CHAPTER 1

2940 Words
CHAPTER 1   7:45 pm bus station   “Thanks God! Umabot pa ako,” Pagsampa ng bus… “Excuse me, may nakaupo ba?” Tanong ko sa lalaki na estudyante din yata? Hindi kasi halata kasi hindi naka-uniform. “Nope,” tipid niyang sagot. “Okay, thanks!” I sat down saka inayos ang mga dala kong gamit na hindi nagkasya sa bag ko, kaya bitbit ko. Final week na kasi next week kaya madaming projects ang tinatapos ko para maisubmit ko na. “Hmm… Excuse me ulit, anong oras na? I forgot my watch sa kamamadali ko kanina.” ‘Gosh kailangan ko ba talagang mag explain? Kakahiya ka naman, Lui.’ “Eh? 7:45 pm,” tipid ulit na sagot ng lalaking estudyante which I am not really sure if he is. Wow ha! A man of few words. Ngayon ko lang yata napansin ang lalaking ‘to. Lahat naman ng kasabayan ko sa bus sa umaga at gabi nakilala ko na whether by name or by face, daily ba naman ako nagcocommute. Yes! You read it right. Everyday ako nag co-commute and take note, 1hour ang travel from my hometown to the city where I study college. Last two semester kasi, I rented a room near sa school, kaso kasama ko sa bahay ang cousin ko na hindi ko kasundo. Kaya sabi ko sa parents ko na pag second year na ‘ko, uwian muna ako. Anyway, kaya ko pa naman ang schedule ko kahit fully loaded ang units ko.   Ayo’ko kasing may vacant akong malaki in between classes. Better yet sunod-sunod ang schedule ko tapos matatapos ng maaga para I have time to go to the library and make my assignments, research or projects. I always make sure umaabot sa cut off ang grades ko para payagan pa din ako ng admin mag enroll ng maximum units every semester. Medyo nakakapagod lalo na every midterm and finals, pero infairness, kaya naman ng powers ko. No monkey business nga lang talaga. School-bahay, bahay-school lang talaga. Kaya medyo nagtatampo na mga classmates ko sa high school kasi lagi akong ‘Pass muna, busy with school stuff.’ ‘Yun kasi lagi sagot ko ‘pag tumatawag sila sa bahay. Eh, sa ‘yun naman kasi talaga ang totoo. Well, I have crush naman sa school kaya nakaka-inspire pa naman, balance pa din. Wala nga lang manliligaw, ewan ko ba? Pero okay lang naman, study first before lovelife. I’m really looking forward to graduate and work. My goal is to finish my course in three and a half years. Kaya fight lang nang fight! Kaya ko ‘to! Anyway, back to reality. I find this guy beside me, a mysterious one though. I got attracted to him. He’s a typical tall, dark and handsome with pointed nose and thick long lashes but stiff and cold emotionless eyes, that’s why I got curious, hehehe… pwede ba ‘yun? Ngayon ko lang kasi nakita ang guy na ‘to. Kami kasing mga daily commuters from my hometown magkakilala na, hindi man close lahat pero sa mukha alam naming na pareho kaming taga Sta. Cruz kasama na dun ang iilan sa mga classmate ko from high school na minsan nakakasabay ko sa byahe. Marami kasi ang mga estudyante pati mga nagtatrabaho ang umuuwi araw-araw, kasi hindi naman kasi hindi naman traffic not unless sa city proper. Saka nakasanayan na talaga din ng mga taga sa amin. Well anyway, hindi naman siguro masamang magtanong ‘di ba? As long as I am not rude. Asking questions is not a crime anyway. While waiting for the bus to leave the terminal, para ‘di masyadong ma-bored, why not I’ll to talk to this guy? Hmm? Asan ba kasi ‘yung tropang maingay? Himala kasi hindi ko sila kasabay ngayon, wala tuloy akong kadaldalan. Nakakapanis ng laway tuloy. Kaya sorry ka mister mysterious guy, ikaw ang pagtitripan ko ngayon. “Excuse me ulit (sabay peace sign), pwede paki-adjust ng aircon kasi medyo hindi nakakaabot sa akin?” Aba! Bilis naman inaksyunan ni mysterious guy ang request ko, nice try. “Thanks!” Tango lang ang sagot. What the? Gano’n ba talaga s’ya o baka suplado lang talaga? Okay, mas lalo tuloy akong na cu-curious eh. “Hmm. Tanong lang, I’m just curious kasi, ngayon lang kita nakita dito. Daily commuter kasi ako, tapos magkakilala na kami lahat ng mga kasabayan ko. Taga Sta. Cruz ka ba o sa susunod na bayan pa?” I looked at him waiting for his answer. Counting, one. Two. Three… His right hand is holding his chin while his finger is caressing his lips and his elbow is leaning at the window frame, while here I am, continue counting. Four, five- He looked at me, “Sta. Cruz,” ‘Are you for real? It took five seconds before you answer tapos ‘yun lang ang sagot mo?’ ‘Yun sana sabihin ko sa’kanya kaso nagpipigil lang ako. Patience, patience, patience. ‘Lui, don’t stress yourself okay?’ “Ah, gano’n ba? Hehe, pasensya ka na ah? Sabi ko nga, ngayon lang kita nakita kaya na-curious ako.” He looked at the window to see the people outside passing by and some foodstall nearby. ‘Aba! Major in deadmatology ba ang course ng taong ‘to? One more Lui.’ “Anong school ka?” ‘Parang nag iisip na naman s’ya kung sasagutin n’ya ba ang tanong ko o hindi, tsk!’ He’s still staring outside the window. ‘Hay naku! Ang hirap naman kausap ng lalaking ito, laging dead end ang sagot! Ano ba ‘tong pinaggagawa ko, ba’t ko ba naisipang kausapin ang lalaking ‘to?’ After 48 years of waiting, sa wakas sumagot din ang mokong. “Ateneo,” maikling sagot n’ya. “Ah. Good, nice school!” Sabay smile, para hindi halata na naiinis na ‘ko sa’kanya. “Yeah,” dagdag n’ya. Buti na lang napuno na ang bus, paalis na. But I’m still wondering kung nasa’n ang tropang maingay? Ang tropang maingay, sila ang mga kasama kong mga regular commuters from my hometown, ang iba magkaklase dati sa high school tapos ang iba naman naging magkakaibigan na lang dahil sa araw-araw nagkikita at nagkaksabay. Ah, bahala na. At least kahit papaano sumasagot naman si mysterious guy, ‘yun nga lang aantukin ka muna bago s’ya sumagot. Hihirit pa ‘ko, “Sa Sta. Cruz ka ba talaga lumaki o may kamag-anak ka lang do’n?” Tiktak, tiktak, tiktak. Nilingon n’ya ako. “I studied in Sta. Cruz sa elementary until high school but I don’t stay there every vacation,” Buti naman 5 years lang sumagot s’ya agad. “Ahh, okay,” I answered him. “’Di ka daily commuter ‘no? Kasi ngayon lang kita nakita or something,” Tiktak, tiktak, tiktak. ‘Ano, sasagot ba o hindi?’ “No, may kailangan lang ako kaya ako uuwi do’n ngayon. Dito talaga ako nakatira sa city.” Buti naman medyo pahaba nang pahaba ang sagot n’ya. “Ah, gano’n ba? Sa’n ka nag high school?” ‘Todo na ‘to! Kahit isang tanong isang sagot, okay lang mapag tya-tyagaan na, kaysa makatulog ulit ako tapos lalagpas na naman, naku po! Sayang ang pamasahe tapos late makakauwi, awarding ceremony na naman ‘pag nagkataon. Flashback. Nagmamadali ako, kasi final exams no’n. ‘Di ko na hinintay ang tropang maingay kasi exhausted na ako masyado sa exam. Gustong-gusto ko nang makauwi, makakain, makaligo at matulog kasi sleepless nights ako the past nights dahil sa final exams. Since last day na ang exam, gusto kong umuwi ng maaga para makarest na. Sa kamalas-malasan dahil sa pagod, nakatulog ako tapos hindi ko namalayan na lumagpas na ako ng Sta. Cruz. Nagising ako nang may sumigaw na konduktor. “O’, sino ang bababa ng del Carmen dyan, gising na kayo! del Carmen, del Carmen, del Carmen na!” “Bababa ako kuya!” Putek talaga, napasarap ang tulog ko! Huhu, paano na ‘to? Ang layo ko na! Imbes na may extra money pa ‘ko, lagot, salvage na tuloy! Bumaba ako tapos tumawid sa kabilyang kalsada at naghintay ng bus pabalik para makauwi na’ ko sa amin. Sa kamalasan, ang tagal ng bus halos isang oras ang inabot ko sa paghihintay. Kaya nang pagdating ko bahay, awarding ceremony tuloy ang natanggap ko kasi late na akong dumating sa bahay, baka kung saan daw ako gumala. Talak to the max si mother sa akin kasi marami raw ang delikadong mangyari sa akin, ‘di daw ako nag iisip. As if naman ginusto ko ang nangyari, kainis! Kaya since no’n naghahanap ako lagi ng kakilala na makatabi, para may kakwentuhan ako at ‘di na makatulog ulit.   Back to the present.   “Sa St. Theodore Academy,” sagot nya. “Ah, magkaiba tayo ng school. San Augustine kasi ako, kung ‘di mo naitatanong.” Sagot ko naman baka may kakilala s’ya sa dati kong school, baka magkainterest s’yang magtanong. Silence, silence, silence. ‘Yun lang at ‘yun, ‘di na s’ya ulit kumibo, takte talaga! Hay, nakakaubos lagi ng energy. Kaurat! Nag-iisip ulit ako ng pwedeng topic ulit.  Think, think, think. Aha! “Sino pala mga ka-batch or schoolmate mo sa STA High, baka kakilala ko?” Silence ulit. Nakatitig na naman s’ya sa bintana para namang may magandang tanawin, kasalukuyang tinatahak ng bus ang daan palabas na ng city proper, kaya ang liwanag ng street lights sa mismong kalsada. Maliwanag, pero ang bawat gilid ng kalsada sa medyo kalayuan na ay hindi na masyadong maaninag kung anong meron dahil sa madilim na. “Hmm. I don’t think so, kasi most of my classmates are in Manila and Cebu studying after we graduated in high school, I’m not sure if there are.” Ano yun? Bawal ba sa batch nila ng mag-aral sa city lang? Required talaga na mag-aral sa ibang lugar? Ang sosyal naman! Saka, wow naman! Ume-english na siya, lume-level up yata ang pagiging suplado niya. Grabe s’ya, baka ‘kala mo ah! Marunong din naman ako mag English, nakakaloka! Sabay tingin n’ya sa akin tapos balik agad ang titig n’ya sa bintana. “Okay. Buti ikaw, hindi ka nag aral sa Manila or Cebu tulad ng mga classmates mo?” sarcastic kong tanong. Silence ulit. Tapos bumuntong hininga s’ya na parang nakukulitan na, hehe. Bahala ka dyan, makulitan ka na’t lahat wag lang akong makatulog at lumagpas ulit! That’s a big NO, NO!  After 48 years… “Actually, transferee ako from Manila. This semester lang ako nag start sa Ateneo,” he answered while looking at me, directly in the eye. Wow, confident ah! “Ohh, kaya pala ‘di ka familiar sa akin kasi madalas, magkakilala na kaming mga daily commuters eh!” While staring also in his eyes. ‘Kala mo ikaw lang marunong ng intimidating look ah! Pwes! Magkasubukan tayo ngayon. “Okay,” maikling sagot n’ya. ‘Lord, sana malapit nang dumating kasi I swear nakakaubos talaga s’ya ng energy.’ Minutes of silence. Ayo’ko na. Napagod ako lalo sa pinaggagagawa ko, life talaga! Para iwas antok I tried to scan my research project sa Biology para ma-finalize ko na tapos ma-encode ko sa weekend saka print. Para by Monday, masubmit ko na sa Prof namin. Kasi feeling ko pagdating sa bahay, borlog na agad ang beauty ko, I’m not sure kung makakakain pa ‘ko. T’was a long day for me sa dami ng requirements na ginawa ko, pati group project sa major subject ko na nangangalahati pa lang kami. Kaya 5pm na ako nakapasok sa library para makapag pa-photocopy ng mga reference ko sa Biology research project ko. Nagulat ako nang may biglang nagsalita sa tabi ko, “Biology?” Oh, is he real? Did he really ask me? “Yup,” sagot ko na hindi man lang s’ya binigyan ng tingin, ‘kala mo ikaw lang marunong sumagot ng maikli ah! “That’s my major,” Ows! Nagtanong ba ‘ko? Well... “Really?” as if, duh! “Yeah, pero first year pa ako sa topic na ‘yan,” he added. “Oh okay,” and it caught my attention. “So, BS Biology ka pala? Are you planning to proceed to medicine?” I added. He shifted his eyes towards me after staring at the window, “It depends,” sagot niya. Pinapakiramdaman ko s’ya kung mag o-open ba ulit s’ya ng bagong topic. ‘Kala n’ya ha, hindi ako marunong ng art of seduction? Kunwari seryoso pa din akong nagpatuloy sa binabasa ko, when he asked me. “What’s your degree program? If you don’t mind,” Ay wow! Suddenly he’s interested about me. “Mass Communication,” tinitipid ko na din ang sagot ko, kasi effective sa’kanya. “Really? I know someone who’s also studying the same degree program as yours.” Sabi nya. Teka did I asked him? Parang hindi naman. Effective talaga ang tipid na sagot. “Ahh,” sagot ko lang. Tapos deadmatology ulit. Nagulat ako biglang tumilapon ang ibang gamit ko na nakapatong sa lap ko nang biglang break si manong driver. Ang daming nagising at nagreklamo. “Ano ba ‘yan manong, dahan-dahan naman po gusto pa po naming mabuhay!”  “Manong gusto ko pa pong makatapos ng pag aaral!” Hay naku, biglang umingay tuloy dahil sabay-sabay nagsalita ang mga pasaherong nagrereklamo tapos si manong driver, hindi man lang pinansin ang ingay habang ako, busy sa pa abot ng mga gamit kong tumilapon. Buti may mga pumulot sa mga books tapos ibinigay na lang sa’kin. Nagpasalamat naman ako sabay ngiti. Tapos biglang, “Nasaktan ka ba?” Tanong ng katabi kong kanina ko pa kausap pero hindi ko alam ang pangalan. “Hindi naman,” hindi naman kasi talaga masyadong masakit kasi may foam naman naman ang likod ng upuan kung saan ako nauntog. “Thanks,” dagdag ko. “Ikaw?” balik ko sa’kanya. “Okay lang, hindi naman ako nauntog, nakahawak ako agad.” Naglakad malapit sa amin ang konduktor siya ang humingi ang nagpaliwanag kung bakit nangyari ‘yun. May nagmomotor pala sa unahan ng bus na sinaksayan namin, lasing daw yata ang nagmamaneho kasi pagewang-gewang tapos hindi pwedeng mag overtake ang bus na sinakyan naming kasi pakurba ang daan. Bigla daw natumba ang nagmomotor buti na lang hindi mabilis ang patakbo ni manong driver pero nagulantang pa rin ang lahat nang biglang preno niya. Pero infairness, okay na din ‘yun, at least okay naman kami lahat except dun sa dalawang mamang nagmomotor na hindi na namin alam kung ano na ang nangyari. Buti kasi mabait si manong driver hindi na sinigawan ang mga lasing at iniwasan na lang niya para hindi na kami maantala sa byahe namin. Katatapos ko lang mag ayos ng mga gamit ko na kinandong ko ulit kasama ng backpack ko. Napagdesisyunan ko na lang na ihinto ang pagbasa ng ni-research ko sa Biology, nang biglang nagtanong ang katabi ko. “Okay lang sayo uwian everyday, from Sta. Cruz to City and vice-versa?” Tanong niya. “Nakakapagod din pero okay lang, sanayan lang kumbaga,” sagot ko sa’kanya. “Well, you’re right. But still, it’s tiring when you travel two hours everyday to and from. It’s stressful,” sabi niya. “Yes, nakakapagod. Pero konting tiis na lang, finals naman next week kaya makakapagpahinga na din.” Sabi ko. “Haven’t you tried living within the city?” He added. “Oo, no’ng first year ako two semester din ‘yun, kaso hindi ko makasundo ang pinsan ko kaya nagdecide akong mag commute na lang muna, since kaya pa naman ng schedule ko at saka nag e-enjoy naman ako.” Sagot ko sa kanya. “Okay,” Buti malapit na kami sa hometown ko, isang bayan na lang tapos Sta. Cruz na. Ang sakit sa pwet, saka higaan na ang paningin ko. Sobrang daming nangyari sa araw na ‘to. Nag iimagine na ako ng higaan nang nagsalita ulit ang katabi kong hindi ko pa din ang alam ang pangalan. “We’re almost there,” ang sabi. Ah bahala na nga, ako na lang ang magtatanong para no regrets. “Ah, if you don’t mind, Lui Demiranda nga pala ako kahit hindi ka nagtatanong. Kanina pa kasi tayo nag uusap pero ‘di pa natin alam ang pangalan ng isa’t isa.” Sabay may ngiti para hindi halata ang kahihiyan. “Georje Peralta,” tamang-tama. S’ya namang pakanan ng bus papasok ng terminal ng Sta. Cruz. Kaya, “Sige ah, nice meeting you. Mauuna na ‘ko,” sabi ko. “Yeah, likewise.” With that, we separated our ways and I bid goodbye.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD