HUXLEY Last five seconds nalang at nai-shoot ko ang bola mula sa three-point field goal. Nakita kong naghiyawan ang mga taong nanonood. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko ang three-point shots. Nang maideklara ang pagkapanalo namin laban sa STEM strand, lakad-takbo akong nilapitan ng aking teammates, at binuhat ako at inikot-ikot sa ere. "Ayos bro, ang galing mo talaga. I'm sure ikaw ulit ang tatanghaling MVP sa taong ito," ani ni Marco at nakipag-apiran sa akin. Sumunod ding nakikipag high-five ang iba ko pang kasamahan.Mayamaya'y lumapit ang mga kaklase ko, ngunit laking gulat ko naman nang bigla akong halikan ni Sabrina. "Love, congratulations, the best ka talaga!" sambit nito. Naghiyawan naman ang mga kaklase ko na halatang nanunukso lang sa amin. Alam naman nilang wala akong g

