CHAPTER 03: Love at First Sight?

1341 Words
Samirah's POV: Araw ng Lunes ngayon at may pasok ako sa paaralan kaya naman maaga akong gumising. Bumangon na ako sa aking kama at agad na nagtungo sa banyo upang maligo. Nang matapos ako sa pagligo ay nagbihis na ako at nag-ayos ng aking mga gamit. Matapos ang lahat, mabilis akong bumaba sa aking kuwarto para pumunta sa kusina. "Hmmm...ang bango.." Pagkapasok na pagkapasok ko kasi ng kusina, agad na bumungad sa akin ang napakabangong amoy ng niluluto ni Inay. "Adobo!" Sigaw ko habang patuloy na ninanamnam ang amoy ng adobo ni Inay. Tumawa naman si Inay at pinagsandok na ako ng pagkain. "Oh, ha! Ipinagluto kita ng paborito mo. Oh ayan, kain ka na." Mabilis pa sa alas kuwatro na ako ay umupo at agad na nilantakan ang aking pagkain. "Oh Samirah, ika'y magdahan-dahan at wala ka namang kaagaw." Suway ni Inay sa akin. Hindi na ako sumagot sa kaniya dahil punong-puno pa rin ang aking bibig. Ang sarap talaga ni Inay magluto. Napatigil kami ni Inay dahil sa narinig naming mga katok sa pintuan. Pinuntahan naman iyon ni Inay at pinagbuksan. "Oh,Juno!" Napabusangot na lamang ako nang sambitin ni Inay ang pangalan ng kumakatok kanina sa pintuan. Wala raw akong kaagaw, mas matakaw pa naman sa akin iyan. Hindi naman talaga ako madamot, sa adobo lang. "Ahh, magandang umaga ho Nay Cara. Si Mirah po? Sabay po sana ulit kami." Rinig kong sabi ni Juno. Sa parehong paaralan lamang kami pumapasok ni Juno ngunit magkaiba kami ng section. Palagi kaming magkasabay sa pagpunta sa school, sa pagkain sa cafeteria, at sa pag-uwi. "Magandang umaga rin Iho. Halika, pasok ka. Ikaw ba'y nakakain na?" Narinig ko na ang mga yabag nila papasok rito sa kusina. "Opo Nay Cara, tapos na ho akong kumain." Mabuti naman. Napangiti ako sa naging sagot ni Juno, masosolo ko ang adobo! "Wow! Adobo! Nay Cara, a-ano po kasi...ang totoo po niyan, hindi pa ho ako nakakain." Nanlaki ang aking mata dahil sa kasinungalingan ni Juno. Nilingon ko siya na ngayo'y nakaupo na sa aking tabi at nagsasandok na. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit ang walang-hiya ay nagpatay-malisya lang. "Oh sige na, kain lang kayo diyan. Babalik muna ako sa kuwarto. Tawagin niyo na lamang ako pag aalis na kayo." Tumango na lamang kami ni Juno kay Inay. Pagkaalis ni Inay sa kusina, agad kong binatukan ang katabi ko na inubos na ang adobo. "Aray!" Inda niya sabay himas sa batok. Inirapan ko naman siya. "Akala ko ba nakakain ka na? Ha?" Tanong ko habang naniningkit ang mga matang nakatingin sa kaniya. Uminom muna siya ng tubig bago ako sinagot. "Oo nga, nakakain na pero hindi pa busog. Ang sarap! Hmmm! The best talaga si Nay Cara!" Muli kong pinaikot ang aking mga mata. Inubos niya yung adobo ko. Kainis! "Eh bat sabi mo nung nakita mo yung adobo, hindi ka pa nakakakain?" Magsasalita na sana siyang muli nang unahan ko na siya. "Oh wag ka nang tatanggi, wag ka nang mangatwiran. Napakatakaw." Nataranta naman ako nang masamid siya at sunod-sunod na umubo. Agad akong kumuhang tubig at ibinigay sa kaniya. "Anyare sayo? Ayos ka lang?" Hinahaplos-haplos ko pa ang kaniyang likuran, baka kung mapaano pa ito. Nilingon niya naman ako nang maging maayos na siya. "Ikaw kasi eh. Kung makapagsabi, akala mo naman hindi matakaw." Binigyan ko siya ng nakakamatay na tingin at umambang hahampasin siya nang iharang niya ang dalawa niyang kamay. "Oh! Joke lang! Sabi ko nga eh, ako lang matakaw." Goodboy! Ibinaba ko naman ang aking mga kamay at binigyan siya ng napakatamis na ngiti. Natapos na kami ni Juno sa pagkain. Tinulungan niya rin ako sa pagliligpit ng mga pinagkainan namin. Naghuhugas ako ng aking mga kamay sa lababo nang magsalita siya sa likuran ko. "Ahh, Samirah..." Hinarap ko siya at laking gulat ko dahil sobrang lapit na namin sa isa't isa, as in sobra! Hindi ako makagalaw dahil konting galaw ko lamang ay baka mahalikan ko siya. Ano ba, Juno...layo... Hindi ko rin maibuka ang aking bibig at pigil pa ang hininga. Umabante siya kaya umatras ako ngunit sa kasamaang palad, kung aabante man siyang muli ay hindi na ako makakaatras dahil sa lababong nasa likuran ko. Seryoso lamang siyang nakatingin sa akin. Pakiramdam ko tuloy pulang pula na ng mukha ko dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Sabayan mo pa ng sobrang bilis na t***k ng puso ko. Juno kasi...lumayo ka na. Umiwas na ako ng tingin dahil matutunaw na ako sa mga titig niya. Tumikhim ako at nagsalita. "Uhm...b-bakit?" Bakit ba kasi ako nauutal? Napalunok ako ng ilang beses dahil bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. Hindi puwede to. Baka halikan niya ako. Yung first kiss ko, hindi pwede! Wag naman sana. Pabilis ng pabilis ang t***k ng puso ko dahil unti-unti niyang inilalapit ang kaniyang mukha sa akin. Pumikit siya kaya pumikit na rin ako. Habang unti-unti nang naglalapit ang mga mukha namin sa isa't isa, may bigla kaming narinig na tunog ng parang nalaglag na kaldero. Sabay kaming napamulat at napalingon sa pinanggalingan ng tunog."Meow" Diyosmiyo marimar. Pusa lang pala. Buti na lamang. Salamat sayo munting pusa, niligtas mo ako. Muli akong tumikhim. Mukha namang naintindihan niya kung bakit ako tumikhim kaya umatras siya. "Uhm...t-tara na?" Tumango na lamang ako sa kaniya at kinuha ang aking mga gamit. "Inay! Alis na ho kami!" Sigaw ko sabay katok sa pintuan ng kaniyang silid. Pinagbuksan niya naman ako kaya kaagad akong nagmano sa kaniya gayundin si Juno. "Inay, aalis na ho kami." Tumango naman si Inay at ngumiti. "Oh siya sige, baka kayo'y tanghaliin. Mag-iingat kayo. Juno, itong anak ko ha." Nangunot naman ang noo ko sa sinabi ni Inay. Tumingin ako kay Juno nang may pagtatanong at pagtataka. Nagkibit balikat lamang siya at tumawa kaya nilingon ko si Inay. "Ibig kong sabihin....bantayan ka ni Juno." Tumango-tango naman ako ng ilang beses. Ahhh ganun pala...akala ko kung ano na. Naglalakad na kami ni Juno papunta sa paaralan. Walking distance lang naman kasi ang school rito sa barangay namin. Tahimik lamang kami ni Juno at walang nagtatangkang magsalita sa amin. Nakita ko pa sa peripheral vision ko ang panay na pagsulyap niya sa akin. Ang awkward na nga eh, hanggang ngayon naaalala ko pa rin yung hindi natuloy na kiss kanina sa kusina. Kinuha ko na lamang ang cellphone at earphone ko para makinig ng music at para na rin mabawasan yung awkwardness sa pagitan namin. Nakarating na kami sa paaralan ngunit wala pa ring nagsasalita sa amin. Naglalakad na kami sa corridor papunta sa classroom ko. Lagi kasi akong inihahatid ni Juno bago pumunta sa room niya. Ngunit sa gitna ng paglalakad namin, aksidente akong natakid at matutumba na sana nang may mga brasong sumalo sa akin. Ang malas ko nga naman oh. Napayakap pa ako sa kung sinumang nakasalo sa akin. Nag-angat ako ng tingin at sa pag-angat ko ng aking paningin, isang guwapong mukha ang bumungad sa akin. Swerte pala ako hindi malas hehe. Ang g-guwapo niya, sobra. Perpekto ang depina ng kaniyang mukha, matangos ang ilong, ang ganda ng mga kulay kayumanggi niyang mata. Basta, ang pogi! Yung katawan niya....ang laki at ang tigas. In fairness may muscles. Tapos, ang bango niya! Grabeh! T-teka nga, nalove at first sight ba ako? Nagising na lamang ako mula sa aking kalandian ay este sa pagde-day dream nang may tumikhim sa tabi ko. Ay oo nga pala! Nandito nga pala si Juno! Agad akong napabitaw at lumayo kay Mr. Pogi s***h Hot. Nahihiya akong ngumiti sa kaniya habang kumakamot sa batok. "Ahhh...s-sorry.." Ngumiti siya ng napakatamis kaya naman lalo akong na inlove ay este lalo siyang gumwapo. Ang puti ng ngipin niya! Pang-toothpaste commercial! "It's okay. I'm the one who need to say sorry. Hindi ako nakatingin sa daan. Uhm...by the way, I'm Kaivin." Pagpapakilala niya sabay abot ng kaniyang kamay. Kinuha ko naman iyon at nagpakilala rin. "S-samirah. Nice to meet y-you." Nauutal kong sabi. Bakit ba nauutal ako? "Tss" Kunot-noo akong tumingin sa ngayo'y naglalakad ng paalis na si Juno. Anyare?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD