PAGKATAPOS ng ilang minutong biyahe ay nakarating sina Lucas at Geri sa San Antonio Island. Ang Underwater Cave ang una nilang destinasyon. Todo alalay si Lucas kay Geri habang naglalakad sila. Mabato kasi ang dinaraanan nila paakyat sa kweba. Nang makarating sila sa tuktok ay may dinaanan silang isang masikip na tunnel papasok sa kweba. Matapos makababa sa matirik na hagdan na gawa sa kahoy sa wakas ay sumayad din ang kanilang mga paa sa malamig na tubig na nagmumula sa dagat. Hanggang tuhod nila ang taas ng tubig ngunit habang naglalakad sila ay palalim iyon ng palalim. Manghang-mangha si Lucas dahil sa sobrang linaw ng tubig, idagdag pa ang naggagandahang yellowish rock formations sa loob ng kweba, na tila dyamanteng kumikinang sa tuwing tinatamaan ng sikat ng araw. “Amazing!” hind

