JENINE "O ano beshie, ba't nandito ka pa?" sabi sa akin ni Leslie nang makita niyang nasa loob pa ako ng faculty room. "Di ba schedule ngayon ng laro nina Huxley?" "Yup. Pero parang hindi ko naman feel pumunta besh eh. Marami kasi talagang tao ngayon sa gym, alam mo naman ako, may pagka introvert." "Pero tiyak na hahanapin ka ng mga estudyante mo beshie. S'yempre, adviser ka nila kaya, kailangan mo ring ipakita ang suporta mo sa kanila," pagpapaliwanag nito. "Pumunta ka na. At nagsisimula na ngayon ang laro." Tumango na lamang ako. Tama nga naman si Leslie, kailangan kong ipakita ang suporta ko sa aking mga estudyante para mas lalo ko pang makuha ang loob nila. "Ikaw besh, hindi ka ba sasama sa akin?" tanong ko. "Hay naku, dito na lang ako besh. Alam mo namang wala akong kahilig-hil

