CHAPTER 38 -- “Mint Ferrer, your husband’s awesome lawyer.” Lawyer? Weh? Lawyer ang Mint na ‘to? Hindi halata sa isang maingay na katulad niya. Pero sa kabilang banda, naisip ko rin nab aka totoo kasi napaka-realistic nitong mag sinungaling lalo na kanina noong nagkukuwento siya tungkol kuno sa relasyon namin ni Lanzeus bago kami kinasal. “Kaya pala magaling kang magsinungaling,” sabi ko at sumandal sa kinauupuan ko. “For your information, I did that for your sake.” Nagkibit balikat na lang ako. Malapit na magkaibigan nga siguro talaga si Lanzeus kaya hindi ito nagdadalawang isip na magsinungaling para sa boss ko. Kaya rin siguro marami siyang alam kasi close sila. Tapos na kaming kumain at nasa bar na kami ng mansyon dahil iinom daw ang dalawa. Ito ata ang pinu

