0000021x Intense "B-blade, sige na. Uwi ka na." itinulak ko siya palayo at nag-turn sa pintuan para mabuksan ito. "W-wife? Ikaw yung...pinakasalan ni Dreigo?" "Long story, Blade... you should go home now." Natataranta kong binubuksan yung pintuan. Bakit ba ako natataranta kasi? Parang si Dreigo lang naman yan, si Blade, mga kaibigan, at kapatid ko. Chill, Teyah. "H-how...pinilit ka ba nya, Teyah? Sabihin mo lang..." tumingin ako sa kanya nang naluluha. Nakita kong masama din ang tingin nya kay Dreigo na isang metro pa ang layo sa amin. "No, Blade...please, hindi mo na kailangan gawin yun. No worries, I'm alright." Nabuksan ko na din saw akas yung pintuan, sa huling pagkakataon tiningnan ko si Blade at nagmakaawang umalis na sya. Kinabig nya yung braso ko para mapalapit ako sa kanya

