The following morning. 6:30am nang nagising ako sa ingay hindi ko alam kung bakit may ibang boses sa may sala. Pinikit ko ulit ang mga mata ko matapos kong i-check ang oras sa alarm clock, hindi ako nagpa alarm I just checked the time kasi wala namang dahilan para gigising ako ng maaga. Saka isa pa gusto kong bumawi sa pag tulog. Una dahil sa ilang araw ng sobra ang pagod kong nadanasan, at pangalawa, dahil sa hang over. I'm just wondering why ang aga nagising ng mga kasama dito sa bahay, wala namang pasok today coz it's Saturday.
Ang ingay nila, don't they realized that they disturbed me while sleeping? My head is throbbing in pain, s**t! Hangover it is! Bigla kong naisip si Zette, kumusta na kaya 'yun? Sana makarma ang g*g* n'yang ex, kawawa ang kaibigan ko. I just wish maka get over agad si Zette. Kasi nakikita ko at nararamdaman ko kung gaano siya nasaktan sa nangyari sa kanila ng ex niya. Sobrang mahal na mahal niya kasi kaya ganoon na lang siya ka basag nang binitawan siya bigla ng ex niya.
Ang sakit talaga ng ulo ko, saka nauuhaw ako. Pero nanaig sa akin ang pagod kaya ipinikit ko muli ang aking mga mata nang...
"Lui, Lui! Hoy, gising!" sabi sa akin ni VM ang kulit din na babaeng 'to!
"VM! Please let me have more sleep for Christ's sake! I felt so tired and I have hangover!" reklamo ko sabay takip ng unan sa mukha.
"Wow at ini-English mo pa talaga akong babae ka! At bakit ka ba kasi naglasing? At saka bakit wala ka kagabi sa awarding? Ang saya ng mga kasama mo sa dance troupe no'ng tinanggap nila 'yung trophe n'yo. Pero konti lang sila?" sunod-sunod niyang tanong.
Ayan na naman si lola VM nagtatalak na naman po s'ya. Gan'yan 'yan eh! Daig pa n'ya ang nanay ko kung magtanong.
"Sinamahan ko lang si Zette saka si Mitch. Bakit ba?" Pag maldita ko sabay takip ng unan sa mukha ko.
"Lui! Sorry hindi ka na pwedeng bumalik sa pagtulog, may bisita ka naghihintay sa sala," sabi niya habang hinihila ang unan na nakatakip sa mukha ko.
"Pakisabi kung sino man 'yan, masakit ang ulo ko dahil may hangover pa ako. Bumalik na lang kamo mamaya. Utang na loob gusto ko pang matulog kasi napagod ako masyado sa these past few days. I hope you understand," paglitaniya ko.
"Lui! Hindi 'yan ang sinabi mo no'ng gabi nakipag-deal ka. Nagka-amnesia ka ba?" tanong niya.
"What???" Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung ano ang ibig sabihin ni VM.
"s**t, s**t, s**t! I'm trapped now! Am I?" napaupo ako bigla saka tulalang nakatitig kay VM na nakahalukipkip habang nakatayo sa harapan ko, tumatango tango pa. Putakte talaga!
"Sis, does it mean we lost the championship?" paninigurado ko.
"Yep," popping the "p" napahilamos ako bigla ng dalawang kamay ko. Sagot niya.
"Why? How?" dugtong kong tanong.
"Kasi po, kahit panalo kayo sa Literary 'di pa din kayang habulin ng points nito ang lamang ng department nila. Talo kasi tayo sa takraw and volleyball." paliwanag ni VM.
"s**t! This can't be! I was confident kaya ako nakipag-deal. s**t!" nasabunutan ko tuloy ang sarili ko.
"Well, sorry sis you have to accept the reality. Kaya if I were you come on, fix yourself and harapin mo na s'ya kanina pa 'yan sa labas kasama si David."
And with ther last words, she went out from our room. Habang ako padabog na tumayo at inayos ang kama ko. Saka nagsuklay gamit ang kamay ko. Hindi ako madalas gumamit ng suklay, 'pag bagong paligo lang ako. Nagbihis na din ako ng shorts and lose shirt, that's the usual me. Saka ako pumuntang CR para maghilamos at magtoothbrush, for sure amoy alak pa 'ko leche ang aga naman kasi! After I did my morning ritual, dinaanan ko lang sila papunta akong kitchen para magtimpla ng kape bago ko sila haharapin.
"So?" sabi ko habang bitbit ko ang mug kong may mainit na kape.
I just remain standing wala akong balak umupo kasi ayo'kong makatabi kahit sino sa kanila. Katahimikan ang namagitan. 'Di tulad kaninang maingay no'ng hindi ako lumabas ng kwarto. I sipped my coffee waiting for someone to talk pero nakatingin lang sila sa akin lahat.
"What? Have you seen a ghost?" I asked them sarcastically.
"Come on. Nagising ako sa mahimbing kong tulog dahil sa ingay n'yo tapos ngayon I am here infront of you asking you, but I got no answer. Just a heads up, guys, I am now in bad shape. I have a hangover," pagmamaldita ko.
And with that, AC tried to speak pero nauutal.
"K-kasi Lui, uhm..." sabay tingin kay James na katabi ni David.
"Okay, I get it! You're here for the deal, right?" I looked straight to James eyes while he can't look at me directly. I see he has a bouquet of roses. I'm impressed saan naman kaya nya nabili ang bouquet na kay aga-aga pa.
"What now? Why are you here in the first place, if you don't want to speak?!"
Medyo tumaas na ang boses ko, obviously I'm annoyed.
"Hey! Chill ang aga pa sis!" sabay tumayo si VM at lumapit sa akin saka inakbayan ako.
"James, ano na? Bakit ka natameme dyan? Kanina lang ang daldal mo!" sabi ni VM.
"Can you please leave us?" naisip kong kausapin s'ya na kami lang, may gusto akong linawin. Buti naman iniwan nila kami agad. Sinabi ni VM na bibili lang daw sila ng breakfast, kaya nagpabili na lang din ako. Tahimik ang buong bahay pagkasarado nila ng pinto, tanging tunog ng e-fan ang maririnig.
Ako na ang nag initiate para matapos agad ang usapang ito. Napasubo tuloy ako sa kalokohan ko, kung bakit ko ba kasi naisip 'to? Para akong kumuha ng bato at ipinukpok sa ulo ko. I drank my coffee and finished it. I put down the mug on the table then looked at him.
"James, right?" he nodded.
"Look, we know that this is only a deal, okay. I know how to keep a word, papanindigan ko. But please take note, don't expect me to treat you like other lovers 'cause we're not. In the first place, I am waiting for someone I liked. I hope everything's clear now, between us." I know I'm rude now, but I am just being honest alright? But it's better this way than to pretend. I don't want him to expect anything from me.
"So..." I stretch my hand towards him for handshake, it startled him, I know.
"I just want to be formal. I know you see me rude right now, pero may isang salita naman ako. I'm Lui and I accepted that you won. Let's be casual anyway. Is that fine with you?" he nodded again.
And with that, I left him and went to the kitchen to get some water. When I heard na pumasok si VM kasama ang buntot n'ya, este si David. After naayos ang food, sabay na kaming lahat na kumain. Nagkakulitan na para bang walang nangyari kanina lang. Buti na lang medyo naging okay na ang naramdaman ko after I took med for my headache dahil sa hangover.
Si VM and her buntot na ang nag-volunteer na maghugas sa pinagkainan namin at maglinis sa kitchen. After which, nakatunganga lang kaming lahat sa tv nang biglang naisip ni AC na manood kami ng sine. Nag agree naman ang lahat. Peace nga pala sila AC and Nika this time kasi hindi sila ang naka-toka sa kusina.
Nakapila ang mga boys para bumili ng ticket "Saving Private Ryan" ang panonoorin namin kasi natalo kaming girls sa bato-bato pick. Binigay ko ang bayad ko kay James kaso he insisted na s'ya na daw ang magbayad, naasiwa ako kasi hindi ako sanay. He doesn't have to do it anyway, I can pay for my own. And I know pareho kaming studyante kaya ayo'ko sana, kaso mapilit s'ya.
Since, we have enough time bago mag start ang movie, we went down to buy some chips and drinks. This time, I insisted na hati na kami or else hindi ko kakainin ang bili n'ya and I will buy for myself instead. Wala s'yang nagawa, saka infairness, medyo naging madaldal na s'ya. May sense naman siyang kausap, may pagka-bully lang talaga s'ya. No wonder same feather flocks together, mga bully kasi ang circle of friends nila AC. Magaan naman s'ya kausap, infairness.
Naikwento n'ya sa akin na unang kita pa lang daw n'ya sa akin, astig daw ako tingnan, saka parang laging handang manggulpi daw ako. Natatawa na lang ako sa'kanya, iba daw kasi ako sa mga babaeng nakilala at nakasama n'ya. Tapos never pa daw n'ya ako nakitang naka-uniform kaya astig daw talaga.
Everything went well, nag early dinner muna kami bago umuwi. Ang kulit lang kasi ayaw paawat nilang dalawa ni David inihatid talaga nila kami. The following day, I woke up badly kasi inatake ako ng migraine. Ito na siguro ang resulta ng sobrang stress ko lately. Pag ganitong ang nangyayari hindi talaga ako nakakausap kasi matindi talaga ang sakit na nararamdaman ko, tapos ayo'kong may ilaw kaya I preferred to cover my eyes. Worse sumusuka pa talaga ako dahil sa sakit. Nawawalan din ako ng ganang kumain. Almost lunch time nang marinig kong may ibang boses sa may sala, kakapasok ko lang sa kwarto galing CR kasi sumuka ulit ako kahit halos wala na naman akong mailabas na.
Kanina pa kasi ako pabalik-balik sa CR, nanghihina na talaga ang pakiramdam ko. I already took the last caps of advil pero wala pang effect, dahil siguro na panay ang suka ko tapos hindi pa ako kumain. VM entered in our room, naabutan n'ya si Nika na nakaupo sa gilid ng kama ko. I know they both worried about me even if this is not their first time to see me in this kind of situation. VM informed us, dumating daw si James and David kasi magyaya sana na magsimba. And ending sila ang lang ang nagsimba naintindihan naman nila ako, pero nagpaiwan si Nika and James para daw may kasama ako.
Buti na lang talaga nagpaiwan si Yara kasi s'ya ang pinasagot ko kasi tumawag ang katulong ng may ari ng apartment na may phone call daw ako. Surprisingly, it was Ali nagyaya daw na lumabas kasama daw nila si Georje. Yara informed them about my kaya hindi ako pwede. Gusto sana nilang bumisita kaso Nika knows I don't like to talk to anybody while I am in this kind of state. Buti na lang hindi naman daw nagpumilit.
Monday came, back to regular classes, kaya as usual I woke up 6:00 am, kasi 7:15 am ang first class ko. Ako ang unang umaalis pag MWF pero kasabay ko si Nika tuwing TTH. Thanks, God! Naging maganda naman ang pakiramdam ko kaya balik na sa dati I attended my morning classes. Sa lunch time may nadagdag na kaming kasama mag lunch kasi nakisabay na sa amin sila David plus si James. Naging putok agada ng balita sa mga kasamahan namin sa mountaineering org kasi syempre madami din naman silang nakarinig nung pagsabi ko no'ng gabing nagka-inuman kami after dinner. Deadma na lang, as if wala na lang akong narinig kasi ako ang talo 'pag mapikon ako, better yet pabayaan sila sa mga kantyaw nila magsasawa at mapapagod din ang mga 'yan.
Hindi kami magkasamang uuwi sa hapon kasi gabi na natatapos ang klase ni James, after lunch kasi ang start ng klase n'ya. Mas gusto ko din kasi magagawa ko pa din ang usual kong routine. Past 6 pm na ng lumabas akong ng campus, patawid na ako nang may tumawag sa akin. There, I saw my friends no other than Ali and Jed with Georje, ang tatlong itlog. Lumapit sila sa akin nangamusta sa akin saka nagyaya na sabay daw kami magdinner, treat daw nila. Pambawi ko daw kasi matagal daw akong busy at hindi nagparamdam sa kanila. Nagtataka ako kasi 'di naman sila ganito dati. Actually, lately lang sila constant na nagpaparamdam simula no'ng nagkakilala kami ni Georje. Ano ba kasing meron?
Well, aaminin ko medyo kinilig ako kasi kahit stiff, s***h, cold emotionless and boastful si Georje, eh crush ko s'ya matagal na. Eh bakit ba, 'yung tipo kasi n'ya ang gusto ko tall, dark and handsome. May bonus pa, good dancer. Minsan na kasi akong nakapanood sa group nila na nagperform kasi naging back up sila sa isang sikat na singer. Do'n ko nalaman na 'yun pala ang racket nila, maganda naman daw ang bigayan nakakasama pa nila ang mga sikat. Bakla ang manager nila.
Pero infairness naman sa kanila lahat sila nag aaral, yes naipakilala na kasi nila ako sa ibang mga kasama nila. Cool naman silang kasama saka 'pag sila kasama nakikita kong tumatawa si Georje and saka nakikipagbiruan. Pero kahit tumatawa s'ya may still makikita mong may nakatagong lungkot sa'kanyang mga mata. After naming kumain ng dinner nagpaalam na sa amin ang dalawang mokong kong kaibigan kasi uuwi pa daw sila sa homwtown namin. Samantalang kami ni Georje, napagpasyahan naming maglakad lakad muna habang may pag uusapan daw kami.
"Lui? May itatanong ako, sana 'wag kang magalit ah?" nag aalangan nyang tanong.
"K, fire away!" maikling sagot ko.
"May boyfriend ka na ba? S'ya ba 'yung nakita namin na kasama mong nanood ng sine?" tanong niya.
"Huh? Teka! How did you know?" Nanlaki ang mata ko sa narinig. s**t! Bakit nakita pa niya, huhu kainis naman! Ano 'yun may pagkadetective ba 'yang taglay?
"Ah... No! It's not what you're thinking. I mean, may usapan kaming magkita nila Jed and Ali that time kasi yayain ka sana naming manood kaso when we called you, lumabas daw kayo. Then accidentally, we saw you at the mall. We prefer not to approach you, instead we decided to watch even if kami na lang tatlo. Coincidentally, you watched the same movie so we saw you together with your friends and that guy." Explain niya.
"Oh, okay. Well yeah I guess he is?" alanganin kong sagot.
"Why does it seem, you're not sure?" tanong niya.
"Nothing. It's a long story," sagot ko na lang kasi ayo'kong pag-usapan kung paano at bakit ako nagkaboyfriend nang wala sa plano.
"I have enough time to listen, you know." Agad naman niyang sagot.
"I don't want to talk about it. 'Cause honestly, he's not really the one I've waited for na magparamdam sa akin. Unfortunately, wala eh sa'kanya ako napunta." Kibit balikat kong sagot. Kasi ikaw ang hinihintay ko kaso alam kong wala naman akong pag asa sa'yo. Bakit ba naman kasi ikaw ang nagustuhan ko na ang stiff mo kasi! Ang hirap! At saka natatakot akong ipakita sa'yo baka mapahiya lang ako. Dugtong ko sana 'yun pero sa isip ko na lang hindi ko na ipapaalam sa'kanya.
"Um... Lui, sorry if I become nosy." Mahinang niyang sabi.
"It's alright," tipid kong sagot.
Kasi honestly, nagsisi talaga ako sa mga kalokohan kong ginawa pero kailangan kong panindigan ang consequences sa ginawa ko. Mabait naman si James kaso hindi ko talaga siya gusto tulad ng kung anong klaseng pagkagusto niya sa akin. Tropa oo, 'yun ang kaya kong maibigay sa'kanya kasi iba ang gusto ko. Kung dati naisip kong malabo siyang magkagusto sa akin kasi wala namang nakaka-attract sa akin eh, 5'2 lang ang height ko, boyish kung kumilos, t-shirt and jeans lang ang laging get-up ko. Sa gano'ng ayos kasi ako comfortable and mas prefer ko lang din kasi ang pagiging simple.
Mas lalong nanlumo tuloy ako kasi alam kong wala na talagang chance kami ng crush ko, huhu. Nawala sa isip ko na may kasama pala ako sa lalim ng iniisip ko.
"Lui? Are you okay?" nagtataka niyang tanong.
"Huh? Yeah sorry. I spaced out," agad kong sabi.
"It's okay. Baka pagod ka na? Gusto mo bang ihatid na kita?" sabi niya.
"Huh? Okay lang ako. Akala ko may sasabihin ka, nabanggit kasi ni Ali sa akin kanina."
"Well yeah, but I am not sure if is this appropriate? I mean, after all I've heard," sabi niya sabay kamot sa batok niya.
"Why? What are you gonna tell me?" taka kong tanong.
"It's, uhm, I don't know what to say. I mean, I don't how to tell you." Paliwanag niya habang nakalagay ang mga kamay sa bulsa ng jeans niya at nakatingin sa malayo na parang may malalim na iniisip.
"I think you're not gonna ask me to walk with you like this, if it's not important? Come on. What is it?" pangungulit ko.
He stares at me na para bang may tinatantya siya kung sasabihin ba niya o hindi. Ako naman, kabadong naghihintay and honestly, I become curious kung ano ang gusto niyang sabihin. He stopped walking and suddenly, he hold both of my shoulders na halatang nanginginig ang mga kamay niya. I was caught off guard with his touch and with the way he holds me like I am fragile.
"Lui, did you know that for over the year that we knew each other I always tried to tell you that I like you? But I got no chance to say it kasi laging may dahilan or minsan I got my tongue tied dahil sa sobrang dinadaga ako. I like you a lot Lui. But I guess I am too late. It was just so hard for me to have a right timing to confess." Sabi niya sabay yuko na parang tinanggap na niya ang pagkatalo.
Natulala ako, na blanko ang isip ko sa narinig mula sa'kanya. Hindi ko inakala na ang taong matagal ko nang gusto ay may gusto din pala sa akin. Matagal ko nang hinintay ito eh, pero bakit nagyon lang siya nagsabi.
Ang daya naman! Bakit ngayon pa siya nagsabi? Bakit ngayon pang napasubo na ako sa deal namin ni James at ng tropa? Noon pa dapat siya nagsabi pwedeng mag amok dito?! 'Yun na sana 'yun eh. Pero bakit hindi hinayaan na maging kami? Ang hirap naman! Ang daya talaga!
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako, puno ng panghihinayang ang sakit, ang sakit-sakit isipin na kung kailan hindi ko na inakala ay siya din namang pag amin niya sa'kanyang nararamdaman sa'kin. Napahikbi na lang ako, walang salita ang pumasok sa isip ko na kayang isatinig ng bibig ko. Hindi ako makatingin sa'kanya, nakayuko lang ako habang patuloy ang buhos ng luha ko. Hindi ko alam kung ano ang reaction niya hanggang sa narinig kong suminghot siya. Umiiyak siya? 'Yun lang ang naisip ko, pero hindi ko siya kayang tingnan.
Niyakap niya ako ng mahigpit, naramdaman ko ang bigat ng mga kalooban namin. Walang nagsalita tanging ingay ng mga sasakyan lang ang maririnig sa paligid kasi nasa gilid kami ng kalsada hindi kalayuan sa sakayan ng jeep malapit sa mall na madalas naming puntahan at kung saan nakita nila kami nanood ng sine. Hindi ko na inisip na may makakakita sa dramahan namin dito bahala na si Batman. Ilang minuto kaming gano'n ang ayos. Hanggang sa hindi ko na kinaya ako na ang kusang bumitiw at nagsalita.
"Bakit ngayon ka lang nagsabi? Bakit kung kailan hindi na ako umasa saka ko maririnig ang lahat ng 'to sa'yo?" Iling lang ang naging tugon niya sa akin.
Nang makita kong may jeep na huminto hindi ko na hinintay na sumagot siya. I left him with those questions with a heavy heart. Ayo'kong umuwi sa apartment na ganito ang kalagayan ko. Wala akong balak magpakita sa kanila and I am not ready yet to talk about this matter with them. Kaya mas pinili kong puntahan si Mitch, dalawang sakay ng jeep bago ako nakarating sa bahay nila.
Alam ko kasi tita niya ang kasama niya kasi ang mga magulang niya ay nasa malayong probinsya. Kaya hindi ako nag alangan na makikitulog sa kanila saka kilala na kasi ako ng tita niya dahil naging school mate namin din 'yun last year pero ngayon nag re-review na for board exam for LET.