Kapag masaya ka ay ang bilis pala talaga ng oras. Di ko man lang napansing higit isang linggo na pala simula noong isuot sa'kin ni Igop ang singsing na naging center of attraction ng halos lahat ng mga Ramirez. Animo national treasure na pinagkaguluhan ng mga pinsan niya ang ibinigay niyang singsing sa'kin. Di iyon nakapagtataka dahil sa nakakalula nitong halaga na binanggit ng isa sa mga pinsan niya. Katumbas ng halaga nito ay tatlong bahay sa pinakaeksklusibong subdivision at sampung mamahaling sasakyang hindi pa nai-market sa bansa. Parang nadagdagan ang bigat ng singsing sa daliri ko at nakakabahala na itong isuot sa labas at baka pag-interesan ng mga masasamang loob. Parang gusto kong mag-hire ng bodyguard na magbabantay lang sa darili ko kung saan nakasuot iyong singsing. Hindi

