Chapter 2
IF there's something I want to do in my eighteen years of existence in this world, that is to study and graduate to get a job, then get out of that f*cked up house and just live by myself.
Na-late ako ng ilang minuto nang dahil sa nangyari sa bahay. Minake sure ko muna na aalis ang babaeng 'yon bago ako umalis. I just hate my dad for thinking of that house as a motel. Tanggap naman na namin na hindi niya kayang magpaka-faithful sa nanay ko, pero hindi ko matanggap na naghiwalay sila pero magkasama pa rin sila sa isang bahay. At, masyado namang sinasamantala ng lalaking 'yon na hind siya pinapalagan ni Mom.
Hanggang ngayon, hinding-hindi ko makalimutan kung bakit ako nawalan ng gana sa tatay ko pati na rin sa lahat. That thing started everything. I was never like this but they made me one.
I was fifteen, pauwi ako galing sa school kasama ang mga kaibigan ko. I was a jolly person, hindi ako nakikipag-away, friendly at halos lahat ng ka-klase ko sa dati kong school, kaibigan ko kaya for them, ako si Miss Congeniality but that day changed everything forever.
Pagka-uwi ko sa bahay, wala si Mom dahil may trabaho siya, same with Dad. They're both working pero okay lang sa 'kin dahil kaya ko naman ang sarili ko. Lagi ko ring kasama ang bestfriend ko umuwi sa bahay namin pero nang araw na 'yon, hindi siya sumama sa 'kin dahil may gagawin pa raw siya.
Kakain sana ako no'n sa kusina pero nakarinig ako ng kalabog sa taas kaya kinabahan ako. I was thinking na baka may nakapasok na sa bahay naming. Pinuntahan ko 'yong kwarto ko pero wala namang nalaglag kaya sunod kong chineck ang kwarto ng mga magulang ko. And that might be the most regretful decision I've ever made in my life.
Nang buksan ko ang pinto, the only thing that I saw is the naked body of a lady—my bestfriend na nakapatong sa tatay ko. Ang galing, diba? That was when I realized na kaya niya pala gustong pumupunta sa bahay ay dahil sa tatay ko rin. At first, I thought na pinilit siya ng tatay ko, but it turned out na siya pala ang may gusto no'n.
Napuno ako ng galit kaya inaway ko silang dalawa, hanggang sa naabutan sila ng Mom ko kaya sila naghiwalay. I wasn't in favor of that pero itinuloy pa rin nila. I changed because I felt guilty and stupid at the same time. It felt like I was the reason why my parents got divorced and I was stupid to not see the real person behind my bestfriend's angelic face.
I couldn't accept it pero nang makipaghiwalay ang Mom ko sa Dad ko, hindi pa rin umalis sa bahay na 'to si Dad. The worst thing is, halos lagi nalang siyang nagdadala ng babae and there are also some times na sinasaktan niya na rin ang nanay ko. I tried convincing her na kami nalang ang umalis pero ayaw niya rin.
Hindi ko maintindihan kung bakit mo kailangang mag-stay sa taong puro pananakit nalang ang ginagawa sayo. It's not love, it's completely stupidity and I hated my Mom because of it. Mali, I hate them all.
Since then, I tried to be rebellious; not that I wanted to but because I was hurt and was checking if I could get their love and attention back. Or makita ko manlang sanang may pakialam sila sa nararamdam ko. Sadly, I failed, so I just continued with it until it already feels right.
"A penny for your thoughts?" a man asked out of the blue. Nakaupo ako sa bench sa harap ng oval habang nakatingin sa kawalan dahil sa sobrang lalim ng iniisip ko. I looked at the guy who just talked to me.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Curly hair, diamond eyes, thick eyebrow, pinkish lips at pointed nose. Typical f*ck boy. Ngumiti ako sa kanya. "I don't like cheap f*ck boys hitting on me so..." I stood up, got my things and looked back at him. "No, I'm not interested." He was surprised. I didn't take psychology for nothing. Nang sabihin ko 'yon ay nakarinig ako ng pang-aasar sa gilid namin na mukhang mga kaibigan niya. Napailing ako.
Mukhang may balak pa silang pagpustahan ako. Inirapan ko sila at nilapitan ang nag-iisang babaeng kasama nila. Iniwas niya ang tingin sa 'kin at akmang aalis na pero napigilan ko siya. I smiled at her at ni-level ang bibig ko sa tenga niya. "Kating-kati ka na ba sa lalaki? 'Cause I'm not." I chuckled. "Tell your friend to stay the f*ck away from me, August." Umatras ako at nginitian siya. Akmang aalis na ako nang mapahinto ako at bumaling ulit ng tingin sa kanya. "I forgot," I said at saka unti-unting ibinuhos sa kanya ang soda na hawak ko. "Maybe this will help with the thirst and itching."
Rinig na rinig ko ang pagsinghap ng mga taong nakakita sa ginawa ko but who cares? Wala akong pakialam sa nararamdaman nila. That b*tch deserves it. The f*cking August Nixon—my ex bestfriend, deserves it.
***
GABI na nang makauwi ako sa bahay. Magpapahinga na sana ako nang marinig ko na naman ang pag-aaway ng magaling kong mga magulang. Kaya pagkapasok ko sa kwarto ko agad rin akong nagbihis para lumabas. Ayokong marinig ang mga sigawan nila. I just f*cking hate everything that they're doing na parang wala ako dito.
I grabbed my wallet and phone at saka lumabas ng kwarto. Muntikan pa akong mabubog sa nagkalat na piraso ng plato sa sala kaya napatingin ako sa mga magulang kong halos magpatayan na sa kusina. Napailing nalang ako at tuluyang lumabas ng bahay.
Pumunta ako sa malapit na convenience store para bumili ng maiinom. Maybe I'll just stay here for a while. Uuwi nalang ako kapag alam kong tapos na silang magpatayan. Hindi ko rin maintindihan kung bakit hanggang ngayon, ayaw umalis ng isa sa kanila. Hindi naman na rin sila mag-asawa, diba?
"Again?" The guy at the cash register asked after seeing the beer and cigarette that I'm holding. Nagkibit balikat lang ako sa kanya at pumunta sa mga upuan sa labas ng store para umupo. Madalas akong pumupunta dito dahil madalas din namang nag-aaway ang mga magulang ko. Drinking and smoking are the only thing that's calming my mind sa mga ganitong panahon.
Maybe, the reason why my parents gave me the name Hellione was because, for them, having me was hell. Natawa ako ng mahina nang maisip 'yon. I still have class tomorrow at ayaw kong ma-late but what can I do?
Binuksan ko ang beer na hawak ko at kinuha ang lighter sa wallet ko para sindihan ang sigarilyong binili ko.
"Miss Santillan?"
Nakakunot ang noo akong napatingin sa lalaking tumawag ng apelyido ko at halos manlaki ang mata ko nang malaman kung sino 'yon.
"Sir Jules," banggit ko sa pangalan ng professor ko. Nakatingin siya sa hawak kong beer at sigarilyo kaya nabitawan ko 'yon. I'm considered as a rebel. I don't have any friends but I have a lot of enemies because of bullying. I smoke, I drink—I'm a lost cost but I hate being stupid. Kahit ganito ang pagkatao ko, ayokong masira ng kahit ano man sa mga 'yon ang pag-aaral ko. Maraming bagay na ang wala sa 'kin at ayokong pati ang future ko, mawala. I also don't want this to be a bad impression thinking I'm taking up psychology, who happens to also suck in handling my emotional distress properly.
"What are you doing here at—" Napatingin siya sa wrist watch niya. "Ten in the evening?" Hindi ako nakasagot kaya lumapit siya sa table na inuupuan ko at inilapag ang gamit niya sa isa sa mga upuan. Kumunot ang noo ko nang bigla siyang umupo sa harap ko. "Troubles at home?" Tumango nalang ako ng marahan. He smiled at me. "You can talk to me," he said and held my other hand na nakalagay sa table sa gitna namin. Hinahagod hagod niya pa 'yon na akala mo mag-jowa kami.
I literally froze when he held it while looking at me, creepily smiling. This can't be good. Mabilis kong binawi ang kamay ko mula sa kanya at napatayo. "Uuwi na po ako, sir." I said at saka mabilis na umalis sa lugar na 'yon. I emphasized the word 'sir' para naman matauhan siya at ma-realize niyang estudyante niya ako, at professor ko siya. Just why the hell am I being surrounded with this kind of people?