A&G RESORT AND RESTO BAR LAIYA BATANGAS Nang matapos ang misa sa mini chapel ay nagtungo sina Amanda at Geri sa harap ng lobby. Kasunod nila ang ilan sa mga malalapit nilang kaibigan at kamag-anak pati na rin ang pari na magbebendisyon sa bago nilang resort. Ngayong araw kasi ang ribbon cutting ng bagong resort na pinatayo nila, ang A&G Resort and Resto Bar. Napagpasyahan ni Amanda na isama na ang pangalan ni Geri sa negosyo nito tutal ay malaki rin naman ang naiambag niya para mapalago ang resorts nito. Sa magkabilang dulo ng malaking pinto ng lobby ay may dalawang 6-feet balloon pillars kung saan ay may nagdudugtong na makapal na pulang ribbon. Sa gitna ng ribbon ay may loopy bow na gawa sa gold ribbon. May lumapit na isang staff kay Amanda at inabot dito ang isang wireless mic at

