CHAPTER 3
Natapos ang two weeks ko na sa bahay lang ako, mabuti na lang nakatanggap na ako ng tawag mula kay Shadz na pwede na daw naming kunin ang grades and pwede na din daw mag enroll for summer classes. Kapitbahay kasi nila ang isa sa mga scholar na assign sa registrar, kaya s’ya lagi ang unang nakakapag paalam sa amin ng mga updates. At last, makakalabas na din ako sa lungga ko. Hindi naman ako kabado sa grades ko, kasi alam ko naman na I did what I have to do para kahit paano hindi bababa sa required average ang grade ko. Hindi ako matalino, hindi rin naman bobo sapat lang. Kumbaga, average lang ako. What’s important for me is to finish college and to get a decent job. ‘Di naman kasi lahat ng theory applicable sa actual job ‘di ba. Kaya do’n ko na ibibigay ang best ko ‘pag once I’m working na. Madami naman kasing hindi naman matatalino pero pagdating sa work nag e-excel, kasi masinop sa work kaya madaling napopromote.
We already got our grades, got our scheds and finished the whole enrollment process. Voila! Nakakapagod ding pumila pero okay lang. What’s important is that, we are done. We can go to the mall. Unwind muna saglit bago umuwi, we ate ice cream our all time fave. Then we separated our ways, off to go home para sulitin ang remaining days before the summer classes starts.
Time flies so fast. Sunday, last day of summer vacation for me, at kakatapos lang ng birthday ko, kasi bukas Monday first day of summer class na. Hindi ako nagising ng maaga kaya hindi ako nakaattend ng morning mass. So, I decided to attend the afternoon mass instead. I attended the mass alone, as usual. After the mass, naisipan kong maglakad pauwi malapit lang naman ang bahay namin. Saka madaming naglalakad kaya okay lang din, magandang damhin ang simoy ng hangin sa gabi. 6pm kasi ang start ng mass kaya 7pm natapos. When I was about to go out the premises of the church, someone tapped my shoulder. I thought it was just one of my HS classmates, I got startled when I saw a familiar face on my side. Guess who? It’s no other than the mysterious, s***h grumpy, s***h boastful guy in the bus.
“Hi,” without emotion in his face.
Parang hindi sincere. Ah ewan nag “hi” pa s’ya ‘di ba?
“Oh, hi,” no feelings din ang pinakita ko sa’kanya. Kasi ang totoo kinabahan ako. I remembered what I did. I’m not ready for a confrontation. Not now, please?
“Ah, can I talk to you for a second?”
Patay ito na nga ba ang sinasabi ko! Shocks talaga! Kung bakit ko kasi ginawa ko ‘yun? Takte talaga!
“Ah, okay. Make it quick lang ah? Kasi I’m in a hurry eh, I have classes pa kasi tomorrow. Saka baka magtaka ang parents ko na natagalan ako.” Dinadaga.
“Yeah, this will be quick.”
“Fire away! What is all about?”
Para matapos na agad. As if ‘di ko alam, playing safe.
“Did you called? Kasi sabi ni daddy somone called and was looking for me, named Lui,”
“Ah, oo. Sorry, it won’t happen again. I promise. I was just curious when I saw a name Georje Peralta. I’m wondering if is it you or it happens to be just as the same name as yours. Sorry, I promise it won’t happen again,” paliwanag ko na hiningal sa haba para lang matapos na agad.
Ngayon kasi tinablan ako ng matinding kahihiyan. I didn’t expect na ganito ang mangyayari ngayon. Ayo’ko namang magsinungaling kakalabas ko lang ng simbahan.
What made me more nervous is his cold stare, I am not sure if he’s mad or what. Ang hirap basahin ng mukha n’ya, its empty. “
It’s fine. I just didn’t expect that you’d call. Kasi my friends usually calls me at my lola’s house where I stayed at,”
“Yeah, sorry ulit. Napagalitan ka ba? Kasi parang galit yata ang daddy mo,”
“Ha? No, gano’n lang talaga si daddy,”
No wonder masungit ka din. Like father, like son. Tsk!
“Sige ah, I’ll go ahead. Pasensya na,” sabi ko.
