Kabanata 3: Loving Mr. Castillo

5000 Words
KUNG KANINA ay napahawak ako sa bibig ko dahil mabaho ang hininga ko, ngayon naman ay literal na napanganga ako sa dagundong na gulat. Mas maganda pala ang loob kaysa labas ng mansiyong ito! Parang kulang ang ilang mga salita para i-description ang mga nakikita ko! Totoo nga talaga ‘yung kasabihang naalala ko at paboritong-paborito ko rin. Don’t judge the cover by its book. Hindi talaga dapat hinuhusgahan ang panlabas na anyo ng isang tao, bagay, hayop, pook, lugar, o pangyayari dahil sa kabila nito ay may ikinukubli palang magandang imahe sa loob. Hindi dapat natin pinangungunahan ang isang partikular na aspeto. Kailangang alamin muna natin kung ano nga ba talaga ang nasa loob nito at ang katangian nito. Tulad na lamang ng sa tao. Hindi ibig sabihin na pangit ang panlabas niya ay pangit na rin ang kalooban niya. Hindi ibig sabihin na pangit ang kaniyang hitsura ay pangit na rin ang ugali, atay, apdo, at bituka niya. Bakit ako? Pangit man ako sa panlabas na anyo ko, pangit din naman ako sa panloob—JOKE! Naalala ko tuloy ang kapit-bahay namin sa probinsiya na si Rafaela. Kahit ang dami nitong tigyawat sa noo hanggang sa maitim na leeg, kahit laging gulo-gulo ang buhok nito gaya ng buhay niya, kahit kasing dumi ng kuko nito ang damit niya, mabuting tao naman talaga si Rafaela. Matulungin siya at generosity na tao. Anyways, ‘di talaga ako makapaniwala! Parang gusto kong mag-tumbling ng sampung beses para naman maalog ang utak ko ngayon at nang matauhan na! “Marites! The dog!” pagmumura sa akin ni kuyang boang. Kumunot ang noo ko. Porke’t maganda itong mansiyon nila, puwede niya na akong murahin? Ang kapal naman pala talaga ng face niya! “Ang ibig kong sabihin ay ‘yung aso!” Natigilan ako sa pag-iisip dahil nga wala akong isip nang sigawan ako ng lalaking hindi ko pa rin alam ang pangalan. Ang daya lang dahil alam niya na ang pangalan ko pero ‘yung kaniya, hindi ko pa alam. Ah, basta. Tatawagin ko na lang siya No name para uniqueness. Aniya, tinutukoy niya ang asong hawak ko. Walang iba kung hindi si Atti iyon... Sandali, wala na akong hawak na aso! Hindi ko na hawak si Atti! Lumingon ako sa likuran ko pero wala siya! Sa paligid, wala rin! Dali-dali akong napatingin sa ibaba ng kinatatayuan ko at nakita ko si Atti na biglang tumahol nang tumahol! Sinamaan ko siya ng tingin. Mabilis ko siyang kinuha at pinalo sa puwetan niya. “Ano ang ginagawa mo ba at nawalan ka na lang sa bisig ko?” panenermon ko kay Atti na mabahong aso. Nanunood sa akin si Kuya No name. “Kaninang hawak lang kita, ngayon naman ay nariyan ka na sa lapag? Boang ka na rin?” asik ko. Hindi sumagot si Atti at nag-iwas lang ng tingin. Napaisip ako bigla sa nangyari sa kaniya. Kanina lang ay hawak ko siya ngunit nakita ko na lamang siyang nasa lapag na. Paano nangyari iyon? Siguro, tumalon siya nang ‘di ko namamalayan? O baka naman hinayaan niya muna akong mag-moment dahil nga sa labis na pagkabigla ko sa mansiyon? Neverminded na lang. Ang mga attitude kasi na tulad ko ay hindi nag-iisip ng marami. Samantala, si Kuya naman, also known as No name, napailing-iling lang. “Ayos ba? Maganda naman?” tanong sa akin ni Kuya. Marahan akong napatango habang hindi pa rin makapaniwala. “Nagbibiro ka ba, Kuya? Kung alam mo lang, higit pa sa salitang ayos ang sagot ko dahil ang ganda ng mansiyon ninyo!" Napa-seriously si Kuya na nakapamulsa na ngayon. Huminga siya nang malalim. Sandali, pamilyar ang ganitong eksena! Luluhod ba siya sa harap ko? Sunod ay magpo-propose na ba siya sa akin? Hahayain niya n ba akong magpakasal? Ngayon na? As in now na? Sure na sigurado na? Final na talaga? Kasi hindi pa ako handa! Ang ipinunta ko lang naman dito ay ang magtrabaho at hindi ang mag-asawa agad! Nawindang ako! “Sorry, I want to introduce myself first,” pagmumura niya sa harap ko, seryoso. “Minumura mo ba ako?” dismayadong tanong ko. Akala ko pa naman, hahayain niya na akong magpakasal! Mayroon pa hingang malalim pa siya at pa seryoso! Napailing lang siya at muling napatawa. Napaatras naman ako bigla at napaisip kahit nga wala akong isip. Nagtaka ang lahat ng organs ko sa buong katawan! Ngayong araw lang kami nagkita ngunit kung makatawa siya sa harap ko, parang daang-taon na kaming nagkakilala! Feeling closer ba siya? Ang attitude na tulad ko, hindi agad nakipagkakatuwaan sa kahit kanino! Pero dahil sa guwapo naman si Kuya No name, aarte pa ba ako? Go lang! Lights, camera, actors! “Hindi kita minumura.” Napahinga siya nang malalim. “Ang sabi ko lang naman, magpapakilala muna ako sa ‘yo,” dagdag pa nito nang mahinahon at tumalikod. Nagsimula na siyang maglakad nang seryoso. Nakasunod lang ako sa kaniya. “Gusto ko kasi na bago ko papasukin ang isang tao sa mansiyon ko, dapat talaga ay magkakilala muna kami...” saad nito. “So, ako nga pala si—” Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya dahil siyempre, alam ko na ang pangalan niya. “Kuya No name? Ibig sabihin nito ay no name o walang pangalan. Kuha mo? Kasi hindi mo pa sinasabi ang pangalan mo kanina pa!” Napailing-iling, bahagyang napatawa. Ang saya ng buhay ni Kuya, oh! Akala mong kung sinong makatawa! Parang nakakuha na siya ng relief goods, tapos ay pumila pa ulit para makadoble! Ang lakas din talaga nitong si Kuya, ano? “Ako si Fernando Castillo at gaya ng sabi ko, ako ang may-ari ng mansiyong ito..." Nagpatuloy pa nga kami sa paglalakad habang nasa braso ko pa rin si Atti na tahimik lang na nakikinig sa amin. Parang kanina lang na ang dami nitong ipinaglalaban, ngayon ay speechlist na siya! Pero okay na rin siya riyan muna... “Bilang pagtulong mo sa akin, naisip ko na kuhain na rin kitang katulong. Kung wala ka pang mahanap na tutuluyan dahil galing ka pang probinsiya, maaari kang mag-stay rito. Ayos ba sa ‘yo?” Napatango lang ako at natutuwa pa. Ang galing lang dahil may tutuluyan na ako, plus, may trabaho na rin dito! Pero, ang kaso, nababahala rin ang kagandahan ko. Hindi ko naman talaga kasi iniligtas si Kuya Fernandez! Para naman tuloy akong nagi-guilty at ang mga ngipin ko. Hanggang sa makarating na nga kami sa pinakaloob. Wala na akong masabi nang bumungad ang isang napakalawak na pasilyong kulay puting white. Mayroong mga painting na nakasabit sa dingding at sa baba nito mismo ay ang mga naggagandahang vase na katulad ko. Magkakatapat ang mga vase at painting, masasabi kong napaka-organization at napaka-cleaning ng mansiyon na ito kahit hindi pa nakikita ang ilang bahagi. Sa ngayon, isang mahaba at malawak na puting pasilyo pa lamang ang nakikita ko. Nasa bungad pa lang kasi kami. “Ang yaman ninyo pala talaga, ano?” manghang bulalas ko at nakatitig sa mga naggagandahan, kumikinang at nagtataasang presyo ng mga vase at pati na rin ang mga painting sa puting pader. Ito pa lang ang nakikita ko, paano pa kaya ang pinakaloob nito? Siguro, kapag nakita ko na talaga ang apdo, bituka, kasu-kasuan ng mansiyon na ito, baka mahimatay na ako sa sahig. “Hindi naman. Bunga lang talaga iyan ng pagsisikap ko noong kabataan ko at hanggang sa maka-graduate ako at magkatrabaho na," kwento pa ni Kuya. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Sa ngayon, magpahinga ka na lang muna. Dahil malayo pa ang pinanggalingan mo. Ituturo ko sa ‘yo ang magiging kuwarto mo ngayon din at mag-ayos ng sarili...” Sumang-ayon ulit ang mga bulate ko sa tiyan at sumunod na lang sa mga sinasabi ni Kuya Fernando Kastila alyas No name. Hindi ko maiwasang mamangha sa kaniya dahil nga sa sobrang yaman nila. Hindi ko tuloy alam kung karapat-dapat ba ako sa lugar na ito dahil isa lamang akong hampas-lupa, isang kabit, isang anak sa labas—CHOS! Habang naglalakad kami, samu't saring mga imahe at disenyo sa mga painting ang nakikita ko. Lahat ay malinis at perpekto ang pagkakagawa! Wala akong masabi! Mayroong mga imahe ng gansa na ang background ay araw, papalubog pa lamang. Mayroon ding mga isda at kung ano-ano pa sa dagat. Ang iba ay mga ibon sa himpapawid. Mayroong din akong nakikitang mga tao sa iba't ibang mga lugar, tao sa iba't ibang puwesto. Ang ikinatataka lang ng organs ko ay kung bakit walang mga litrato ng pamilya nila. Imposible namang wala siyang pamilya dahil halata naman sa mukha at tindigan niya na may sariling pamilya na siya. Puwede naman iyon kung wala pa. Gagawa kami at dito namin palalakihin ang mga magiging supling namin at of course, pupunuin namin ang bahay na ito ng pagmamahal at wagas na pag-ibig—chos! “Ang ganda talaga rito! Parang gusto ko tuloy ibenta ang ilang mga kagamitan, lalala~” bulong ko habang natutuwa pa. Patuloy lang ako sa paglalakad habang namamangha pa ring nagmamasid sa mga painting at vase nang bigla akong napahinto, tumama ako sa isang matigas na katawan. Pagkatingin ko, si Kuya Fernando Kastila lang pala alyas No name! Marahil hindi ko namalayan ang paghinto niya sa paglalakad dahil abala ang utak kong lumilipad sa pagmamasid sa paligid. Mayroon kasing pakpak ang utak ko na magkabilaan pa. “Any problem? You can tell me what you want or something you need, Marites...” pagmumura ulit sa ‘kin ni Kuya No name. Hindi ko naintindihan. Napansin niyang hindi ako nagsalita. Minumura niya ako! "Hindi kita minumura. Ang sabi ko, may problema ka ba? Sabihin mo sa akin kung ano’ng gusto mo or kailangan mo," paliwanag nito, ngumingiti-ngiti pa. Napatango lang ako at pekeng ngumiti. “Ilang taon ka na po?" bigla kong tanong na ikinasalubong naman ng dalawa niyang kilay. Nag-iba agad ako ng topic! “Bakit mo naitanong?” balik niya naman. Napatawa ako sa sarili kong isip kahit pa wala akong isip. Hindi niya alam na natitipuhan ko siya, hindi lang sigurado dahil alam kong nasa edad forty pataas na siya. Baka kasi siya na ang inilaan sa akin ng itaas para iahon ako sa hirap ng buhay at mag-aalis sa akin sa hirap ng life. Ang suwerte ko na 'pag nagkataon! “Wala lang. Hindi ba, dapat, kapag ready ng magpakasal—este ‘pag magkakilala, inaalam ang mga detalye ng isa’t isa?” sagot ko. “Naniniwala po kasi ako sa kasabihan na, No man is an island in the paradise kaya gusto ko pong malaman ang ilang detalye sa inyo,” paliwanag ko pa’t tinapik ang puwet ni Atti na tahimik. Biglang lumuwag ang pagkakahawak ni Kuya Fernando Kastila sa dalawang maleta ko at napahinga nang malalim. Naging seryoso siya agad nang isang bagsakan! Natatakot ako dahil baka sapakin niya ako bigla nang nasa oras dahil sa kung ano-anong pinagsasabi ko rito. Tingin ko ay bandang alas-ciete! “Forty-five na ako. Mukha lang bata dahil sa kagwapuhan ko,” sagot niya naman. Hindi ko alam kung ‘yung huling sinabi niya ay biro pero kasi, totoo naman na ang guwapo niya talaga. seryoso iyon! Napahawak agad ako sa bibig ko dahil umalingasaw na naman ang baho ng hininga ko. Matanda na kung ituring ang forty-five years old, ah! Pero ang bata pa niyang tingnan sa hitsura niya ngayon! Baby facing pa siya! Sa probinsiya nga namin, hindi naman sa kinukutya ko sila, minamaliit at nilalait, pero ang gugurang na ng mga taong nasa edad forty-five! So true lang ito! Samantalang siya, kung bawasan lang ng mga balbas at kaunting bigote, parang magbabalik-binata na ang hitsura at dating niya! Nakamamangha! Bigla naman akong nalungkot dahil ang layo ng agwat ng edad namin. Mukhang hindi na ako makapag-aasawa pa. Pero, baka puwede naman? Baka puwede pa naming ipilit? Baka puwede pang itulak? “Ang taas ng self-confidential mo, ah! Guwapo-guwapo ka pa, kurutin ko ‘yang singit mo sa leeg!” Napairap tuloy ako. Guwapo raw siya? Pasalamat talaga siya dahil totoo naman. Bawal sinungaling... “Confidence kasi iyon,” pagtatama niya sa akin at nagpatuloy na sa paglalakad. Sumunod na lang ako sa kaniya dahil ang lawak ng mansiyong ito at baka maligaw pa ako. Baka makarating na ako nito bigla sa buwan! Pero ito nga, halos mapagod na ang mga paa ko dahil nga kanina pa kami naglalakad sa mahabang pasilyong halos wala nang katapusan! Ang tagal-tagal ko nang hinahanap ang forever, dito ko lang pala iyon makikita! Walang-wala talaga itong mansiyon na ito sa mga bahay sa probinsiya namin. Doon kasi, isang hakbang mo lang, nasa sala ka na! Kembot ka naman ng isa pa, nasa kusina ka na! Gumiling ka lang ng isa pa, nasa palikuran ka na! Kahit hindi ka na nga tumayo, nasa iisang lugar ka lang ng bahay niyo. Pero ibang-iba talaga rito! Kahit mag-tumbling pa ako ng isang daang beses, parang narito pa rin ako sa kinatatayuan ko sa pasilyo! Parang wala talagang katapusan itong nilalakad namin! Nai-imagination ko pa lang na maglilinis ako rito ay baka talaga magkandaligaw-ligaw na ako agad! Nevermindful na nga lang. Ang ipinunta ko naman dito ay ang magtrabaho at hindi ang umangal. Cheesy pa ba ako? Ang trabaho na kaya ang lumapit sa akin! Kaya't hindi na tatanggi at aangal dahil una sa lahat, dito nababagay ang beauty ko. Puwedeng-puwede na ito! Sabi kasi sa amin ng mga matatanda sa probinsiya, kapag lumapit na raw sa ‘yo ang grasya ay huwag mo na raw itong sasayangin pa. Ang gara nga lang dahil kapag ako naman ang lumalapit sa grasya, tumatakbo pa ito sa akin. Ang nangyayari tuloy, naghahabulan kami. Umaliwalas kaagad ang mukha ko nang huminto kami sa harap ng isang pintong door na kulay puti. Binuksan iyon ni Kuya Fernando Kastila alyas No name at bumungad sa akin ang isang kuwartong simple lang. Kulay puti rin ang paligid at walang kagamit-gamit. May nakikita na akong anim na double deck bawat sulok. Iyon lang at walang ng iba. Tahimik din ang pasilyo ayon sa obserbasyon ko. Bigla akong napaisip sa mga nakikita ko. Wala ba silang katulong? Bakit parang ako lang yata ang mag-isa rito? Baka mamaya ay maraming multo rito! Pero neverminded na lang dahil alam ko naman na ang mga multo ang matatakot sa akin! Magtatakutan talaga kami rito! “Ang simple rito, kuya No name. Dito na po ba ako magkukuwarto? Bakit parang ako lang ang mag-isang tao rito at—” Napalaki ang mata ko nang bumungad sa akin ang may katandaang babae sa halip na si Kuya No name! Medyo nabigla ako dahil sa pagkakaalam ko, si Kuya Fernando ang katabi ko at hindi ang matandang nasa harap ko! Nabitawan ko na naman si Atti pero nakalapag naman ito sa tiles na sahig nang maayos. “S-Sino po kayo? K-Katulong din po ba kayo rito? O nag-deliveration lang po kayo ng pagkain dito? Bago lang po ako rito. K-Kayo po?” nagmamaang-mangan kong tanong ngunit alam ko naman na siya ang isa sa mga katulong dito. Alangan namang siya ang may-ari ng mansiyon na ito at asawa siya ni Kuya Kastila? That's impossible! Sa suot niya nga ngayon, dinaig niya pa ang basurero sa kanto roon sa probinsiya namin, chos! Ang sama naman yata ng isip ko ngayon. “Ako lang naman ang katangi-tangi at nag-iisang katulong sa mansiyon na ito ng mga Castillo. Bakit, may angal ka ba?” Napaatras akong bahagya nang marinig ang pagsusungit niya! Wala siyang karapatan na pagsungitan ako! Ako ang maganda sa aming dalawa! Aba, dapat ay nasa lugar siya! Kailangang irespeto niya ang taong mas nakagaganda sa kaniya, ‘no! Hindi niya ba ako nakilala? Marites Ravelo ito! Ang kapal naman ng mukha niya para pagsungitan ako agad! Dahil attitude akong tao, taas-noo akong nagsalita at hindi nagpadaig sa kaniya. "Kayo po pala, salamat, hehe.." nahihiya kong sagot at bahagya pang yumuko. Hindi naman ako maaaring maging magtapang dahil bago lang ako rito, ano! Ayaw ko namang masipa ng matandang nasa harap ko nang wala sa oras! Kailangang kind and respectful muna ang ugali ko ngayon dahil pago pa lang. “Bakit kaya may ipinasok na katulong ‘tong si Sir Fernan? At mukhang takas-mental pa,” bulong ng matanda at napairap, akala mo naman ay hindi ko narinig. “Kukuhain ka ba ritong katulong ni Sir Fernan?!” masungit na tanong niya sa akin. Mabilis naman akong tumango. “Opo, hehe. Ayaw ninyo po ba? Parang ayaw mo po yata. Puwede na po akong umalis kung iyon po ang nais ninyo,” magalang na saad ko. “Nahiya po ako sa inyo, ‘no? Kung makapagtaray kayo, parang asawa si Kuya No name at may-ari rin kayo ng mansiyon,” habol ko pa pero bulong lang dahil baka tuluyan na akong sipain palabas ng matanda. Napairap lang ang matanda. Napansin ko na may dala siyang isang maliit na tray na may pagkain. Nagliwanag ang mukha ko nang makita ang isang fried chicken, sabaw, saging, at kanin! Mas lalo lang tuloy akong nagutom sa nakita! “Kainin mo ito. Bukas na bukas din ay ituturo ko na sa ‘yo ang mga dapat mong gawin at kalagyan sa mansiyon na ito dahil katulong ka at hindi bisita.” Mataas ang boses niya habang nagsasalita. Dahil attitude akong individual ay ‘di ako nagpatinag at umirap rin nang malalim. "Salamat po, hehe..." nahihiyang sabi ko. Kinuha ko ang tray sa kaniya nang tipid na nakangiti. Gusto ko sanang ihampas sa kaniya ’yung tray. Ang kaso, sayang naman ang pagkain dito kung sakali! Umalis na rin ‘yung matandang babaeng nakasimangot na akala mo ay galing sa libing. Kamukha niya ‘yung kapit-bahay namin sa probinsiya na apat lang ang ngipin at puro sa bagang pa na si Harold. Matanda na siya pero dinaig niya pa rin ang mga nireregla kung makapagsungit! Napasimagot na lang ako at umupo sa kutson ng double deck. Awtomatiko na lang akong napangiti. Ang lambot at mukhang mapapasarap ang tulog ko! Nagsimula na akong kumain dahil ilang oras nang walang laman ang tiyan ko. Baka magalit sa akin ‘yung mga bulate ko rito sa tiyan, ano! Ang mga bulate ko kasi sa tiyan, naniniwala talaga sila sa kasabihan na, Brush your teeth three times again kaya sige na nga, kakain na. Wala akong masabi kung hindi ang sarap ng kinakain ko ngayon! Sobra! Ang mga ganitong pagkain ay nabibili lamang namin sa probinsiya kapag may okasyon, handaan, selebrasyon, o pagdiriwang! Dahil iyon sa hirap ng buhay. Naalala ko pa nga, ang mga pagkain sa probinsiya na mga fried chicken, mga karne ng baboy, mga may dugo-dugo pa! Minsan naman, may mga hibla pa ng buhok! Matapos kong kumain ay inilapag ko sa kabilang double deck ‘yung pinagkainan ko. Sobrang sarap! ‘Yung matanda ba kanina ang nagluto? Kasi kung siya, hindi na ako kakain ulit—joke! Ang sarap niya! Tumayo ako at nahagip ng mata ko ang isang pahabang salamin sa gilid ng pinto. Bakit hindi ko ito napansin kanina? Kulay puti ito at may stand pa. Kaagad ko iyong nilapitan ngunit napaatras ako nang maisip na baka mabasag iyon kung titingin ako. Lumapit pa rin ako upang tingnan ang sarili at napalaki ang mata ko nang makakita ng isang diyosa na nakatayo sa harap ng salamin—chos! Ang dungis ko na at medyo gulo-gulo na rin ang buhok ko na kasing kapal ng mga kable ng wire at sing tigas ng mga tanso sa junk shop! Kahit ganoon, maituturing ko pa rin ang sarili kong maganda. Mas lalo pa akong gaganda kapag tumagal ako rito sa mansiyon dahil puputi na ako. “Kumusta, Essa?” pagkausap sa akin ng babaeng nasa salamin. Maganda siya, kahanga-hangang babae kahit simple! “Ayos lang ako rito. Nakapapagod lang dahil ilang oras na talaga akong walang pahinga,” tugon ko naman pabalik. “Pero nakakain na at sobrang sarap ng foods..” “Ganiyan talaga ang buhay. Kailangan mapagod at maghirap para makuha ang mga gusto sa buhay. Wala namang bagay na madaling makuha,” pangaral pa nito sa akin at nagtaas-taas sa akin ng kilay. In fairness of tsinelas, mayroon siyang decimal point sa noo. Tama siya. “Alam ko rin naman iyon, ginagawa mo naman akong tanga, ano!” Napairap ako. “Bakit, Marites, hindi ba?” paghahamon niya pa sa akin at gumanti ng pag-irap. “S-Sabi ko nga! Sus! Ikaw naman, hindi ka mabiro! Pero alam ko ang mga sinabi mo. Wala talagang bagay na madaling makuha. Lahat ng mga kailangan at kagustuhan, pinaghihirapan bago mapasakamay. Kaya nga ako narito, hindi ba? Kahit malayo sa pamilya ko, nagbabaka sakali ako rito sa siyudad...” Nagpatuloy ako. “Alam mo naman ang pinagdaanan ko noon pa man ding nasa probinsiya pa tayo. Masipag akong tao, attitude nga lang.” Napangiti agad ako. Akmang uupo na ako sa malambot na kutson ng double deck kung saan naghihintay sa akin ang mabahong si Atti na may dumi ang puwet, nang may narinig akong boses na nagsalita mula sa likuran ko. Napatalon ako palabas ng universe! "Ayos ka lang ba rito?" tanong ng boses! Halos mapasigaw ako nang malakas na aabot sa labas ng galaxy nang marinig si Kuya Fernando alyas No name! Naku po! "Nanggugulat ka naman!" buwelta ko sa kaniya at umupo sa kutson. Mabilis na lumapit sa akin si Atti. “Ayos lang ako rito, ano! More than okay! Para sa akin, kuntento na ako sa ganitong lugar...” “May ginawa lang ako. Pasensiya na kung biglang nawala kanina,” saad niya. Napakagat ako sa daliri ko at napaisip. Napadura ako nang malasahan ang sarili kong daliri. Ang alat! Tama nga siya, bakit bigla na siyang nawala kanina? Pagharap ko, wala na siya! Sumulpot tuloy ang matandang feeling may regla! Napapamaywang ako para sermunan siya. “Oo nga at ipinaalala mo sa akin! Kayo talagang mga lalaki, ang hilig-hilig ninyong magpakita ng motibo sa aming mga babae! Mangangamusta, kunwaring mabait at gentleman magpapakita ng concern citizen, tapos ‘pag nahulog kami sa inyo, ano’ng gagawin niyo? Maglalaho kayo nang parang bula? Bigla na lang mawawala nang wala man lang pasabi?” mahaba litanya ko. “Kung sa una pa lamang ay iiwan mo na ako, sana ay sinabi mo na agad para nakapaghanda ako! Hindi na sana ako nasaktan! Gaya kanina sa ginawa mo.—” “Ang dami mo nang sinabi, Marites...” Natatawa naman ang feeling closer na si No name. Akala mo talaga ay friendly na kaming dalawa. Ang lakas talaga niya! “Pero bakit nga kayo naglaho kanina?” pag-iiba ko naman ng usapan. “Para kasi kayong bula nang nawala kayo kanina, Kuya, walang pasabi, bigla.” Napahinga siya nang malalim bago nagsalita. ‘Yung hinga niya, parang pasan-pasan niya ang buong kalawakan at kalangitan sa buntonghininga niyang iyon, malalim. “May inasikaso lang akong problema at huwag mo nang intindihin pa iyon...” Napatango na lang ako at nanahimik. Hindi naman ako puwedeng makialam nang basta-basta sa problematic niya. “Oh, pa’no, matulog ka na dahil tuturuan ka na raw ni Manang Flores ng mga gagawin mo bukas.” Tumango ulit ako. “Good night," pahabol pa nitong bati at pagpapaalam. Tahimik siyang lumabas. Napaisip ako bigla kahit nga wala akong isip. Manang Flores pala ang pangalan ng matandang iyon. Ang sungit niya na akala mo ay dinaig pa ang may-ari ng bahay na ito. Si Kuya No name nga, ang init ng pagtanggap sa akin. Nagbabaga, umaapoy, naglalagablab, ganoon ang pagtanggap sa akin ni kuya No name dahil ngiting-ngiti ito! Samantalang siya, katulong lang, akala mo ay kung sino sa sungit! Kapag nakita ko nga siya bukas na bukas ay ingungudngod ko siya sa tiles na sahig para maging kasing puti na ang mukha niya! Joke lang, siyempre! Napasimangot na ako at hinimas-himas ang katawan ni Atti na nagtatakang nakatitig sa akin. “Ano’ng tinititig mo riyan? Kung makatitig ka riyan, parang ang sama-sama ng ginawa ko sa ‘yo!” Napatahol si Atti. Nag-aalala raw siya sa akin. Napakunot naman ang noo ko. “Ang alin? Ang kinakausap ko ang sarili ko? iyon ba?” Tumango siya at dinilaan pa ang kamay ko na talagang nakakakiliti. “Natural na sa akin na gawin iyon, ano ka ba! Marami ka pang malalaman sa akin gaya ng marunong akong maglaba ng nakabitin ang mga paa sa puno, maglinis ng bahay habang nakapiring, magluto ng adobo. Gusto mo, ikaw ang gawin kong sahog? Ayos ba?” pagbibiro ko sa aso. Napailing lang si Atti at humiga sa kama. Pinakain ko rin siya kanina ng mga buto ng fried chicken at pinainom ng tubig na pinangmumog ko—JOKE! Pinainom ko siya kanina ng malinis na malinis tubig! Biglang pumasok sa isip ko kung ano ba ang gender ng mabahong aso na ito. Dali-dali ko siyang kinuha at tiningnan kung ano nga bang mayroon siya. Babae! Mayroon siyang vaginal! Mabuti na rin iyon para friendliness kaming dalawa! Ilang minuto pa ang lumipas at puro pag-iisip lang ng kung ano-ano ang ginagawa ko rito sa kuwarto. Nakatulog na rin ang mabahong si Atti. Mabuti pa siya, madaling makatulog, samantalang ako, pahirapan pa. Nakalulungkot iyon. Hirap talaga akong makatulog. Minsan pa ngang pumasok ako sa eskuwelahan, para daw akong isa sa mga cast ng Walking Dead! Dinaig ko pa raw ang zombie! Hindi ko naman sila masisisi dahil mas maitim pa sa panty ni Aling Tess ang eye bag ko noong araw na iyon. Hindi ko alam kung bakit ang hirap para sa akin na makatulog sa gabi-gabi. Ang pakiramdam na pagod na pagod talaga ang katawang-lupa kong maganda, pero hindi naman nakikiisa ang mga mata kong beautifully. Ayaw nilang makisama! Tuwing gabi talaga, halos makabisado ko na ang periodic table of elements sa utak ko pero hindi pa rin nakatutulog! Ganoon ako kalakas na babae. Nabilang ko na nga ang mga butiki sa bubong, wala pa rin talaga. Sumba ba ito? kulam? May narinig na akong tawag dito sa kundisyon na nararanasan ko. At kung hindi ako nagkakamali, Lasagna ang tawag dito. Tama, Lasagna ang tawag sa kundisyon ko na kung saan, sobrang hirap na hirap akong makagawang tulog. Dala ng hindi pa rin ako makatulog ay iniwanan ko muna si Atti na mahimbing ang tulog at lumabas agad ng kuwarto. Bumungad muli sa akin ang all white na puting pasilyo. Tahimik dito. Kailangan ko pa yatang gumamit ng mop para lang malaman kung saan ba ako dadalhin ng mansiyon na ito sa sobrang-sobra laki. Nagsimula akong maglakad, marahan habang lumilingon-lingon sa paligid. Inilibot ko pa ang paningin ko at may nakikita akong ibang pasilyo. Gustuhin ko mang puntahan ang iba ay baka hindi na ako makabalik. Naniniwala rin kasi akong matibay sa kasabihan na, Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, dire-diretso lang ang lakad. Nauntog! Tama naman talaga ang kasabihan na iyon. Kapag hindi ka talaga lumilingon, dire-diretso lang talaga ang lakad mo. Saka naniniwala rin ako kasabihan na, Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay na inaamag na. Sakit ang tiyan! Nagpatuloy pa ako sa paglalakad. Sobra naman ang nakabibinging katahimikan! Halos umabot na ako sa second floor ng mansiyong ito dahil napatalon ako sa gulat nang may humawak na malambot na kamay sa braso ko! Ang lamig ng kamay na iyon! ‘Di ako makapaniwala! Sobrang nakatatakot! Ano ito?! Ano ito?! “Ay! P*ke ng nanay ko! Mama!” sigaw ko dahil sobrang natakot ako! Nakagugulat! Tinakpan ko ang mata ko gamit ang isa kong kamay. Hindi pa rin ako tumitingin sa kung sinumang hamak na nilalang o multo ba ang humawak sa braso ko! Ano ito? Paano kung isa pala itong crocodile? Paano kung isa pala itong dinosaur? Pero pansin ko lang, maliit ang kamay na nakahawak sa akin kaya agad kumunot naman ang noo ko. Baka tiyanak? Hindi rin. Dapat ay mararamdaman ko ang mahahabang kuko nito. Aswang? Hindi rin. Dapat ay magaspang at matigas din ang kamay. Tikbalang? Pero hindi naman umuulan habang umaaraw dito sa loob ng mansiyon kaya sobrang imposible! “What’s happening to you, lady?” Napadilat ako ng mata nang marinig ang pambatang panlalaking boses. So hindi pala isang tiyanak, aswang, tikbalang ang siyang nanggulat sa akin? Isa palang batang bulldog? CHOS! Ang cute ng boses! Ang liit pero cute! Nakatutuwa! Napaayos ako ng tayo at humarap sa bata. Napahawak ako sa bibig ko dahil sa nakita ko. ANG GUWAPONG BATA! Sobrang-sobra ang guwapo ng bata! Kahawig siya ni Kuya No name! Hindi ako makapaniwala! Sobrang guwapo! Ang sarap niya tuloy tadyakan—joke! “Hi, be! May kuya ka?” tanong ko agad. Hindi sumagot 'yung bata, nagtatakang nakatitig lang ito sa magandang mukha ko. Ngayon lang yata siya nakakita ng diyosang katulad ko. Marites Ravelo ba naman ang nasa harap mo? Baka bugahan mo talaga ng tubig sa mukha. “What are you saying? Your language is different from us. Tell me, who are you?” Napalaki ang mata ko nang marinig ang pagmumura niya! Ang lutong niya kung magmura! Nagmura rin siya kanina kung hindi ako nagkakamali! Kung anak siya ni kuya No name, mag-ama nga sila dahil parehas silang sing lutong ng chicharon kung magmura! Hindi ako makapapayag! Sinong hamak na impakto't impakta ang nagturo sa batang ito na magmura? Sinong anak ni Darna at Narda ang nagturo sa batang itong inosente ng pagmumura? Sayang ang kaguwapuhan kung bad words lang ang lumalabas sa bibig! Mali ang mga sinasabi ng batang ito! Gigilitan ko talaga ng leeg ang kung sino mang nagturo sa batang ito! Inis! Mukhang makapapatay ako ngayon ng bata! Makapapatay ako ngayon ng tao! “Sino ang nagturo sa ‘yong magmura? Sabihin mo at ihahampas ko talaga sa mukha niya ang may dugo-dugong panty ni Aling Tess!” Sobrang naiinis ako, ah!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD