Chapter 5

1105 Words
Chapter 5   “BABY, come on. Open the door, please,” said by the man named Zion—my boyfriend, na hindi ko naman kilala. Napangiwi ako nang tawagin niya akong baby. P*tangina? Ano’ng klaseng tawag ‘yan? Kulang nalang, magdala siya ng pacifier at diaper dito para sa ‘kin. Kasuka!                “What do you need?” Mataray na tanong ko. Nakatayo ako sa tapat ng pintuan ng kwarto ko na naka-lock. Humalukipkip ako at tumaas ang kilay. Hindi ko talaga alam kung bakit ako pinagti-tripan ng mga tao ngayon but I never met this guy before! Ni hindi ko nga alam kung saan siya na-recruit ng mga magulang ko para magpanggap na boyfriend ko.                Since hindi ko na talaga alam kung ano’ng nangyayari sa paligid ko at na-realize kong hindi talaga ako nananaginip, tatanggapin ko nalang ang katotohanang nagpapanggap lang ang mga taong ‘to lalo na ang mga magulang ko. Maybe, just maybe, nakita nila akong halos patay na kagabi at dinala ako sa ospital kaya umaayos na sila ngayon.                “I just want to see you,” umpisa niya. Ganito ba talaga ang mga mag-jowa? Kailangan, laging nakikita ang isa’t isa? It’s definitely giving me goosebumps. Hindi pa ako na-in-love ever, at wala akong plano dahil priority ko ang sarili ko. Tapos, nag-suicide lang ako, paggising ko, may tumatawag na sa ‘king baby? D*mn! “Galit ka pa rin ba sa ‘kin?”                “Bakit naman ako magagalit sa ‘yo?”                “We had a fight last night, remember?” Mas lalong napakunot ang noo ko. Paano kami nagkaroon ng away kagabi?                “Nag-away tayo kagabi?” I asked. Sobrang naguguluhan ako at hindi ko na alam kung nababaliw ba ako or jino-joke time lang nila ako.                “Yeah. Nakalimutan mo na ba? Pwede na ba akong pumasok d’yan?”                I made sure that my door is still locked, “No.” Nabaling ang tingin ko sa may bed side table ko kung saan nakalagay ang gamot ko kagabi pero wala na ‘yon ngayon do’n. Sobrang laking palaisipan sa ‘kin ang nangyayari ngayon dahil bukod sa maruming kwarto ko, everything in this situation is unfamiliar. I walked towards the table at nakita ko ang phone ko do’n. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko, kailangan kong buksan ‘yon.                Nang pindutin ko ang power button ay kusang nag-flash sa ‘kin ang wallpaper sa screen. This is not my phone. ‘Yon lang ang naisip ko. The wallpaper of this phone is my selfie—a selfie that I don’t even remember. Sobrang bihira akong mag-take ng pictures kaya sigurado akong hindi ako ang kumuha nito.                I can also remember checking my phone last night before ako mag-suicide and I can clearly remember seeing a black wallpaper on the screen. Dahil sa sobrang gulo ng isip ko, I decided to check everything on this phone. Maybe I can see something or anything here. Alam kong hindi ako nababaliw but there really is something wrong here. I just couldn’t figure it out. I swiped up the screen kaya na-unlock ang phone na ‘yon. I checked the messages first and I saw a lot of names and messages, almost all of the names here are familiar to me. They’re my classmates, schoolmates that I’m not even friends with. Ang ipinagtakha ko pa, sobrang daming naka-save na numbers. Didn’t I see my phone’s contact list last night and saw nothing? Sunod kong tinignan ang gallery and saw a lot of pictures. Sa sobrang dami, isa lang ang nakita kong similar. That guy. Napaupo ako sa kama ko. What is seriously happening right now? Bakit parang pakiramdam ko, nasa ibang dimension talaga ako? Napapikit ako at minasahe ang sintido ko. Ngayon, hindi ko na alam kung trip pa ba ‘to o totoo na. In just one night, paano nila ma-e-execute ang ganitong plano? Napadilat ako nang marinig kong nasa labas pa rin si Zion. Base sa mga pictures na nakita ko sa gallery ko, mukhang boyfriend ko talaga siya. I sighed and walked towards the door. I opened it and saw this handsome guy smiling at me—the most genuine smile that I’ve ever saw in my life. A smile with no lies, doubts nor hesitations. Namalayan ko nalang ang sarili kong napayakap sa kanya. I didn’t say anything but he hugged me back and chuckled. “I love you,” he said. I smiled. If I want to know what’s going on, then maybe I just need to ride along. Hindi naman siguro masama ‘yon ‘di ba? *** “TSK. Kailangan ko bang maghintay sa inyo palagi?” tanong ng isang lalaki na nasa loob ng magarang kotse pagkalabas namin ni Zion sa bahay. Tinaasan ko siya ng kilay.                “If you didn’t want to wait, then you shouldn’t have taken the job of being a driver.” Naiinis kong sabi sa kanya. Sino ba ‘to para magreklamo e driver lang naman siya ni Zion? Kumunot ang noo niya, hindi ko alam kung nainsulto siya sa sinabi ko or baka napahiya lang siya.                “Ano’ng nangyari sa ‘yo?” tanong ulit ng lalaki. Hindi ko siya kilala at kung driver siya, bakit ganito niya ako kausapin? Natatawa-tawang binuksan ni Zion ang pinto sa likod ng kotse para papasukin ako at saka siya pumunta sa passenger seat. Pinilit niya akong pumasok sa school at nakonsensya naman ako dahil kanina ko pa siya pinaghihintay kaya sumama na rin ako.                “Just do your job and don’t ask me questions that I’m not required to answer,” I said. Tumingin ako sa labas pero bago mawala ang tingin ko sa kanya, nakita ko pa silang nagkatinginan na dalawa at natawa bigla si Zion kahit halata kong nainis naman ‘yong isa.                “Girlfriend mo ba ‘yan? Kamukha pero hindi kaugali.” Napapailing na sabi niya.                “Sorry na, Race. Masama lang ang gising,” hinging pasensya ni Zion do’n sa lalaki na Race ang pangalan. “Para namang hindi tayo magpinsan niyan,” sabi niya pa habang natatawa pa rin. What? So magpinsan sila? Umirap nalang ako dahil alam ko namang hindi sila nakatingin hanggang sa nag-umpisa nang paandarin no’ng Race ang kotse. “Ano palang balita do’n sa prof?” rinig kong tanong ni Zion sa pinsan niya.                “Siyempre, himas-rehas,”                Napatingin ako sa kanilang dalawa. Umiling si Zion nang marinig ang sagot ni Race. “Dapat lang ‘yon sa kanya.”                “Ano’ng pinag-uusapan niyo?” singit ko. I was intrigued dahil professor ang pinag-uusapan nila. May makukulong bang prof sa Finelry University? Is it Sir Jules?                Biglang humarap si Zion sa ‘kin. “Remember August Nixon? The girl who’s been bullying you?” he seriously asked. Sasagot sana ako ng ‘yes’ pero nagtakha ako sa huli niyang sinabi. Ako? Binubully ni August? Hindi ba’t baligtad? I was about to question him when he speaks, “She was raped by our Psychological Research 1 professor-- si Sir Jules.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD