bc

The Other Realm

book_age16+
136
FOLLOW
1K
READ
adventure
mystery
disappearance
secrets
supernatural
weak to strong
Fantasy Romance Ⅱ Writing Contest
like
intro-logo
Blurb

[UNDER MAJOR REVISIONS] Sa isang kilalang unibersidad sa siyudad ng Santander ay nag-aaral ang tatlung pu't apat na estudyante. Isang araw, labas sa kaalaman ng lahat ay habang nasa kalagitnaan sila ng pag-aaral ay siyang paglitaw ng isang mahigawang bilog na naging dahilan sa paglipat ng buong klase sa isang panibagong mundo.

Will they be able to survive, rank up and defeat their enemy or are they going to meet their end there?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Philippines. Monday September 24, 2020 02:05 PM   2 hours before the activation of the Portal   "Ah!” Sigaw ni Valerie, “Ang tagal naman ng uwian. Gusto ko na magpahinga!"   Nag-unat na ito ng kaniyang katawan bago pa-dabog na dumapa sa kaniyang lamesa. Sapagkat inip na inip na ito kaka-hintay ng kanilang uwian at takam na takam na itong maglaro ng kompyuter games.   Napapa-iling na tinignan ito ni Alessia sapagkat lagi na lang itong ganito sa tuwing isang oras na lang ay matatapos na ang huling klase.   "Naku! 'wag ako Val,” Saad ni Alessia “Uwing-uwi ka na kasi magba-babad ka na naman sa Online games na 'yan.”   Ngumiti lang ang kaibigan ni Valerie na si Alessia at kasabay nito ang pag-marka ng importanteng phrase na nasa librong binabasa nito. Lumingon naman si Valerie sa kaniyang kaibigan at masama itong tinignan.   "Masama ba?” Tanong nito, “Atsaka stress reliever ko 'yong games, kahit ang toxic na ng Gaming Community ngayon.”reklamo nito at umirap.                     Galit na galit ito, hindi dahil sa ayaw niya na may maglaro sa mga games na nilalaro niya ngunit ayon sa kaniya ay lagi na lang daw minumura ang mga baguhan na nag-eensayo pa lamang.             “Paano ba naman kasi puro ba naman mga bata naglalaro tapos ang la-lakas pa mag-trashtalk,”sabi ni Valerie at tuluyan ng tinakpan ang kaniyang mukha.                     Para sa kaniya ay wala naman masama kung may mga kasama siyang mga bata sa laro pero hindi nito mapigilan ang kaniyang sarili na huwag magalit dahil napaka-bata pa ng mga ito at marunong na sila sa mga bagay na iyon.   "Ewan ko sa'yo. Isang oras at kalahati na lang matatapos na rin ang tayo,”saad ni Alessia at tuluyan na isinarado ang kaniyang notebook atsaka tinignan ang kaniyang kaibigan na umaayos na ng pagkaka-upo.   "Alam mo Al,”sabi ni Valerie, “Huwag ka na mag-aral. Mamatay din naman tayong lahat!" Biro nito.   Unti-unting itinaas ni Alessia ang kaniyang kamay at binatukan ang kaniyang kaibigan.   "Aray!" Daing ni Valerie.   "Hindi ako kasing talino mo, na kahit puro Online games ka nagagawa mo pa rin gawing perfect lahat ng scores mo. Minsan nga ay napapa-isip ako na baka binabantaan mo 'yong mga teachers natin,"sabi ni Alessi at tumawa ng malakas.   Sumama naman ang tingin ni Valerie sa kaniya atsaka ito pabirong hinampas ng notebook. Pagkatapos no'n ay bigla naman dumating ang kanilang guro sa kanilang Major subject.           Higit isang oras ang lumipas at habang nasa kalagitnaan sila sa kanilang leksyon ng biglang may lumabas sa kanilang ulo na hugis bilog na may kulay lila sa kanilang ulo at mayroong iba’t-ibang letra na naka-sulat sa bawat gilid nito na hindi nila mabasa.   "Hala ano ‘to,"bulong ni Alessia habang naka-tingin sa itaas nito habang si Valerie naman na sanay na sa mga laro ay biglang nangamba.   "Isa lang naman ang alam ko kapag ganito ang lumalabas. Portal or baka hindi impossible naman kung gano’n, kailan pa magka-karoon ng gan’yan dito sa Pinas?"   Iba’t-ibang reaksyon ang makikita mo mula sa mga estudyante na naririto. Ilan sa mga ito ay namangha at hindi ma-alis ang kanilang tingin sa itaas, ang ilan sa kanila ay pini-pikturan ito, habang ang iba naman ay naka-dama ng pagkabahala.   "Please remain in your seats and be calm. Hindi natin alam kung ano ito kaya manatili kayo sa upuan niyo at baka ito ay lilipas din. Let's wait for further announcements,"anunsiyo ng kanilang guro at medyo nau-utal na ito sapagkat kina-kabahan siya sa maaring mangyari sa kaniyang mga estudyante.   Napatingin din ang guro sa ibabaw nito ngunit wala itong nakita na kapareho sa kaniyang mga estudyante, tila ba sila lang ang punterya.   "Val,”tawag ni Alessia sa kaniyang kaibigan habang nanginginig ang kaniyang mga kamay. “Ano ang nangyayari?" Tanong nito at nag-simulang bumilis ang pag-t***k ng kaniyang puso.   Nag-aalalang napa-tingin si Valerie sa kaniyang kaibigan sapagkat ramdam nito ang takot ng kaniyang kaibigan sa pamamagitan ng nau-utal na salita nito. Hindi rin mapagka-kaila na nanla-lamig na rin ang mga kamay ni Valerie dahil sa takot kung para saan itong bilog na nasa itaas nilang lahat.   "Kumalma ka muna,”ani ni Valerie at pilit na ngumiti sa kaniyang kaibigan, “Sa pagkaka-alam ko ay kung iba-base ko ito sa isang laro, ay ang simbolo na ito ay walang iba kung hindi ang tinatawag na Summoning Portal. Also, this signifies, I mean that one,”paliwang ni Valerie at tinuro ang isang maliit na ilaw sa gitna ng bilog na iyon.   “That one signifies that, this one is opening and anytime by now ay ililipat na tayo sa isang lugar na hindi natin alam kung saan, but that only happens in a game. This life is not a game, so I am not certain what was this fuss all about.”dugtong nito at seryosong ino-obserbahan ang nasa ibabaw ng mga ito.   Biglang napa-lingon si Valerie sa kaniyang kaibigan ng marinig nito ang paghinga nito ng malalim. Hinawakan ni Valerie ang kaniyang kamay atsaka ngumiti.   "Just calm down okay? I will not leave you. I am here,"she assured Alessia.    Tumango naman si Alessia at medyo kumalma na ang ekspresyon sa mukha nito kahit hindi pa rin mawala ang pangamba sa kaniyang dibdib sa maaring mangyari kapag totoong portal talaga ang bagay na nasa ulo nila.   Nanatili lang sila sa ganoong posisyon ng kalahating oras hanggang sa tuluyang lumaki ang liwanag na nagmu-mula sa bilog na bagay na iyon at nilamon sila nito. Mahigpit na hinawakan ni Valerie ang kamay ng kaniyang kaibigan at ayaw na ayaw nitong bitawan, ganoon lang din naman si Alessia.   Pikit mata na magka-hawak lang ang mga kamay ng mga ito at takot na takot sila sa kung saan sila dadalhin.   Unang idinilat ni Valerie ang kaniyang mga mata at nagulat na nasa loob na sila ng isang masukal na gubat. Yinugyog naman ni Alessia sa tabi niya na ngayon ay pikit-matang naka-hawak pa rin ito sa kamay niya ng mahigpit.   Unti-unting idinilat ni Alessia ang kaniyang mga mata at hindi maiwasan ang magtaka sa kaniyang kapaligiran.    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
187.1K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.4K
bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
82.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook