JENINE Kasalakuyan akong nasa faculty room at abala sa paggawa ng PPT slides nang maalala ko na may laro pala sina Huxley ng alas dyes. Saglit na nawala 'yon sa aking isip dahil nag-concentrate ako sa paggawa ng aking lesson. "Beshie, manonood ka ba ng basketball sa gym ngayon?" tanong sa akin ni Leslie. "Oo. Uhm, laro nina Huxley ngayon eh." "Aba, napaka-supportive naman ng adviser," nakangiting turan ng aking kaibigan. "Syempre, dahil natutuwa ako sa kanila. Sana lang magtuloy-tuloy na," sabi ko. "O sya, maiwan na muna kita dito beshie ha. Ikaw hindi ka ba manonood?" "Uhm, dito nalang ako. Alam mo namang wala akong kahillig-hilig sa larong basketball eh." Tumango lang ako at ngumiti sa kanya, pagkatapos lumabas na ako ng faculty room upang magtungo sa gymnasium. Marami ng tao p

