Chapter 4

1298 Words
Chapter 4   “Hellione!” I heard a loud voice calling my name. Nakarinig rin ako ng mabibigat na kilos sa loob ng kwarto ko. “Gising na!” Kasabay no’n ay ang malakas na pagtama ng palad ng isang tao sa binti ko kaya napabalikwas ako ng bangon.                “What the hell!” I frustratedly pulled my hair as I glared at my Mom. At kailan pa siya nakialam sa oras ng paggising at sa mga gamit ko? Tumigil siya sa ginagawa niyang paglilinis ng mga nakakalat kong damit at tumingin sa ‘kin ng masama.                “Hellione Santillan! Kailan ka pa natutong magmura?” she looked at me with her blazing eyes. Napatingin ako sa kanya ng nagtatakha. Seriously? Am I dreaming? Patay na ako diba? Simula nang maghiwalay ang mga magulang ko, nawalan na silang dalawa ng pakialam sa ‘kin. And seeing my mom cleaning up the mess in my room—wait. Messy room? Binaling ko ang tingin sa kabuuan ng kwarto ko at nakita ko ang nagkalat na mga gamit. Kailan pa ako naging makalat sa gamit? Kahit naman rebelde ang turing sa ‘kin, hindi ako burara. “Hellione, I’m asking you.”                I rolled my eyes at her, “I can do that, Mom. Leave me alone.” I said, tukoy sa nililinis niyang gamit ko. She looked at me na sobrang nagtatakha. Why? I’m always like this towards them. Babalik na sana ako sa pagkakatulog nang bigla niya akong pigilan. Umupo siya sa paanan ng kama ko and looked at me na parang nawi-weirduhan na siya sa ‘kin.                “May problema ba, anak?” I was stunned. For the last three years, she never addressed me like this. She’s looking at me worriedly like she was never a bad mother. She held my hand but her other hand touched my forehead. “Are you sick? Gusto mo bang ikuha kita ng gamot?” she asked again.                My forehead creased and I pulled my hand back. “I’m fine,” I said at saka ako bumalik sa pagkakahiga at nagtalukbong ng kumot. Hindi pa rin umaalis ang nanay ko sa pagkakaupo sa paanan ng kama.                “If you don’t want to go to school today, let me know. I’ll tell your Dad na hindi ka muna sasabay sa kanya,” sabi niya at naramdaman kong tumayo siya at lumabas ng kwarto. Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay mabilis akong napaupo sa kama. Okay? Just what the hell is happening right now?                First, my Mom is acting so weird. Second, the room. Hindi ako ganito ka-messy sa mga gamit. Third, my Dad? Ako? Sasabay kay Dad papasok? “What the hell is happening?” Nananaginip ba ako? I tried to think because my whole system is panicking. It felt like I woke up in another dimension kung saan mabait ang nanay at tatay ko sa ‘kin, but that is insane!                I can still remember what happened last night. I almost got raped, went home and the pills. I took all of them but why am I still alive? Napatayo ako at pumunta sa CR ng kwarto ko. I looked at the mirror to see my reflection at wala naman akong nakitang kakaiba sa itsura ko. I still have the same almond brown eyes, same nose and lips. It’s all the same aside from my hair. I always had a straight hair pero bakit medyo kulot ang buhok ko ngayon?                Mahina kong sinampal ang sarili ko dahil mukha na akong baliw na nakatingin sa salamin. Ano bang ginagawa ko?                Napapakamot ako sa ulong lumabas sa CR. Nananaginip pa rin ba ako? O lahat ng nangyari kagabi ang panaginip? Pero base sa nangyayari ngayon, mas sure akong hindi panaginip ang nangyari kagabi. Kinurot ko ang braso ko para malaman kung panaginip lang ba talaga ‘to and d*mn, ang sakit! “Ah! I think I’m going crazy.” *** Nag-decide akong h’wag munang pumasok dahil sobrang naguguluhan ako sa mga nangyayari. Lalo na dito sa bahay. Isa pa, hindi ko alam kung ano’ng nangyari matapos akong pagtangkaan ng demonyo kong professor. Natatakot din akong makita siya dahil hanggang ngayon, diring-diri pa rin ako sa mga nangyari.                “You sure you’re okay, anak?” Nakaupo ako sa dining area at kumakain. Kanina pa tanong ng tanong si Mom kung ayos lang ako. Hindi ko nalang sinasagot dahil baka nag-ha-hallucinate lang ako. Hindi naman ito ang kilala kong nanay. O baka naman nakita nila ang katawan kong walang buhay, tapos naka-survive pala ako sa pagkamatay at nagsisisi sila? Possible naman ‘yon ‘di ba? Pero pwede ba ‘yon mangyari overnight? Napailing ako sa mga iniisip ko. Mababaliw na talaga ako.                “Your Mom’s asking you, Hellione,” rinig kong sabi ni Dad. Napatingin ako sa kanya dahil bigla lang siyang sumulpot mula sa taas. At base sa tono ng boses niya, parang naiinis siyang hindi ko pinapansin si Mom. Tinaasan ko siya ng kilay na nagpakunot ng noo niya.                “What’s with you both?” I asked. Tumayo ako at dumiretso sa sink para ilagay ang platong pinagkainan ko then I looked back at them. Himala, magta-trabaho ang tatay ko ngayon at hindi mukhang stressed ang nanay ko. Wala bang babaeng dinala ‘to kagabi sa bahay? “Paano kayo naging okay ulit? ‘Di ba’t nagsi-stay nalang kayo rito dahil sa bahay? What’s with the concerned parents act?” I asked them.                Nagkatinginan silang pareho. “Ano bang sinasabi mo, anak?” My Mom asked.                “Are you trolling me?” tanong ko pa. “Never na kayong nagkaroon ng concern sa ‘kin o sa isa’t isa simula nang mag-cheat si Dad using my f*cking best friend, right?” Inis na tanong ko. Kanina pa ako naguguluhan kung bakit sila ganito. Kagabi lang, nag-aaway sila at sure akong wala ng pag-asang mabuo pa kami ulit as a family. There’s just no way. And now, they’re acting as if hindi nila ako pinabayaan sa maraming bagay.                Mas nainis ako nang bigla silang natawa parehas. “Nanaginip ka na naman ba kagabi, Hellione?” Dad asked at saka umakbay kay Mom. “I would never cheat on your Mom,” he said and kissed my Mom’s forehead.                Tiningnan siya ni Mom at ngumiti, “Dapat lang, Dad.”                Napabuntong hininga ako. “In my dreams,” sagot ko at naglakad para bumalik sa taas. Paakyat na ako ng hagdan nang mapahinto ako dahil may biglang nag-doorbell. Dali-dali namang lumabas si Mom para puntahan ang taong ‘yon. At kailan pa kami nagkaroon ng kaibigan sa neighborhood na ‘to na pwedeng bumisita? “Tss. Nevermind.” Aakyat na sana ako ulit nang marinig ko na naman ang boses ni Mom.                “Hellione, may bisita ka!” sigaw niya mula sa labas kaya napakunot ang noo ko.                “Wala akong bisita, Mom!” sigaw ko pabalik. Gusto ko lang magpahinga ngayon, bakit ba hindi nila ‘yon mabigay sa ‘kin?                “Anong wala,” sabi ni Mom at pumasok sa pinto kasabay ng isang lalaki. “Nandito ang boyfriend mo. Nandito si Zion.”                “Tss. Boyfriend lang naman—Ha?” Napababa ako sa hagdan at hinarap ang nanay ko. Ano’ng pinagsasabi ni Mom na boyfriend? “Ako? Boyfriend? Boyfriend ko?” tanong ko kay Mom at napatingin sa lalaking bisita at boyfriend ko raw.                Napangiti siya sa ‘kin pero kumunot lang ang noo ko. Matangkad siya, parang nasa 5’11” or 6’ ang height niya kaya nakatingala ako dahil hindi naman ako katangkaran. Naka-clean cut rin siya at kulay jet black ang buhok. I looked at his eyebrows at kitang-kita ang pagiging gwapo niya dahil sa kapal no’n. He also has a pair of chinito bright brown eyes, a pointed nose and pinkish lips. Masyadong gwapo ‘to para maging boyfriend ko.                Tumango ako ulit kay Mom at ngumiti siya sa ‘kin habang tumatango. “Nakalimutan mo na rin ba pati ang boyfriend mo?”                Paano ko makakalimutan kung wala naman ako no’n? “This is really insane.” I murmured at tinalikuran sila. Tinawag pa ako no’ng Zion na boyfriend ko raw pero hindi nalang ako lumingon. Kailangan ko yatang bumalik sa pagtulog dahil hanggang ngayon, nananaginip pa rin ako.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD