JENINE Noong gabi na 'yon, hindi ako nakatulog. Gusto ko mang ipikit ang mga mata ko, ngunit mukha ni Huxley ang aking nakikita. Bumabalik sa aking isipan ang pagsundo niya sa akin kanina, ang pagiging gentle niya hanggang sa makarating kami sa function hall ng De la Salle. Ang paghawak niya sa kamay ko, habang iginiya niya ako sa stage para sa awarding nila. Ang selos na naramdaman ko nang makita ko silang sumasayaw ni Sabrina. Bakit kaya bigla nalang akong napaluha dahil doon? Kaya dali-dali kong tinungo ang ladies' room dahil ayokong may makakita sa aking umiiyak. Pero hindi ko naman akalain na hihintayin niya ako sa labas. Kaya kailangan kong magsinungaling na masama ang pakiramdam ko. At dahil doon, inihatid niya ako sa amin. Hays. Ano ba 'tong nararamdaman ko, parang hindi na tama

