HABANG naglalakad pauwi ay tila wala sa sarili si Zion.
Paano na si Geri? Iyon ang paulit-ulit na tanong niya sa sarili.
Mahal naman talaga niya si Geri. Kaso na-attract din siya kay Mikee. Sobrang magka-iba kasi ang personality ng dalawang babae. Si Geri ay isang napaka-simpleng babae, hindi makolorete sa katawan, tahimik at conservative. Sa sobrang pagka-conservative nga nito hanggang ngayon ay wala pa ring namamagitan sa kanilang dalawa, samantalang mag-iisang taon na ang relasyon nila. Sobrang ganda rin ni Geri at napaka-husay kumanta. Napakabait din nito, malambing at maasikaso. Perfect wife material, ika nga.
Si Mikee naman ang exact opposite ni Geri. Kalog, maingay, mapostura, liberated at higit sa lahat magaling sa kama. Ito ang laging nagpupuno sa mga pagkukulang ni Geri, lalo na sekswal na bagay.
Isang mahabang buntong hininga ang kumawala sa kanyang bibig. Ngayon pa lang ay nanghihinayang at nasasaktan na siya dahil alam niyang kapag nalaman ni Geri na may nabuntis siyang ibang babae ay siguradong iiwan siya nito.
Mahal niya si Geri. Mas mahal niya ito kaysa kay Mikee. Kung mayron man siyang gustong pakasalan at makasama habang buhay, si Geri lang iyon at wala nang iba. Kaso hindi niya iningatan ang pagmamahal nito. Masyado siyang nagpadala sa tukso at tawag ng laman.
Laglag ang kaniyang mga balikat habang naglalakad pauwi. Daig pa niya ang natalo ng milyones sa casino. Kung tutuusin ay napakaliking bagay naman talaga ang nawala sa kaniya. He loses a diamond because he was too damn busy playing with stones.
“I’m sorry, Geri.” ang tangi na lamang niyang nasabi kasabay ng masaganang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.
BINUKSAN ni Geri ang drawer at pumili ng isusuot. First anniversary nila ngayon ni Zion kaya ganun na lang ang excitement na kaniyang nararamdaman. Kaninang umaga ay nag-text sa kaniya ang nobyo at inaya siya nitong magsimba tapos ay may sasabihin daw itong importante sa kaniya.
“Friendship, ano bang magandang isuot dito?” tanong niya kay Yani na noon ay padapang nakahiga sa kama niya at nagbabasa ng magazine.
“Kahit naman anong isuot mo bagay sa iyo.” tugon nito ngunit nakatuon ang mga mata sa binabasa.
Inagaw niya ang magazine na binabasa nito. “Mamaya ka na nga lang magbasa d'yan. Tulungan mo muna akong maghanap ng isusuot. Tapos make up-an mo na rin ako. Mas magaling ka kasing mag-make up sakin.”
“Yes, teh? First time makipag-date?” natatawang tanong nito.
“Sabi ni Zion may sasabihin daw siyang importante sakin. Alam mo feeling ko kasi magpo-propose na siya sakin.” Kinilig siya sa naisip na iyon.
“Assumerang ‘to. Inaya ka lang magsimba, proposal agad? Hindi ba pwedeng gusto lang magbawas ng kasalanan ng jowa mo?” ilang taon na rin silang magkakasama sa resorts kaya kilala na nito si Zion, hindi ito palasimbang tao. Nagsisimba lang ito kapag birthday nito, kapag pasko at kapag pinipilit ni Geri, na minsan ay pinagtatalunan pa ng dalawa.
Nginusuan niya si Yani. “Alam mo panira ka talaga ng moment. Minsan tuloy naiisip ko kung kaibigan ba talaga kita.”
Napahagalpak ito ng tawa. Bumangon na ito at tinulungan siyang maghanap ng maisusuot. Isang bulaklaking maxi dress ang napili nito. Simple lang ang dress ngunit nagmukha iyong elegante nang isuot na ni Geri. Sa kinis ba naman ni Geri lahat ng isuot niya ay bagay talaga sa kaniya at lumulutang ang mala-dyosa niyang kagandahan.
HABANG nasa simbahan ay pansin ni Geri ang kaka-ibang katahimikan ni Zion. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa harap ng altar at nakikinig ng misa. Pagkatapos magsimba ay kumain muna sila sa isang sikat na fast food chain tapos ay bumalik na sa resort.
Dumerecho ang magkasintahan sa garden. Iilang tao lang ang naroroon kaya medyo tahimik ang paligid. Pag hapon kasi ay mas gusto ng mga tao sa beach para masilayan ang sunset.
Magkatabi silang naupo sa bench at tulad kanina ay tahimik pa rin si Zion. Naninibago siya sa kasintahan. Makulit kasi ito at sobrang daldal. Ngayon niya lang ito nakitang tahimik at seryoso ang hitsura. Parang kinakabahan tuloy siya.
