CHAPTER 31

1266 Words

HUXLEY Araw ng Lunes at maaga akong nagising. Kaagad akong bumangon at nagtungo sa banyo upang magshower. Hindi ko alam kung bakit excited akong pumasok sa klase. Dati, mas gusto kong umabsent na lang at magmukmok sa kwarto buong araw. Matapos kong maligo, isinuot ko ang aking school uniform. Kahit ayaw ko namang magsuot pero, ito ang gusto ni Miss Guevarra kaya kailangan ko siyang sundin. Ganu'n din naman ang mga kaklase ko, kahit ayaw nilang magsuot ng uniform, wala rin silang magagawa, dahil 'yon ang utos ko sa kanila. "Good morning bro, ang aga natin ah," bungad na bati sa akin ni kuya Harvey. Nasa hapag-kainan na siya at nagkakape nang madatnan ko. "Sina mommy at daddy kuya?" tanong ko. "Mas maaga silang umalis. Maaga daw kasi ang flight nila papuntang Canada. May konting probl

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD