Chapter 3
The day of the suicide...
"WHY are you here?" Nakakunot ang noong tanong ko kay August nang magkasalubong kami sa tapat ng office ni Sir Jules. Umiwas lang siya ng tingin sa 'kin at akmang aalis nang hilahin ko ng mahina ang buhok niya na nakapagpatigil sa kanya. "I'm asking you, you f*cking cactus," sabi ko na may diin. Wala nang maasyadong tao sa hallway dahil uwian na rin ng mga estudyante kaya walang makakakita sa 'min. Halos maggagabi na rin kasi.
"Ano ba?" Mahinanong tanong niya sa 'kin at marahang tinanggal ang pagkakahawak ko sa buhok niya. "Ikaw lang ba ang estudyante ni Sir Jules?" Ang kapal naman ng mukhang sumagot ng babaeng 'to.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Between us? Yes, I'm his student," I said, then looked at her from head to toe. "But you? I'm not sure." Napailing ako. "Given the history, you can be his student and playmate in bed at the same time." Tinignan niya ako ng masama nang dahil sa sinabi ko. Pero natawa lang ako sa kanya. Sino ba'ng tinakot mo?
"Can't you move on, Hell? That was three effin' years ago!" she said na parang wala nalang sa kanya ang kalandiang ginawa niya. Because of her, naghiwalay ng tuluyan ang mga magulang ko.
Sa sobrang katangahan ng sinabi niya, hindi ko napigilang masahe-hin ang sentido ko. "This sh*t doesn't even know what she's saying." I mumbled, enough for her to hear. Magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng office ni Sir Jules kaya napatingin kami do'n.
"Oh, good. You're both here," he said and smiled at us. It's been a week since our encounter at hanggang ngayon, nandidiri pa rin ako sa ngiti niya. I can still remember the way he smiled at me and held my hand that night and it's f*cking disgusting. Since then, hindi rin naman siya nag-attempt na i-approach ako and I'm only going here dahil pinatawag niya ako regarding my thesis on Psychological Research 1. If it weren't for my grade, I wouldn't be wasting my time here. "By the way, Miss Nixon," he started nang makapasok kami sa office niya. Umupo ako agad sa bakanteng sofa sa tabi ng desk niya at si August naman, wala akong pakialam kung saan siya umupo. "I just really wanted to congratulate you for getting the highest mark because of your research."
"Really, sir?" Rinig kong excited na tanong naman no'ng isa. I rolled my eyes. As if namang hindi niya expected 'yan. For sure, may malaking kapalit ang pagiging top niya.
"Yes," masayang sagot ng professor ko. Bigla naman siyang tumingin sa 'kin. "As for you, Miss Santillan," he said. Kumunot ang noo ko dahil biglang nagbago ang expression ng mukha niya. "I'm very disappointed that you got the lowest score this time, thinking that you're always at the top."
I scoffed. "What?" Parang nagpanting ang tenga ko nang dahil sa sinabi niya. Every report, research, thesis at kahit ano pa mang ipagawa nila, I'm doing it with full effort. Kahit na hindi na ako matulog, ma-make sure ko lang na hindi ako mapag-iiwanan ng mga kaklase ko, gagawin ko. So, what is this guy saying right now? "That's impossible."
"Well, it is, Miss Santillan," sagot niya at inabot ang research paper ni August sa kanya. "You're now dismissed, Miss Nixon. Congratulations again."
"Thank you, sir," she said before stepping out of the room. Pero bago siya tuluyang lumabas, tumingin pa siya sa 'kin at ngumiti ng mapang-asar. The audacity of that b*tch!
Tumayo ako para sana umalis na nang mapahinto ako dahil nasa harap ko na si Sir Jules. Hindi ako makalabas dahil nasa likod niya 'yong pinto. I also heard a clicking sound and I knew that it was because he locked it. "What the hell are you doing, sir?" Naiinis na tanong ko sa kanya. Hindi maganda ang kutob ko sa kinikilos niya. He's creepy as hell!
He smiled at me, "Naisip ko lang na pag-usapan natin kung ano'ng problema para matulungan kita sa grade mo."
Napapikit ako sa sobrang inis na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko mapaliwanag pero sobrang kinakabahan ako, to the point na gusto ko na siyang saksakin sa harap ko para lang makaalis ako dito. I tried to be as calm as possible para malaman niyang hindi ako natatakot sa kanya. "Wala ho akong problema, Sir. Besides, my grade is not failing. This is just a single research paper."
Natawa siya. "You know I can make you fail for the whole year if I wanted to, Miss Santillan," pagbabanta niya. Just what the hell does he want from me?
"You know I can also sue you because of what you're doing, right, Sir Jules?" I asked sarcastically. Naikuyom ko ang kamao ko dahil nanginginig na ang kamay ko. Nanghihina ang buong katawan ko nang dahil sa nangyayari pero hindi ako dapat magpakita ng takot sa demonyong nasa harap ko ngayon.
"I will enjoy myself before I go to jail, then," he said then started to walk towards me kaya napaatras ako. What the hell? He's still smiling at me creepily habang unti-unting lumalapit kaya hindi ako tumitigil sa pag-atras nang mabangga ako sa desk niya. F*ck! He then chuckled, "You're a lost cause, Hellione. Panindigan mo ang pagiging rebelde mo."
Pagtapos niyang sabihin 'yon ay bigla nalang niya akong hinila palapit sa kanya gamit ang braso ko. Nagpumiglas ako. I don't like it when I'm being touched. I tried to search for anything on his desk na pwede kong ipanglaban pero dahil sa sobrang lakas ng pwersa na ginagamit niya sa 'kin, wala rin akong nakuha.
"S-Stop!" Marahas niya akong tinulak sa sofa na kinauupuan ko kanina. Dahil nawalan ako ng balance, napahiga ako ng kusa do'n. I tried to stand dahil alam ko ang mga posibleng susunod niyang gawin. Sinubukan kong tumakbo papunta sa pinto kahit na nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa sobrang takot na nararamdaman ko pero bago pa ako makarating do'n ay nahila na niya ang buhok ko. I screamed. "Help! Please help me!" I was at least expecting na may mapapadaan dito but I know that would be impossible. Sa mga oras na 'to, tanging guards nalang siguro sa gate ang nasa school. At nasa pinakadulo pa ng hallway 'tong office ng demonyo na 'to. Gusto ko ng maiyak dahil sa kawalan ng pag-asa but I won't stop fighting kahit patayin niya pa ako.
I never knew that I will experience this. Ngayon lang ako natakot ng ganito sa buong buhay ko. Sumisigaw pa rin ako dahil sa sobrang sakit ng paghila nya sa buhok ko hanggang sa tinakpan niya 'yong bibig ko ng kamay niya. "Stop screaming, you little piece of sh*t." Bulong niya sa tenga ako bago ako marahas na itinulak sa wall. Nauntog ang ulo ko do'n na naging dahilan ng pagkahilo ko. Gusto kong umiyak. I really wanted to cry pero hindi ko magawa.
Hindi ko na rin napigilan na mapasalampak sa sahig dahil sa pinaghalo-halong emosyon at pati na rin sa pagkahilo. Hanggang sa naramdaman ko nalang na mabilis akong hinatak patayo ng demonyong Jules na 'to. He pinned me on the wall. "Please, stop."
I can't feel my head or even my body. Namamanhid ang buong katawan ko. The only thing that I can feel is my professor's hand all over me and his lips on my neck. Ramdam ko rin ang unti-unti niyang pagsira sa suot kong dress. He's touching every part of me while he's breaking my soul. From that point, the only thing that popped out in my mind, is to die. I want to die. I don't deserve this f*cking kind of life. No one deserves to be harassed or even molested.
Nawawalan na ako ng pag-asa nang biglang makarinig ako ng malakas na kalabog mula sa pinto. Nawala sa harap ko si Sir Jules at napasalampak na naman ako sa sahig. Hindi ko na rin alam ang nangyayari hanggang sa makaramdam ako ng tela na bumalot sa katawan ko. Saka ko lang na-realize na halos sira na talagang ang damit na suot ko.
Wala sa sarili akong tumayo habang hawak ang telang bumabalot sa katawan ko at nag-umpisang maglakad palabas.
"Wait, Miss!" I heard a guy, pero sa sobrang panghihina ng katawan ko, hindi ko na kayang lumingon pa.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa bahay namin. Ni hindi ko alam kung saan ako dumaan o kung paano ako nakauwi pero oras na buksan ko ang pinto ng kwarto ko, do'n lang ako nakaramdam ng kirot sa buong katawan ko.
Naglakad ako papunta sa harap ng salamin at nakita ang sarili ko. Sobrang gulo-gulo ang buhok ko, nagkalat din ang mascara sa mata at pisngi ko pati na rin ang lipstick ko. Ngayon ko lang rin nalaman na umiiyak pala ako. Napatingin ako sa noo ko nang may mapansin akong dugo. Kaya pala sobrang hilong-hilo ako kanina. May mga pasa rin ako sa buong katawan.
Gusto kong maligo, gusto kong punasan ang buong katawan ko dahil hanggang ngayon, ramdam na ramdam ko pa rin ang mga hawak at halik ng demonyong 'yon. Pero napaupo lang ako sa gilid ng kama ko at hindi ko magawang hatakin ang sarili ko para tumayo. And this time, I cried. Wala akong pakialam kung marinig ako ng mga kapitbahay sa sobrang lakas ng iyak ko but I just continued to cry. Napayakap ako sa sarili ko. I took my phone and tried to search for any contact na pwede kong makausap. I desperately want to talk to someone right now pero naalala kong, wala nga pala akong kaibigan.
Tatayo sana ako para lumabas at kausapin ang mga magulang ko nang makarinig ng sigawan. As usual, kailan ko ba sila maaasahan?
Maybe this should really be the end, para naman hindi na ako makaramdam ng kahit anong sakit. I just want everything to stop.
Humiga ako sa kama pagtapos kong inumin lahat ng laman ng anti-depressant ko. I let myself dive into sleep until I can no longer hear, feel and even think.
***
AM I dead? 'Yan ang unang pumasok sa utak ko nang imulat ko ang mata ko. Napaupo ako mula sa pagkakahiga at naramdaman ang malamig at basa na sahig kaya napatingin ako do'n. Lupa.
Nasa labas ba ako o langit na 'to? Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at wala akong ibang makita kung hindi makakapal na mist sa paligid. Walang puno o kahit ano'ng makikita dito.
Napapikit ako nang may malaking bilog na liwanag na sumulpot sa harap ng kinauupuan ko. I don't know where it was coming from but I also can't see anything dahil sobrang liwanag no'n.
Napatingin ako sa malaking liwanag na 'yon at kahit halos mabulag na ko, hindi ko pa rin maalis ang tingin do'n. May something sa liwanag na 'yon na parang inaakit ako na lumapit. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. What is this place? Where am I?
Pumikit ako at ramdam ko ang kusang paggalaw ng mga paa ko para lumakad. Ang dami daming nangyari sa 'kin ngayong araw at pagod na pagod na rin ako pero isa lang ang tanong sa isip ko. Patay na baa ko? Sana... sana nga at patay na ako.