“Okay. Sige, thank you. I’ll have to go na din my friends are waiting. I just saw you, kaya naglakas loob akong lumapit bihira lang kasi akong umuwi dito. I took the opportunity when I saw you. ‘Ge, bye,”
“Bye,” I changed my mind. Sumakay na lang ako ng tricycle pauwi kasi parang hindi ko kaya maglakad nangangatog na ang tuhod ko sa kaba at kahihiyan.
‘Shocks, Lui! Don’t do it again para ‘di ka na mapahiya! Nakakahiya talaga sobra! Quota na!’
Monday morning comes, I prayed na sana no more Georje Peralta encounter na sa bus. Please lang, Lord! Spare me, ayo’ko na po. Promise magpapakabait na po talaga ako. But fate is such a b***h! Hindi ko alam na nasa likod ko pala ang taong pinagdasal ko na ‘wag na sanang magkrus ang landas namin. Putakte talaga! Napatalon ako habang naghahanap ng mauupuan nang may nangalabit sa akin.
“Lui, it’s you again,”
Shocks! ‘Di ba Lord nakiusap po ako na sana ‘wag magtagpo ang landas namin ngayon? Naman talaga, tsk!
“Uy!”
Lui, ‘wag pahalata na kinabahan ka. Chill Lui, baka mahimatay ka na lang bigla, mas nakakahiya. Quota ka na sa kahihiyan.
“What a coincidence?”
Bwisit talaga!
“Ah, oo nga,” sabay upo nang hindi na nag iisip basta bakante, okay na.
Sa kamalasan tumabi pa talaga. Putakte talaga! Ano ba naman ‘to? Ayo’ko na! Promise last na to!
“Would you mind?”
“Huh?” Tulaley ang lola mo.
“I said, okay lang ba tumabi or may kasama ka?”
Spaced out. Earth to Lui!
He snapped his finger, “Ah yeah its okay.”
Usog Lui, dikit sa bintana.
“You okay?”
“Huh? Yeah, I’m fine. Sorry I spaced out, just thinking,”
‘Wag pahalata Lui, relax.
“Oh okay,”
Try to be casual Lui, don’t be obvious.
“Are you taking summer classes din?”
“Yeah, kasi I have some subjects na hindi na credit sa school ko ngayon, from my former school.”
“Ah gano’n ba? Hassle,”
“Yeah, right. Hassle it is,”
And with that, I turned my gaze outside the window. Para bang may interesanting tanawin, just to avoid another conversation with this damn guy. Hindi pa din kasi nawala ang matinding kaba at kahihiyan dahil do’n sa phone conversation ko sa tatay n’yang masungit na minana n’ya.
Nag iisip ako ng pwedeng gawing palusot para makaiwas nang-
“Uh, Lui?”
Bingi bingihan mode. Bakit ba kasi ngayon pa kami kailangan magkasabay dito sa bus, worse magkatabi pa talaga! Habang nag iisip ako ng pwedeng gawin just to avoid another conversation nang kinalabit nya ako.
“Lui?”
“Huh? Bakit?”
“Ang lalim naman yata ng iniisip mo,”
“Ah, eh, hindi naman. I’m just thinking about my friend, I forgot to call her before I left the house,” I bit my lower lip.
Patay! Talaga Lui? Gawa pa ng kwento Lui! Convince yourself.
“Bakit?”
“Uh, I just remembered last Sunday,”
Kalma self, nalusutan mo na ‘yun ‘di ba? May part 2 pa ba?
“Why? I thought we alreay talked about it-” hindi n’ya ako pinatapos sa sasabihin ko.
“No, it’s not what I meant. I was about to ask you if you know someone from St. Agustine, named Jed and Ali? Does it ring a bell?”
“Oh, yes! They’re both my elementary and high school classmates. You know them?”
“Yeah, of course. They are my close friends. Actually, they saw you last Sunday, pero nakasakay ka na ng tricycle when they saw you. They didn’t know that ikaw ‘yung hinabol ko para kausapin,”
“Really? How did you guys became friends? If you don’t mind. Kasi apparently, we’re not in the same batch,” I asked.
“Well, pareho kami ng hilig we have a common friend na s’yang nag introduce sa amin and napasama kami sa iisang group.”
“Talaga? Wow! That’s cool! Small world, huh?”
“Right, small world.”
Hindi ko na napansin na madami na pala kaming napagkwentuhan. Kahit na ako lang mas madaldal talaga, kasi kahit nakikipag-usap siya matipid pa din siya magsalita. Hindi ko inexpect na magiging ganito ang maging conversation namin this time. Pero kahit nag uusap kami, nandyan pa din malamig n’yang titig. ‘Di kaya kamag anak s’ya nila Elsa, charot! Mabuti na lang malapit na akong bumaba, dadaan muna akong bookstore kasi may kailangan pa akong bilhin.
Nangalahati na ang summer classes. Hindi ko namalayan malapit na ang birthday ko, debut actually. Nawala sa isip ko kasi busy sa summer classes tapos sa mga assignments saka projects. Ayo’ko sana talaga magparty sa debut ko, pero hindi pumayag ang parents ko kasi nag-debut daw ang kapatid ko, tapos dalawa lang daw kaming babae, dapat ako din daw. Well, sa totoo lang hindi naman kasi ako nag e-enjoy sa party. Mas gusto ko pang mag outing na lang with my friends. Sila lang naman ang may maraming bisita, kalimitan hindi ko naman kilala. Ayo’ko kasi ng madaming ka-echusan! If I know, madalas sila uma-attend sa mga party. Plastikan lang naman, as a matter of fact, nakakapagod na. Takte! Ikaw na nga ang nagpakain, ikaw pa ang gawing headline kinabukasan, tapos ang side comments wagas! Kainis lang!
But then, ‘di sila nagpaawat. Sila lang naman daw ang mag pe-prepare wala naman daw akong gagawin. Kasi sinabi ko na sa kanila, na hindi na kaya ng schedule ko since full load ako. Sinadya ko talaga dahil ‘kala ko makakaiwas na ako. ‘Di rin naman pala. Umuwi kasi ang ate ko, kasi annual vacation niya, s’ya na lang daw ang bahala pati sa escort ko, gown, etc. Sa pictorial lang ako may participation, kasi kailangan talaga ang presence ko.
Evertyhing went well with my summer classes. Ang saya nga eh, kahit medyo stressful. At least nabawasan na ang subjects ko sa first sem, ibig sabihin, makaka-take na naman ako ng advance subjects, para full load ulit ako sa first sem. Much better nang busy sa school kasi wala naman akong boyfriend. Friends ko? Busy din sila sa acads nila. Kaya okay lang. Laban lang para sa kinabukasan!
My birthday came na wala akong pakialam. Of course, invited ang mga college friends ko, ‘yung close lang. Tapos sila na ng kapatid ko ang nag invite sa mga HS friends ko and sa iba ko pang friends sa hometown ko. Buti na lang tapos na ang exam, bago pa ang birthday ko kaya just in time ang lahat. Actually, nakapag-enroll na nga pala ako. Saka after ng debut ko, maghahakot na ako ng mga gamit kasi may nakita na kami ni VM na apartment malapit sa school. Mas busy na kasi kaya kailangan ko ng magstay within the city. And yes, magkasama kami ni VM. Actually, apat kami, friends ni VM na pinakilala sa akin. Dati n’yang kasama, sa dati n’yang tinitirahan na apartment. Lilipat sila, kasi nakita nila na ang lilipatan namin ni VM. Bagong gawa kung pioneering kami, saka mura lang din, accessible and most importantly, safe.
The party went well, I had fun kasi I saw my old friends. Buo ang barkada ko from HS. I was surprised na pati ‘yung mga friends ko sa elementary na ‘di ko inasahan, naka-attend din.
Yes, you read it right. In other words, dumating din si Georje together with my former classmates na sila Jed and Ali. Pero mas madami ang hindi ko kilala kasi mga bisita ng kapatid ko, tatay ko saka kung sino-sino pa ang mga invited nila. Ayun, napuyat pero okay naman. ‘Yung escort ko, sa party na pinakilala sa akin. Friend pala ng kapatid ko. A sort of family friend din ang family nila pa parang ako lang ang hindi nakakilala sa kanila. The day after the party, nagkaro’n pa ng impromptu outing with family, my escort and his family. One last blow daw before classes begin. We enjoyed the sea breeze, the white sand. Pero sa ibang resort kami pumunta, not the same resort my friends and I last visited. We had island hopping, beach volleyball tapos swimming, syempre.