Nasa back stage na kami lahat ang mga mag pe-perform. Nakabihis at naka-make up na din ready nang masalang sa stage. Lahat nang nakikita ko malalaki ang ngiti sa kanilang mga mukha. Alam mong tuwang-tuwa sila kasi excited nang makasama ang mga pamilya ng mga taga-malalayong probinsiya. Ang mga taga rito lang sa syudad nakatira excited din sa iba't-ibang mga plano nilang party na naririnig kong pinag-uusapan nila dahil sa ingay nila. Habang ako nag pa-plano sa mga gagawin kong hakbang para maayos ko ang mga bagay na dapat matagal ko nang ginawa. Handa na akong harapin ang kung anuman ang maging consequences ng gagawin ko.
Nakapagperform kami ng maayos at naayon sa mga practice namin. Natapos ng masaya ang Festival at nagstart na ang open party sa lahat kanya-kanya nang puntahan sa nakaassign na room ang kanya-kanyang club or orgs na dito pinili sa magparty para makatipid sa gastusin sa venue. Pinayagan naman ng admin for as long as walang inuman na magaganap within the party.
Kami naman nasa MC Center ulit para sa sariling naming party, hindi mawawala ang mga games at kulitan kaya sandali kong nakalimutan ang mga gumugulo sa isip dahil sa mga pinaggagawa ng mga kasama namin at sa ingay. Magkahalo kasi ang lahat ng level from sophomore to senior, basta lahat na may major subject classes na dito sa MC Center na nagsisimula sa second year or sophomore in other words.
6pm nang matapos ang party at nagdecide na magsi-uwian na kasi ang iba naghahabol na makauwi na sa kani-kanilang probinsiya tapos ang iba naman nag ma-madaling pumunta sa kanilang napag-usapang lugar para doon mag inuman bago tuluyang maghiwa-hiwalay para sa Christmas break. Ako, I decided to go home kasi maghahanda pa ako para sa party namin sa apartment bukas bago kami magsipag uwian sa makalawa.
"Uy Lui, buti nakita na kita. Ilang araw nang may tumatawag sa'yo sa landline importante yata kasi araw-araw ang paghahanap sayo eh, Georje daw ang pangalan."
Salubong sa akin ng katulong ng may-ari ng apartment na katabi lang ang din sa apartment unit namin ang bahay nila.
"Pasensiya na po, busy lang po talaga madami po kasi kaming kailangan tapusin na projects kaya sobrang busy, tapos start na din po kasi ng exposure namin dahil next semester. OJT na po kami kaya madalang po akong nakakauwi dito. Ako na po bahala do'n sa tumatawag."
Paliwanag ko kay manang Linda. Wala kasi kaming sariling landline sa unit namin dahil sabi ng may-ari yung sa kanila na lang ang gagamitin namin para isa lang ang magiging monthly na babayaran.
Pagkapasok ko sa unit namin, ang tahimik. Hindi ko lang alam kung natutulog na ba sila o 'di kaya hindi pa nakauwi kasi kanina sa school hindi na kami nagkita after kaming nagperform sa stage. Nakapatay lahat ang ilaw sa kwarto ang 'yung sa living room lang ang naiwang nakabukas. May susi naman ako sa main door kaya walang problema ang pagpasok ko pero nagtataka ako kasi nakalock ang kwarto namin ni VM na hindi naman usual nakalock.
"VM! Pabukas ng pinto!"
Sigaw ko habang kinakatok ang pintuan ng kwarto naming dalawa. Medyo may mga kalabog sa loob saka hindi pa agad ako pinagbuksan. Dumiretso muna ako sa kusina para uminom ng tubig habang naghihintay na mapagbuksan. Pagod na pagod na ako gusto ko na talagang humilata sa kama ko. Pero naisip ko kailangan ko muna pa lang maligo kasi sobrang pawis ako kanina saka nanlalagkit na rin ang pakiramdam ko.
"Lui? Anyare sa'yo? Bakit parang ang haggard mo naman yata?"
Biglang tanong ng boses na nasa likod ko na kahit hindi ko lingunin kung sino alam kong si Nika.
"Oo nga eh, ilang gabi nang puyat. Alam mo na school works tapos sabayan pa ng exposure namin. Idagdag mo pa ang exams bago ang Festival nakakahaggard talaga." Pagrarason ko. Well, totoo rin naman ang mga rason ko pero mas nakakabothered talaga ang mga plano kong gawin sa darating ng birthday ni VM. Ang iniisip ko kung paano ko sasabihin sa kanila ang gusto kong mangyari.
"Hayaan mo makakabawi ka ng tulog mo, since mag c-christmas break naman na." Pampalubag loob niya sa akin.
"Oo, sana nga. Kasi may nakaambang mas malupit this coming sem OJT na kami tapos may Educational Tour pa kami para sa coverage ng Sinulog Festival."
Pagod kong sabi.
"Pero nag eenjoy ka naman siguro din sa ginagawa mo kasi yan ang pinili mong degree program eh." Panunudyo niya.
"Oo naman, kaya nga lang sobrang puyatan lang talaga. Pero nasasanay na din ako sa puyatan, nakakapagod talaga pero enjoy din at the same time kasi andaming naming nakakasalamuha araw-araw at napupuntahan parang adventure na din for me." Sabi ko habang iniisip ang mga pinagdadaanan namin ng mga classmates ko.
"Eh, ikaw excited ka na sigurong umuwi ano?" pag iiba ko sa usapan.
"Aba! Syempre naman, ilang buwan ko ding hindi nakita at naksama sila tatay at nanay. Kaya uwing-uwi na ako eh, nag umpisa na nga akong mag impake." Sagot niya.
"Bakit hindi ka nga pala magbihis at magpahinga na?" Tanong ni Nika habang hawak din baso ng tubig niya.
"Eh, ewan ko ba ang tagal magbukas ng pinto ni VM eh kanina ko pa kinatok 'yun."
Maktol kong sabi.
"Eh? Teka nga!" Sabi niya habang diretso ang lakad papunta sa harap ng pinto ng kwarto namin.
"Hoy VM! Pauwiin mo na si David kasi kanina pa nandito si Lui halatang pagod na pagod na at gusto nang makapagpahinga ng tao hindi mo pa pinagbubuksan ng pinto!"
Sigaw ni Nika habang panay ang malakas na katok sa pinto. Hindi na ako umiimik kaya pala hindi ako mapagbuksan ng pinto kasi kasama pala niya si David sa loob, bakit hindi ko nga ba naisip yun? Naku bahala na sila sa mga buhay nila alam na nila ang mga ginagawa nila sa buhay nila. Ayaw ko nang isipin kung ang tugnkol sa kanila kasi mas kailangan kong pag tuonan ng isipin ang sarili kong problema.
"Hehe, sorry po napahimbing lang ang tulog." Paliwanag ni VM pagkabukas ng pinto, magulo pa ang buhok at halatang namang kakagising lang. Habang si David nakaupo sa gilid ng kama ni VM tulala na magulo din ang buhok at bagong gising din ang mukha.
"Okay lang. Napasarap din naman ang kwentuhan namin ni Nika dito. Eh paano minsan na lang tayo nagkakasama dito sa bahay an hindi abala sa mga ginagawa." Agad kong sabi sabay lapag ng duffle bag ko sa baba ng kama ko.
Dinampot ko ang towel at nagbukas ng closet para kumuha ng damit pantulog at makaligo na, pero...
"Lui, kumain ka na ba?" biglang tanong sa akin ni VM. Habang si Nika papunta na din sa kwarto niya. Pumasok na din si Nika sa kwarto niya kasi tinatapos pa daw niya ang pag iimpake kasi bukas ng gabi after ng Christmas party namin ang uiw niya sa kanila. Malayo ang probinsiya nila 8-9 hours ang byahe papunta pa lang another 8-9 hours naman pabalik dito sa city kung saan kami pansamantalang nakatira at nag-aaral.
Bunsong anak si Nika may tatlo siyang kapatid, ang dalawang ate niya nasa Manila na nagtatrabaho at tapos na sa pag-aaral. Ang nag-iisang kuya naman niya ang kasama ng mga magulang ni Nika sa probinsiya katulong sa bukid nila. Ang mga ate na Nika ang nagpapaaral sa kaniya. Matalino si Nika deans lister yan, pangarap niyang maging CPA tapos mag proceed sa law balang araw. Mas palaban sa akin yan, saka mas suplada yan hindi talaga uurong yan sa labanan. Kaya nga siguro walang nagtakang nanligaw niyan eh kasi takot sa matalas na pananalita niya.
"Kanina pa. Bakit?" sagot ko habang bitbit ang gamit para makaligo na.
"Labas sana tayo, food trip tayo? My treat bonding kasi ang tagal na no'ng huli ka naming nakasama. Saka tama lang din kasi bukas uuwi na si Nika sa kanila tapos matagal pa ulit tayo magkasama. Tayong apat lang, hindi kasama si kuya para walang asungot. Pauwi naman din si David." Pagngungumbinse niya.
Pagkatapos kong makaligo, makapatoothbrush at makapagbihis kaagad akong bumalik sa kwarto at mabuti na lang wala na si David umuwi na siguro yun. Kaya imbis na pantulog nagbihis ako ng jeans at shirt tapos sneakers. Sila Nika, VM at Yara nagbibihis na din.
Madalas namin 'tong ginagawa dati, 'yung wala pang David sa buhay ni VM. Kami-kaming apat ang madalas magkakasama, kahit sa Valentines kaming apat ang nag de-date. Kapag hindi namin trip ang mall nag p-picnic kami somewhere uptown. Food trip lang naman ang madalas naming trip eh. Pero pag ganitong medyo late na sa isang fast food chain na 24/7 kami tumatambay.
Hindi naman kasi umiinom si Nika hanggang tikim lang talaga siya. Si Yara naman, ayaw talagang uminom hindi daw niya keri ang lasa ng beer, sabi niya pang juice saka softdrfinks lang daw ang beauty niya. Nasubukan ko ding magbar na sila ang kasama ko, 'di tulad ng mga classmates ko, mas wholesome kasama at mas behave sila VM, Nika at Yara. Kapag ang mga classmates ko kasi ang kasama ko sa night out mga sanay na kasi 'yun kaya simple na lang sa kanila ang maging balahura, walang maarte sa amin lahat kami cowboy. Pero infairness naman hindi naman takaw g**o, may mga kalokohan lang talagang taglay lalo na ang mga boys namin sa grupo.
Samantalang, sa mga kasamahan ko sa apartment, si Yara ang pinakamaarte sa aming apat, siya ang hindi nakakalabas ng bahay na walang make-up. Masasabi kong napaka vain niya talaga, sa gabi kasi ang dami niyang ritual bago matulog. Habang ako, si VM saka Nika kontento na kami na nakapag freshen up bago matulog. Saka si VM at Nika minsan nagpoplbo minsan naman hindi. Depende kung hindi sila nagmamali, pero kapag medyo late nang nagising wala nang polbo polbo magsusuklay na lang 'yan basta nakcomeplete uniform na okay na 'yan. Pero si Yara kakaiba, di baleng gigising ng maags 'wag lang talaga siyang gahulin sa pag memake-up niya bago pumasok sa school o kahit sa galaan namin.
Kahit sa papanamit si Yara pa din ang pinaka maarte, siya ang pinakadalaga kung kumilos sa aming apat. Ako at si Nika halos magpakapareho kung kumilos at mananit. Walang kaartehan sa katawan, si VM naman medyo girly ang dating pero malaki pa din ang kaibahan nil ani Yara.
Bandang 7am na ako nagising kasi ginising na ako ni VM na maghanda na para sa pag alis namin. Napagkasuduan kasi na sa beach namin gaganapin ang party namin instead na dito sa apartment. Pero hindi kami mag oovernight kasi uuwi na mamayang gabi si Nika sa kanila, hindi na nga siya sasali mamayang gabi sa party namin sa mountaineering org na sinalihan namin.
"Lui, gising na. Doon na tayo kakain ng breakfast pagdating natin sa venue. Nauna na sila lola si ate Linda kasama ang mga apo niya para maihanda na daw nila ang mga pagkain."
Sab ni VM habang nagsusuklay, bagong paligo.
"Kala ko ba beach ang pupuntahan? Ba't nakaligo ka na?"
Taking tanong ko.
"Mas gusto ko lang maligo bago tayo umalis, si pagkatapos ni Nikang maligo ikaw ang sumunod kung gusto mong maligo para makaalis na din tayo. Nakakahiya sa kanila lola kung matagal tayong pupunta doon."
Paliwanag niya.
I tried to be calm and look happy in the party. Nakisali ako sa mga laro kasi as much as possible I am trying to avoid na mafeel nilang may dinadala akong mabigat. The party went well, it seems hindi ko sila iniiwasan ng matagal at salamat kasi yun naman talaga ang goal ko.
"Lui, kumusta na pala kayo ni James?" Biglang tanong ni VM habang kumakain kami ng lunch after namin maglaro sa dagat.
"Umm, okay lang naman though hindi kami madalas magkita at mag-usap kasi alam mo naman ang busy ng schedules ko. I think he understands naman. Wha do you think?" Balik kong tanong sa kanya.
"Oo naman, saka mabait saka mahal ka talaga noon, matagal na pala yun may gusto sayo hindi lang talaga makalapit." Nakangiting niyang sabi.
"Binenbenta mo ba?" Sarkastiko kong tanong.
"Well, hindi naman sa ganoon. I am just telling you na mabait naman yung tao saka mahal ka. Kita mo nga kahit kulang ka ng time sa kanya he always understands you." Paliwanag pa niya.
"Parang ang laki nga ng gusto nung tao sayo." Pakisali pa ni Nika sa amin.
"Apparently!" Pag sang-ayon ni VM kay Nika.
"Naku, mabuti ka pa nga eh may nagkagusto na sayo. Kami ng ani Nika wala pang manliligaw." Reklamo naman ni Yara.
"Sus! Ikaw possible pang may magkakagusto sayo pero Malabo kay Nika kasi boxengero yan eh!" Pagsali ni AC sa usapan namin.
"Eh bakit ako hindi naman ako boxengero bakit wala pa ding nagkamaling manligaw sa akin hanggang ngayon, gagraduate na kaya ako sa April." Pagsabat naman ni Yara.
"Naku po!" sabi ni AC na may paghampas pa sa sariling noo.
"Eh kasi, nag aalangan ang lalaki na lumapit sa'yo alam mob a kung bakit?" tanong niya kay Yara.
"Nag aalangan? Bakit naman?" nagtatakang tanong ni Yara kay AC.
"Oo kasi akalain nilang high maintenance ka!" panunya niya sabay tawa.
Hinampas ni Yara ni AC sa braso sa inis niya.
"Aray!"
"Kainis ka talaga AC, kahit kailan hindi ka maayos kausap!" pagmamaktol niya.
"Bakit ka naman nanghahampas?" tanong ni AC.
"Eh kasi bakit mo naman kasi sinabi na 'yun ang iniisip ng mga lalaki sa akin kaya sila nag aalangan na lumapit sa akin?" inis naman niyang tanong.
"Eh totoo naman eh! Tingnan mo nga ang sarili mo! Para kang artista laging kontodo make-up tapos kahit sa school. Tapos kung manamit ka naman parang palagi kang aattend ng party." Dagdag niya.
Lihim kaming nagkatinginan ni VM at nakailing na lang sa mga narinig na komento ni AC laban kay Yara. Hindi na kami nakisali pa sa asaran nilang dalawa, kahit alam namin na may katotoohanan ang mga sinabi ni AC tungkol kay Yara.
Kahit naman maloko si AC alam namin na pag 'yan ang magsasalita, may mabigat na laman. Madalas maloko siya pero ang mga sinabi niya pag may gusto kang malaman o itatanong sa kanya idadaan man sa pagbibiro pero siguradong maiintidihan mo at tatatak 'yan sa isip mo dahil malaman.
Nagpatuloy kami sa pag eenjoy sa pagtampisaw sa tubig dagat kasama sila lola at ang kanyang pamilya. Ang sabi niya maigi daw ganito kasi parang mga apo na din daw ang turing niya sa amin. Maswerte nga naman talaga kami sa kina lola at sa pamilya niya.
Natapos ang buong araw namin sa beach kasama sila lola na may-ari ng apartment na tinitirhan namin kasama kanyang mga apo at anak. Masaya ang naging party namin kasama sila, after ng exchange gift napagpasyahang umuwi na para makapag ready naman kami para sa party ng org namin sa mountaineering.
Pagkarating sa apartment nagpahinga lang muna kami bago maghahanda ulit para makapunta sa beach Christmas party para mountaineering organization namin. Tinapos ko din ang pag iimpake na dadalhin ko, isang duffle bag saka back pack lang naman ang dadalhin ko. Kailangan ko kasing dalhin ang mga beddings ko para doon ko na lang sa bahay lalabahan sa washing machine. Hindi keri ng muscles ko ang lalabhan ang mga ito dito kasi handwash lang kami or magpapalabada. Kaso sayang ang pera kung magpapalabada.
"VM, dadaan pa ba si David dito para sabay na sa atin papuntang venue?" tanong ko habang sinasara ko ang back pack ko, natapos ko nang ayusin ang mga gamit ko.
"Hindi na, du'n na kami magkikita kasi ang alam niya galing pa kasi tayong party natin dito sa apartment kaya di ko na pinapunta dito." Sagot naman niya habang nakatutok pa din siya sa tv.
"Ah..." sagot ko lang.
"Bakit?" tanong niya pabalik sa akin.
"Wala lang. Kasi parang hindi na kayo halos magpaghiwalay eh." Sabi ko lang.
"Eh, hindi naman kami nagkakasama kapag nasa duty ako grabe ka naman sa akin." Reklamo naman niya.
"Well, based lang naman 'yan sa mga nakikita ko. Madalas kasi kayo ang magkasama kaya ko nasabi." Paliwanag ko.
"Eh, kayo naman ni James kabaliktaran sa amin ni David kasi bibihira lang kayong magkasama kasi ang busy ng schedule mo lagi." Bwelta niya.
"Eh, anong maggagawa ko eh sa ganu'n naman talaga ang schedule ko! Alangan namang unahin ko ang pakikipagdate tapos bagsak bagsak pala ang mga grades ko. Malalagot ako panigurado sa mga magulang ko niyan. Baka worse comes to worse papatigilin pa nila ako. Saka alam naman ni James, kung anong klaseng buhay at schedule ako bilang isang studyante." Pararant ko.
"Oo naman, wala naman akong nirinig na reklamo sa kanya. Ang sabi niya lang hindi ka ba raw napapagod sa mga ginagawa mot apos may dance troupe ka pa buti na lang wala kayo masyadong ginagawa lately sa dance troupe malibang nitong huli sa Christmas festival." Sabi niya.
"Aba! Dapat lang 'wag talaga siyang makareklamo reklamo sa akin kasi una sa lahat alam niya naman na ang mga ginagawa ko bago pa kami napunta sa ganitong sitwasyon, di ba nga sabi niya lagi niya akong nakikita dati na laging may ginagawa sa student lounge kami ng mga group mates ko? Eh no big deal na sa kanya dapat 'yun kasi para sa pag aaral ko naman ang ginagawa ko hindi namana ko naglalakwatsa." Sabi ko.
"Hindi naman ganu'n ang pagkakilala kay James. Napaka understanding nga niya eh, alam mo real talk, mas makitid pa nga mag isip si David sa kanya minsan eh. Kasi kahit nasabi ko kay David na may duty kami sa mental minsan ginagawan pa niya talaga ng kakaibang meaning, lalo kapag sinabi ko na may group study or group work kami naku kailangan pa talaga ng mahabang paliwanagan." Reklamo niya.
"Ah hindi ko naman gusto ang ganyan. Talagang hindi ko makakasundo kapag ganyan. Dapat maintindihan niya na may buhay ka din ng sarili mo no. Bago pa naging kayo marami ka nang bagay na ginagawa lalo na para sa pag aaral mo. bakit ka niya lilimitahan?" pagmamaldita ko.
"Kaya hindi talaga maiwasan minsan na magtalo kami sa ganyang bagay dahil naiinis ako sa kanya. Mabuti nu'ng minsan narinig ni James ang pagsasagutan namin tinulungan niiya akong ipaintindi kay David na hindi siya dapat mgarereklamo kung sumama ako sa bahay ng classmate ko para tapusin namina ng case study. Nahihirapan kasi ako sa 2 cases na hawak ko kaya kailangan ko ng tulong kaya sumama ako sa bahay ng classmate after duty eh Nawala sa isip ko na naghihintay pala siya sa akin sa school kaya ayun galit na galit. Mas inuna ko pa raw ang mga classmates ko kaysa sa kanya. Hindi ko naman talaga sinasadya 'yun sobrang naging preoccupied lang ako sa mga cases na hawak ko." Pagpapaliwanag niya.
"Ayaw ko ng ganyan, ang hirap naman pag ganyan." Tanging nasabi ko.
"Mabuti naman napapaliwanagan ko naman na siya. Pero alam mo minsan sobrang bad trip ko kasi para daw makilala niya ang mga group mates ko sasama daw siya. At hindi nga nagpapigil sumama nga, buti hindi na naulit 'yun isang beses lang nangyari." Pagsusumbong niya.
"Naku pasalamat siya kamo at wala ako nu'n kaya hindi ko alam dahil kung nagkataon na nalaman kung ganu'n malalagot siya sa akin. Sobra naman yata 'yun parang wala naman siyang tiwala sa'yo nu'n saka hindi na niya naisip na nainvade na niya ang personal time?" pagsesermon ko. Mabuti na talaga nagkaroon kami ngayon ni VM na mapag usapan ang mg a ganitong bagay dahil wala man akong kalam-alam sa mga kaganapan ng buhay niya habang ako busy din sa sarili kong buhay.
"Hayaan mo na sis, okay na 'yun. Hindi na niya gagawin ulit 'yun kasi naintindihan na niya." Pagbawi niya.
"Hoy! Lika na kayo! Aalis na tayo!" biglang singit ni AC sa usapan namin habang nakasilip sa pintuan ng kwarto namin ni VM.