-“DON’T FEED ME TO THE LIONS!”. PAGEANT’S PRACTICE. THE EMERGENCY CALL-
DAHIL nakompromiso si Yuan na maging ka-partner ni Chloe sa pageant dahil hindi makaka-attend ang supposed to be partner nitong si Reginald, todo yaya nito kay Felix na samahan siya nito during the duration ng practice.
“Bakit naman kita sasamahan? Minor ka pa ba para kailanganin mo pa ng chaperone?” Tanong ni Felix pero halatang binibiro lang nito si Yuan.
“Wala naman kasi akong kilala du’n. Eh, grupo-grupo na ‘ata sila du’n. Maa-out of place lang ako du’n.”
Tapos na silang kumain sa cafeteria at naglalakad sila sa hallway papunta sa locker ni Felix. Sina Chloe naman dumiretso na sa The Pearl Theater para mapalitan ang suot na school uniforms ng mas kumportableng civilian clothes para sa practice mamaya.
“Ikaw pa ba maa-out of place, Yuan? Saka chance mo na ‘yun to talk to Chloe. To get to know her better. Kasi crush mo ‘yun, ‘di ba?”
“Hindi ko crush ‘yun.” Maagap na tanggi ni Yuan. “Teka! Nagtatampo ka ba kasi akala mo hindi na natin itutuloy ‘yung promise ko sa ‘yo na libre ng kain sa labas? We can still do that right after the practice. Kaya please, Felix? I’m begging you! Don’t throw me to the lions! Sumama ka na!”
“Loko ‘to! Bakit naman ako magtatampo?” Nag-furrow pa ng eyebrows si Felix habang binubuksan ang number combination ng locker niya. “Fine. Just to prove you wrong, sasamahan kita sa practice. Pero pag masyado kayong matagal, iiwanan na kita du’n, ha?”
“Yes! Lifesaver ka talaga, Felix, my man!” Itinaas pa ni Yuan ang dalawang kamay na parang nanalo ito ng malaking cash prize.
Napailing na lang si Felix sa overly dramatic reaction ni Yuan. “Magkita na lang tayo sa entrance ng The Pearl Theatre?”
“Sige. I’ll check my motorbike muna.”
At iniwan muna ni Yuan si Felix sa locker area para matapos na nito ang pag-aayos ng gamit.
--------
NAGLALAKAD na si Felix sa school grounds (na buzzing with activity ngayon in preparation sa magaganap na Foundation Day bukas) papunta sa The Pearl Theater nang mag-video call sa kanya si Carol.
“Felix, have you seen Alistair? ‘Yung photographer natin?” Tanong agad ng editor niya pagkasagot niya ng phone. Ang official photographer sa The Good News school paper ang tinutukoy ni Carol. Sa background, makikitang nasa loob ito ngayon ng office ng kanilang school paper.
“I haven’t seen him anywhere. ‘Di ba he’s from the other section? Mount Saint Helens? Tanungin mo kaya ‘yung mga kaklase at kabarkada niya du’n.”
“Wala naman akong kinakausap sa section na ‘yun maliban kay Alistair. Anyway, we still need additional photos of the contestants practicing. ‘Yun kasi ang pinaka-cover story natin sa paper so we need more pictures to choose from. As back up, can you drop by at The Pearl Theater right now and take some photos using your phone. Maganda naman camera ng phone mo, ‘di ba? It can shoot high definition photos?”
“Du’n na nga ako papunta ngayon.” Inform ni Felix kay Carol.
“Good. Right after, send mo sa email ko ‘yung photos. ‘Wag sa Messenger at mare-reduce ‘yung qualities ng photos. Can I count you on this, Felix?”
“May magagawa pa ba ako?” Kibit-balikat na sagot naman ni Felix.
Pero minasama pa ni Carol ang simpleng sagot na ‘yun ni Felix. “Just what I need when I’m so stressed out right now. A snide remark from you, Felix! Bye!” Sabay disconnect nito ng video call.
Napabuga na lang ng hangin si Felix sa buhok niyang nakatabon sa kanyang noo. Sadya yatang hindi niya matantiya ang ugali ni Carol kahit kailan.
--------
NAGSIMULA na ang practice ng mga candidates para sa Miss Teen Earth sa The Pearl Theater. Gaya ng sabi ni Mrs. Agnes Ilagan, hindi mahihirapan si Yuan sa parteng ito dahil magsisilbi lang siyang escort ni Chloe habang naglalakad ito sa stage. Ang paglalakad at blocking sa stage ng mga candidates kasama ang kani-kanilang partners ang pina-practice nila ngayon para sa evening gown segment ng pageant sa tulong pa rin ng choreographer na si Jox na parang tumatayo na ring stage director ng magaganap na event. Inabisuhan din ni Jox ang mga contestants na magsuot ng maxi dress or any similar long dress sa part na ito ng practice.
Kasama sa mga naunang lumabas si Jill, kasama ang escort nitong si Francis. Halatang hindi pa nagbabati ang dalawa dahil parehong nakasimangot ang mukha ng dalawa habang naglalakad sa stage.
Napansin agad ito ni Jox. “Kayong dalawa! Ano ‘yang mga mukhang ‘yan? Halloween special ba ‘to at ang pangit ng bungad ng mga mukha ninyo? Back from the top! At alisin n’yo ‘yang mga simangot sa mukha n’yo or else hindi ko kayo paglalakarin sa mismong pageant!”
Umepekto naman ang pananakot ni Jox. Masigla na ang mga mukha nina Jill at Francis na inulit ang paglalakad nila sa stage.
Tawa ng tawa naman ang kabarda nilang si Iñigo, katabi ang girlfriend nitong si Sara na nakapuwesto sa first row ng stage. Hawak pa ni Iñigo ang phone niya paharap sa stage. Kaya pala, naka-video call sa kanya si Reginald para mapanuod nito ang practice ng mga kabarkada habang nagpapahinga ito sa bahay due to sprained ankle.
“Bakit busangot ang mukha nung dalawa? May LQ na naman sila, ‘no?” Tanong ni Reginald.
“Hindi ka na nasanay kina Jill at Francis. Hindi lumilipas ang isang linggo ng hindi nag-aaway ang dalawang ‘yan.” Nakangiting sagot naman ni Iñigo.
Si Felix naman sa first row din nakapuwesto pero sinadya niyang lumayo ng upo kina Iñigo at sa girlfriend nito. Hindi siya talaga kumportable sa grupo nina Jill. Although wala naman siyang naririnig na bina-bad mouth siya or anything. Siguro nagbibigay ang grupo nila ng unreachable at untouchable na impression, sinasadya man nila o hindi. Tinanggal na lang ni Felix ang nabubuo niyang opinion sa clique nina Jill at nag-focus sa mission niya kaya andito siya ngayong nanunuod sa practice ng Miss Teen Earth aside na samahin si Yuan. Sinimulan na niyang kuhanan ng random shots ang mga contestants with their respective partners na naka-posisyon ngayon sa stage gamit ang kanyang smartphone.
“Brace yourself, Reggie. ‘Yung apple of the eye mo na ‘yung naglalakad.” Narinig ni Felix na sabi ni Iñigo.
“Pasmado talaga kamay mo, Iñigo! Steady mo naman kamay mo. Hindi nagpo-focus ‘yung kuha mo sa loves ko!” Sagot naman ni Reginald sa video call na halatang miss nang makita ang nililigawan.
Napatingin na rin si Felix kay Chloe na kahawak-kamay ngayon ni Yuan na naglalakad sa stage. Itinaas niya ang hawak na smartphone para kuhanan ng picture ang dalawa.
“Sino ‘yang lalaking ‘yan? Hindi naman namin kaklase ‘yan, ha?” Halata ang selos sa boses ni Reginald. Apparently, hindi pa pala niya alam ang balita sa bagong transferee na si Yuan sa senior class nila.
“I don’t know him either, Reggie. Ngayon ko lang din siya nakita.” Sagot naman ni Iñigo.
Pumuwesto sa isang panig ng stage sina Chloe at Yuan. Habang wala pang further instructions sa kanila ay nagsimula silang magkuwentuhan. Halatang enjoy na enjoy na nakikinig si Chloe sa kung anumang ikinukuwento sa kanya ni Yuan.
“Pare, hindi ko gusto vibes ng lalaking ‘yan! Masyado kung ngitian si Chloe. Parang nag-a-audition sa toothpaste commercial.” Lantaran na ang pagseselos ni Reginald.
“Reggie, chill ka lang. They’re just talking.” Pag-pacify naman ni Iñigo sa kaibigan.
“In fairness, Iñigs. Guwapo siya.” Sabi naman ng girlfriend ni Iñigo na si Sara na hindi maalis ang tingin kay Yuan sa stage.
Open mouthed na napatingin si Iñigo sa girlfriend. “I can’t believe you just said that!”
“Would you relax, Iñigo! Naguwapuhan lang ako. Kayo kaya d’yan mas malala! Pero never ko kayong pinagbawalan nina Francis at Reggie tuwing nire-rate n’yo from one to ten ‘yung mga attractive girls na dumadaan sa harap n’yo during recess.” Ganting rebuttal naman ni Sara sa boyfriend.
“Basta, Reggie! Ayoko d’yan! Kainis kasi, kung kelan bukas na ‘yung Foundation Day saka ‘yang pageant, ngayon pa ko nagka-sprain!” Kung kaya siguro ni Reginald, titiisin niyang pumunta sa school para ito ulit ang maging ka-partner ni Chloe sa pageant.
“Skateboard pa more!” Parinig ni Sara habang nakatingin ulit sa mga contestants sa stage.
“Don’t mind her, Reggie. It’s just her monthly visitor talking...Aw!” Sabi ni Iñigo sabay hawak sa balikat na biglang hinataw ni Sara parang ma-cut off ang sinasabi niya.
Sa stage naman, patuloy ang masinsinang pag-uusap nina Chloe at Yuan.
“You don’t seem nervous for tomorrow’s competiton.” Sabi ni Yuan habang pinagmamasdan ang posture ni Chloe.
“Akala mo lang ‘yun. Magaling lang kasing magdala.” Nakangiti pero nahihiyang sagot ni Chloe.
“I think you’re gonna nail it.” Sincere na sabi ni Yuan.
“Why, thank you. That’s so nice of you to say.” Pakiramdam ni Chloe ay nagba-blush siya kaya nagbaba siya ng tingin.
“Honest!” Itinaas pa ni Yuan ang isang kamay. “Hindi ko ‘yun sinasabi just to say nice things to you. I really think you’ll do well tomorrow. You carry yourself really well and talking to you right now, I think you’re very bright.”
Nagpa-flush na talaga si Chloe. Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. “I maybe deceiving you. See, I’m just an average student. I don’t flunk my subjects, don’t get me wrong. But I don’t excel either. I enjoyed reading YA fiction and occasionally watched romance movies. Just like every teenage girls my age.”
Tumango si Yuan pero halatang hindi convinced sa sinabi ni Chloe. “Hindi naman mage-gauge ‘yung brightness ng tao with how one excel in academics or if one read a David Foster Wallace novel cover to cover or if one prefers watching movies made by Woody Allen than those movies made by Cathy Garcia-Molina. It’s in how you carry yourself, your demeanor, the way you’re talking sense now rather some people our age who are shallow minded. That makes you cut above the rest. And that makes you charming.”
Nangiti ulit si Chloe sa sinabi ni Yuan. “Well, you do know how to flatter.”
Gumanti din ng ngiti si Yuan.
Gosh, he really has perfect teeth! Nag-clear muna ng throat si Chloe bago sumagot. “I have a question to ask, Yuan. Pero if you’re not comfortable answering it, then don’t.”
“Alright. Shoot!”
Huminga ng malalim si Chloe bago sinabi ang kanina pa niya gustong itanong. “Are you currently in a relationship right now?”
Si Yuan naman ang parang nag-alangan sumagot. “I honestly don’t know how to answer that question.”
“Bakit naman?”
“Uhm, me and my then girlfriend didn’t have a proper closure.”
Si Chloe naman ngayon ang nahihirapang maghagilap ng sasabihin.
Si Jill naman hindi maalis ang tingin kina Yuan at Chloe sa pinupuwestuhan nito sa stage. Ang ka-partner niyang si Francis na nakakahalata na sa girlfriend ay bad trip na.
“Jill,” Pabulong nitong sabi pero halatang nagtitimpi na. “Kung gusto mo ‘yung new guy as partner dito sa pageant, sabihin mo na ngayon pa lang. Para madali na kaming makapag-swap.”
Tiningnan agad ng masama ni Jill si Francis. “Wala ka bang gagawin buong araw kung ‘di inisin ako? Don’t push me, Francis. Dahil kapag nakipag-break ako sa ‘yo, wala nang bawian.”
Dahil takot din si Francis na tuluyan siya ni Jill na makipag-break, tumahimik na lang ito at parang nagmamaktol na tuta sa amo na tumingin na lang sa flooring ng stage.
“Ayoko nang manuod, Pare.” Sabi naman ni Reginald kay Iñigo sa video call. “I-message mo na lang ako ‘pag tapos na ang practice. Saka ko tatawagan si Chloe to clear things up.”
“Reggie, baka mag-away pa kayo ni Chloe dahil lang du’n sa ka-partner niya.” Worried na sabi ni Iñigo.
Pero hindi na siya sinagot ni Reginald at nag-disconnect na ito ng call.
Nakuhanan naman ng iba’t-ibang anggulo sa phone ni Felix sina Chloe at Yuan. Pinagmasdan niya ang dalawa sa stage. Mukhang seryoso na ang pag-uusap ng mga ito. Napansin din ni Felix na bagay ang dalawa. Guwapo at maganda. Nagko-compliment ang height nila sa isa’t-isa. Saka mukhang nagkakapalagayan na sila ng loob. Kung makakayang i-turn down ni Chloe ang masugid na manliligaw niyang si Reginald, may possibility na maging mag-girlfriend at boyfriend sila ni Yuan. Tingin nga ni Felix, puwede na siyang umalis at hindi na ito mapapansin ni Yuan.
Biglang nag-vibrate ang phone niya. Si Carol ang tumatawag via video call.
“Felix, nasa The Pearl Theater ka pa, ‘di ba?” Tanong agad nito.
“Oo. As you instructed, nakapag-take na ako ng mga pictures dito.” Maingat na ngayon ang sagot niya sa kanyang editor at baka ma-upset na naman ito sa kanya.
“Good.” Pero parang wala sa loob na sagot ni Carol. “Yuan, may emergency meeting tayo with the staff. Can you drop by the office, please? Andito na ‘yung iba.”
Tumingin ulit si Yuan sa stage. Nakita niyang nagtatawanan ulit sina Yuan at Chloe. Natapik pa nga ni Chloe si Yuan sa balikat. Biniro siguro ito ni Yuan kaya halos takpan na ni Chloe ang bibig para pigilan ang pag-giggle.
He’s now ready to be fed to the lions. Biglang naisip ni Felix saka binalikan si Carol sa video call na naghihintay ng sagot niya.
“Sige. I’m on my way.” Si Felix naman ang nag-disconnect ng tawag ni Carol. Saka siya dali-daling tumayo para puntahan ang mga kasamahan sa school paper sa opisina nila.
Habang si Chloe naman ang nagse-share ng funny moments niya, napatingin si Yuan kay Felix na naglalakad sa aisle palayo sa stage. Bumakas agad ang worry sa mukha ni Yuan. Bakit hindi man lang siya sinenyasan ni Felix na aalis na pala ito?