Taas-noo kong sinalubong ang galit na mga mata ni Franchesca. Sa aming dalawa ay siya pa talaga ang may ganang magalit gayong ako ang dehado kung magkataong kapatid ko talaga siya sa ama kasi ang ganda ko tapos siya ay pinaganda lang ng lipstick niya kaya nagmukhang tao! Wala namang kaaki-akit sa pamilya niya para ipagsiksikan ko ang sarili ko 'no! "Alam mo, iisa lang kilala kong ama at wala na siya rito sa mundo kaya pwede ba kung ayaw mo na sa tatay mo ay itapon mo sa Bermuda Triangle at huwag mong ipapaangkin sa'kin!" naiirita kong sabi. Naningkit lalo ang mga nito at tuluyan nang lumapit sa akin kaya ilang pulgada na lang ang layo namin sa isa't isa. Naghahanap talaga ng sakit sa katawan ang babaeng ito. Tuwing ganitong masyadong unstable ang emotion ko ay dapat lumayo-layo siya