“Okay ka lang ba?” hindi niya napigilang tanong sa nobyo. Buong pag-aalala siyang tumingin sa mukha nito. “Para kasing kanina ka pa tahimik. May problema ka ba?”
Hindi ito kumibo at sa halip ay hinawakan lang ng mahigpit ang kaniyang kamay.
“Zion, ano bang nangyari sa ‘yo? May sakit ka ba? Or may problema ka ba? Tell me. Baka matulungan kita.”
“I love you, Geri. Mahal na mahal kita.” ang tanging tugon nito sa kaniya. Masuyo nitong pinisil ang kamay niya at dinampian iyon ng halik.
Bumaling siya sa nobyo. Sobrang seryoso ng mukha nito habang ang mga mata ay masyadong malungkot. Para ngang gustong maiyak ng mga iyon.
Narinig niya ang mahaba nitong pagbuntong hininga. Habang tumatagal ay lalong lumalakas ang kaba sa kaniyang dibdib. Para bang may gusto itong sabhing hindi maganda sa kanya.
“Mahal, ano bang problema mo? Parang ang weird kasi ng mga kinikilos mo ngayon.”
Mayamaya ay tumikhim ang binata. “Geri, may sasabihin ako sa iyo.” seryosong wika nito.
“Geri, you know how much I love you, right?” lumuhod si Zion sa harap niya at hinawakan ang kaniyang mga kamay. “I love you. I wanna marry you kaya lang-” muli itong napa buntong hininga. Tila hindi alam kung paano sasabihin sa nobya ang kailangan nitong sabihin. Ni hindi nga ito makatingin sa kaniyang mga mata.
“Kaya lang ano?” lalong lumakas ang kaba sa kaniyang dibdib.
“Nagka-problema kasi eh.”
“Anong problema?”
“Si Mikee kasi nabuntis ko.”
“Ano?” nanlalaki ang mga matang bulalas niya. Sa sobrang pagkabigla ay napatayo siya sa kinauupuan. “Nabuntis mo si Mikee?”
Tumangu-tango ito.
Hindi siya makapaniwala sa mga narinig. “Nagbibiro ka lang, ‘di ba?” nakangiti niyang wika, umaasa na baka biro nga lamang ang sinabi nito at babawiin nito ang sinabi kanina.
“Sabihin mo sakin, nagbibiro ka lang, ‘di ba?”
“Sana nga biro lang ang lahat ng ito.” Tumingin ito kay Geri ngunit agad din itong nag-iwas ng tingin dahil hindi nito natagalan ang mga nanalilisik niyang mga mata. “Kailangan kong pakasalan si Mikee bago pa tuluyang lumaki ang tiyan niya. Pinagbantaan ako ng tatay at ng mga kapatid niya na may mangyayaring hindi maganda sa akin kapag tinakasan ko si Mikee.”
Marahas niyang binawi ang mga kamay sa pagkakahawak ni Zion tapos ay pinagsasampal niya ang mukha nito. Hindi na niya napigilan pa ang bugso ng damdamin.
“Hayop ka! Manloloko! Pano mong nagawa sakin ito?” nagsimula nang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. “Naging mabuting girlfriend ako para sa iyo. Minahal kita. Inalagaan kita. Tapos ngayon sasabihin mo sakin may nabuntis kang ibang babae at kasama pa natin sa trabaho.”
“I’m sorry. I’m really sorry.” ang tanging nasabi ng binata. Ni hindi man lang ito tumitinag sa patuloy na pagsampal ni Geri. Tinanggap lang nito ang lahat ng galit niya.
Nang mapagod si Geri kakasampal kay Zion ay tila nanghihinang napa-upo siya sa bench. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak.
“Geri, ikaw naman talaga ang mahal ko. Hindi naman ako seryoso kay Mi-”
“Shut up!” galit na putol niya sa sinasabi nito. “Kung totoong mahal mo ako hindi ka makikipag relasyon kay Mikee, at lalong-lalong hindi mo siya bubuntisin.”
Tinanggal niya sa daliri ang singsing na binigay sa kaniya noon ni Zion bilang tanda ng pag-ibig nito. Pinukol niya ang singsing sa mukha nito. “Manloloko ka. I hate you!”
“Geri, I’m sorry.”
Kahit sumasakit ang dibdib ay pinilit niyang tumayo at maglakad pabalik sa kaniyang silid. Kahit anong gawing pigil niya sa kaniyang mga luha ay patuloy pa rin ang pagtulo ng mga iyon. Kaya naman ganun na lang ang pag-aalala sa kaniya ng mga kasamahan sa resort na nakasalubong niya at nakita siyang umiiyak.