Samirah's POV:
Tapos na kaming magklase at uwian na ngayon. Kanina pa akong paikot-ikot dito sa school ngunit hindi ko makita si Juno. Kanina ring tanghali ay hindi ko siya nakita kaya kay Hyen na ako sumabay sa lunch. Kanina pa din ako text nang text sa kaniya ngunit wala man lang siyang reply. Nasaan kaya ang isang yun? Ano nga palang nangyari dun kanina?
Napagod na ako kakahanap sa kaniya kaya naman napagdesisyunan ko nang umuna pauwi. Lalabas na sana ako ng school gate nang may sumigaw sa pangalan ko.
"Samirah! Wait!" Nilingon ko ang tumawag sa akin at nakita ko na si Mr. Pogi s***h Hot pala. Ano ba yan, kinikilig ako. Ahihi! Ngumiti ako sa kaniya ng napakatamis. Hingal na hingal siyang tumigil sa harap ko.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa aking labi. Huminga muna siya ng malalim at saka nagsalita.
"Uhm..hatid na kita? Susunduin kasi ako ng driver namin, gusto mo ba...sumabay? It's okay if you don't want." Tumawa naman ako dahil ang cute talaga niya. Tumango tango ako.
"Sure, sige ba." Umaliwalas naman ang mukha niya kaya lalo akong napangiti. Ang gwapo talaga. Inaya na niya ako papunta sa kotse ngunit natigilan ako nang may makita akong pamilyar na bulto ng katawan na ngayon ay papalayo na. Juno? Ipinagsawalang-bahala ko na lamang dahil baka ibang lalaki iyon at kapareho lamang niya ng katawan. Tumuloy na kami ni Kaivin sa kotse at pinagbuksan naman niya ako.
Magkatabi kami ngayon sa backseat ng kotse at nakakaramdam ng awkwardness sa pagitan namin. Nakatingin lamang ako sa bintana at binibilang ang mga taong nadadaanan namin. Ilang segundong katahimikan ang namayani sa amin nang siya na ang bumasag nun.
"Uhm, Samirah...d-do you have a boyfriend?" Nahihiyang tanong niya. Nilingon ko siya at umiling. Nakita ko naman ang lihim niyang pagngiti ganoon din si Manong Driver. Hala! Ano kayang mga nasa isip ng mga ito? Muli siyang nagsalita. "Can... I court you?" Tumango-tango ako kaya ngumiti siyang muli. T-teka? Anong sabi niya?
"A-ano? T-teka, hindi ko kasi narinig." Bakit nga ba ako tumango? Masyado na ba akong inlove sa kaniya? Hala! Tinamaan na! Humalakhak siya kaya naman napabusangot ako. Masyado ko kasing sinasaulo yung mukha niya, yan tuloy! Di ko naintindihan yung sinabi niya.
"I said, can I court you?" Napanganga naman ako. Ano? Ligaw? Liligawan ako ng Crush ko? Totoo? Ang bilis! Sinampal ko pa ang kaliwa kong pisngi para masiguradong hindi ako nananaginip. Aray! Nasaktan ako dun ah! Totoo nga! Hindi ito panaginip! "What?" Ay! Oo nga pala, nag-aantay siya ng sagot.
"O-oo naman. P-puwede." Napangiti naman siya at napa 'Yes!' sa naging sagot ko. Ligaw muna ha, para naman mas nakakakilig. At dahil nga pumayag akong magpaligaw, panay siya tanong tungkol sa akin tulad nalang ng kung ano ang full name ko, mga paborito ko, at kung ano-ano pa. Madaldal pala itong si Kaivin ko. Tuwang-tuwa naman ako dahil magiliw siyang nagkukuwento ng tungkol sa kaniya. Dahil sa napasarap kami sa kuwentuhan, hindi ko namalayang nandito na pala kami sa tapat ng gate ng bahay namin. Muli akong pinagbuksan ni Kaivin ng pinto. Pagkababa ko ay agad ko siyang pinasalamatan. "Salamat Kaivin ha. Uhm, gusto mo muna bang pumasok sa loob? Masarap magluto si Inay." Umiling-iling naman siya.
"Sorry pero I need to go na. Maybe, next time. Gusto ko ring matikman ang luto ni Tita Cara kaso may kailangan pa akong gawin eh." Tumango ako ng isang beses saka kami nagpaalam sa isa't isa.
Pumasok na ako sa bahay at nagmano kay Inay. "Oh, Iha! Si Juno?" Oo nga ano? Nasaan na kaya iyon? Nakauwi na kaya siya?
"Hindi ko rin ho alam Inay eh, kaninang lunch hindi ko siya mahanap pati nitong uwian. Hindi rin nagrereply sa mga texts ko." Tumawa naman si Inay at umiling-iling. Kunot-noo ko siyang tinignan.
"Kayo talagang mga bata kayo oh. Ika'y magbihis na at magpahinga ka saglit. Tapos, puntahan mo siya doon sa kanila. Baka nagtatampo." Ano? Si Juno? Magtatampo? Bakit naman? Wala akong maalalang ginawa ko na magtatampo siya.
Nagtungo na ako sa aking silid para magbihis at magpahinga bago puntahan si Juno. Pabagsak akong humiga sa aking kama at patuloy na iniisip ang dahilan ng pagtatampo ni Juno. Bakit kaya? Mabilis akong bumangon sa aking kama nang may maalala, oo nga pala. Tinungo ko ang aking cabinet at kinuha ang pink kong notebook. Agad akong nagsulat doon.
'My suitor must say 200 i love yous before I give him my YES♡'
Ang 200 I Love Yous ang magiging basehan ko sa manliligaw ko. Dapat iparamdam at ipakita niya ang tunay niyang pagmamahal para sa akin at kapag nasabi na niya ang ika-dalawang daang 'I Love You' o 'Mahal Kita', iyon na ang tamang panahon para sagutin ko siya. Ayaw ko kasing masaktan sa huli tulad na lamang ng nangyari kay Inay kaya kailangan sigurado ako.
Nang matapos ko itong isulat ay akin nang niligpit ang pink kong notebook at bumaba sa aking silid. "Inay! Puntahan ko lang po si Juno!" Sigaw ko kay Inay na nasa kusina. Sumagot naman siya.
"Sige! Mag-iingat ha! Umuwi ka kaagad!" Hindi na ako sumagot at tuluyan nang lumabas ng bahay.
Naglalakad na ako nang makita ko si Juno sa may tindahan. Kaagad ko siyang tinawag. "Juno!" Lumingon lamang siya saglit sa akin at ibinalik na ang tingin sa hawak niyang cellphone. Lumapit ako sa kinaroroonan niya at umupo sa tabi niya. "Huy, Juno...pansinin mo naman ako oh. May nagawa ba ako? Wala kasi akong maalalang dahilan kung bakit hindi ka man lang nagpakita sa akin sa school, tapos hindi ka pa nagrereply sa mga text ko." Paglalambing ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin ng seryoso kaya naman bumilis muli ang t***k ng puso ko.
"Wala lang, trip ko lang. Wag kang mag-alala, hindi naman ako galit sa iyo. May iniisip lang ako." Ngumiti siya sa akin kaya nginitian ko rin siya.
"May problema ka pala eh. Bakit di mo sabihin sa akin? Hindi yung hindi ka namamansin." Nilagyan ko pa ng pagtatampo ang tono ng boses ko. Ngumiti ulit siya. Guwapo rin talaga ito lalo na kapag nakangiti.
"Sorry...bakit ka pala sumabay sa kaniya?"
"Eh, wala ka eh. Tsaka inalok naman niya ako, magpapabebe pa ba ako?" Sumeryoso muli ang tingin niya. Ano bang problema mo, Juno?
"Pero kakakilala mo pa lamang sa kaniya. Paano kung masamang tao yun? Ha?" T-teka, selos? Ay hindi! Ano ka ba Samirah, nilalagyan mo agad ng malisya. Nag-aalala lang yung tao.
"Pero...wala rin namang nangyaring masama sa akin, diba? At saka...mukha naman siyang mabait." Totoo naman diba? Mukha siyang mabait.
"Pero paano nga?" Wala na akong maisip na maisasagot sa kaniya kaya nanahimik na lamang ako. Ganiyan talaga siya, protective. Bumuntong-hininga naman siya at ginulo ang aking buhok.
"Sorry na kasi....please."
"Oo na, basta sa susunod...sa akin ka lang sasabay." Tumango-tango naman ako.
"Ikaw?"
"Anong ako?"
"May kasalanan ka rin sakin, kaya libre moko." Taas-babang kilay kong sabi sa kaniya. Kaagad naman siyang tumayo at dumukot ng pera sa kaniyang bulsa. Iyon! Nice one, Samirah!
"Oh" sabi niya sabay abot ng binili niyang chuckie at tinapay. Kinuha ko iyon at ngumiti sa kaniya ng napakatamis.
"Salamat!"