CHAPTER 36 -- “Teka, saan ba galing ang mga ‘to?’’ Kaya pala nakatulala si Zeven sa mga pagkain kasi ang daming fried chicken. “Ate, kaunti na lang talaga masasampal n akita,” ani Dori habang nakatingin sa akin ng masama. “Malamang kay Sir Lanz at Chef Gio!” “Nagtatanong lang naman ako, bakit ka ba nagagalit?” tanong ko at lumapit lalo sa lamesa para tignan ang ibang mga pagkain na nandoon. May kulay pulang fried chicken na malamang maanghang at sa tabi no’n ay ang normal fried chicken lang kung tignan. “Paano kasi Ate napaka-unbothered mong tao. Hindi mo ba talaga nakikitang may gusto ang dalawa sa’yo? Siguro kay Sir Lanz medyo duda ako kasi alam mo naman, pwedeng ginagawa niya lang ‘to para sap ag papanggap niyo. Pero pag dating kay Chef Gio sure na sure ak

