-MR. AGUIRRE GAVE YUAN A POETRY TOPIC. JILL’S INVITATION. CHLOE AND HER SANDWICH. YUAN WAS ASKED TO JOIN THE PRACTICE-
ITINULOY ni Mr. Donald Aguirre ang graded discussion pagkaalis ni Principal Sarmiento. Binigyan niya ng around five to eight minutes ang mga natatawag niyang pangalan sa fish bowl kaya kahit papa’no ay marami ang nakapag-recite. Pero dahil inabutan na ng bell time, sinabi ng English teacher na itutuloy na lang ang mga hindi pa nakapag-recite bukas.
Tumatayo na si Yuan sa upuan niya ng tawagin siya ni Mr. Aguirre.
“Hintayin mo ‘ko, ha?” Sabi ni Yuan kay Felix bago lapitan ang teacher sa unahan ng classroom.
“You’ll be exempted for this graded discussion of the Steinbeck book.” Sabi agad ng teacher kay Yuan nang makalapit na siya dito. “Obviously, you won’t have time to prepare for it since we’re trying to scrunch that discussion only until Friday tomorrow. However, I will expect you to participate on our poetry writing which essentially is my own spin for this year’s mid-term exam for my class. Are you cool with that?”
“Yes, Sir.”
“For your topic.” ikinalat muna ni Mr. Aguirre sa ibabaw ng desk chair ang mga folded colored papers na may nakasulat na mga pangalan ng estudyante niya na nakalagay sa fish bowl saka niya muling nilagyan ng panibagong mga colored papers ang bowl na pinagsulatan naman niya ng mga topics para sa poem na nakatago naman sa walang laman na kahon ng tsokolate.
“You can choose from here.” Nakangiting sabi ni Mr. Aguirre habang inilalapit ang fish bowl kay Yuan. “Sorry. My obsessive compulsive personality disorder is coming through again.”
Natawa si Yuan bago dumukot ng colored paper sa bowl. Sinilip niya agad ang topic na nakuha.
“Are you okay with your chosen topic or do you want to choose another one?” Tanong ni Mr. Aguirre na hindi pa nilalayo ang fish bowl.
“I’m okay with this, Sir.” Nakangiting sagot ni Yuan.
“Good. That’s it then, Yuan. Enjoy your break.”
“Thank you, Sir.” At nilapitan agad ni Yuan si Felix na hinihintay pa rin siya sa loob ng classroom.
“Ano’ng topic nabunot mo?” Tanong agad ni Felix nang makalapit si Yuan.
Itinago agad naman ni Yuan ang colored paper na nabunot sa front pocket ng suot na shirt. “Syemp’re, I won’t tell you.”
“Ang KJ nito.”
“Punta na tayo sa cafeteria, para makain na natin ‘yang baon mo kaya ayaw mong mag-lunch out.” Biro ni Yuan habang nauuna siya palabas ng pinto.
Muntik pa niyang mabunggo si Jill dahil bigla itong sumulpot sa tapat ng pintuan. Buti na lang malakas ang reflex ni Yuan kung hindi baka pareho sila ni Jill na bumagsak sa sahig.
“Hi, Yuan. I’m Jill, remember?” Bungad agad ni Jill nang nakangiti na parang hindi nito pansin na muntik na silang magkabungguan ni Yuan.
“Ha?” Confused na tanong ni Yuan. Mukhang hindi pa siya nakabawi sa gulat nang biglang sumulpot si Jill.
“How could you forget? I’m the first one whom you interviewed du’n sa mga candidates na nagpa-practice sa theater the other day.” Nagtampu-tampuhan pa itong si Jill.
“Ah! Yeah! I remember now!” Mukhang naka-recover na si Yuan at hitsura namang sincere itong natatandaan na si Jill. “What’s up?”
“I’m just wondering if you could hang out with us. Me and my friends are planning to eat at Banapple in Katipunan.” Sabay turo ni Jill kina Chloe at Francis. Si Francis na mukha ang pagka-inis. Si Chloe naman halata ang mukha nito ang helplessness habang nakatingin kay Yuan. “Nakakasuya na kasi ‘yung food sa school cafeteria. They’re always offering the same thing.”
Hindi na narinig ni Yuan ang huling sinabi ni Jill nang mamukhaan din nito si Chloe. Nginitian niya ito. Si Chloe naman, nahihiyang nagbaba ng tingin.
Hindi naman nakatakas kay Jill ang sly gesture na iyon ni Yuan. Nilingon pa niya si Chloe para makita ang naging reaction nito saka binalik ang tingin kay Yuan. “Are you coming with us?”
Ibinalik ni Yuan ang tingin kay Jill. Sasagot na sana siya nang maalala niya si Felix na nakatayo sa likod niya. Patingin niya dito ay mukha na itong nagsa-sulk. Duon na nakapag-decide si Yuan. “I would love to join you pero nag-promise na kasi ako kay Felix na sasamahan ko siyang mag-lunch.”
“Oh.” Halata ang disappointment sa boses ni Jill.
“Maybe next time.” Bawi ni Yuan.
“Sure. Of course.” Sagot ni Jill pero nabawasan na ang enthusiasm nito.
“See you then.” At hinila na ni Yuan si Felix saka inakbayan habang naglalakad sila sa direksyon ng cafeteria.
“Why do you have to invite that new guy, Jill? Respeto naman sa ‘kin!” Inis na sabi ni Francis nang nilapitan si Jill na nakasunod ang tingin kina Yuan at Felix. Hindi maikakailang nagseselos ito.
“Will you cut out the drama, Francis! I’m just trying to be friendly dahil bago lang siya sa school natin.” Depensa agad ni Jill.
“’Yun lang ba talaga ang reason, Jill? Kilala kita!”
Si Chloe nakamata lang sa sagutan ng dalawa. Hindi niya alam kung magba-butt in sa heated conversation ng mga ito.
“The only reason kaya ko siya niyaya to have lunch with us para maging kasama siya sa grupo natin. Tayo ang elite group ng The Good Earth Academy, ‘di ba? And he should be part of our circle. He’s rich, he wears branded stuff, he’s goodlooking...”
At this point nagro-roll na ang eyes ni Chloe. Hindi niya minsan masakyan ang pagka-shallow ng kaibigan niya.
“And you’re smitten by him!” Si Francis ang tumapos sa sinasabi ni Jill. Matalim itong nakatingin sa girlfriend.
Napantig na rin ang tainga ni Jill sa boyfriend. “Screw you, Francis! ‘Wag mo nga muna akong kausapin ngayon! Naiinis ako sa ‘yo!” At lumakad si Jill palayo kina Francis at Chloe.
“Sa’n ka pupunta? Dito nakaparada ‘yung kotse ko!” Tawag ni Francis sabay turo sa kabilang direksyon.
“Sa cafeteria na lang ako kakain. Kung gusto n’yong tumuloy sa Katipunan, bahala kayo!” Sagot ni Jill nang hindi lumilingon sa kanila.
Napa-curse na lang ng malakas si Francis.
“Francis, sa cafeteria na rin tayo kumain. Magtatampo pa lalo ‘yan ‘pag iniwanan natin.” Kalmadong sabi ni Chloe kay Francis sabay hawak sa balikat nito.
Walang nagawa si Francis kung hindi sumang-ayon kay Chloe. Saka ayaw rin niyang iwanan si Jill. Lalo na at para itong bubuyog na nakakita ng mapagkukuhanang nektar ng bulaklak kung makalapit kay Yuan.
--------
BINUBUKSAN na ni Felix ang parchment paper kung saan nakalagay ang tuna sandwich na binigay sa kanya ni Chloe nang bumalik si Yuan sa table nila dala ang tray ng inorder nito. Sabi ni Yuan, bibili lang siya ng drinks para sa kanila pero ang dami pa rin nitong biniling pagkain.
“Ang dami pa ng inorder mo?” Gulat na sabi ni Felix nang isa-isang nilalagay ni Yuan sa tableang mga pagkaing binili mula sa tray. “Puwede na naman tayong maghati dito sa tuna sandwich at malaki naman ‘to.”
“Nagustuhan ko kasi ‘yung spaghetti with meatballs nila dito. Marami kasing parmesan. Saka syemp’re, dapat may dessert din tayo kaya bumili na rin ako ng blueberry cheesecake and Oreo cheesecake. And they have Schweppes!” Itinaas pa ni Yuan ang imported soda water in can. “Ang tagal na nung huli akong nakainom nito. Last time ‘ata nung nagpunta kami ng Australia with my family.”
“Foodie ka pala, ha?” Biro ni Felix habang ibinibigay kay Yuan ang share nito sa sandwich.
“Well, mahilig lang kumain. Bakit ikaw? Don’t tell me hindi ka mahilig sa food?”
“Hindi lang ako mahilig mag-explore.” Honest namang sagot ni Felix. “Okay na ‘ko sa mga regular fast food chains na pinupuntahan ko. Baka kasi pag nag-try ako ng bago, hindi ko lang magustuhan. Sayang lang ang pera.”
“Eh, ‘yung secret place mo?”
“Kaya ko lang naman nagustuhan du’n primarily because of the privacy. Luckily, masarap din ‘yung food du’n. Pero otherwise, kung crowded siya, I wouldn’t visit there at all.”
Sa malapit na bakanteng table, duon naman pumupuwesto ng upo sina Jill, Francis at Chloe, dala ang sari-sarili nilang trays ng food. Halos mag-elongate na ang neck ni Jill na parang sa giraffe katatanaw kina Felix at Yuan habang nag-uusap ang dalawa.
“Nananadya ka ba talaga, Jill?” May warning tone na sa boses ni Francis. Masyado din kasing halata si Jill.
“Why? ‘Eto lang kaya ang bakanteng space.” Sagot naman ni Jill.
“Meron pa du’n sa dulo.” Nginuso pa ni Francis ang spot na nakita niyang bakante pa.
“Ayoko du’n! Masyadong madilim saka mainit pati. Hindi kasi abot ng air-con.” Tanggi ni Jill na umuupo na sa seat na saktong nakaharap sa table na pinupuwestuhan nina Felix at Yuan.
“Dapat hindi na lang ako sumama dito. Nag-Starbucks na lang sana ako.” Padabog na hinagis sa lamesa ni Francis ang plastic fork para sa pancit palabok na inorder niya.
“Who told you kasi na dito ka mag-lunch? Kung maiinis ka rin lang, then leave! No one is forcing you.” Inis na ring sabi ni Jill dito habang tinitikman ang order niyang pesto pasta with chicken.
Si Chloe hindi na lang pinansin ang usapan ng dalawa niyang kaibigan. Actually, kahit sa order niyang vegetarian quiche ay wala rin ang pansin ni Chloe. Pa’no ba naman hawak na ni Yuan ang kalahati ng sandwich na binigay niya kanina kay Felix. Kahit simple lang naman ang ginawa n’yang pag-prepare du’n sa tuna sandwich, curious pa rin siya sa magiging reaction ni Yuan. Kung magugustuhan ba niya ito o baka bigyan ito ng thumbs down ng hinahangaang binata.
Binigyan ng malaking kagat ni Yuan ang half niya ng sandwich. “Not bad. Gusto ko ‘yung timpla. Medyo napadami lang sa relish. Pero I like ‘yung crustiness ng ciabatta bread.” Saka nito nginitian si Felix. “Ang galing mong gumawa, ah!”
“Those are not mine.” Confess naman ni Felix. “Bigay lang sa ‘kin ‘yan ni Chloe.”
Nangunot ang noo ni Yuan. “Sino si Chloe? Classmate natin?”
“Oo. Actually, kasama siya sa mga candidates ng Miss Teen Earth. You were about to interview her the other day pero nung turn na niya nagtawag na ‘yung choreographer nila to resume their dance practice. Yung na-mention mo sa ‘kin na pretty kamo 'yung face. Siya rin ‘yung kasama nung nagyaya sa ‘yo kanina na kumain sa labas. Si Jill.”
Natandaan agad ni Yuan kung sino ang tinutukoy ni Felix. Paano ba niya makakalimutan ang gentle beauty ng candidate na ‘yon na mai-interview na sana niya. Chloe pala ang name. Medyo nanghinayang pa siya nung hindi natuloy interview niya dito. Pero since blocked classmates na sila ngayon, may chance na magkakilala sila. Ang wishful thinking na lang ni Yuan ay more than just a pretty face si Chloe. Hindi kasi nagla-last ang attraction niya pag purely physicality lang. At sana wala pa itong boyfriend para hindi nakakailang makipag-close siya dito.
“Tumahimik ka bigla.” Pansin ni Felix habang kinakagat ang share niya ng sandwich. “Siguro you’re regretting na sa ‘kin sumamang mag-lunch instead of agreeing to Jill’s invitation para nakausap mo kahit papa’no si Chloe.”
“Don’t be silly, Felix. Hindi ko gagawing iwan ka sa ere. Ikaw ang una kong naging kaibigan dito kaya I would never, ever do that to you.”
Nangiti si Felix na parang na-satisfy naman sa sagot ni Yuan. Habang iniinom niya ang soda in can na binili ni Yuan, nadako ang tingin ni Felix sa katabing table at nagulat pa siya ng makita sina Jill na nakapuwesto duon. Pati si Yuan napatingin na rin nang mapansin ang reaksiyon ni Felix.
“Hey! I thought sa Katipunan kayo magla-lunch?” Tanong sa kanila ni Yuan.
Si Jill agad ang nagprisintang sumagot sa tanong. “Mukha kasing uulan kaya we decided na dito na lang rin kumain.”
Padabong naman tumayo si Francis. “Punta lang akong rest room.” Paalam nito in no one in particular.
“Nakakabuwisit na talaga ‘yang lalaking ‘yan.” Pabulong na sabi ni Jill habang sinusundan ng matalim na tingin si Francis.
Saglit na tiningnan ni Yuan ang naglalakad na palayo na si Francis saka bumaling naman ng tingin kay Chloe. “Sa ‘yo pala galing ‘yung sandwich na kinakain namin ni Yuan. Masarap, ha? Kahit hindi ako masyadong mahilig sa tuna, nagustuhan ko.”
“Glad you liked it.” Nakangiting sagot ni Chloe. Nawala na ang kaba niya at nagustuhan naman pala ni Yuan ‘yung na-prepare niyang sandwich.
Kay Jill naman lumipat ang nanunuring mga mata ni Jill.
“Chloe, Jill! Buti nakita ko kayo dito!” Bati ng adviser nilang si Mrs. Agnes Ilagan na nakatayo na tabi ng table ng dalawa habang hawak ang sarili nitong tray ng pagkain.
“Good afternoon po, Mrs. Ilagan.” Halos sabay na bati naman nina Jill at Chloe.
“Hindi ko kasi nabanggit kanina pero kindly inform na lang ‘yung mga classmates n’yo na since bukas na ‘yung Foundation Day, may approval na from the principal’s office na shorten na ‘yung class n’yo for today. So that means, puwede n’yo nang i-fix up ang sarili ninyo and then proceed na lang sa The Pearl Theatre to brush up na lang sa practice for the pageant tomorrow.”
“Pero, Mrs. Ilagan. ‘Yung ka-partner ko po, si Reginald, absent siya today due to sprained ankle. Baka rin po hindi siya maka-attend sa pageant night until hindi pa siya fully recuperated. Pa’no kaya ‘yun?”
“Let’s see...” Napaisip saglit si Mrs. Ilagan saka nadako ang tingin sa table nina Yuan at Felix. “Hey! You’re the transferee, right? Si Yuan Chen?”
“Yes po.”
“Would it be okay if you partner with Chloe for the pageant? You don’t need to worry sa gagawin sa practice mamaya. Mainly you’re just going to hold her hand and assist her while walking on stage. Madali lang, promise! Magaling naman magturo ‘yung choreographer na si Jox. Hindi ka malilito?”
“Ha...?” Hindi alam ni Yuan kung ano ang isasagot. Na-put on the spot siya bigla. Pero nang makita niya ang mukha ni Chloe at ang worried look sa mukha nito sa isasagot niya ay kaagad siyang nakapagdesisyon.
“Sige, Ma’am. I’ll attend the practice later.”
“Excellent.” Ngumiti ng maluwang si Mrs. Ilagan. “I’ll leave you guys to finish your lunch. Magpo-post na rin ako sa blackboard later ng announcement for the shorten ng class para everybody will be informed after lunch break.” At lumakad na ang adviser nila para pumuwesto ng upo sa isang table na okupado ng mga co-teachers nito.
Tumayo naman si Chloe sa seat niya at lumapit sa table nina Yuan nang makita niya ang binata na parang nagre-regret sa pag-agree niya sa request ng kanilang adviser.
“Sorry. Na-put on the spot ka ni Mrs. Ilagan, Yuan. Pero kung ayaw mo talaga, okay lang. I’ll ask someone from our class na lang siguro na samahan ako sa practice...”
“Don’t worry, Chloe.” Putol ni Yuan sa kanya. Nakangiti ang mga mata. Kung hindi siya mukhang decided kanina nung tinanong ni Mrs. Ilagan, ngayong si Chloe ang kaharap niya ang sure na sure na ang sagot nito. “Hindi mo na kailangang magtanong sa ibang kaklase natin. I’ll be your partner sa pageant.”
Na-clasp pa ni Chloe ang dalawang kamay sa relief. “Thank you! I owe you one!”
Si Jill na nakamata lang sa usapan ng dalawa ay hindi maipinta ang mukha sa inis.