SHIFT I
Halos kalahating oras na simula ng bumuhos ang malakas na ulan at tanging pagaspas lang ng hangin at maingay na pagpatak ng ulan sa bubungan ang nagsisilbing ingay sa buong area ng Lounging house kung saan ako nag tratrabaho bilang security guard dito sa Dumanggas Iloilo.
Pangalawang night shift ko pa lang ito simula ng ma hired ako sa trabaho, tubong Jamindan Capiz ako pero dito ako nasipa matapos kong subukang paaralin ang sarili ko sa Antique University--- pero wala, eh. Hindi para sa akin ang nakakaboryong paaralan na 'yan.
Mas gugustuhin kong maging kargador kaysa maupo ng ilang oras sa isang silya at magkulong buong maghapon sa apat na sulok ng classroom na may mga sticker ng bata-bata at gud murning, welkam!
Naalibadbaran ako sa mga desenyo ng mga titser sa classroom, tapos titig lang sa black board at makikinig sa talambuhay ng maestra--- kaya tumigil ako sa pag-aaral at nag trabaho na lang ng kung ano-ano at kung saan saan.
Ayos na saakin ang kakarampot na kinikita basta masaya ako, trabaho overnight tas tagay over day!
Iyan ang buhay ko sa probinsya namin. Sakit ako sa bato ng Tatay kong Capgo sa Camp Peralta ng Jamindan. Kilala ang apelyedo naming "Alferez" sa Jamindan dahil sa Tatay kong siga na wala namang maipagmamalaki kundi ang pangbubogbog niya kay Nanay.
Napabuntong hininga ako sa mga naalala ko sa bahay namin sa Jamindan. . . Lagi binubogbog ni Tatay ang Nanay ko, dahilan para mamantsyahan at malamatan ang relasyon namin bilang mag ama.
At kung bakit mas pinipili ko na lang na buhayin ang sarili mag isa.
Naalala ko pa sabi ni Tatay, ayusin ko na daw buhay ko.
"Aba, parang ako pa talaga ang pariwara."
Kahit hindi ako magiging degree holder kagaya ni Tatay, at least hindi rin ako namimigay ng thirty six degree na sampal sa babae katulad ng ginagawa niya kay Nanay.
Sa loob ng halos bente singkong taon na humihinga ako sa mundong ibabaw, naging leksyon na sa akin ang mga luha ni Nanay na nakikita ko. . . Her pain always reminds that I will never touch nor lay a finger on women.
I hate it when a woman cries. And I hate those assholes who make a woman cry, nababaklaan ako sa mga lalaking nanakit ng mga babae. Nakakaliit ng bayag kapag pinapadapo mo ang kamao mo sa babae.
No matter what the reason is, wala pa ring sasapat na rason ang mga lalaki para pasaan at ubihan natin sa mata yong mga angkan ni Eva.
Para silang flower base. . . Maganda. Pero madaling masira kapag hindi iningatan.
Kaya siguro na fall sa akin si Vanessa, ang taga baryo namin sa Jamindan kasi sabi niya, "the way Terman's looking at me, parang babasagin akong bagay na kailagan niyang ingatan."
Natawa ako ng sumagi na naman si Vanessa Liberato sa isipan ko, ang babaeng 'yon na parang buntot ko rati. Kung na saan ako, nando'n din siya.
She confess that she likes me. . . Naaawa ako sa kanya, but I can't take a bite with an apple I dislike.
So I kept a distance with her.
Alang naman paasahin ko pa siya na pwede kami, masasaktan lang siya lalo.
Napasulyap ako sa relos ko, halos mag aalas nuebe na pala.
May baon akong kanin sa plastic na winitikan ko ng asin kanina. Hindi pa nag susuweldo kaya pa asin-asin lang muna.
Inayos ko ang uniporme kong pang security guard, pero hindi ko sinasadyang matanggal at mahulog ang pin ko kung saan naka ukit ang pangalan ko.
Pinulot ko ito sa simento at inihipan para maalis ang ang dumi't alikabok.
Napangiti ako ng mabasa ang pangalan ko sa pahabang pin. . .
Terso Manuel Alferez
Hindi ko alam kung saan kinuha ng mga magulang ko ang mabantot na pangalang 'yan.
Sa probinsya kapag tinatawag akong Terso o Manuel ng mga kalaro o kakilala ko, tinututukan ko ka-agad ng ice peak.
Mas kilala ako sa Terman.
Ewan ko, pero ayaw ko talaga sa real name ko.
Nakailang subo pa lang ako ng kanin habang pinagmamasdan ang pagpatak ng ulan sa kanal ng may humintong motorsiklo sa tapat ng entrance.
Naka leader jacket at naka evo helmet ang driver kaya hindi ko makita kung babae ba o lalaki ito, pero may kasama itong bata na sa tansya ko ay two to three years old. Naka pink rain coat ito na ang desenyo ay little pony.
Agad kong iniwan ang pagkain ko at kinapa ang payong sa ilalim ng poduim at dali-daling dinaluhan ang bata para payungan.
"Excuse me po, doon po ang parking area." Ikinumpas ko pakanan ang kamay ko para ituro sa kanya ang parking.
Iginiya ko ang bata para makasilong sa entrance ng lounging.
"Dito ka muna, hintayin mo kasama mo." Untag ko.
Pero tumunghay lang ang bilugan nitong mga mata na may mahahabang pilikmata sa akin. Maliit ang mga labi at ilong nito at may maalong buhok.
Umibis na mula sa pagkaka-park ng motor ang kasama nito ngunit hindi pa rin ito nagtatanggal ng helmet.
Umangkla ang maliit na kamay ng batang babae sa mga kamay ng kasama na may driving globs pa, at akmang papasok na sa entrance.
"Excuse me," untag ko.
Napahinto naman siya at bahagyang tumagilid sa pwesto ko.
"Pakitanggal na lang po ng helmet," utos ko bago ako lumapit sa kanila.
Hindi ito gumalaw sa kinatatayuan niya kaya naalarma ako.
Bilang sekyu, tungkulin ko ang siguridad ng buong building. Halos singkwenta ka tao ang na sa loob ng lounging house na ito at nagpapahinga. . . Nahimbing at kampante na walang mangyayari sa kanila.
"Inuulit ko po, pakitanggal ng helmet bago kayo pumasok sa loob." Naghalo ang disperasyon at pagkairita ko sa bagal niyang kumilos.
Pero nanatili akong mahinahon at kalmado. Hinintay ko ang gagawin niya, ngunit nanatili lang itong naka tayo.
Uulitin ko sana ang sinasabi ko ng biglang lumitaw ang isang house keeper sa entrance.
"Sir Terman, ako na ang bahala. Kilala ko sila, kanina pa sila hinihintay ng kasama nila sa room fourty eight." Turan ng house keeper.
Pumasok na sila sa entrance ngunit hinatid pa rin sila ng aking tingin, kung hindi lang dumating ang house keeper ay talagang hindi ko siya papapasukin dahil ayaw niyang hubarin ang helmet niya.
PAGSAPIT ng bukang liwayway saka naman kumulo ang tiyan ko, kailangan ko mag kape. Nagpasuyo ako sa isang house keeper ng kape sa loob ng lounging, hindi ko kasi pwedeng iwanan ang pwesto ko ng wala pa ang ka shift kong guard sa umaga.
"Salamat, salamat." Sabi ko sa house keeper na naghatid ng kape ko.
One thing I like about my job, kahit nakakaantok ay mababait at kasundo ko ang iba pang mga empleyado sa lounging.
Ilang sandali pa matapos akong magkape ay dumating na si Ader. Ang ka shift ko ngayon.
Iniligpit ko na ang mga gamit ko at isinukbit sa aking may katigasang balikat ang back bag ko na regalo pa ni Nanay no'ng nakaraang pasko.
Habang naglalakad ako papunta sa parking area ay may nakasabay akong pamilyar na bultong katawan. Ni hindi ko ma-diffirenciate kung babae ba siya o lalaki dahil sa pananamit niya at ang evo helmet na suot niya pa rin.
Pati ba sa pagtulog niya ay naka-helmet siya?
Napapihit ito patagilid sa akin at pansamantalang tumigil na para bang inuusisa nito kung bakit ako nakatingin sa kanya.
Bahagya akong na untag at napakurap ng ilang beses sa sariling pagkakatunghay at pag-aanalisa sa kanya.
"Magandang umaga po," bati ko sa kanya.
Ngunit kumaway lang ito sa akin at sumaludo.
Ah, may speech defect siguro kaya sign language lang.
Tumalikod na ito ngunit sinundan ko pa rin siya ng tingin hanggang sa makalulan na ito sa motorsiklo niyang Honda na may pagka-old model
.
Nagkibit balikat na lamang ako at sumakay na lang din sa motorsiklo ko. Sabik ang likuran ko na mailapat na sa medyo malambot kong kama sa tinutuluyan kong boarding house.
Halos two weeks pa lang ako dito sa Dumangas, iniwan ko ang trabaho ko bilang kitchen boy ng mga sundalo sa Camp Peralta kung saan din nag tratrabaho si Papa.
Hindi ako makakaipon kapag malapit ako sa mga barkada kong suka--- suka sa inuman.
Bago ako tuluyang lumiko sa boarding house ko ay bumili ako ng cup noodles sa tiange. Para na ito mamaya sa tanghalian o hapunan. Siguradong mapapahaba ang tulog ko, gayong sinasanay ko ang orasan ng katawan ko ngayon sa bago kong routine bilang sekyu.
Pagdating sa boarding house ay halos hindi ko na nakadaupang palad ang mga kasama ko sa katabing kwarto, halos lahat kasi ng mga kasama ko rito sa boarding house ay mga estudyante. Ako lang ang nagtratrabaho.
Bungad pa lang sa akin ng kama pero pakiramdam ko ay inaaya na ako nitong mahiga dahil nakaramdam agad ako ng pamimigat ng talukap.
Nilabanan ko muna sandali ang temptasyon ng pag-idlip at maayos na ni hunger ang uniporme ko para masuot ko pa mamaya.
Sakto lang para saakin ang boarding house ko, sa halagang pitong daan kasama ang tubig at kuryente ay sapat na sa akin ang espasyo. May kama na sakto lang sa akin, mesa para may makainan ako, silya, kabinet, at higit sa lahat may saksakan. May maliit akong lababo at banyo, kaya pitong daan talaga ang buwanan ko.
'Yong mga estudyante kasi nagsisiksikan sa dalawang banyo sa labas. Minabuti ko ito dahil sa trabaho ko.
Matapos kong magbihis at magsipilyo ay kinapa ko sa bag ang Santo Rosaryo ni Nanay Belen na pabaon niya saakin. Pagkatapos kong mag sign of the cross ay hinalikan ko ang Santo Rosaryo bago tuluyang magpatangay sa tila nanghehele kong antok.
PASADO ALAS KWATRO na ng hapon ng maalimpungatan ako sa ingay ng mga estudyante na nagmumula sa labas.
Kapag ganitong oras ay uwian na nila kaya napupuno ng ingay ang buong boarding house.
Napagdesisyonan ko nang bumungan, pakiramdam ko ay naitulog ko na lahat ng pagod ko. Pero hinahanap pa rin ng katawan ko ang tulog na pang gabi.
Kinuha ko sa mesa ang heater kong pinaglumaan na sa Camp Peralta, binigay na sa'kin ng amo ko 'don. Tinanggap ko na lang kesa naman itapon nila.
Ni hindi pa ako nakakamumog, e lumabas na ako ng kwarto para makahingi ng tubig.
Agad sumalubong sa akin ang mga estudyante na hindi pa nga nakakapagpalit ay nakapagpwesto ng lames para tumagay.
Kaya ayaw ko na mag ara pa, kagaya ng mga sutil na 'to ay lolokohin ko lang ang mga magulang ko kasi hindi naman ako mag-aaral ng matino.
"Kuya Terman! Tara tagay ka naman." Aya sa akin ng binatilyong minsan kong nakakwentuhan sa sala.
"Nagpaalam ba kayo sa land lady? Baka mamaya pagalitan kayo." Sabi ko habang sumasalin ng tubig sa heater.
Isinabit ko sa balikat ang puting t-shirt ko at ginawa itong pamaypay habang nakikipagkwentuhan ako sandali.
"Hindi ako pwede tumikim ng alkohol ngayon, baka mahilod lahat ng sipag ko magtrabaho."
Sabay sabay kaming natawa dahil sa sinabi ko.
Bago ako pumasok sa kwarto ko ay nasiplatan ko pa ang nga dalagitang naghahagikhikan habang pinapasadahan ako ng tingin.
Napailing na lang ako sa mga kabataan ngayon.
Nagkape lang ako at nag cup noddles bago naligo. Dapat alas sais ay na sa lounging house na ako.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng uniporme ko, dalawang pares lang nito ang meron ako kaya naglalaba ako kapag Huwebes ng hapon.
Napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin ng may kalumaang kabinet. Ilang beses akong umikot patalikod habang naka-pose.
Napangiti ako sa repleksyon ko, bagay naman pala sa'kin ang uniporme ng mga security guard.
Saktong-sakto ang medyo matigas at malapad kong likod, dibdib, at balikat sa uniporme. Mabuti na lang at masiyadong nabatak ang katawan ko sa trabaho ng na sa Jamindan pa ako, dahil kung nagkataon ang pangit naman kung malapad nga ang likod ko tapos lumulubo naman ang tiyan ko na parang puputok.
Mahaba ang mga biyas ko na bumagay naman sa itim na slacks at leader shoes.
Tuwing na sa duty pa at may mga guest at tao ay kailangan kong isuot ang pershing cap ko.
Napatitig ako sandali sa aking mukha, wala naman akong nilalagay ngunit natural na makinis dapat ako kung hindi lang ako takaw gulo sa amin.
May mga maliit akong peklat sa mukha na nakuha ko sa pakikipagbasag ulo.
Sabi ni Vanessa, one thing she loves about me is my pair of blacked eyes. Malamlam, puno ng ekspresyon at emosyon, at kapag tititigan ka ay parang punong puno ito ng pag-iingat dahil kahit ano mang bagay ang titigan ng mga mata ko ay pakiramdam nito, babasagin lahat ng bagay.
Kung gaano kakapal ang mukha ko gano'n din kakapal ang kilay ko, blessed ako kasi hindi ko namana ang pangong ilong ni Nanay. Kahit sa ilong lang na napamana ni Tatay ay bawing-bawi na siya.
Dahil sa sari-saring naging trabaho ko sa Jamindan ay kailanman hindi ko na naranasan ang pakiramdam na pumuti ang balat. Natural na moreno ang skin tone ko.
Kaya hindi ako nag je-jeep madalas dahil hindi ako kumportable na nabubunggo ang ulo ko. Biniyayaan din kasi ako ng height na nakuha ko rin kay Tatay.
At least 'Tay may ambag ka sa'kin.
KAKAPARADA ko pa lang ng motor ko sa parking area ng Lounging house ay nakita ko na kaagad si Aderiano Navarra na parang na-bangag na sa kakakaway sa'kin.
"Ang tagal mo!" Angil nito ng makarating ako sa pwesto.
Nagmadali ito sa pagbitbit ng gamit niya na parang sinilihan ang pwet.
Parang alam ko na kung bakit atat siya!
"Na-tatae na 'ko!" Kagat ngiping bulong nito dahil may napadaan na house keeper.
"Larga na! H'wag kang magkalat dito, kakahiya sa uniporme mo!"
Sinamaan pa ako nito ng tingin bago tuluyang umalis.
Ka shift ko si Adriano pero Ader ang tawag sa kanya ng karamihan dito. Hindi ko rin saulado kung sino sa mga house keeper diyan ang tunay niyang nobya.
Napapailing na lang ako sa kanya.
Basta ako?
I wont chase.
I wont give love beyond the limits.
I wont be with the woman I don't love.
Nag-aaksaya lang si Ader sa kakalaro niya ng apoy kasama ang iba't ibang babae.
Playing is wasting time.
NAG sisimula pa lang mag-uwian sa kanya-kanyang mga lounging unit ang mga tao, pasimple kong inabangan ang bata na naka little pony kagabi at ang kasama nito.
Pero hindi ko sila nakita.
Habang sumisimsim ako sa tasa ng kape ay may lumapit na mama sa akin. Hindi nalalayo ang edad nito kay Ader, mas malapad ito ngunit mas matangkad ako sa kanya.
"Boss," bungad nito sa akin.
"Magandang gabi, Sir." Sagot ko.
"Ikaw ang gwardiya pang gabi, diba?"
Inilapag ko ang tasa at tumungo sa kanya.
"May nagagawi ba ditong babae tuwing des oras ng gabi?" Mausyusong tanong nito.
Napaisip naman ako. Pang tatlong gabi ko pa lang naman sa trabaho at wala naman akong napapansin.
"Bago lang po ako rito, wala naman po akong napapansin."
Napabuntonghininga ito at may kinuha sa likurang bulsa nito. May iniabot ito sa aking maliit na card.
"Calling card ko, patawagan naman ako kapag may napansin kang babae na pumapasok na pag gabi."
Tinanggap ko naman ito sabay tango sa kanya.
"Makakaasa ka, Sir."
Bago ito umalis ay may iniabot pa ito sa akin.
"Pangyosi lang, Boss." Pasimple nitong inipit sa kamay ko ang isang daan bago umalis.
Ayos ah, galante naman ng pandak na 'yon.
Kahit di naman ako nagyoyosi, e ayos na rin. Pang gas ko na lang at pang cup noddles.
Bumaba ang mga tingin ko sa calling card na binigay niya. . . Naka imprinta ang pangalan nitong. . .
Siniel Cosca.