CHAPTER 32

1076 Words

JENINE Byernes ng hapon at nagmamadali akong lumabas ng gate ng De La Salle. Pinagmamasdan ko ang bughaw na langit na unti-unting kinakain ng kulay kahel. Ang simoy ng hangin ay may halong init ng araw at lamig ng dapit-hapon. Hindi ko kasama si Leslie dahil nagpaalam itong mauna nang umuwi. Ako naman, nagtagal pa sa faculty room upang magcompute ng grado. Malapit na kasi ang Parents' Day namin sa third quarter. Naglakad ako papunta sa waiting shed, hawak-hawak ang aking shoulder bag nang biglang may tumawag sa akin. "Hi Ma'am, sumakay ka na at ihahatid na kita sa inyo." Napapitlag ako at agad na napalingon sa pinagmulan ng boses. "Huxley?" nagulat kong sambit. "Akala ko ba umuwi ka na? Nakita ko ang mga kaklase mo na lumabas ng gate kanina." Nakaupo siya sa loob ng kanyang sasakyan,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD