sa amin ng dance coach namin bago kami tuluyang lumabas sa stage para sa formation namin bago magstart ang music at habang nakapatay pa ang ilaw.
We should win. After the performance from other department, this is what we've all been waiting for. Our time to show what we've got. We entered the stage and form our formation, waiting for the music to play. As the music started, we begun to execute every steps we practiced and mastered for more than a week. We ended our performance with great confidence and with so much grace. We heard a lot of cheers from the audience mostly from our department when suddenly, we heard a different kind of cheer from other department shouting my name. I didn't see it coming but I know who were those people shouting my name. Shocks sobrang nakakahiya! Pwede bang lamunin na lang ako ng stage, as in now na! Bakit namin kasi kailangan pa namin mag pause for a minute for the pictorial kainis naman! Wrong timing! Super bad trip! Pero hindi ako nagpatinag tulad nga nang sabi ng dance coach namin 'wag magpapaapekto sa mga sigaw ng audience.
Ang laking ginhawa para sa akin nang matapos kaming magperform sa stage. Agad kaming nagyakapan lahat right after the performance. Tapos hindi mawala ang pictorial after every performance parang naging tradition na 'yun nilalagay kasi 'yun sa yearbook. Kaya nagbibigay ng 5 minutes na allowance per performer for the pictorial. As soon as the pictorial finished I immediate walked faster as I could, sa sobrang kahihiyan hindi ko na pinansin kung sino ang nilagpasan ko. Kasi todo kantyawan pati ang mga kasama kong dancers sa akin dahil sa narinig nila.
Maraming beses na daw kami nagperform dito sa gym pero ngayon lang daw sila nakarinig na special mention ang name ko. I pretended na wala akong narinig I went to the table to pick up my towel and bottled water. Gusto ko na agad bumalik sa quarter namin para magbihis, kasi aside sa basang basa ako ng pawis gusto ko na ding umiwas sa mga tuksuhan ng mga friends ko sa akin. Buti sinabi agad ng choreographer namin sa gilid ng gym daw kami dadaan palabas kasi mag picture taking daw kami bago magbihis na kasama s'ya this time. Kasi kanina sa stage kaming dancers lang 'yung kinuhanan 'yung final formation namin sa sayaw. After which we headed back to our quarter and agad akong nagbihis.
Hindi na 'ko nag abala pang isuot ang fave sneakers ko kasi sumakit ang paa ko kaya I just wear flipflops, buti na 'to makapagpahinga ang mga paa ko shoes namumula na kasi masyado kaya masakit na. Naka-heels ka namang sumayaw ang sakit kaya sa paa, t*****e. Anyway, oks lang what's important is we did great, walang nagkamali sa amin, na-execute namin ng maayos ang bawat stepping tapos synchronized ang galaw namin kaya for sure kami na naman ang panalo.
"Girls! Bilisan ang kilos bring your things na balik tayo sa gym kailangan ng mga ka-team natin ang support natin." Announcement ng bading na choreographer namin. Kaya bumalik kami at bitbit ko na ang bag ko para akong naglayas hehe. At least hindi naman ako nag-iisa. The program ended late at night. Kaya late na din ang naging dinner namin kasama kong mga ka-department ko. I preferred na sila ang samahan kasi, I'm not ready yet to face and hear some questions from my friends.
"Barbeque tayo! KKB ha!" Sigaw agad ng isang kasama namin.
"O', sige ba!" agree naman na marami pati na rin kami kasi merienda lang ang nakain after kami sumayaw. Meryenda lang ang naprepare ng food committee dahil hindi naman kasali sa budget ang dinner, lunch lang kasi ang kasali.
"Mitch sabay na lang tayo mamaya, cab na lang tayo kasama si Zette pa drop ako sa apartment kasi hassle na kung jeep eh." Sabi ko sa kanilang dalawa habang naghihintay kami sa order namin.
"Mabuti pa nga. 'Yan din ang naisip ko naunahan mo lang akong magsabi," sagot ni Mitch sa akin.
Masaya ang nagin group dinner namin, nagkukkuwentuhan pa saglit bago nagkakayayaang umuwi. At tulad ng napag-usapan nag cab kaming tatlo ako ang naunang bumaba mas malapit ang apartment namin sa pinanggalingan naming kainan. Tapos si susunod na maihatid si Zette since on the way papuntang bahay nila Mitch.
Hindi muna ako nag-isip sa kanila VM kasi for sure same group ang kasama nila kaya iwas muna. I went home na madilim pa apartment namin, panigurado ako na ako ang nauna which is better kasi tulog na ako pagdating nila. Tiyak nag-iinuman pa ang mga 'yun kaya matagal na naman ang uwi noon, ganoon naman kasi ang mga 'yun kapag magkakasama hindi nawawala ang inuman. Buti na lang wala naman ding mga basagolero sa kanila kapag nalalasing na. 'Yun nga lang ang iingay lalo kasi panay patawa na ang usapan o di kaya biruan at asaran. I, immediately landed on my comfort zone which is my bed after I freshen up. I went to sleep easily dahil na din sa matinding pagod.
"Lui? Lui, Lui!" tawag sa akin habang ginigising ako. Kainis naman gusto ko pang matulog eh, wala naman kasi akong maagang gagawin pwede akong mamaya na pupunta sa school para tulungan ang mga classmates kong iligpit ang mga display namin at baklasin ang booth.
"Lui, Lui! May phone call ka daw sabi ni manang," gising sa akin ni VM. I have no choice bumangon na ako nang hindi na tiningnan ang mukha ko sa salamin, I just finger comb my hair at lumabas ng kwarto pumunta sa kina manang yung may ari ng landline at ng apartment na tinitirhan namin. Naka-pajama ang lose shirt lang ako hindi ako nagbihis kasi balak ko pa sanang bumalik sa pagtulog. Pupungas pungas akong bumangon na halos nakapikit pa ang mga mata, ngayon naramdaman ko ang matinding pagod sa mga nakalipas na araw. Talagang antok na antok pa ako saka, parang nanlalanta ang pakiramdam ko.
"Hello?" bati ko pagka angat ko sa receiver ng landline.
"Lui! Si Mitch 'to. Kagigising mo lang?" tanong niya.
"Oo eh! Bakit ba?" pagsusungit ko.
"Sorry naman po. Eh kasi, sabi ni Prof Cruz kailangan daw nating pumunta ngayon kasi may meeting then after magpapakain s'ya kasi masaya daw s'ya sa performance natin last night, gusto niya kompleto tayong mga dancers." Paliwanag niya.
"Huh?" gulat kong tanong.
"Yes Lui, tumawag s'ya ka kay Bernie (dance coach/choreoghrapher) tapos tinawagan ako ng mahaderang bakla pinagmamadali. Siya na din ang nagsabi sa akin na tawagan ko kayo." Dagdag pa niya.
"Ah ganun ba? Ikaw ba papunta na?" tanong ko.
"Yup (popping the 'p') katatapos ko lang maligo at magbihis tapos kain lang ako saglit tapos alis na agad ako. Sige kita na lang tayo sa quarter ah? Malapit ka lang naman eh, baka mauna ka pa sa akin dumating do'n." Sabi ko bago nagpaalam sa kausap.
"Ano ba naman 'yan antok na antok pa ko," pagrereklamo ko.
"Luh! Ako din gusto ko pa sana matulog kaso nawindang ako kanina no'ng ginising din ako ng tita ko," she explained.
"Sige na maliligo na 'ko. Kita kits na lang later," sabi ko.
"Okay thanks! Bye. See you," paalam niya.
Wala na akong nagawa, kundi nagligo at nagbihis na agad. Dahil walang nagluto, oatmeal lang ang kinain ko para makaalis na agad. Fifteen minutes before 9 in the morning nang nakapasok ako sa campus, I went directly to our quarter. Naabutan ko ang ibang kasamahan namin nag uusap ang iba nagtatawanan habang naghihintay na makompleto kami lahat.
"Zette, si Mitch?" tanong ko agad nang makita si Zette.
"Baka parating na 'yun, kasi nakaalis na daw no'ng tumawag ako sa kanila kanina." Sagot niya.
"Ah okay. Si Prof Cruz nakita n'yo na ba?" tanong ko ulit.
"Oo, dito na 'yun galing umalis lang saglit may kukunin lang daw sa office n'ya. Dito na lang daw tayo maghihintay lahat babalik daw s'ya agad." Sagot naman niya.
I sat down beside the window tapos sinandal ko ang ulo ko, akmang ipipikit ko sana nang dumating na si Prof Cruz kasama n'yang pumasok ang ibang kasama namin na kakarating lang. Patakbo din si Mitch na pumasok hingal na hingal na tumabi sa akin. Hindi na kami nakapag-usap kasi nagsasalita na sa gitna si Prof yung department head namin. Nagpasalamat sa effort naming mga nagperform last night tapos niremind n'ya kami ng kailangan present kami tonight para sa awarding. Bago siya umalis sinabi n'ya hinatayin namin ang pinadeliver na pack lunch para sa amin, babalik daw siya kausapin lang syia saglit ng Dean.
After lunch, nasa quarter pa din kami nakahiga kami sa mat pahinga muna saglit tapos maya-mayang konti bababa kami para pumunta sa booth para umpisahang magligpit. Kaming dalawa lang ni Mitch ang magkasama kasi kanina nagpaalam si Zette na bababa pero hindi pa nakabalik hanggang ngayon. Hindi rin naman nagsabi kung saan siya pupunta. Free na kasi kami pero dahil sa pagod mas pinili naming manatili sa quarter at mahiga susubukang makakuha ng kahit konting tulog. 'Yung iba tulog na, 'yung iba bulongan na nag uusap about sa standing namin. May iba din na lumabas dahil sinundo ng mga boyfriend nila, oo na! Sila na ang may lovelife!
Gusto ko sanang makinig kung ano na ang update kaso hindi naman maganda ang mag eavesdropping, kaya hinayaan ko lang I'm confident enough na kami pa din ang defending champion. Grand Slam nga 'di ba! Kaya unbeatable kami!
Around 4pm, nang malapit na namin matapos iligpit ang booth namin. Buti hindi nagparamdam ang mga asungot ng buhay ko para sirain ang araw ko. Madalas pa namang nakatambay 'yung mga 'yun dito sa student lounge. Ayaw ko muna kasi talagang isipin muna ang kung ano ang mangyayari after intrams.
Dumating bigla si Mitch kasama si Zette na halatang galing sa pag iyak, kasi kitang kita sa mga mata niyang puffy saka namumula. Naging close kaming tatlo kasi aside sa magka team kami classmates na din kami sa lahat ng major subjects namin. Actually, may dalawa pa kaming ka-close kaso parehong tamad ang mga 'yun hindi sumasali sa extra-curricular activity. Mas preferred noon ang maglakwatsa kasama ang boyfriend hindi kasi same school ang mga boyfriend ng dalawang 'yun.
"Zette?" tinitigan ko na sya na nakataas ang kilay ko, ibig sabihin nagtatanong ako kung ano nangyari.
"Wala ka bang gawin after this?" Si Mitch ang nagsalita, natingin lang sa table si Zette, walang imik.
"W-Wala naman. Bakit?" nauutal kong tanong habang hindi ko inaalis ang tingin ko kay Zette.
"Okay lang ba na magpasama kami ni Zette sa'yo?" nag aalangang tanong ni Mitch.
"Huh? Sa'n ba? Ano ba kasi ang nangyari?" sunod sunod kong tanong.
"Maya na lang natin pag usapan, 'yung tayo lang," sagot ni Mitch sabay lingon kay Zette.
"Okay wait lang, magpapaalam lang ako kay Blue, alam mo naman 'yun mainitin ang ulo. 'Kala mo naman ang dami niyang ginawa eh, utos lang naman nang utos porket leader eh!" agad akong umalis sa harapan nila puntahan sa kabilang mesa si Blue ang laging HB na leader namin. Tss!
Buti naman pumayag ang si Blue na umalis na kami kasi wala naman nang gagawin. Sila na daw ang magbubuhat nung mga gamit na nakalagay sa box. Basta balik daw kami tonight para sa awards night.
I have no idea kung saan kami pupunta ang sa akin lang naman kailangan ko silang samahan kasi I can feel that they need some help from a friend. And I'm glad that Mitch approached me, meaning mapagkakatiwalaan akong tao. Naglakad lang kami papunta sa likod ng school campus, makitid ang dinadaanan namin. Pero pagdating sa dulo ng maliit na eskinita maluwag pala maraming bahay pero maliliit lang naman gawa sa kahoy kalimitan.
Pumasok kami sa ilang maliit ng tindahan na may mga mesa sa loob halatang kainan. May mangilan ngilan na mga studyante doon nag iinuman, may iba pamilyar ang mukha pero mas madami ang 'di ko kilala. Safe naman siguro dito kasi di naman siguro kami dadalhin ni Zette dito kung delikado ang lugar na 'to.
Alam na this, iinom si Zette tapos sasabihin n'ya sa amin kung ano ang problema n'ya. Putakte mukhang mapapalaban na naman yata ako sa inuman nito! Hapon pa lang ah! Malabo na kaming makapunta mamaya sa awards night kasi hindi kami pwedeng pumasok ng school na amoy alak at amoy yosi.
Nakiramdam lang ako, ayoko namang kasing pangunahan si Zette. Tinitignan ko lang s'ya habang binubuksan n'ya ang bote ng red horse at nagsalin sa tatlong baso. Agad n'yang inubos ang laman ng baso niya at nagsalin muli, tapos ininom n'ya ulit. Nakatingin sya sa amin ni Mitch habang nilalapag ang baso n'ya.
"Pasensya na ah? Nakaabala ako sa inyo kailangan ko lang talaga ng makakasama ngayon eh, ang sakit sakit kasi..." humihikbi na siya ang lalaki ng butil ng mga luha n'ya na nag uunahan sa pagdaloy sa kanyang pisngi mula sa kanyang mga matang puno ng hinanakit. Walang nakaimik sa amin. Hinayaan lang namin syang magsalita.
"Ginago niya ako! Pinaniwala niya ako na mahal na mahal niya ako! Kingina! Dalawa pala kami! Gago talaga siya 'di ba! Ang mas masakit buntis pa 'yung babae saka naka-set na pala ang kasal nila next month!" mas tumindi ang pag iyak ni Zette.
"Sinayang ko lang pala ang dalawang taon na inaalagaan ko ng mabuti, akala ko siya na talaga. Kinginang buhay 'to!" sinabunutan niya ang sariling habang sinasabi ang mga katagang 'yun.
Nagulat ako sa mga narinig, hindi ko inakala na darating ang ganitong sitwasyon na makikita ko si Zette na wasak na wasak. Naaawa ako pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Napainom na lang ako kasi di ko inakala na ganito katindi ang pinagdadaanan ng kaibigan ko ngayon.
Nakilala ko kasi si Zette na masayahin at palabiro, mahilig kumanta. Carefree kasi ang personality niya. Talented pa kaya nga sikat sa campus dahil sa gandang boses niya saka magaling din sumayaw, kaya mas naging close kaming tatlo nila Mitch kasi aside from magkaklase kami magkakasama din kami sa dance troupe. Naaawa man ako kay Zette pero wala akong ibang pwedeng gawin kundi pakinggan s'ya at samahan s'ya dahil kailangan niya ng kaibigan na nakakaintindi at handing makinig sa mga hinaing niya at mga hinanakit na walang panghuhusga.
"Tama 'yan Zette, ilabas mo lang para kahit paano gumaan ang pakiramdam mo. Andito lang kami ni Mitch para sa'yo," tanging lumabas sa mga bibig ko.
"Inom tayo! Ako bahala! Basta 'wag n'yo lang akong iwan ah? Panatag kasi ang loob ko sa inyong dalawa kaya sa inyo ko gusto magshare," sabi niya habang humihikbi.
"Ilang linggo na kasi kaming hindi nagkakasama kasi pareho kaming busy, naintindihan ko naman kasi hindi naman kasi madali ang pagiging SSG President niya. Tapos idagdag mo bang graduating siya kaya hinahayaan ko lang ang mga rason niya. Saka busy din tayo hindi rin naman siya kailanman nag de-demand sa akin ng time. Gano'n din ako sa'kanya kasi kapag nagtapat naman ang free time namin pareho, bumabawi naman kami sa isa't-isa." Pag-uumpisa niya. Walang kumibo sa amin, hinayaan lang namin siyang magsalita para kahit papaano maibsana ang bigat na nararamdaman niya.
"Pero lately kasi may napansin ako sa'kanya na kakaiba, hindi na nga kami madalas na magkasama pati sa tawag ang dalang na din. Kapag ako naman ang tumatawag lagi siyang wala kasi nasa school pa raw o 'di kaya maaga daw umalis papuntang school, nagtataka ako kasi hindi ko na siya naabutan sa bahay nila. Sinadya ko siyang puntahan sa SSG office kahit hindi ko gustong pumunta do'n dahil ayaw kong maging headline sa chimis hindi raw gaanong pumupunta do'n." Pagpapatuloy niya.
"Noong minsang tinawagan niya ako ang sabi niya hindi daw kami pwedeng magkita sa araw na 'yun kasi may meeting sila mga SSG Officers, kaya sinubukan kong pumunta doon baka sakali makita ko siya kahit saglit. Pero pagdating ko sa office, ang Vice Presedient lang daw umano ang magpreside ng memeting kasi hindi daw siya makakarating tumawag daw para ipaalam. Kaya nakapag-isip ako na pupuntahan ko na lang sa bahay nila para malaman ko kung ano ang totoo. Kasi ilang araw na pala siyang absent sa mga klase niya, nakasalubong kasi ang isa sa mga classmate niya tapos tinanong ako kung ano ang nangyari kay Jude. Hindi ako nakasagot kasi ako mismo na girlfriend niya hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa'kanya." Dugtong niya, habang patuloy sa pag iyak.
"Kanina nakapag-decide na ako na puntahan muna siya sa bahay nila bago ako di-diretso sa school kasi hindi naman kailangan na maaga tayong pumunta. Eh kaso biglaan tayong pinapunta para dahil kay Prof Cruz. Kaya kanina no'ng biglang akong nagpaalam na baba hindi ko sinadyang kong hindi sabihin kung saan ako pupunta. Pumunta ako sa kanila para alamin ang kalagayan niya pero hindi ko siya nakausap, kasi wala daw siya sabi ng mama niya. Ang mama niya ang kumausap sa akin, nakikiusap na layuan at kalimutan ko na daw ang kung anong meron kami ng anak niya. Kasi malapit na daw ikasal si Jude sa kababata niya at buntis ito. Naglayas daw si Jude dahil nagkasagutan sila ng papa niya at nasuntok siya ng papa niya sa tindi ng galit na nakabutis tapos ayaw daw ito panagutan. Pero ang sabi ng mama niya no'ng isang araw umuwi na raw si Jude sa kanila dahil walang nagawa nang hinatid ng tito niya, kapatid ng mama niya." Pagpapatuloy niya.
"Hindi ko inasahan na matatapos ang dalawang taon na pinagsamahan naming dalawa sa ganitong paraan. Akala ko talaga kami na hanggang sa huli kasi may usapan na kami eh. Akala ko totoo ang mga pangarap niya para sa aming dalawa, 'yun pala hindi para sa akin ang mga 'yun." Sabi niya habang tuloy-tuloy sa pag-iyak.
Huminto siya sa pagsasalita tapos nagsalin ng beer sa baso niya. Pati ang baso namin ni Mitch sinalinan niya. Kaya sabay naming ininom ang beer na sinalin ulit ni Zette para sa amin ni Mitch. 2nd bottle, 3rd bottle, 4th bottle... shocks! Hindi ko nabilang kung ilan pa ang mga sumunod basta ramdam ko lang may tama na ako. Lalo na si Zette na ginawang tubig ang pag inom sa beer. Medyo lasing nako pero mas lasing na lasing na si Zette kasi mas madami syang ininom sa amin. Nagkalat na din ang mga balat ng tsitsirya.
"Salamat sa pagshama niyo sha akin dito, *hik* mga fwends ko talaga kayong tunay. Shabi ko na nga ba na maashahan ko sa orash ng ganito *hik*. Inom pa tayo, dagdagan pa natin 'to. Ako ang bahala *hik*! Alam niyo sha totoo lang hindi ko alam kung paano magshimula *hik* at paano ako magshishimula na hindi ko na shiya kashama *hik*. Ang dami kong gushtong itanong sha kanya pero ayaw niya magpakita sha akin *hik*. Ano bang gushto niyang mangyari *hik*, na aasha pa rin ako na okay kami kasha wala shiyang shinabi sha akin *hik*? Anong akala niya sha akin walang utak *hik*? G*g* pala shiya eh! Gagawa-gawa shiya ng kalokohan hindi naman pala niya *hik* kayang panindigan hik ang matindi pinaasa at niloko niya ako nang to the highesh level *hik*! Ganoon ba ko ka tanga para hindi ko naiship na niloloko na pala niya ako *hik*? Pagsasalita niya na halatang sobra na sa kalasingan. Halos magkanda basag basag na ang bote at baso dahil hindi na niya kayang kontrolin ang mga kilos niya. Pati sa pagsasalita niya wala na sa ayos, nakasandal na siya sa mesa halos kalahati ng mata niya nakapikit na.
Hindi ko na napansin kung ilang bote ang naubos namin. Pinasakay ko na sila ng taxi kasi sabi ni Mitch sa kanila na lang daw magsleep over si Zette. Habang ako naman sumakay na din ng taxi pauwi sa apartment. Hindi ko na din tinignan kung anong oras na ako dumating sa apartment, mag-isa pa lang ako malamang nasa school pa sila para manood ng awarding. Hindi ko na namalayan na nakauwi na sila, ni hindi na nga ako nakabihis eh.