bc

ONE SHOT STORY COMPILATION

book_age18+
198
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
kickass heroine
billionairess
lighthearted
office/work place
childhood crush
like
intro-logo
Blurb

Hello Potatoes!!! Ang mga story na napapaloob dito ay lahat one shot short story po. Ito ay pasasalamat ko sa lahat ng aking mambabasa. Walang sawa akong nagpapasalamat sa inyo kahit hindi kayo ganoon karami ang napakasaya ko pa rin. Kaya sa munting mga kwentong handog ko para sa inyo sana magustuhan niyo.Ako si Author EDMINGARD at your service.Ito ang simpleng motto ko sa buhay.There's no LOVE if there's no TRUST.And for me, it's true talaga po. We need to trust our love ones.Once again, happy reading!!!

chap-preview
Free preview
BEAUTY FOR HEROY (COMPLETED) ONE SHOT SHORT STORY
Magandang araw sa inyong lahat. Magpapakilala nga po muna ako sa inyo, ang tawag sa akin ay si Heroy isang binata at naghahanap ng jowa, hindi 'yan biro kaya kung may ipapakilala kayo sa akin ay handa na akong patali, hindi sa leeg ah! hahahaha. Isa nga pala akong manlalakbay sa isipan ko lang ah! Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mahanap ang soulmate ko. Hindi naman ako katandaan ano at syempre sa hitsura? Hindi ako papahuli, sabi nga nila may kamukha akong artista pero hindi ko na papangalanan at baka rumami na naman ang fans ko at madumog ulit ako. Marami na nga ang naging broken hearted dahil sa akin eh "Heroy! saan na ang pinapakuha kong asin?" sigaw ni Nanay Veroy sa akin, heto na naman kami sa sigawan ng madaling araw. Pinaikot ko lang ang gwapo kong mata at mabilis na ibinigay kay Inay Veroy ang asin. "Heto na po Inay!" sabi ko Inay habang inaabot ang lalagyan ng asin. "Ikaw talagang bata ka! asin lang halos isang taon akong maghihintay bago dumating!" galit na sabi ni Inay. Paano ba naman kasi eh! lumilipad na naman ang isipan ko. Mabilis akong bumalik sa labas at baka may mga customer na kami. May maliit na karenderya ang Inay Veroy ko at siyang pangkabuhayan namin. Marami-rami na ang pumipila para makasilay ng ka-guwapohan ko. Agad akong napangisi ng makita ang mga kababaihang tumutulo na ang laway sa akin. "Araw-araw na kayong kumakin dito ah! na-i-in love na kayo sa akin ano?" agad na biro ko sa mga suki namin. Tumawa naman si Marie, isang teacher sa kabilang bayan. "Hoy! Heroy! masyado ng lumolubo ang utak natin ah!" kantiyaw na sa akin. Tumawa lang ako dahil sa mga biro niya, halata namang papansin lang. Tumikhim kaagad ako. "Sige pili na kayo ng mga ulam niyo at ng ma-i-serve ko na," sabi ko sa kanila na agad namang sinunod nila. Kitams! nagpapa-alipin talaga ang mga babaeng 'to sa akin eh! Isang gabi ay nasa sala ako at nanonood ng balita. Isang balita ang naagaw ng atensyon ko at agad kong nilakasan ang volume. "Breaking news, mag-bagyong paparating sa ating bansa kaya mag-ingat tayong lahat, inaasahang sa susunod na araw ang landing nito. Sa mga nasa malapit sa dagat ay lumikas muna kayo sa mga ligtas na lugar. Mag-iingat din ang mga taong may maraming punong kahoy o malapit sa poste ng kuryente. Mag-handa ng mga first aid kit at ng mga pagkain. Ugaliin nating manood o makinig ng mga balita para sa update ng bagyo. Magandang gabi sa inyo," narinig kong pagbabalita ng news reporter. Kaya naman ay agad akong nag-handa ng mga kakailanganin ko. Maging si Inay Veroy ay sinabihan ko na rin. Nangyari nga ang bagyong ibinalita sa telebisyon. Mabuti na lang talaga at level one lang natamo ng aming probinsya. Mas nakaka-awa ang ibang probinsiya na natamaan ng matinding bagyo. Kinagabihan ay nanood ako ng balita tungkol sa update ng mga nasalanta. "Breaking news! mga kababayan nating nasalanta ng bagyo ay hindi pa rin makabangon sa mga nawala sa kanila. Kung sino man ang handang tumulong ay maari kayong pumunta sa mga baranggay niyo at mag-donate ng mga pagkain o kaya naman ay damit para sa mga nasalanta. Maraming salamat at magandang gabi sa inyo," sabi ng news reporter. Kinabukasan ay nagpaalam kaagad ako kay Inay Veroy. "Inay, magpapa-alam po sana ako sa inyo," paalam ko kay Inay. "Bakit anak? may pupuntahan ka ba?" sagot ni Inay Veroy sa akin. "Opo, 'Nay gusto ko sanang tumulong sa mga nasalanta ng bagyo," sabi ko kay Inay. "Sige anak, tulungan mo ang mga nangangailangan at baka 'yan na ang daan para makahanap ka na ng mapapangasawa," sabi ni Inay Veroy na siyang ikinatawa ko. "Inay, wala ka bang tiwala sa anak mong guwapo?" biro ko kay Inay. "Wala! saang anggulo mo naman nakuha ang kaguwapohan mo aber?" naka-taas kilay na tanong ni Inay sa akin. "Inay naman eh!" maktol ko rito. "Siya sige na, buksan mo ang 'yong puso para sa mga nangangailangan," sabi ni Inay at agad ko na siyang niyakap at umalis kaagad ako. Mabuti na lang talaga at naghahanap ang Brgy. Captain ng mga volunteers na gustong tumulong sa pagdi-distribute ng mga relief goods para sa mga nasalanta ng bagyo. Dumating kami sa lugar kung nasaan ang mga nasalanta ng bagyo. Grabe ang laki ng pinsala. Hindi ko halos ma-imagine kung paano nila nakakaya ang kanilang sitwasyon ngayon. "Kuya," kalabit sa akin ng isang dalagita. "Bakit? papa-autograph ka ba?" nakangisi kong tanong dito. Kahit saan talaga ako mapadpad ay marami pa ring naghahabol sa akin eh! "Hindi po, baka lang may pagkain kayo, kanina pa po ako nagugutom eh!" kakamot-kamot na sabi ng dalagita. Ay! Gutom lang pala siya. Natawa na lang ako sa sarili kong kalokohan. "Halika muna rito Ineng, saan ba bahay mo?" tanong ko sa kanya habang ginigiya siya sa may silya. Mayroon kaming tent doon na nilagay upang may masilungan ang mga bibigyan namin ng tulong. "Wala na po akong mga magulang, at ang isa kong kapatid po ay nawawal hanggang ngayon," kuwento pa ng dalagita sa akin. Kinuha ko muna sa isang box ang mga naka styrofoam na pagkain. Binigyan ko siya ng pagkain at kumuha na rin ako ng bottled water para sa kanya. Hinila ko ang isang upuan upang makinig sa kuwento niya. Malay mo naman ma-featured siya sa isang tv show masabit pa ang ka-guwapohan ko kaya mas sisikat talaga ako nito. "Wala po kasing gustong mag-volunteer na hanapin ang kapatid ko, takot din sila at mas priority raw nila ang maramihan kaysa sa iisang buhay lang," malungkot nitong kuwento sa akin. Parang may humaplos naman sa puso ko dahil sa sinapit ng kanyang kapatid. Parang may nagtulak sa aking tulungan ang dalagitang ito. "Ilang taon na ba ang kapatid mo?" pagtatanong ko pa sa kanya. "Twenty-two po, at alam mo bang ang ganda ng ate ko," nakangiti niyang sabi, ngunit ang kanyang mga mata ay puno ng kalungkutan. "Saan ba nawala ang ate mo at bakit ayaw nilang hanapin?" tanong ko pa sa dalagita. "Sa malapit po sa bangin, medyo malalim po 'yon kaya walang sumubok na maghanap doon," sabi nito na parang maiiyak. Nilakasan ko ang aking loob. Minsan lang gawin ng guwapong lalaking katulad ko ang mga ganitong bagay. Hindi lang pala kapogian ang taglay ko kundi katapangan din pala. "Sige, samahan mo ako kung saan nawala ang ate mo at ililigtas ko siya!" matapang kong sabi sabay tayo. "Ano pala ang pangalan mo?" tanong ko sa dalagita. "Ako nga pala si Sisay, at ang pangalan naman ni ate ay Beauty," nakangiti niyang sabi sa akin. "Beauty I'm going to save you!" sabi ko pa syempre sabay pakita ng aking masel. Kumuha ako ng kagamitan, sinabi ko sa mga kasamahan kong ililigtas ko ang isang babae sa may bangin. Kinuha ko ang lubid at flashlight. Kinuha ko na rin ang mga first aid kit at isinuksok ko sa aking gilid. Mabilis naming pinuntahan ni Sisay ang bangin kung nasaan ang ate niya. Nang makarating kami ay agad kong itinali ang lubid sa malaking kahoy at ang nasa dulo ay inilagay ko sa aking baywang. "Kung anoman ang mangyari sa akin Sisay, humingi ka kaagad ng tulong dahil sayang ang kaguwapohan ko," madamdamin kong pahayag sa kanya. Tumango-tango na lang si Sisay. Ilang saglit pa ay unti-unti na akong bumaba sa may bangin. Nakakatakot ang taas nito at para akong malulula. "Beauty! Beauty!" sigaw ko, baka marinig niya ako. Hinanap ko ng tingin kong may tao ba. Dahan-dahan akong nakababa at hinanap ang dalaga. "Beauty! Beauty! narito ako upang iligtas ka!" muli kong sigaw. "N-nandito a-ako!" narinig kong may sumigaw. Sinundan ko ang tinig ng babae at nakita ko siyang nakahiga sa may batuhan. Agad ko itong nilapitan. "Okay ka lang ba?" tanong ko rito. ''May okay bang ganito ang kalagayan?" balik-tanong nito. Ay! nasupalpal ang kaguwapohan ko. "A-ah, pasensya na! halika at tulungan na kita," sabi ko rito at agad na pinatayo, ngunit umigik ito sa sakit. "Naku! sorry," sabi ko baka nabigla kasi ng pasok este tayo. Kaya dinahan-dahan ko na lang. "Ahh! ang s-sakit!" ungol niya. "Masakit pa ba? dahan-dahan na nga 'yon eh!" sabi ko. "Okay na," sabi niya. Well, napakaganda niya pala talaga sa malapitan. Tamang-tama ang pangalan niyang Beauty. Napangiti tuloy ako. "Hoy!" sigaw ni Beauty sa akin. Maging ang kanyang boses ay parang musika na eh. "Nasa langit na ba ako?" parang wala sa sarili kong tanong sa kanya. Bigla ay sinapok niya ako. "Aray!" reklamo ko rito. "Ano? aalis na ba tayo rito o hindi?" galit nitong sabi. Aba naman! sa guwapo kong 'to sinasapok lang! "Oo na!" sabi ko kaagad at mabilis na kaming umakyat habang ang mga kamay ni Beauty ay nakalingkis sa aking katawan, okay munang pagsawaan niya ako dahil maganda naman siya. "Huwag masyadong halata na na-i-in love ka na sa akin," sabi ko dahil humigpit ang kapit niya sa akin. Inirapan niya lang ako. Natawa naman ako sa kanya. Matapos kong mailigtas si Beauty ay dinumog ako ng media at heto nga naging instant celebrity kaagad ako. Marami sanang offer pero hindi ko na pinatulan pa. Ang mga kababayan naman natin ay mabilis na tinulungan ang mga nasalanta ng bagyo at dahil sa kagitingan ko ay nagsagawa ng rescue operation ang organization dahil mayroon pa tayong mga kababayan ang nawawala. Kahit gaano man kahirap o kahit ilang bagyo pa ang dumaan sa ating basta't sama-sama at magtutulungan ay walang imposible sa pag-bangon at pag-babago ng ating mga kababayan. "Heroy! bantayan mo nga muna ang anak natin!" sigaw ng napaka-ganda kong asawa na walang iba kundi si Beauty. Dahil sa ka-guwapohan kong taglay ay nahulog kaagad ang puso niya sa akin. "Heroy!" muli nitong sigaw. "Nandiyan na po Mahal!" balik kong sigaw. Ilang buwan simula ng ma-rescue ko si Beauty ay agad ko siyang niligawan at syempre na love at first sight siya sa akin. "Mahal? tapos ka na ba dyan?" tanong ko sa aking magandang asawa. "Oo, Mahal, tapos na ako," sabi niya at agad ko siyang niyakap ng mahigpit. "Salamat sa pagmamahal mo," malambing niyang sabi sa akin. "Salamat din sayo Mahal," sagot nito at hinalikan ako. "I love you!" malambing niyang sabi sa akin. "Mas mahal kita," masaya kong sabi. "Beauty and the beast!" "Lumabas na kayo dyan at kakain na!" sigaw ni Inay Veroy. Si Inay talaga panira ng moment eh. Dito na nagtatapos ang kuwento namin ni Beauty. Maraming salamat.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

His Obsession

read
104.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.0K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook