Kabanata 2: Loving Mr. Castillo

4802 Words
SABI SA AKIN ng mga kapitbahay ko sa probinsiya, hindi lang daw mayayaman ang mga tao sa siyudad. Hindi lang daw sila mga ginto kung manamit, kumain, at mamuhay. Matatalino rin daw sila, higit sa lahat ay matatalas ang mga pag-iisip dahil exposure daw sila sa moderno at mga makabagong gamit ng technology. Sabi rin sa akin, hindi mo basta-basta raw sila basta-basta maloloko dahil nga sa matatalino sila. Kaya nang marinig ko ang sinabi ng lalaking nasa harap ko, napakunot ang noo ko sa taas ng batok. Iniligtas ko raw siya? Boang siya, kung ganoon! Akala ko pa man din, matatalino nga talaga ang mga taga-siyudad. Hindi naman pala! Isa na siya sa mga patunay! “Bakit ka nga ulit nagpapasalamat?” ulit na tanong at sa pagkakataong ito ay labis na seryoso na dahil nga hindi ko naman alam ang pinagsasabi niya. “Hindi po kita iniligtas, Kuya. Itong asong mabaho ang puwet po ang iniligtas ko,” saad ko at tinapik ang puwetang bahagi ng katawan ni Atti at pinanlisikan siya ng dalawa kong magagandang mga mata. Silence muna dapat siya dahil seriously ako sa kausap ko ngayon na lalaki. Samantala, tumigil na yaong mga tao sa pagpapalakpakan. Marahil umalis na iyonng mga kalapati sa mga kable kaya tumigil na sila. Nakangiti pa rin sila sa akin na akala mo ay may nagawa akong magandang bagay ngayon-ngayon lang. “You saved me, and everyone witnessed that,” pagmumura nito sa harap ko. Tumaas ang kilay ko. “Minumura mo ba ako? Tinatanong lang kita, Kuya. Wala naman po sanang murahan! Masama iyan, hindi ba?” Akala ko ba ay iniligtas ko siya ngunit bakit ganito? Akala ko nga, iniligtas ko siya. Pero bakit niya naman ako minumura gayong aniya ay sinagip ko raw siya? Saan naman, kung totoo? “Hindi kita minumura. Ang sabi ko lang, iniligtas mo ako sa parating na aksidente at nakita iyon lahat ng maraming tao...” Napatango-tango ako na parang tanga pero ang totoo ay tanga naman talaga ako kasi hindi ko pa rin naiintindihan. Siya? Seryosong serious? Iniligtas ko?Pero okay na rin. Kahit boang, papayag na lang ako sa kaisipan na iniligtas ko siya. Ayaw ko nang pinipilit ng mga tao. “Wala po iyon! Ang mahalaga po ay tumulong sa kapuwa. Naniniwala po kasi ako sa kasabihan na, Help others so that in return, we have cash. Kaya ginawa ko lang po ang dapat kong gawin, Kuya...” Napatawa naman ang lalaki sa sinabi ko! See? BOANG nga talaga siya! Tama naman ang pag-e-English ko, hindi ba?! Hindi ba siya naniniwala sa kasabihang iyon? Kahit bata ay nalalaman iyon! Napakasarap sa pakiramdam tumulong! “Oo nga. But thank you. I didn’t see the the car kaya tumawid ako. Thanks to the above because He gave you just to save me,” saad pa ni Kuya. Grabe siya, ang lutong niya talagang magmura! “By the way, what do you want?” pagmumura na naman niya sa akin habang nakangiti pa. Napansin niya, hindi ako nakapagsalita. Hindi lang siya boang, ang lutong niya ring magmura! Sobrang masama iyon! “Ang ibig kong sabihin ay ano’ng gusto mo para naman masuklian ko kahit paano ang kabutihan na ginawa mo?” Napatango-tango ako. “Ah, gets...” Hindi maiwasang mamangha sa kaniya habang pinagmamasdan siya. Marahil nagtatrabaho siya sa isang malaking kumpanya, isang tanyag na kooperatiba, o sa isang sikat na establisimyento! Kakaiba ang hitsura niya kumpara sa ibang taong nakikita ko rito sa siyudad! Hindi talaga siya pangkaraniwan. Ang ganda rin ng suot niyang pangmayaman at disente ring tingnan sa kabuuan niya! Bakat na bakat talaga ang muscles niya sa suot niya kahit simple lamang ito! Gusto ko mang pisilin ang mga iyon ay pinigilan ko ang sarili ko dahil baka masapak lang ako nito nang nasa oras, mga bandang alas-cinco ng hapon. “Naku, wala po! Ayos na po sa akin ang nakatulong nang walang hinihinging kapalit na kahit ano,” pagkukunwari kong humbleness. Hindi ko naman kasi talaga siya iniligtas dala ng iniligtas ko lang naman si mabahong Atti na may rumi pa sa puwet. Ang kulit ng ngala-ngala niya! “Sigurado ka ba talaga?” paniniguro nito sa akin. Napatango lang ako at ngumiti. “Ang bait mo talaga. Kung ibang tao iyan, baka siningil na ako ng malaking halaga. Ikaw, ang bait mo at ayos lang sa ‘yo ang ginawa mo sa akin. You are amazing..." “Talaga po? Ganoon ba talaga rito? Pera ang kapalit kapag tumulong? Grabe rin naman pala rito! Sa lugar nga namin, salamat lang, ayos na! Malaking bagay na kasi sa amin iyon. Tapos dito, may kapalit na katumbas? Ang pangit naman pala rito sa siyudad, kung ganoon din...” Napatango si Kuya. “Oo nga. That's why, nagtataka ako sa ‘yo. Ngayon, masasabi ko talagang ang bait mong tao. Salamat sa pagliligtas mo sa akin, ah? May God bless you at all times,” saad pa ni Kuya. Nagpasalamat ito sa akin at nagpaalam na habang nakangiti. Akmang tatalikod na siya nang bigla pa akong magsalita. “Hindi ninyo po ba ako pipilitin? Pilitin niyo pa muna ako, Kuya, ano! Bilis!” Napatawa ang lalaki at humarap sa akin. Nakita ko pa tuloy ang dimple niya sa kaliwang left na pisngi niya! Maputi siya at parang artista talaga ang dating! Ang sarap sa mata ng mga ngiti niya, sa totoo lang na to be honesty. Siyempre, gusto ko ng pinipilit muna akong lalo at bago ako pumayag! Isa pa, susulitin ko na ang pagkakataong ito. Tutal, siya rin naman ang may gusto nito. Desisyon siya sa life, ibibigay sa kaniya! Mapilit! “Taga-saan ka ba at ano ang pangalan mo?” seryosong pag-i-interview niya sa akin. “Parang bago ka lang dito dahil sa mga bitbit mo. At may kasama ka pang napaka-cute na tuta. Nakatutuwa siya...” Nagkatinginan kami bigla ni Atti. Kanina ay iyon ang ikinalulungkot kong labis. Nakangiti naman akong sumagot para ilabas ang kagandahan ng batok ko. “Ako po si Marites Ravelo. Galing pa po ako sa probinsiya namin at kararating ko lamang po kaninang tanghali rito sa Maynila. Tama po kayo sa sinabi ninyo, maganda po ako—este tama po kayo na bago lang ako rito sa siyudad,” taas-noo ko namang pagpapakilala sa kaharap. Ilang taon ko pang pinag-isipan ang ganoong introduction yourself kaya't dapat lang na ma-entertainment ko siya! Baka gusto niyang pasabugin ko ang bungo niya! Nagsalita akong muli. “Narito po talaga ako ako para maghanap ng trabaho ngunit sa kasamaang-palad sa kamay ay nabigo ako.” Nagkunwari naman ako na malungkot at ngumuso nang kaunti. Muli na naman akong nakiliti nang dilaan ni Atti ang braso ko kaya't mabilis ko rin siyang hinampas sa puwetan niya. Napatingin tuloy si Kuya at kumunot din ang noo dahil sa ginawa ko. Sinabi ko na ngang huwag siyang interruption sa conversational namin ni Kuya ngayon! “Alam mo ba, Kuya? Hindi mo ito alam?” Napatawa tuloy siya. “Alam mo ba na pinag-ipunan ko ang pera ko para lang makarating ako rito sa pag-aakalang makapagtatrabaho ako? Pero ano’ng sinapit ko, Kuya? Wala! Nakakuha na raw sila ng katulong! Nakalulungkot tuloy...” “Ngayon, wala akong pansamantalang matutuluyan. Hindi naman po puwedeng dito ako sa kalsada dahil sa malamig po. Naniniwala rin kasi ako sa kasabihang, Don’t talk if your mouth is full, kaya hindi talaga puwedeng sa kalsada na ito...” Sandaling napatawa na naman si Kuya, napailing-iling. Ano kayang nakatatawa sa sinabi ko? Kanina pa siya natatawa! Confirmation, boang nga talaga ang lalaking nasa harap ko ngayon! Ako na malungkot dito, siya naman ay nakangiti. Napa-seriously siya. “Kung gayon ay may iaalok ako sa iyong trabaho. Alam kong simple lang ito pero tulong ko na sa iyo ito sa ginawa mong pagliligtas sa akin,” wika nito nang nakangiti pa rin. Napalaki ang mga mata ko nang higitin nito ang kamay ko at nagsimula kaming maglakad. Wala man lang siyang pasabi sa ginawa niyang iyon! Hindi naman ako easy-to-get na tao, ano! Ang kapal ng mukhang face niya! Hinding-hindi ako! Habang hila-hila niya ako, bigla na lang naging activeness ang mga brain cells ko sa noo. Sinabi ng tatay ko noon na mas maputi pa sa white ang buhok, hindi ko raw dapat na ipinahahawak sa kung sino-sino ang maganda at makinis kong katawan lalo na sa mga hindi ko kakilala at higit lalo sa lahat ay sa mga lalaki. Naiintindihan ko naman ang bilin na iyon ng tatay ko na mas maputi pa sa white ang buhok dahil kahit ako rin naman, ayaw ko rin hinahawakan ang balat ko nang walang pasabi. Nasanay na ako sa ideya na iyon at hindi ko kinalilimutan. Araw-araw kaya akong naghihilod ng katawan ko at sinisikap ko talaga itong paputiin sa abot-abot ng makakaya ko! Nahihiya nga lang din ako sa batong panghilod namin dahil pagtapos ko itong gamitin, mas maitim pa sa panty ni Aling Tess ang nagiging kulay. Bakit kaya ito? Bakit kaya nagiging maitim ang kulay ng panghilod namin matapos ko na itong gamitin at ipahatid rin sa katawan ko? Pinanghahawakan ko talaga ang biling iyon ng tatay ko kaya’t mabilis kong binawi sa lalaki ang kamay ko. Ang kapal ng face niya para hawakan ako nang basta-basta! Shameful on you, Kuya!Napahawak ako sa mga maleta ko nang mahigpit at bahagya lang naman na napaatras. Nagtaka ang hitsura niya. Ang guwapo ni Kuya sa reaksiyong iyon! “What’s the problem?” pagmumura niya sa akin. “You want to have a job, right?” Sandali akong hindi nakasagot dahil sa hindi ko alam naman ang sasabihin ko. Siyempre, kailangan ko ring mag-isip kahit wala akong isip bago sumama sa lalaking ito, ano! Kahit guwapong lalaki pa siya, hindi talaga dapat basta-basta. Walang exceptional dito! kahit guwapo pa siya, hindi ako puwedeng pumayag na lang nang basta-basta! Hinding-hindi! Hindi ko pa rin kinalilimutan ang bilin ng mga magulang ko. Huwag agad-agad sasama sa mga hindi kilalang tao dahil sa mayroon daw na ilang mga lobong nagbabalat-kayo bilang silang mga tupa. Maraming nilalang sa mundong ito ang manloloko at mapanlinlang. Kahit gaano pa kaayos, kaganda, kadisente, kalinis, at katanggap-tanggap ang mukha, hindi pa rin dapat ito pinagkakatiwalaan agad. Inilapit ko ang tainga ni Atti sa bibig ko at bumulong. Baka may natitira pang libag si Atti sa utak niya. “Sasama na ba tayo sa kaniya?” Napatango agad siya. “Kakikilala pa lang natin diyan at baka mapaano tayo! Isa pa, baka rapist iyan na tao! Siyempre, papayag ako—biro lang! Ano nga? Sasama nga ba tayo sa kaniya? May iaalok daw siyang trabaho sa akin at tulong din. Ano sa tingin mo?” Tumahol si Atti. Sumama na lang daw kami sa lalaki dahil wala naman kaming matutuluyan pareho. Aniya, baka ito na raw ang sagot sa kanina ko pang sagot na hinahanap na pansamantala munang matutuluyan, pati ang pagkain namin pareho dahil parehas din kaming hungry. “Boba ka! Kakakilala pa nga lang natin sa kaniya pero ang taas na ng trusting mo!” singhal ko sa aso. “Paano kung ibenta niyan ang mga laman-loob natin? Ano? Ayaw mo na bang mabuhay sa mundong ibabaw?” sermon ko at umirap sa aso. Napaisip si Atti, ganoon din naman ako. Sabi rin ng mga tao sa probinsiya, dahil nga likas na sa mga taga-siyudad ang matatalino, marami na rin sa populasyon nila ang mga mauutak, mga mandaraya, manloloko, at mapagpanggap. Baka ang isang ito, miyembro pala ng isang kulto! Na-jombag ako nang wala sa oras?! Sa kabilang banda, nakita ko naman ang lalaking nakangiti lamang sa akin na hinihintay ang matamis kong ‘oo' sa alok niya. Baka isipin, nagdadalawang-isip ako! Hindi ganoon, ano! Mali siya sa kung anong iniisip niya kung sakali man. Paano ako magdadalawang-isip kung wala nga akong isip? Isipin niya rin iyon! Napatayo ako nang maayos. “Totoo po ba ang sinasabi ninyong bibigyan ninyo ako ng trabaho? Baka scamming po kayo,” seryoso kong sagot bitbit ang kagandahan ko. “Uso pa naman po ang bentahan ng kidney sa noo, apdo sa leeg, baga sa batok, at puso sa binti. Baka kawatan po kayo, ah? Totoo po talaga?” “Hindi ako tulad ng iniisip mo. Hindi ako miyembro ng kawatan. Sa guwapo kong ito ba?” pagyayabang ng boang na Kuya. “Seryoso ako bilang kapalit sa ginawa mo sa akin. Iyon na rin ang pasasalamat ko bilang utang na loob dahil nga sa iniligtas mo ang buhay ko.” Kitang-kita ko sa kulay brown niyang mga mata ang sinsero sa mga binitiwan niyang salita. “Sure ba iyan, Kuya? Hindi ka scanner o miyembro ng mga kawatan? Seryoso?” “Scammer,” pagtatama niya sa akin. “At hindi ako tulad ng iniisip mo. Mamaya, makikita mo kung sinungaling nga ba ako o hindi. Malalaman natin mamaya...” Mukhang nakukulitan na sa akin si Kuya. Baka bigwasan ako nito sa batok. Kaya naman, napangiti na lang ako nang tipid at napatango. Pumayag na rin ako dahil mukha naman na kasi talaga siyang mabuting tao. Ang bait-bait niya pa! Sabi kasi ng mga tao sa amin sa probinsiya, minsan ka lang daw makakikita ng mga mabubuting hayop dito sa lungsod. At suwerte na rin ako ngayon sa boang na lalaking mag-aalok sa akin ng trabaho! Kinuha niya agad ang isang maleta kong mas matanda pa sa katawang-lupa ko. Nag-abang na rin siya ng masasakyan. Tahimik lang ako maging si Atti dahil sa nakikiramdam pa ang kagandahan ko kay Kuya. Nagugulumihanan man ay sumang-ayon na lang ako sa mga bituka ko sa tiyan. Bitbit ko pa rin sa braso ko si Atti na hindi na umiimik at silence lang. Sana lang talaga, mabuting good person itong si Kuya. Baka mamaya kasi talaga, hindi ko akalain, biglaan, dadalhin pala ako nito sa zoo! Baka mamaya, isa itong scientist at pag-eksperimentuhan pala ang kagandahan ko! Nakatatakot iyon! Nang may humintong taxi sa harapan naming dalawa ay nagtungo ang lalaki sa likod ng sasakyan at doon ay inilagay niya ang maleta ko. Kinuha niya rin ang isa pang hawak ko at inilagay rin doon nang magkasama. Gentleman si Kuya! Binuksan niya ang pinto ng taxi upang papasukin ako. Sa totoo lang na to be honest, hindi naman ako nakararamdam ng kahit kaunting kaba rito sa dibdib ko. Parang sinasabi ng utak ko na sumama na lang ako kay Kuya kahit wala naman akong utak. Normal lang naman ang pakiramdam at magaan din ito sa bulsa. Sumakay na ako at umupo sa likurang bahagi ng sasakyan. Nagtungo naman siya sa unahan, sa katabi ng driver. Kung hindi nagkakamali ang kagandahan ko, fastener seat ang tawag doon ng mga mayayaman. Nagsimula na rin ngang umandar ang taxi. Medyo malamig dito. Napaiisip ako kung semi-aircon ba ang sasakyan na ito o baka nananaginip lang ako nang gising. Kumportable ako rito. Pag-uwi ko nga sa probinsiya namin, yayabangan ko ang kababata kong si Abby: The Manananggal Tuwing Gabi. Magaling kasi iyon sa pagbabali ng katawan niya kaya iyon ang tawag ko sa kaniya. Sasabihin ko nga sa kaniyang nakasakay na ako ng taxi ng dalawang times. Mayabang pa naman din ang babaeng iyon! Ang sarap niyang ihulog sa gilingan ng baboy, BUWISIT siya! Sabi niya pa sa akin, nakasakay na raw siya ng eroplano. Wow! Sayang nga lang dahil hindi sumabog ang eroplanong sinakyan niya para namatay na siya—joke! Ang hangin lang kasi ng babaeng iyon at kung makapagsalita sa harap ko ay akala mong nasakop na niya ang buong mundo. Kung makapagyabang, akala, nasisid na ang Mariana Trench. Mukha naman siyang anak ni Mr. Bean! Natauhan ako nang tumahol-tahol si Atti na tuwang-tuwang nakaupo sa hita ko. Dahil nasa likuran naman kami nakaupo, at mukhang nag-uusap ang driver at si Kuyang boang, hindi kami magpapatalo ni asong mabaho at mayroong rumi pa ang puwet. Mag-uusap din kami ngayon! “Problema mo?” pagtataray ko sa kaniya dahil wala rin naman siyang ambag sa buhay ko. Pasalamat lang talaga siya at si Marites, ako ang nakapulot sa kaniya. "Arf! Arf!" Seryoso si Atti ngayon mismo. Biglang nangilid ang mga luha ko nang tanungin ni Atti kung ayos lang daw ba ako. Tinusok ko ang puwet ni Atti dahil parang tinusok-tusok din ang puso ko sa concern na ipinamalas niya. Para bang na-touch ako roon nang bigla-bigla! Tinusok ko ang puwet ng aso. Saka ko lang napagtanto na may rumi nga pala ang puwet niya! Mabilis kong itinapat ang daliri ko sa ilong ko upang amuyin. Inamoy-amoy ko iyon dahil...mabango? Kataka-taka ito! Kanina naman, ang baho. Naguguluhan tuloy ako. Hindi ko na kasi alam kung sino ang sisisihin ko kung kanino nanggagaling ang amoy na mabaho. Sa kaniya ba o sa hininga ko? “Salamat, Atti! Kakaiba ka talaga! Dahil diyan, may check ka sa noo!” Ginuhitan ko ang aso sa noo nito ng isang check at mahinang tumawa. “Ayos lang ako, ano! Dapat, ikaw ang kinakamusta kasi ikaw ang muntikan ng masagasaan sa ating dalawa! So ano nga? Ayos ka lang ba?” “Bakit hindi ka pa nasagasaan kanina at namatay?” pagbiro ko sa mabahong aso. Biglang nalungkot si mabahong aso sa sinabi ko. Dahil siya si Atti at ako naman si attitude, sumimangot na rin ako kaya kapuwa kami malungkot ngayon. Hindi ko alam kung bakit naging sadness siya. Kinukumusta ko lang din naman ang kalagayan niya! Paano kung nabalian siya? Na-trauma? May masakit pala sa kaniya? Ayaw ko rin na mangyari iyon! Patuloy lang sa pag-andar ang taxi’ng sinasakyan namin kaya’t nanahimik na lamang ako at ang beauty ko. Pahinga na rin itong maituturing. Ganito pala ang tinatawag nilang beauty rest! Sabi kasi sa akin, kapag wala namang magandang sasabihin ang bibig ng isang tao ay mas itikom na lang daw ito. Dahil ako naman ang maganda at hindi ang mga sinasabi ko, silence na lang din muna ako rito. Idinungaw ko na lamang ang mukha ko sa bintana ng sinasakyan namin upang aliwin ang sarili. Next time, ako naman ang magbibigay ng aliw sa tao, biro lang! Kapag nakararamdam din talaga ako ng pagkabagot, gumagawa talaga ako ng kahit anong paraan para maiwasan iyon. Hindi kasi ako papayag na boredom ang buhay at life ko minsan. Gaya lalo ng sa probinsiya namin. Dahil kaunti lang ang mga ginagawa roon at puro aral lang at gawaing bahay lamang ang inaatupag, hindi ko hinahayaan ang sarili na wala akong ginagawa o pinagkakaabalahan. Minsan pa nga, sa school namin noon, nakikipagsaksakan ako ng ball pen sa mga kaklase ko. Totoo iyon because it is true. Enjoying na enjoying kaming lahat sa laro na iyon. Kung sino ang matalo, durugo ang braso sa katawan. Daranak ang dugo sa sahig hanggang sa agad na bawian ng buhay at ilibing—biro lang! Ganoon ang isa sa pantanggal-bagot sa amin. Sa ganoong paraan, naaaliw ako at siyempre, nakalilimutan ko rin kung tao pa nga ba akong maituturing doon. Ganoon naman talaga, hindi ba? Kapag wala kang magawa, gagawa ka talaga ng paraan upang may gawin ka, para aliwin mo ang sarili mo. Kasama na roon ang pagtuklas, pagkatuto, maging lalo na ang pagdiskubre sa mga bagay na hindi mo akalaing kaya mo palang gawin sa sarili. Naniniwala rin kasi ako sa kasabihan na, Patience is a virtue na totoo naman. Hanggang sa halos pasukan na ng bee, honey bee at tutubee ang bibig ko nang bigla na lang na mapansin ang naiibang pagbabago ng paligid! Comparison kasi kanina ay mas maganda na ang mga nakikita ko ngayon! Kaakit-akit at ang sarap kung pagmasdan! Nakaaaliw ang mga ito na para bang nakabubusog sa mga mata! Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapangiti nang napakalapad! Malapit nang maggabi kaya’t ilang mga lights sa paligid na ang makikita. Ang lulupit din pala ng mga poste rito, hindi basta-basta! Gayon din naman sa mga street lights na makukulay! Ang mga establisyementong natunghayan ng mga mata ko kanina ay hinigitan pa ng mga nakikita ko dahil sa mga makukulay na palamuti. Kakaiba talaga sa technology! Never akong nakakita ng mga ganitong bagay sa probinsiya dahil nga puro mga bulok na bahay, sira-sirang bubong, at nagkalat na mga matataas na puno lang ang makikita at mga sakahan. Hindi rin naman sa minamaliit ko ang probinsiya namin, pero parang ganoon na nga. Kahit ganoon, mahal ko naman ang lugar, kabihasnan, at buhay na kinalakihan ko. Gayunpaman, napakasaya ko nga talaga kahit papaano. Napaisip ako. Kahit hindi ako natanggap sa trabaho kanina dahil sa buwisit na lalaki kanina, nakilala ko naman si Atti na mabaho ang puwet at nakagala rin ako rito. At siyempre, hindi ko pa alam kung ano ang daratnan ko sa kung saan man ako dadalhin ni boang na Kuya. Nasasabik na rin ako para doon. Sana lang ay hindi talaga kawatan ang isang ito. kahit itanan na lang ako, gawin niyang asawa ay ayos na—biro lang! Kinausap ko ulit ang aso. “Exciting ka na ba?” tanong ko kay Atti. “Sana, marami ang pagkain doon, ano?! Para masaya!” “Arf! Arf! Arf!” sagot naman ng aso. Anito, sakto lang daw. Napakunot ang noo ko. “Bakit naman? Dahil laking Manila ka? Na hindi na bago sa ‘yo na makapunta sa mga magagandang lugar? Alam mo, bukod sa attitude ka, ang yabang mo rin,” saad ko naman sa aso. “Kung hindi ka excitement, ako, exciting ako dahil baka marami ang pagkain doon. Hindi ka ba naniniwala sa kasabihan na, Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho’t malansang isda?” banat ko pa. Umiling si Atti. Hindi raw siya naniniwala roon dahil hindi naman daw siya isang isda. Aso raw siya, ASO! Gusto ko siyang awayin! Ang sarap niya ring ihagis sa bintana nitong taxi pero huwag na lang muna kasi tinatamad ako. So ano ako? Isda ako? Porke't naniniwala ako sa kasabihan na iyon? Nanahimik na ako. Huminto ang taxi sa isang napakalaking bahay na ang gate ay kumikinang pa sa kintab. Parang gusto kong baklasin iyon at ibenta rin sa junk shop sa probinsiya namin dahil sa tiyak akong malaki-laki at sobrang laki nga talaga ng halaga noon! Bumaba na kami sa taxi at napahawak ako sa bibig ko dahil ang baho talaga ng hininga ko! Hindi ako makapaniwala! Ang ganda ng pinakakabuuan ng mansiyon!Nakalululang pagmasdan nito! Parang maya-maya lang, tutulo na ang laway ko! Grabe! Gravity! Ang ganda to the pullest! Itim na black at puting white ang kulay, wala ng iba pang color. Gawa sa bato ang lahat ng nakikita ko. Sa iba't ibang parte nito, wala akong masabi kung hindi maganda—ako. Ganitong-ganito rin ang mga nakikita ko sa ilang mga magazine sa probinsiya namin! At siguradong sure ako na mas maganda pa ang nakikita ko ngayon! Ang lupit! Nakamamangha ito! Marahil milyon-milyon ang ginastos para maipatayo ang ganitong uri o kagandang bahay na mas maganda pa yata sa akin! Gravity sila dahil ang laki-laki talaga nito, sobrang literal na ang laki-laki talaga! May nakikita akong halaman sa paligid, labas, tapat ng mansiyon. Ang kaibahan nga lang ay magkakalayo na ang mga bahay rito kumpara sa probinsiya namin na halos iisa lang ang mga dingding at bakod. Dikit-dikit! Kaya ‘pag nagkasunog talaga sa probinsiya, ipikit mo lang ang mga mata mo ay wala ka ng makikita! Ipikit mo lang ang mga mata mo ay ang laking bahagi na ng mga kabahayan ang natutupok ng apoy dahil sa tabi-tabi ang kabahayan dahil sa bilis ng pagkalat. Ganoon kabilis kumalat ang apoy. Mas mabilis pa sa takbo ng isang sea horse. Kinakausap ko nga rin minsan ang mga bahay sa probinsiya namin. Tinuturuan ko rin silang maging attitude na tulad ko para naman maglayo-layo na sila. Pero dahil masyado akong matalino, hindi rin siguro nila ako maintindihan lagi-lagi. Natauhan ako sa pag-iisip ko kahit wala naman talaga akong isip at utak nang mapatikhim ang boang na lalaking nasa tabi ko. Ngayon ay tangan-tangan niya na ang dalawa mga maleta ko habang nakatitig siya sa akin na akala mo ay ako lang ang pinakamagandang babae sa balat ng saging—este sa balat ng lupa. “Are you okay? Are you doubting? I told you, I'm no scammer. Hinding-hindi ako ganoon,” pagmumura na naman sa akin ni Kuya. Ang hiling sentence niya lang ang na-gets ko dahil hindi siya nagmura. “Minumura niyo ba ako, Kuyang boang?” “No! Hindi kita minumura!” depensa niya at tumawa ulit. BOANG talaga. “Ang sabi ko, ayos ka lang ba? Napatulala ka kasi at parang lumilipad ang isip mo sa kung saan. Baka kako, nagdadalawang-isip ka pa rin sa akin. Hindi nga ako manloloko.” “Naku! Kuya! I'm pine and very good, ano! Crush mo kaya concern ka sa akin, ano? Concern citizen ka sa akin, ano?" pagbibiro ko na ikinailing-iling ni Kuyang boang habang natatawa pa sa harap ko. “Hindi lang ako makapaniwala kasi ang gaganda ng mga bahay rito! Totoo, Kuya! Promise! Mamatay ka man—biro! Ang ganda talaga rito! Lalo na itong bahay na nasa harap natin! Outstanding sa lahat ng mansiyon! Hindi ako makapaniwala!” Itinuro ko ang mansiyon na nasa harap namin ngayon na black and white lang ang tema. Kahit ganoon, sobrang ganda! “Diyan kami nakatira, Marites. That's my mansion and I'm sorry if black and white lang. That's my two favorite color and ganoon din naman ang mga anak ko. But, maganda naman siya, hindi ba?” Dire-diretsong naglakad si Kuya para pumunta na sana sa gate. Pero, mabilis ko siyang pinigilan. Tama ba ang narinig ko na sinabi niya ngayon? O sadyang namamalik-tainga lang ako dahil sa rami ng tutuli sa loob ng tainga ko? Sa kaniya raw ang mansiyong nasa harap namin na sobrang ganda’t sobrang beautiful?! “T-Talaga, kuya? Seriously ka? Sa inyo po ang mansiyon na ito? Seryoso, serious? Walang bawian? Peksman? Mamamatay man itong asong hawak ko ngayon din mismo?” hindi makapaniwalang tanong. “Yes, that's our mansion. Pumasok na tayo. Rito ako nakatira at mula ngayon, dito ka na rin magtatrabaho sa mansion," mahinahong saad sa akin ng boang na lalaki at bahagyang ngumiti pa sa akin. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko. Hindi ko ma-imagination na rito na ako magtatrabaho! Hindi lamang ito isang Dreaming coming true, isa rin itong Dreaming coming real para sa akin at sa kagandahan ko! Hindi talaga ako makapaniwala! Pakiramdam ko tuloy, nananaginip lang ako habang tulo pa ang uhog—este tulo pa ang laway ko! “Halika na at maabutan na tayo rito ng gabi,” ani Kuya nang mapansing hindi pa rin ako nakaimik dahil sa pagkabigla. Sumunod na lang ako sa kaniya kahit na hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa lahat ng mga nangyayari. Parang kanina lang, halos pagsakluban na nga ako ng heaven and the earth dahil sa nalaman kong nakakuha na ng ibang katulong ang kausap kong lalaki kanina. Tapos ngayon ay nakilala ko si Atti, at nakakilala ako ng isang guwapong lalaki pero bilang din naman. Ngayon, papasok, tutuloy, at magtatrabaho na ako sa isang malaki’t magandang mansiyon? Nakamamangha! Kinalabit ko si Atti na tahimik lamang sa braso ko. “Dito na tayo titira, Atti! Ang ganda, ang laki-laki! Sobrang saya dahil nakatutuwa, nakaaaliw! Ano’ng say mo?” Biglang tumahol si Atti at dinila-dilaan ang braso ko. Sabi niya ay masaya raw siya dahil hindi na raw siya matutulog sa kalsada. Salamat naman daw dahil may matutuluyan na kami at hindi raw parang mamamalaboy sa tabi-tabi ng kalsada. Napaisip naman akong bigla roon. "Ibalik na lang kaya kita roon sa kung saan kita nakita? Ano sa tingin mo?” Bigla na lang nalungkot at napasimangot ang aso. Kaya’t mabilis ko siyang binatukan dahil nagbibiro lang naman ako. “Ito naman, hindi mabiro! Nagmana ka ba sa akin at ang attitude mo rin?" pagtataray ko rito. Ang seriously niya naman masyado! “Hindi ko na nga alam ang pabalik doon! Siyempre, hindi na kita maibabalik, ano! Bigwasan na kaya kita riyan sa bagang?” Nag-focusing na lang din ako sa daan. Nagpatuloy lang ako sa pagsunod sa lalaking boang pero guwapo. Hanggang sa tuluyan na nga kaming nakapasok sa loob ng bakuran ng mansiyon ng lalaki... Nabitawan ko bigla nang isang bagsakan si Atti dahilan para tumama ang katawan niya sa bato nang makita ang loob ng mansiyon. Literal na namilog ang mga mata ko at hindi makapaniwala because I couldn't believe this! Totoo ba ang mga nakikita ko? Nakagugulat! Seryoso ba?! Sobrang-sobrang ganda ng mansiyon! Pero siyempre, mas maganda pa rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD