Chapter 7

1141 Words
Sabay-sabay kaming napatingin ni Alessia sa taong kakarating lamang. Nakangiti ito nang malapad habang nakatingin sa aming dalawa. Isa itong lalaki na may matipunong katawan, ang buhok nito ay kulay blonde na para bang isang Amerikanong naligaw. Naka-suot din ito ng armor na parang ngayon ko lang nakita. Sa katunayan niyan ay ako ang nabibigatan para sa kaniya. Isang malapad na ngiti ang aking itinugon dito bago tumango. Kailangan namin ng tulong kung kaya ay mas mabuti na iyong maging friendly kami sa ibang tao. "Opo,"tugon ko, "Nandito po sana kami upang magpa-rehistro. Hindi po kasi namin alam kung ano ang gagawin namin sapagkat baguhan lamang kami sa larangan na ito." "Ganoon ba? Tama nga ako ng nilapitan,"ani nito at tumalikod na, "Sundan niyo lang ako at dadalhin ko kayo sa kung saan niyo gagapanapin ang inyong pagsusulit." "Are you sure that we can trust him?" Bulong ni Alessia sa tabi ko habang nakahawak sa aking kamay, "He looks suspicious." "Do we have a choice?" Tanong ko pabalik sa kaniya at sinenyasan itong maglakad na, "Wala tayong kakilala at hindi natin alam kung ano ang paraan ng mga ito. Sa tingin ko naman ay wala itong gagawing masama gayong labis na ipinagbabawal naman ito ng bayan, hindi ba?" "Still,"sambit nito, "I can't trust this guy." "You trust me, right?" Tanong ko rito. Tumango naman itong si Alessia at bumuntong hininga, "Then, follow me. I will protect you." Hindi na lamang umimik si Alessia at nagpatuloy na sa paglalakad. Naka-sunod lamang kami sa lalaki habang naglalakad ito diretso sa lugar na kung saan itinuro noong fairy. Sa tingin ko ay wala nga sigurong masamang intensiyon ang lalaki. Masiyado lang kaming paranoid dahil sa mga nangyayari. Tahimik lamang kaming nakasunod sa kaniya nang bigla itong tumigil at humarap sa amin, labis naman ang aking pinagtataka dahil sa kinikilos nito. "Ano po 'yon?" Tanong ko. "Nandito na tayo,"tugon niya at pinindot ang isang button na nasa gilid ng ding-ding. Isang malakas na pagyanig ang aming naramdaman pagkatapos no'n, kasabay nito ang unti-unting pagbukas ng pinto sa aming harapan. Wow, may invisibility pala ang mga pinto nila rito. Akala ko pa naman ay glitch lang ng system, "Pasensiya na kayo at hindi ko na kayo pwedeng samahan sa pagpasok. Hanggang dito na lamang ko at maghihintay." Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na hindi mapa-kunot ang noo. Parang nagdadalawang isip na tuloy akong pumasok sa loob. Isa ba itong trap? o scam talaga ang lalaking 'to? Ngunit sabi naman ng fairy kanina na didiretso lamang kami, hindi ba? "Sigurado po ba kayo?" Tanong ko sa kaniya at itinuro ang madilim na silid, "Kasi po parang hindi naman po yata ito 'yong lugar na kung saan namin kukunin ang aming card." Mabilis na umiling ang lalaki atsaka may inilabas itong isang scroll. Hindi ko alam kung ano ang nakasulat doon sapagkat siya lamang ang bukod tanging nakakakita no'n, nakaharap kasi ito sa amin kung kaya ay likod lamang ng papel ang nababasa namin. "Hindi niyo agad-agad makukuha ang inyong card sapagkat may ilang pagsusulit pa kayong dadaanan, hindi niyo ba ito alam?" Gulat na tanong nito sa amin. Mabilis akong umiling sa kaniya bilang tugon. Hindi ko naman talaga alam na may kailangan pa pala kaming pagdadaanan bago makuha ang gusto namin. Akala ko ba ay madali lang ito? Kaya pala sinabi ni Ritya na 24/7 ang kanilang opisina dahil dito. Ano naman kayang klaseng pagsubok ang kailangan namin pagdaanan sa mga oras na ito? Sana nga lang ay hindi ganoon kahirap dahil talagang wala kaming alam sa mundong ito. Kahit nga ang akung ano man ang gagawin namin, wala akong kaalam-alam. "Nakakagulat,"bulong nito, "Ngunit, hayaan niyo akong ipaliwanag sa inyo ang lahat bago kayo magpatuloy." Humarap kami sa kaniya at taimtim na nakikinig. Hindi ko man masigurado kung nagsasabi ito ng totoo pero kailangan ko makinig. "Mukhang may pagdadalawang isip sa mata ng iyong kaibigan,"sambit ng lalaki habang nakatingin sa tao na nasa gilid ko. Nang lingunin ko si Alessia, seryoso lamang itong nakatingin sa lalaki habang naka-kuyom ang kaniyang mga kamao. Sira talaga 'to, hindi nga namin kilala ang taong ito pero pinapahalata niya na may doubt siya sa tao. "Inilalagay mo ba kami sa pahamak?" Seryosong tanong ng kaibigan ko. "Alessia,"saway ko rito. Naku naman. Hindi ko pa kaya na makipag-away sa mga ganitong oras. Masiyado na akong pagod at gustong-gusto ko na talaga magpahinga. Isang malakas na tawa ang maririnig sa buong pasilyo dahil sa sinabi ng aking kaibigan. Hindi ko tuloy alam kung naiinis ba ito o hindi. Pilit na ngiti na lang ang aking ibinigay sa taong nasa harapan ko habang hinihintay itong magsalita. Lumipas ang ilang sandali at na tapos na rin ito. Pinunasan niya ang kaniyang mga luhang tumutulo sa kaniyang pisngi at bumuntong hininga.  "Hindi ko inaasahan na muli kong maririnig ang tanong na iyan,"sabi ng lalaki, "Ngunit, hayaan niyo muna akong magpakilala. Ayaw kong mapagkamalan niyo na naman akong masamang tao. Siguro ay dahil na rin siguro sa suot kong damit at sa mukha ko, pero ang totoo niyan ay mabait talaga ako." Nagbubuhat ba siya ng sarili niyang bangko? Hindi ko alam kung seryoso nga ito sa kaniyang sinasabi pero kung talagang hindi siya masamang tao. Nakakahiya itong iniisip ko tungkol sa kaniya kanina pa. Sana nga lang ay hindi mataas ang posisyon nito sa guild na ito, kung hindi ay talagang hihilingin ko na lamunin ako ng lupa. "Pati na rin ang kinikilos mo ay sobrang nakakapanghinala. Ano ka ba talaga?" Tanong ulit ni Alessia. Naku naman, Alessia. Tumahimik ka na. Kapag talaga isa itong malaking tae sa guild na ito tayo 'yong mapapahiya. Mabuti na lang at walang tao sa pasilyong ito at tayo-tayo lang. "Pasensiya na kayo at hindi ako nagpakilala agad. Kasalanan ko talaga,"paghihingi nito ng paumanhin at yumuko, "Ako nga pala si Heneral Henry, ang namumuno sa Guild na ito. Ang kanang kamay ng taong namamahala sa bayan." Bigla akong nabuhusan ng sobrang lamig na tubig dahil sa sinabi nito. Totoo ba itong sinasabi niya? Mukhang isang pagkakamali nga ang ginawa namin ni Alessia. "Trabaho ko ang gabayan kayo sa paunang pagsusulit na kailangan niyong puntahan. Sa katunayan niyan ay lagi naman talaga akong nasa opisina, ngunit dahil na rin sa tapos na ang mga dapat kong trabaho sa opisina. Naisipan ko na tumulong muna rito sa baba, hindi ko naman inaasahan na mapagkakamalan niyo ako na isang masamang tao,"paliwanag niya at tumawa ng malakas, "Medyo matagal na rin simula noong narinig ko ang mga tanong na iyan." "Heneral! Ano na naman 'yang ginagawa mo?!" Isang malakas na sigaw ang narinig namin na nag-echo pa sa buong pasilyo. Nang ibinaling namin ang aming paningin ay isang babaeng may eye glasses at dala-dalang papers ang naglalakad papalapit. So, totoo nga ang lahat ng sinabi niya? D-mn. We are so doomed!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD