CHAPTER 2

2446 Words
CHAPTER 2   Past eight in the morning when I woke up. I have to get up and eat kasi may tatapusin pa akong research paper for Biology. Para ‘pag natapos na, ‘yung ibang requirements na naman ang gagawin ko. I have to make a reviewer pa for the upcoming finals. And so, my weekend ends up very progressive kasi sa awa ng Diyos, natapos ko ang dapat kong matapos. For submission na lang, then matapos na din ang clearance ko, I can get exam permit na. Hindi na nawala sa isip ko ang nakausap ko kagabi, ewan ko ba, I was really attracted to him and I got more curious sa pagiging mysterious niya. I find him smart kaya lang, suplado lang talaga. Monday came, I’m busy with school stuffs pa din and at the same time, I started to read the reviewer I made for finals. Mahirap na, baka hindi ako payagan ng admin na makaadvance ng iilang subjects sa darating na summer. “Thank you, Lord! At last, natapos na din ang lahat, I can relax na kahit paano.” Kakatapos lang ng exam ko for my last subject. Nagmamadali akong lumabas ng classroom kasi I feel so hungry, ‘cause I haven’t eaten my lunch yet. I have to hurry to go to cafeteria, or else, baka mahimatay na lang ako bigla. Pagdating ko sa cafeteria, I saw my friends with some new faces na unfamiliar to me. Sinadya kong ‘wag muna pansinin, kasi talagang super gutom na ‘ko. As in, nanginginig na ang tuhod ko sa gutom saka ang sakit na ng tyan ko. Buti na lang may iilang vacant tables bandang sulok, so I choose to sit there. I want to eat my lunch in peace. In middle of enjoying my meal, someone tap my shoulder and said, “May ganyanan na ngayon Lui? Natapos lang ang exams hindi ka na namamansin sa’min?” VM, short for Veronica Marie one of my close friend. “Sorry, it’s not my intention. It’s just that, I’m so hungry lang talaga I haven’t eaten my lunch yet and its already late in the afternoon na, as you can see!” sabi ko. “Wow! Nagpapakamatay ka ba? Nag exam lang hindi ka na kumain?” bulyaw niya sabay upo sa harapan ko. Paranoid kasi ‘yan maldita pa. Pero love ko ‘yan kasi love din ako n’yan, caring kasi talaga ‘yan kahit maldita. Bunso kasi, saka anak mayaman pa. “No! Of course not! Nagahol lang ako sa time kanina kasi ang tagal natapos ng exam ko sa isang major subject ko, kaya I have no time to eat my lunch na kaya I just go directly to Bio lab for my next exam. Practical exam kasi kaya mahirap ma-late, dumaan pa ako sa locker para kunin ang lab gown ko.” Sagot ko. “Okay, pero it’s not healthy to skip meal, you know that sis! Anyway, hinanap ka sa akin ni Mitch kanina, may meeting daw kayo sa dance troupe,” “Ay patay! Today nga pala ‘yun. Kala ko I’m free na,” napukpok ko tuloy ang sarili ko. Yes, you read it right member ako ng dance troupe. “Thanks! I have to go na sis. I’ll just see you later.” Sabay tayo. “Talaga, we’ll see each other later kasi we’ll wait for you, sabay tayo. May pupuntahan tayo, kita na lang tayo sa student lounge. Sige na bye,” nagmamadali na agad akong umalis right after akong kumain. After the meeting, true enough VM waited for me together with our other friends. I don’t have an idea where we are heading, pero basta mahirap tanggihan ang mga to ‘pag sinabing may pupuntahan lalo na’t kakatapos lang ng finals, alam nila free kami lahat. We went to the barbeque house, where we usually hang out to eat our dinner. Then sabay-sabay na din kaming umuwi. Sabay din kami ni VM kasi dalawang bayan ang pagitan mula sa hometown ko, ang s’ya namang hometown ni VM. Kaya pwede kaming magsabay sa bus, mauuna nga lang akong bumaba sa’kanya. Pero magkikita kami next week, kasi may outing kami ng barkada na matagal na naming napagplanuhan na gawin ‘to. Mag overnight sa beach, just us friends, wala pa namang may boyfriend ni isa sa amin, kaya kami lang talaga. Thursday, 6:00 am gising na ‘ko preparing for our outing, samantalahin ang summer before magstart ang enrollment for advance summer classes and remedial para sa iba. Dadaanan kasi ako ni VM ngayon, ihahatid daw s’ya ng papa niya since may sasakyan sila kaya dadaanan nila ko para sabay na kami mahatid sa port, kasi tatawid kami sa isang island. Sa port na kasi ang meeting place namin. 6:30am, nasa highway na ‘ko naghihintay nakakahiya naman kasing sa bahay pa ako magpapasundo mismo eh, papasok pa kasi ang bahay namin kaya much better sa highway na lang para hindi hassle. Para kina VM at sa father niya kahit close na ako sa family nila, actually parang na din anak nila ako nila Papa Jo. Yes, papa Jo and mama Shi din ang tawag ko sa mama at papa niya and vice-versa. Hindi nagtagal, nakita ko na ang sasakyan nila, kilala ko na since ilang beses na ako nakapunta kina VM saka nakasakay sa sasakyan nila. Nagulat ako pagkasakay ko nang makita ang kuya ni VM na si AC, short for Adrian Christopher, sa isip ko baka may pupuntahan sila ni papa Jo. “Hi Lui! Surprise!” sigaw ni AC sakin. “Surprise ka dyan!” balik ko sa’kanya. Tapos tawa sya nang tawa. Parang sira! Mapang asar kasi talaga ‘yan sa amin ni VM, lalo na sa iba pang close friends ni VM. Talagang maiinis ka sa asar niya. Si VM naman, nakasimangot nang tabihan ko. I know na this! Magkaaway na naman ang dalawang ito. “Hi papa Jo! Good morning po!” bati ko sa papa nila sabay abot sa kamay para magmano. “Good morning din Lui! Ready?” nang magkatinginan kami. “Opo, okay na po,” sabay ngiti ko sa’kanya habang nagsasalita. Kinalabit ko si VM tapos tinititigan ko, tinging nagtatanong kung bakit s’ya nakanguso. Umiling lang s’ya, sabay tapik niya sa lap ko. I immediately get what she wanted to point out, we’ll talk about it later. Gano’n kami ka close, parang na ge-gets namin agad ang gestures ng isa’t isa. We found sisters towards each other. Dalawang magkapatid lang kasi si VM and AC, parang aso’t pusa pa. Ako naman, I have older sister, pero we’re not close. Magkaiba kasi kami ng trip sa buhay. We reached the port after a forty-five minutes ride, agad naman nagbilin si papa Jo sa amin sa kung ano ang dapat at hindi dapat naming gawin. And it startled me when papa Jo left AC with us, after some few reminders. Hinila ko agad si VM palayo sabay bulong ko kay VM, “Bakit nagpaiwan ang kuya mo? Don’t tell me kasama s’ya sa atin? Kasi ‘di ba ang usapan all girls ito?” tapos tinaasan ko sya ng kilay. “’Yan nga ang reason kung sobrang bad trip ako pagising ko kanina. Kasi sabi nila papa na hindi nila ako payagan sumama kung hindi kasama si kuya. Kainis nga eh!” dabog pa niya. “What, why?” “Kasi daw puro daw tayo girls tapos overnight pa daw tayo. Kahit anong explain ko na safe naman ang pupuntahan natin, ayaw pa din makinig nila papa. Kainis talaga!” Tinignan ko agad si AC kasi may kausap syang lalaki. Sinundan naman agad nang tingin ni VM kung saan ako nakatingin. “What?! Bakit nandito ‘yan?!” gulantang ni VM. “Sino ‘yan?” tanong ko naman. “Si James, barkada ni kuya. Bwisit talaga nag aya pa talaga ‘tong mokong na ‘to ng kakampi! Ang kapal talaga ng mukha!” Mabuti na lang bago pa nagkaroon ng confrontation sa magkapatid, sabay-sabay na dumating ang mga friends namin na sina Karen, Anne and Shadz kasi si Gerlyn eh malapit lang naman ang bahay nila sa resort na pupuntahan namin, kaya do’n na namin siya kikitain sa resort. Nag-volunteer din kasi na s’ya na ang mag aayos sa food and drinks namin. Naibigay na namin ang ambagan namin sa’kanya bago pa ang finals, talagang pinaghandaan talaga namin ang lahat. We planned also to have a bonfire tonight kaya exciting ang lahat. We want to enjoy kasi muna while we can have time for each other, we know kasi na all of us will be very busy this upcoming summer ‘cause all of us are taking advance summer classes and the next semester, mas madami na ang major kasi incoming 3rd year na kami pero hindi kami pare-pareho ng major subjects. Yes, we all have different degree program. Naging close lang kami kasi naging mag classmates kami sa iilang minor subjects sa first year. Tapos nag-click agad kami dahil magkakasama kami sa group projects. Kaya ayun, since no’n, naging close na kami. Hindi na naming pinansin ang dalawang lalaki na kasama namin kasi may sarili din naman silang mundo, bahala sila. Hindi naman talaga sila invited in the first place eh. Sumakay agad kami sa bangka na maghahatid sa amin sa isla, kasi ‘yun ang sinabi sa amin ni Gerlyn, na s’ya na ang bahala ng bangka susundo sa amin. Habang papunta sa isla, of course hindi mawala ang kulitan naming magkakabarkada saka picture-picture. Ito naman kasi talaga ang pinunta naming dito ang mag enjoy, bago kami haharap sa madaming stress na kakaharapin namin sa mga sususnod na mga semester. Saka quality time para sa isa’t-isa while we can. After almost an hour of riding the boat, at last nakarating na din kami sa lugar ng paraiso. Este, malaparaisong lugar. Ang ganda kasi ng view, saka nakaka-excite umapak sa white sand. Ang dagat nakakahalina, kahit hindi ka marunong lumangoy, mapapalusob ka talaga sa linaw ng tubig dagat. Hindi pa kasi masyadong dinadayo ang lugar kaya mas maganda s’ya kasi feeling mo at peace na at peace ka, konti lang din ang guests. Mas gusto naming kasi ganito mas mag e-enjoy kami. This is our only goal to enjoy and have fun, bonding. Buti na lang nakisama naman ang dalawang lalaking kasama namin at himala, hindi inatake ng pang aasar si AC sa amin. Kaya overall, sobrang nag-enjoy kami sa naging outing namin hanggang sa pag uwi namin. Naging sulit ang lahat. Sinundo kami ng papa nila VM, tapos magkasabay pa din umuwi sila Anne, Karen and Shadz pareho lang kasi silang taga city and AC’s friend, umuwi s’yang mag isa. Tapos na ang fun, welcome to the moment of boredom. Kasi nasa bahay lang ako while waiting for the schedule of enrollment for advance classes. Ewan kung bakit hindi din nagparamdam ang mga classmate ko sa high school, kung kailan free ako. Natapos ko na kasi ang book na binabasa ko, mahilig kasi akong magbasa ng novel. So, nag isip ako ng pwedeng kong gawin para kahit paano malibang naman ako. Mag isa lang ako, si mother pumuntang farm para magsupervise sa harvest. Mga iilang araw daw s’ya do’n, sumama ang bunso namin kasi mama’s boy ‘yun. Ang tatay ko naman, malayo ang assignment n’ya kaya once a month lang s’ya kung umuwi dito sa amin. May mga kapatid ako pero nasa ibang bansa nagtatrabaho. Kaya ang ending home alone ako. Ayaw ko kasing sumama dahil hinintay ko ang tawag nila Anne para malaman ko kung pwede na naming kunin ang grades namin. Nakakasawa din manood ng tv. ‘Yun lang naman kasi ang pwede magawa eh. ‘Di naman kasi tulad sa panahon ngayon may internet na saka cellphone, saka wi-fi at may internet pa. Eh early 90’s ‘to mga teh, mga kyah. Kaya ayun, music trip ulit ako. Habang nag e-enjoy ako sa music at saka sa orange juice ko. Nahagilap ng mata ko ang phone directory ng PLDT. Sa sobrang bagot ko pinatulan kong tingnan na para bang Vogue magazine lang. Read, read, read. Walang lang, sa gusto kong magbasa ng mga names eh. Bakit ba? Joke! ‘Till nakakita ako ng familiar name inaalala ko kung sa’n ko ba narinig ang name na ‘to. Bakit familiar? Hmm. Think, think, think. “Luh?! Oo nga pala ito din ang name ng mysterious guy, s***h sungit, s***h mayabang na englishero! Pero crush ko, hehe. S’ya kaya ‘to, or kapangalan n’ya lang? Shocks! Baka tatay n’ya ‘to, ibig sabihin junior s’ya? Nakaka-curious naman. Ano kaya kung try kong tawagan, hehe.” Out of curiousity and boredom, I dialed the number based on the directory. I felt nervous when I heard the first ring. Then second, and third. Someone picked up the phone and said, “Hello? Sino ‘to?” baritone voice halatang medyo may edad na. ‘Wag pahalata Lui na kinakabahan ka,’ I convinced myself. “Hello po, si Lui po ‘to,” “Sinong Lui? At anong kailangan mo?” Suplado, patay! Mas lalong dinadaga ang puso ko, lagot na! “Ah, magtatanong lang po kung dito po ba nakatira si Georje Peralta?” nanlamig ako saka pinawisan. Putakte talaga, ano ba ‘tong ginagawa ko? “Sinong Georje ba ng hinahanap mo, ‘yung tatay o ‘yung anak?” confirm junior nga s’ya, saka mana sa tatay, suplado. Tsk! “Ah, ‘yung anak po.” “Eh wala sya rito, nasa lola nya sa syudad. Minsan lang ‘yun umuwi dito. Ano ka ba n’ya?” ‘Patay! Jusko Lord! Anong isasagot ko? Friends? ‘Di naman kami friends. Classmate? Mas lalong hindi! Bahala na.’ “Ah, schoolmate po,” “Dun ka sa lola n’ya tumawag, nando’n s’ya. Sige, may gagawin pa ako,” Mag t-thank you pa sana ako, kaso binabaan ako bigla. Ang sungit talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD