CHAPTER 8

3153 Words
"Lui? Okay ka lang?" tanong sa'kin ni VM. "Yeah," tipid kong sagot nang makita niya akong nakatulala sa may terrace ng apartment namin. Alam kong nagtataka na sila sa kinilos ko dahil since no'ng gabing hindi ako umuwi pagkatapos namin mag usap ni George naging tahimik ako, saka lagi akong gumagawa ng paraan an hindi ako makasabay sa kanila. Kaya kahit hindi naman ganoon kami ka daming ginagawa sinasadya kong gawin sa bahay ang mg school works or sa library para hindi nila ako yayaing sumama sa kanila. Hindi na rin ako tumatambay sa student lounge sa vacant time ko, mas prefer kong do'n na lang sa radio booth ng school namin kahit hindi ko duty. Alam kong hindi kasi nila ako mapupuntahan dito sa 4th floor kasi kaming mga Mass Communication students lang ang allowed dito. Dito lang din kasi malapit ang classroom namin sa mga major subjects ko kaya mas mabuti na dito makakaiwas ako sa kanila. Madalas sila Mitch at Zette ang kasa-kasama ko kumain dito lang sa pantry namin sa Mass Communication Center, nagpapabili na lang ako sa mga bumababa. At silang dalawa lang din ang may alam sa nangyari hindi pa kasi ako handing sabihin sa kanila VM eh kasi connected siya kay David, kay AC saka kay James. I am still weighing things in my mind kung paano ko sabihin at ipaliwanag sa kanila na maintindihan nila ako. Nahihirapan kasi ako sa sitwasyon namin ni James kasi alam ko niloloko ko lang siya at patuloy ko lang siyang pinapaasa kung hindi ko pa rin sabihin sa kanya ang lahat kahit sa simula pa lang ay alam naming tama ang naging relasyon namin dahil naging kaming lang dahil sa pustahan. Alam kong marami ang maapektuhan sa mangyayari kapag malaman na nila ang lahat. I don't know what will going to happen? Will my friends hate me or understand me? Can they still accept me if I'm going to break up with James? I wanna make the things right this time at mangyayari lang 'yun kapag tinapat ko na siya at hihiwalayan ko na siya. Kasi kung papatagalin ko pa mas lalo lang akong ma gi-guilty at mas lalo ko lang siyang masasaktan pati mga kaibigan namin. "Earth to Lui!" biglang sigaw ni Mitch sa akin, hindi ko man lang namalayan na nakabalik na pala sila galing sa cafeteria para bumili ng lunch namin. "Kanina pa kayo?" tanging nasabi ko. "Yeah, 3 minutes I guess? Tinawag kita kaso parang sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi mo kami naririnig ni Zette." Maktol niya sabay upo sa tabi ko habang nilalapag nila ang mga pagkain na nabili. "Lui, tinanong ka nga pala nila VM sa amin nakasalubong kasi nila sa cafeteria palabas sila habang kami naman papasok, sinabi ko na lang namin na may ginagawa tayo dito sa taas kasi madami tayong kailangan tapusing presentation at articles." Mahinang sabi ni Zette. "Thanks Zette," tipid kong sagot. 'Yan kasi ang napagkasuduan namin ang sabihing madami kaming ginagawa para makaiwas lang ako. Madalas din kasi akong hindi umuuwi sa apartment lately. Mas pinipili ko din na ma-assign sa mga malalayo na lugar para mag news gathering kasi mas gusto ko palagi akong busy para puyat ako pagdating sa gabi para makatulog ako kaagad. "Hanggang kailan ka ba kasi magiging gan'yan, Lui?" tanong sa kakin ni Mitch. "I don't know Mitch, I really don't know." Tanging buntong hininga ang naisagot nilang dalawa sa akin. "Lui, 'wag kang magagalit, ano bang plano mo?" tanong ni Mitch. "'Yan pa ang pinag-iisipan kong mabuti ngayon Mitch, nahihirapan kasi talaga ako. Hindi ko naman kasi expected na mangyayari ang lahat nang ito, kung kailan hindi na ako umasa eh saka naman siya nagconfess. Ang hirap kasi na trapped ako sa isang deal. And'yan din ang panghihinayang." Naiiyak ko na namang sabi. "Saan ka ba nahihirapan?" tanong ni Zette habang patuloy na sa pagsubo sa kinakain niyang lunch. "Sa maraming bagay. Ang dami ko kasing kailangan i-consider eh, and 'yan 'yung mga kaibigan namin ni James, kung anong magiging reaction nila saka kung ano din ang sasabihin nila sa akin? Tapos si James, kahit naman hindi tama ang naging umpisa ng relasyon namin, iniisip ko pa din ang mararamdaman niya. Tao din naman siya, saka wala naman siyang ginawa sa akin na ikinasama ng loob ko. In fact, ang bait ng pakikitungo niya sa akin. Ramdam ko ang pagiging sincere ng mga ginagawa niya sa akin, ako lang talaga 'tong hindi ko kayang turuan ang sarili ko na siya na lang ang gustuhin, alam mo 'yun?" paliwanag ko habang pinipigilan ang mga luha ko sa tuloy-tuloy sa pagpatak. "Eh ganoon talaga Lui, kahit anong gagawin mo at kahit ano man ang maging decision mo meron at merong masasaktan. Kakambal ng pagmamahal ang masasaktan." Pagpapaintindi sa akin ni Mitch. "Wow, Mitch! Kung makaspeech ka d'yan parang nainlove at nasaktan ka na ah?" panunukso ni Zette sa'kanya. "Sira! Bakit kapag nainlove at nasaktan lang ang pwedeng magkaroon ng idea sa mga ganitong bagay? 'Di ba pwedeng based din sa mga naririnig ko sa inyong mga kaibigan ko?" panunuya niya. "Ay talaga! Eh ikaw, kumusta naman ang panliligaw sa'yo ni Kim? Wala ka yatang chocolate na isini-share sa amin ngayon?" balik niyang panunuya kay Mitch. "Pinag-iisipan ko pa," sagot niya. "Bakit? Mabait naman si Kim saka ano pa ba ang iniisp mo? Akala ko ba gusto mo din siya?" tanong ko. "Eh, alam mo na naisip ko din kung paano kami tanggapin ng lipunan." Sabi niya habang napatitig sa pagkain niya. Kasi isang LGBT si Kim, in short lesbian ang manliligaw niya. Pero kung hindi mo alam, mapapagkamalan mo talagang lalaki kasi 'yung itsura niya parang pang heartthrob ang datingan. Hindi nga namin akalain 'nung una naming nakita si Kim, transferee kasi si Kim from Manila. Ang gwapo niyang lesbian 'yan ang nasabi namin nang malaman namin ang totoong Kim. Artistahin kasi siya, pati pomorma halatang hindi puchu-puchu, yayamamin kung baga. "Naku! Bakit mo pipipigilan ang sarili mo kung gusto mo siya at mahalaga siya para sa'yo? Ang mahalaga kayong dalawa ang magkakasundo at magmamahalan, nakikita naman kay Kim na sincere siya sa'yo saka mabait din naman si Kim. Hindi siya tulad no'ng isang manliligaw mo straight nga eh, kaso may pagka alam mo na ah ewan ang hirap magsalita." paliwanag naman ni Zette. "Paano 'pag malaman ng mga magulang ko?" nag-aalangan niyang sabi. "Hindi naman malalaman kung hindi sasabihin ng tita mo, as if naman ang tita mo walang tinatago," dugtong ni Zette. "Alin ba ang mas matimbang sa'yo, 'yung sasabihin ng mga tao sa inyong dalawa o ang nararamdaman ninyong dalawa sa isa't-isa?" pagsabat ko usapan. "Weh? Talaga Lui? Naisip mo 'yan? Eh ikaw ba ano ba ang mas matimbang sa'yo ang sasabihin ng mga kaibigan niyo ni James na patuloy mo silang paasahin sa wala kasama si James o ang magpakatotoo ka para sa lahat?" bwelta sa akin ni Zette. Natawa si Mitch nang marinig ang mga sinabi ni Zette. "Alam mo ikaw, kung makasermon ka sa aming dalawa ni Mitch akala mo naman naka-move on ka na sa ex mo? Para ka kasing walang matinding pinagdaanan na sakit nitong nakaraan, na naging dahilan kung bakit tayo bagsak sa kalasingan." Panunya ko naman kay Zette. Nagtawanan na lang kaming tatlo, saka nagpatuloy sa pagkain. Nagsimula namang nagsidatingan ang mag early bird naming mga classmates, para tumambay at magpalamig lang naman sa airconditioned room. Hindi dahil sa klase kasi lunch time pa tapos 2:15 pa ang klase namin. Naging usual tambayan na lang talaga namin ang MC Center. Mabilis lumipas ang mga linggo, hindi kami ulit nagkausap ni Georje. Ilang ulit daw sila tumawag sa apartment pero hindi nila ako naaabutan. Palagi kasi akong wala dahil madalang akong umuuwi. Sinadya kong magpakabusy sa mga bagay bagay para walang mangungulit sa akin. So far naman, naiintinidihan ako nila VM, Yara and Nika kasi ang akala nila busy talaga kami pero ang hindi nila alam excuse ko lang pagiging busy para makaiwas sa kanila. Nagkakataon naman na nakikita nilang lagi kaming nasa labas ng campus para sa ginagawa namin sa major subjects ko. Kaya wala silang idea kung ano ang mga pinagdadaanan ko o ang totoong dahilan kung madalang akong nagpapakita sa kanila kahit sa school. Kung dati halos hindi kami mapaghiwalay nila VM kapag weekend ay siya namang kabaliktaran ngayon kasi madami na silang lakad na hindi ako sumama at halos hindi ako nagpapakita sa kanila. Mas inuubos ko ang time ko sa Mass Comm Center, sa dance troupe at sa mga lakad namin sa labas ng school para sa major subjects ko. Lagi din kaming nag iinuman nila Zette, Mitch at iba pang mga ka-group mate namin at natuto na din akong magsigarilyo. Around 9pm in the evening palabas na kami ng school campus kasama ng mga group mates ko, kakatapos lang namin magpresent ng script namin para sa TV Production na subject namin. Napagkasuduan naming mag-celebrate para sa accomplishment namin. Do'n kami sa bahay nila Mitch kaya naglakad muna kami papuntang convenience store bago kami sasakay ng jeep. Sa hindi inaasahang pagkakataon nakasalubong namin sila James kasama ng tropa sa mountaineering org. "Lui, 'di ba 'yan 'yung boyfriend mo?" bulong ng isang kaklase kong lalaki na katabi kong maglakad. "Huh?" "Ayun oh papalapit sila sa atin, 'wag kang papahalata na sila ang pinag-uusapan natin kanina ko pa kasi napapansin na nakatingin sila sa'yo habang seryoso kayong nag-uusap ni Zette." Paliwanag ni Blue sa akin. "Okay." Tanging sagot ko lang. "Kakausapin mo ba?" tanong ni Zette. "Hindi ko alam Zette, basta pag magtanong sabihin niyo na lang na may gagawin tayo na group work para hindi na hahaba pa ang usapan." Pakiusap ko na lang sa kanila. Mabuti naman at sinunod naman nila ang sinabi ko no'ng nakalapit na sila James kasama pala sila AC pero wala si David kasi hinatid daw si VM. "Sa tingin ko naniwala naman sila sa paliwanag natin kasi may mga dala kasi tayong mga folders, cartolina at manila papers akala nila gagawin pa, hahaha!" tatawa-tawang sabi ni Blue. "'Yun pala gulp tournament na para celebration na hahaha! Pwede na talaga akong mag artista nito!" dagdag pa niya habang tumatawa at sinabayan naman ng iba pa naming mga classmates. Nakitawa din sila Mitch at Zette. Buti na lang wala na sila nung lumabas na kami sa convenience pagkatapos namin mamili ng mga biscuits, chips at mga bote ng alak. Dumating ang December, busy kami sa preparation ng school Christmas Festival. Mas madalas na akong makita nila VM, Nika, Yara at the rest of the barkada pero hindi kami halos nagkaka-usap kasi lagi akong may ginagawa kasama ang group mates ko or sa dance practice para sa Christmas Festival. Plano kong kausapin si James sa birthday ni VM dahil alam kong pupunta siya. At alam kong wala akong kawala sa time na 'yun dahil Christmas break na 'yun eh. Do'n ko sasabihin ang lahat sa kanya at doon ko na din tatapusin ang lahat sa amin para hindi na siya aasa pa. A day after sa birthday ni VM mag co-confess na din ako sa'kanya sa lahat para matapos na lahat ng paghihirap ko. Christmas Festival. "Guys! Chill, kaya natin 'to! Ngayon pa ba tayo susuko sa mga pressure at stress?" Tanong sa amin ni Blue habang abala kaming lahat sa kanya-kanya naming ginagawa. May iilan na patakbong palabas ng MC Center para habulin ang Prof maisubmit lang ang huling project before Christmas vacation. Kami naman nla Mitch and Zette, naghahanda na para sa dance number namin para sa festival later. 7am pa lang kasi 9am ang start ng program tapos after lunch and onwards ang kanya-kanayng Christmas Party ng mga groups/orgs/department at iba pa. 2 hours lang naman ang itatagal ng program na hinanda ng mga Seniors sa department namin since ang department namin ang host this year para sa program. "Hay naku! Bakit sino ba ang nagrereklamo ng pressure at stress na 'yan? Parang wala naman akong narinig?" Takang tanong ni Zette. "Wala naman pero sinasabi ko lang lalo na sa mga classmates natin na ngayon nag ca-craming na para sa submission hehe. Paano kasi inuna pa ang parelax-relax ayan tuloy ngayon, ngarag!" Pangangantyaw ni Blue sa iba pang classmates namin na nagkukumpulan. "Hayaan mo nga sila Blue. Hindi ka naman inaano dyan. Mamaya marinig ka pa ng mga 'yan magkakagulo lang kayo." Saway ni Mitch kay Blue. Hindi na ako nakisali sa pagsasagutan nilang dalawa kasi ayaw kong magsalita parang madalas lately blanko ang utak ko. Mas madalas nakatulala lang ako. May biglang sumigaw na nakagising sa akin mula sa pagkatulala na naman. "May naghahanap daw kay Lui sa labas," sigaw ng kaklase namin mula sa labas ng pinto. "Huh?" Nag aalangan akong tumayo kasi kinabahan ako bigla unang beses kasi namay naghahanap sa akin dito mismo sa MC Center. Hindi naman kasi umaakyat sila VM dito at ib ako pang mga friends kasi una, nakakapagog na aakyatin ang 4 floor tapos alam naman nila na bawal din sila makapasok dito sa loob ng MC Center. "Lui, may naghahanap daw sa'yo." Sabay sabi sa akin ni Mitch habang kinalabit niya ako. "Sino kaya 'yan?" Tanong naman ni Zette, nabasa niya siguro sa pagmumukha ko na nabigla ako at n-apuzzle kung sino ang naghahanap sa akin sa labas. "Ano gusto mo bang labasin o ako na ang lalabas para malaman natin kung sino?" Tanong sa akin ni Zette. "Ewan ko. Wala naman akong friends na umaakyat dito eh, kasi nakakapagod nga daw tapos alam din naman nila na hindi sila pwedeng pumasok." Mahabang paliwanag ko. Pero sa totoo lang nagtataka talaga ako at wala akong maisip kung sino. "Ganito, ako na lang muna ang lalabas para matingnan at makausap na din kung ano ang kailangan sa'yo. Tapos babalik ako saka ka magdecide kung kakausapin mo ba. Okay ba sayo? Kasi sabaw ka na naman eh." Pagpapaintindi sa akin ni Zette. "Sige Zette, samahan na kita para may back up ka. Okay lang ka dito?" Sabi ni Mitch Tango lang ang tanging naisagot ko sa kanila habang patuloy na nagtatanong ang isip ko kung sino ang naghahanap sa akin sa labas. Kinakabahan tuloy ako. Magkasabay na tumayo habang inilalapag nila ang hawak na costume namin dahil may nilagay kaming mga dagdag na sequence. Hinayaan ko na silang lumabas at hindi na rin ako pa umimik kahit na alam kong tinititigan ako ni Blue na nakaupo sa harapan ko. Ilang saglit pa, hindi na siguro naktiis pa si Blue. Nang magsalita na siya. "Maria Luisa Demiranda. Parang ang tagal na yata kitang hindi nakitang tumawa o kahit ngumiti man lang ng natural. Hindi ka na rin palakibo. Para kang pinagsakluban ng langit at lupa." Mahabang sabi niya na hindi ko man lang tinapunan ng tingin, patuloy lang ako sa ginagawa ko. "Kung ang problema mo ay kung putulin ang sa inyo ni James bakit hindi mo kausapin yung tao at tapatin mo. Diretsahin mo. Nang matapos na 'yang paghihirap mo. Kasi ang laki na nang pingabago mo since nung dala-dala mo ang problema na 'yan, Lui. Madalas tulala ka. Grade concious ka pero lately kahit hindi mo sabihin sa akin alam kong pati grades mo naapektahan na din." Dagdag pa niyang sermon na parang nakakatanda kong kapatid. "Sorry Lui ah, concern lang ako kasi hindi na kayo iba sa akin alam niyo 'yan. Lahat sa group natin mahalaga na kayo sa akin. Sa dami ba naman ng pinagsamahan natin kaya masasabi kong nakikita ko ang mga kaibahan na mga nangyayari sa''yo." Pagpapatuloy pa rin niya. Naintindihan ko naman si Blue. Lahat kami sa group namin para naman talagan magkapatid kung magturingan. Since, second year kasi magkaklase na kami sa major subjects namin. Tapos kami din ang madalas na magkakagroup kaya hindi na din talaga matatawaran ang mga pinagsamahan namin. Dalawa sila ni Mel na pinakaclose sa amin. "Salamat sa concern, magiging okay din ako. Saka plano ko naman talagang kausapin si James sa Christmas vacation para kahit paano medyo matagal din bago kami magkita ulit dito sa campus." Paliwanag ko sa kanya habang sinalubong ko ang mga tingin niya sa akin. "'Yan! 'Yan ang gusto kong marinig sa'yo. Kasi alam ko namang mapamaraan ka eh! Saka ang kilala kong Lui eh palaban, matapang." Sabi niya na may ngiti sa kanyang hind na mapupula na labi kasi malakas yan magyosi eh. "Thanks for being understanding and patient for me. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa akin kung wala kayo." Tinapik niya ang balikat ko, na ibig sabihin you're welcome. Para siya talagang isang kuya pero yung tipong kuya na hindi naman sweet at expressive pero alam mong maasahan mo sa oras na kailangan mo siya. Bumukas ang pinto na hindi ko na nilingon pa, alam kong sila Zette at Mitch na ang papalapit sa amin ni Blue kasi dinig namin ang boses nila. "Lui, you won't believe who's outside waiting for you." Agad na sabi ni Mitch sa amin ni Blue pagkalapit. "Huh? Bakit?" Nangunot ang noo ko sa taka. "Why don't you go outside and see for yourself," agad namang sabi ni Zette sabay taas baba ang kanyang kilay na may pilyong ngiti. "Hoy! 'Wag nga kayong gan'yan ba't hindi niyo na lang sabihin ng diretso kay Lui, mas lalo niyo lang pinakaba ang tao eh." Saway naman ni Blue sa kanila. "Joke lang! Ito naman ang seryoso mo naman yata lolo!" sagot ni Zette. "So, sino nga? At ano kamo ang kailangan bakit pumanhik pa talaga dito sa 4th floor?" Striktong tanong ni Blue na halatang pinoprotektahan ako. "Sige na nga. Si ever dearest crush, gusto daw sana makausap itong ating prinsesa kasi matagal na daw niyang tinatawagan pero wala daw lagi sa apartment nila. Saka ilang beses umanong naghintay siya sa labas kasama ng mga kaibigan nila kaso hindi daw nila matyempuhan. Muntik na nga naming sabihin na hindi talaga mahanap ang hinahanap nila kasi ayaw nga magpahanap eh." Mahabang paliwanag ni Mitch na agad namang binatukan ni Blue. Nagtawanan lang din silang tatlo na para bang wala ako sa harapan nila at hindi naririnig ang kanyang mga sinabi. Mas lalo akong kinabahan kasi hindi ko makapaniwala sa narinig ko. "Pero don't worry Lui, wala na siya kasi sabi namin naghahanda tayo para sa program. Sabi namin hintayin na lang kamo niya ang Christmas break para magkausap kayo. Hindi naman nangulit," sabi ni Zette. "Alam naman kasi naming hindi mo siya haharapin kasi 'di ba ang sabi mo saka mo na siya haharapin kapag natapos mo na ang sa inyo ni James." Confident na sabi ni Zette. Na agad naman tinanguhan ni Mitch at ni Blue. "Guys, baba na daw tayong lahat! Tumawag na si Prof sa landline! Bilis na, make sure daw walang nakalimutan kasi ilolock na muna dito pati sa office paakyat na ang assistant ni Prof na mag lo-lock." Sigaw ng kaklase namin galing sa radio booth.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD