SHIFT VI

2349 Words
SHIFT VI Hinatid namin sa palengke ang mga panindang polseras ni Suralin. Dalawang customer pala ang naghihintay sa kanya. Maraming natutuwa at bumibili ng mga gawa niya; karamihan ay estudyante. Naalala ko tuloy si Teresa at Nadja. "Magkano magpagawa?" Basag ko sa katahimika habang naglalakad na kami pareho pabalik sa motor. "Depende sa design, pero kung ikaw---libre na!" "Talaga?" Natatawa kong tanong. "Kanino mo ba ibibigay, sa girl friend mo?" Amangat ang gilid ng labi ko sa tanong niya. Panaka naka ko siyang ninanakawan ng tingin habang abala ang mga mata nito sa pagsisiyasat sa mga tanawin sa may port. "Sa mga kapatid ko." Pagtatama ko sa kanya. Sinasabayan ko ang bagal ng lakad niya. Hindi ko alam pero ito na yata ang pinakamasaya kong paglakad dito sa port. Parang ang bagal bagal ng oras. "Ang sweet mo namang kuya," Sweet din akong jowa. "Na mimiss ko na nga mga 'yon." Napatigil ito at napaangat ang tingin saakin. . . Parang tinambol na naman ang dibdib ko ng mag tama ang aming mga mata. Pakiramdam ko nakikita niya mga kahinaan at kasalanan ko habang tinititigan niya ako. Bakit ba gano'n? "Na mimiss ko na rin mga kapatid ko." Napabuntong hininga ito at umiwas ng tingin. Nagsimula na ulit kaming maglakad habang pareho na dinadama ang maalinsangang hanging dala ng katabing dagat. "Na saan na ba sila?" "Na sa amin." "Matagal ka na ring hindi na kauwi?" "Matagal na." "Bakit?" Hindi ko mapigilan na hindi siya usisain. Halos dalawang linggo na kaming naging magkakilala at dumadalas na ang transaksyon namin pero hindi ko pa rin alam kung taga saan siya. "Mahabang kuwento. To make it short, lumayo ako sa amin. Kasi ayaw kong paglaruan ng pamilya ko ang kapalaran ko." Masiyadong malalim kaya hindi ko agad naintindihan. "Gusto nila akong ipagkanulo." Pagtuldok nito sa usapan ng napuna niya na hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin. May ganoon sa kanila? Anong klase ng pagkakanulo ba ang ginawa sa kanya at napilitan siyang lumayo. "Kung gano'n sino ang kasama mo rito?" Napaiwas ito ng tingin at mas binilisan ang paglalakad niya. "Nagugutom ka na?" Biglang saad nito ng pareho kaming tumigil sa harap ng motor ko. Napakunot ang noo ko sa kanya at tiningnan ang ang relos ko. Oo nga, halos may isang oras na kaming nandito sa palengke at mag a-als onse na. Hindi ko alam pero hindi ako nakaramdam ng gutom, samantalang hindi naman ako nag agahan at nag kape lang ako. "Hindi ako nakapagluto kasi umalis tayo." Pakiramdam ko parang lalabas sa ribs ko yong tumatambol kong puso. . . Is she asking me to date her? Napakurap ako sa naisip. Nagagaguhan na ako sa sarili ko, gayong ako ang lalaki dapat ako ang nag aya! Gago ka talaga, Terman! "Ah, oo may alam akong masarap na kainan! Tara!" Hindi ko maipaliwanag ang excitement na nararamdaman ko. Marami akong tanong katulad ng ano kaya kinakain niya? Muslim kasi siya at iba ang tradisyon niya kaya wala akong alam kung ano ang mga bawal sa kanila. "T-Teka," Napatigil kami pareho. Alanganin itong napatingin sa akin. "Ano kasi Terman. . . Saan tayo pupunta?" "Sa kainan?" "Malapit lang ba rito ang boarding house mo?" "Oo, mga ten minutes lang na sa BH na tayo." "Ayos, tara mamili na lang tayo." "Ha?" Naiwan akong nakatayo't nakakunot ang noo ng naglakad na siya pabalik sa loob ng palengke. "Ayaw ko kasi ng na sa karenderya, gusto ko makasigurado na wala akong nakakain na bawal." Sabi nito habang nagpapatiunang maglakad. "Ano ba ang bawal sa inyo?" "Karne ng baboy," Lumiko kami sa bilihan ng mga gulay. Napapatingin pa ang mga tindira sa akin at kay Suralin. Ngayon lang siguro sila nakakita ng magandang lalaki na may kasamang muslim na babae. Bumili ito ng kalabasa, okra, kulitis, at hipon saka galonggong. Ako ang tagabitbit niya habang siya naman ang namimili. Hindi ko maintindihan ang tiyan ko na parang dinaga agad, ng maisip na para pala kaming mag-asawa na namamalengke. "Oh diba, mas naka tipid tayo. Kesa kumaim tayo sa labas. Tara na?" Habang tumatagal mas humahanga ako sa kanya. Kakaiba siya mag isip. Hindi siya katulad ng ibang babae na paganda lang ang alam. Humahanga? Humahanga ako kay Suralin, na isang Muslim? PAGDATING namin sa BH, as usual wala ng mga tao at estudyante. Kumatok ako kay Ate Maldi, ipagpaalam ko na may bisita ako habang pinapasok ko na si Suralin sa kwarto ko. "Akala ko ba wala kang nobya, Terman?" "Hindi ko naman siya jowa, Ate!" Pag depensa ko. Nakasilip lang ito mula sa pinto niya habang tinataasan ako ng kilay. Kumpleto na naman ang mga rollers nito sa ulo. "Asus, estyle niyo ni Ader na hindi na nagparamdam! Ayain mo nga ang gagong 'yon dito." Natawa ako sa sinabi ni Ate Maldi. Ang alam ko kasi kamuntikan na talaga siyang diskartehan ni Adir. Kaya lang play time lang yon ng kumag. Pinagalitan ko kasi hindi tama ang ginawa niya. Hindi ko man alam na hindi na talaga siya nagparamdam kay Ate Maldi. "Sasabihan ko siya mamaya, 'te." "Sige na balikan mo na 'yong jowa mong Muslim." Matapos kong magpaalam kay Ate Malditing ay pumihit na ako para balikan si Suralin. Pagbalik ko sa kwarto naabutan ko siya na nag gagayat na ng gulay sa maliit kong lamesa. "Sorry, nakialam na ako sa mga gamit mo." "Walang problema, tulungan na kita." Hinanap ko sa ilalim ng may kaliitan kong lababo ang stock ko ng uling. Sa loob ng halos dalawang buwan ko dito sa Dumangas ay ngayon pa lang ako makakapagluto dito--- maliban na lang ng maga inuman kami sa labas. Sa labas naman kasi niluto 'yon. Madalas ay bumibili lang ako kung wala man ay nag cu-cup noodles na lang ako. "Mukhang ngayon lang nagamit ang mga gamit mo dito, ah." Napabalik ang tingin ko sa kanya habang pinapaypayan ko ang siga sa kalan. "Oo, walang time. Saka pagod na kapag umuwi ako dito." Napatango ito. Napabalik ang tingin ko sa kanya mg mapansin na hindi niya pa rin tinatanggal ang face mask niya. "Bawal ba makita ang mukha mo?" Umangat sa akin ang tingin niya, alam kong natawa siya sa tanong ko kasi nakangiti na naman ang mga mata niyang parang nanghihigop. Agad na tumambol ang daga sa dibdib ko. Gago. Bawal kaya? Paano siya kakain mamaya? Tatalikod siya o pipikit ako? Natawa ako sa sariling naisip. "Hindi naman," binitawan nito ang kutsilyo at binitbit ang mga gulay na na sa tray papunta sa lababo. Sinundan ko lang siya ng tingin. Mapino at parang kalkulado lagi ang galaw nito. Anak kaya siya ng Datu at Maharlika? Para kasi siyang prinsesa na naligaw lang dito sa silid ko. "Masiyado ka yatang curious sa mukha ko." Oo! Gabi-gabi kong iniisip bago matulog kung ano nga ba ang itsura mo kung walang tela na nakatabing sa mukha mo, Suralin! "Medyo," nakangisi kong sagot. Marahan itong natawa sa sinagot ko, pagbaling niya sa akin ay mas lalo lang lumakas ang tawa niya. At parang yong boses niya habang tumatawa---parang musika. Parang kasabay ng tawa niya ang intro ng kanta ni Debbie Gibson na Lost in your eyes. "Ayaw kitang ma dissapoint, ano ba ang iniisip mo, Terman? Ha?" Sinalang niya na ang kasirola sa kalan habang di pa rin natigil ang mahihina niyang tawa. "Maganda." "Manage your expectation, malay mo bungi pala ako." Hanggang ngayon naiintimidate pa rin ako sa tono niya. "Tanggalin mo para makita ko." Napailing ito na para bang hindi makapaniwala. Nagsimula na itong mag gisa habang nakaupo naman ako sa mono block at pinagmamasadan ang galaw niya. Dati curious lang ako sa kanya, ngayon nandito na mismo sa BH ko. "Maganda dito sa BH mo, wala na bang vacant dito?" Napaisip ako, kung meron man ay sa kabilang bahay na 'yon. Sa BH ng girls. Strikta kasi dito si Ate Maldi sa mga studyante niya. "Tatanungin ko si Ate Maldi." "Kaya lang malapit lang din 'to sa Lounging." Napatango ako, kasi totoo naman. Fifteen minutes lang ang byahe papuntang lounging. Napasandal ako sa upuan at napatitig sa kanya. Ngayon lang talaga naiba ang suot niya. Burqa daw ang tawag sa suot niya. "Suralin, mula pagkabata mo Muslim ka na talaga?" Pang uusisa ko habang nakasandal. Umiwas ito agad ng tingin sa akin. "Mas matanda pala ako sa'yo, hindi ba dapat Ate Suralin ang tawag mo sa'kin." Sagot niya. Napangisi ako sa sinabi niya. Matanda pala siya sa'kin. "Hindi naman na lalayo, eh." "Kahit na!" "Ano na nga, Ate. . . Muslim ka talaga since birth?" Napabuntong hininga ito bago tumango sa akin. "Pwede mo ba ako kwentuhan ng about sa inyo Ate?" Mas lalo akong napapangisi sa tuwing tatawagin ko siyang Ate. Hindi ko alam pero natutuwa ako sa age gap naming dalawa. "Bakit interesado ka na lumipat sa pananampalataya namin?" Hindi naman. Interested lang ako sayo. "Hmm, titingnan ko." Mas lalo akong napangisi ng humarap ito sa akin. "In shaallah, baka makasama rin kita saamin." In shaallah? "In God's will." Napatango ako sa kanya. One thing I like about their Sec, is lahat sila ay deboto. At napaka sagrado nila manamit. "Suralin. . . wala kang nobyo?" Naningkit ang mga mata nito sa akin dahil sa tanong ko. Shit. Nakakahiya. Parang uminit ang pisngi ko sa sarili kong tanong. Ano ka ba Terman! "Dati." Napaayos ako ng upo. Interesado akong malaman kung single ba siya. "Wala na ngayon. . . Wala akong boyfriend. . . Bakit?" Napaiwas ako agad ng tingin, bigla na lang akong hindi naging komportable sa pwesto ko. "C-Curious lang." Halos hampasin ko ang sarili ko ng manginig ang boses ko. Putiks. Nakaka minus ng angas ang babaeng 'to. "Mahal na mahal ko ang lalaking 'yon. . . Siya ang rason kung bakit ako napadpad dito. Kaya lang, totoo pala ang sinasabi nila na nakakalito ang pagmamahal at awa." Gumuhit ang lungkot sa mga mata niya, para bang may naalala ito. "Hindi pala sapat na gusto mo lang siyang mahalin pabalik kasi may pinagdaanan siya. Gusto mo lang maramdaman niya na kahit papaano may dadamay sa kanya." Napakalalim ng hugot niya. Kahit ako di ko maintindihan. Hindi pa naman kasi ako nagmahal ng buhos na buhos. Mas lalong hindi ko gagawin 'yon. "Magkaiba pala ang pagmamahal sa naawa ka lang." Nagpakawala ito ng pekeng tawa na naging tunog palaka lang. "Bakit ka naawa sa kanya?" Kung tutuosin napakabait niyang tao. Pinagpalit niya ang buhay niya kasi naaawa siya sa taong akala niya ay mahal niya. Bakit ba ganito ka kumplikadong magmahal ang mga tao? Kung hindi gago at loko-loko, may roon namang desperado at apurado. May magmamahal tas hindi mamahalin pabalik. May paasa at umaasa. May manloloko at nagpapaloko. May tatakbo tas may maghahabol. Sana naman hindi ko ma tyempuhan na ako ang iyong umaasa, maghabol, at yong hindi mahalin pabalik. "Minahal ko siya. Pero lahat ng 'yon dahil lang sa naawa ako sa kanya." "Bakit?" "Iyong babaeng minahal niya at inalagaan... nagkaanak sa iba habang silang dalawa pa. Niloko siya." "Tapos?" "Dinamayan ko siya ng mga panahon na 'yon, hanggang sa nalipat saakin ang atensyon niya." Napatingala ito at napapahid sa gilid ng mga mata niya. Shit. I can't stand seeing her like this. Parang napaka-helpless niya. "Ayaw niya akong mawala. To the point that he's already hurting his self." Nakaramdam ako ng awa kay Suralin. Ramdam ko na nahirapan siya. Napaka manipulative naman ng lalaking 'yon. Nagmahal sa maling paraan. Sarili lang ang iniisip. Paano naman si Suralin kung gano'n? "Bakit hindi mo na lang iwanan. Bahala siya kung ano gawin niya sa sarili niya." Pero napiiling lang ito na para bang pinaka-tangang suhesyon ang sinabi ko. "Hindi pwede. Ayaw ko siyang bigyan ng panibagong sakit." Wow. May humihinga pa palang kagaya ni Suralin. "At kahit kapalit no'n ay ikaw ang masaktan at mahirapan?" Napatango ito. Napakabuti niya. Pero niloloko niya labg ang sarili niya. "Alam mo, mas niloloko mo lang siya. Mas sinasaktan mo siya sa ginagawa mo." "Hayaan na nga natin siya, luto na 'yong laswa natin!" Pag iiba niya ng usapan. Tumalikod na ito at nagsimulang magsalin ng gulay sa mangkok. Kumuha na rin ako ng pinggan at kanin sa rice cooker. Agad na nuot sa ilong ko ang amoy ng laswa na sinahugan niya ng hipon at pinatong ang piniritong galonggong sa ibabaw. She's indeed a wife material. Ang swerte ng lalaking pinagtitiisan niya. Kung gano'n? Ang lalaking iyon ba ang kasama niya rito sa Dumangas? Magkasama kaya sila sa iisang Lounging unit? Parang nanikip ang dibdib ko sa mga naiisip ko. Hindi! She's a decent woman. She's not with him. Pinaghila ko siya ng upuan at sinalinan ng tubig sa baso. Natatawa ito sa pagkaaligaga ko habang pinagsisilbihan siya. "Bisita kita dito, dapat nga ako ang nagluto, eh!" "Treat ko na sa'yo 'yon, sa pagtulong mo sa negosyo ko at sa paghatid mo sa akin ngayon. Kulang pa nga 'to." Naupo ako sa harap niya at napatitig sa kanya. . . Pinaningkitan ako nito ng mga mata na tila inaalam niya kung bakit ako nakatitig sa kanya. "Can I-I see you?" Napaiwas ako agad ng tingin sa kanya dahil pakiramdam ko pinapaso ako ng mga mata niya. "Bakit hindi. . . Pinagkakatiwalaan na kita, Terman. And only few people had seen this face behind my Niqab and hijab." Saad niya habang dahan dahan na tinanggal ang facemask niya. Pakiramdam ko ay tumigil ang pagtakbo ng oras. . . Ayaw ko nang intindihin kung bakit ako nagkakaganito. Kung bakit ganito na lang ang kabang nararamdaman ko. "Ano, Terman?" Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya. . . Mukha siyang geni na nakawala sa bote. Para siyang indiana. Her lips. . . Umangkop ito sa hulma ng kanyang mukha. "Terman?" Napatitig ako sa mga mata niya. . . Muli ay parang hinigop niya ang ulirat ko. "Ang ganda mo. . . Ang ganda ganda mo Ate Suralin." Masiyado bang mabilis at maaga? Masiyado bang mabilis kung mapupuna ko agad na mula sa kuryusidad ko sa pagkatao ng Muslim na ito ay sasabihin kong. . . "Gusto kita." Gusto kita, Suralin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD