0000020x Feed her “Cait, itago mo ako!” Hindi ako magkamayaw sa pagtayo at pagpunta sa dance floor. Kailangan kong tumakas sa mga ito. Hinablot ko yung shot glass sa table at ininom yun. I need energy. Hindi pa man ako nakakatapak sa nagkakagulong katawan sa gitna, may nakahila na sa buhok ko. “Ops, hindi ka makakatakas, girl.” “Aray ko po.” Napilitan akong humarap sa kanila. “Ano na naman?” Nakapamewang akong naghintay ng gusto nila. “ANONG ‘NA NAMAN’?” Hinila ako ni Kiel sa isang corner, “Ilang araw ka na naming hinahagilap? Nasaan ka? Para kang palos!” galit na sabi ni Amelle sa mukha ko. “Chill nga kayo, nagsasaya ako dito.” Pagcross ko ng kamay ko sa dibdib ko. “Nagsasaya tapos mayron kang hindi ibinabalita sa amin?” Sumingit si Ate Pao sa harap ko. “Ano itong marriage contr

