PASADO alas-siete na nang makalabas si Geri sa kaniyang silid. Napasarap kasi ang tulog niya kanina kaya naman late na siyang nagising. Ang nakangiting mukha ni Lucas ang agad na bumungad sa kaniya. Nakatayo ito sa tapat ng kaniyang silid na tila inaabangan ang kaniyang paglabas. “Nand’yan ka pala.” “Good evening, Geri.” bati nito sabay abot sa kaniya ng three red roses. “Thank you. Kanina ka pa ba d’yan?” “Hindi naman. Pupunta ka na ba sa bar? Hatid na kita.” Nginitian niya lang ang binata bilang pagsang-ayon dito. Habang naglalakad sila papunta sa resto bar ay hawak ni Lucas ang kaniyang kamay at tila ayaw iyong bitawan. “Good evening, mga vakla.” bati niya kina Amanda at Yani nang makalapit sila sa bar counter. “Mamang, sorry I’m late.” “Ok

