000001x

1505 Words
000001x Wet Floor   “Mam, ito na po lahat. Thank you.” Ngumiti ako at kinuha ang paperbags na naglalaman ng mga damit na binili ko. Kakaunti lang naman ito. Isinabay ko lang sa pagbili ng susuotin ko para sa binyag ni Saskia Lahat kami ay ninang at ninong ni Saskia. Anak siya ni Ck at ni... Loislane. Just thinking about her and how she left makes my heart sink. Hindi ko pa rin talaga lubos na tanggap ng utak ko ang nangyari. Kaya ito kami, hands-on god-mothers and god-parents to her. We’re helping her Dad a lot.r. Minahal na rin namin sya as our own kahit na three months pa lang siyang nailalabas ng hospital. Lumabas ako ng store at dumiretso sa isang coffee shop kung saan ko hihintayin si Thea, ang kakambal ko. Nag-vibrate yung phone ko at nakita kong nagtext si Jaxon. From: Jaxon Can I ask you for a favor?   Napa-face palm lang ako. Ito na naman tayo, the last time I agreed to this guy, muntik na akong mahulog sa hagdanan. Tatampalin ko 'to eh.   Ano na naman yun, lover boy?   From: Jaxon Will you be my date sometime next week?   Kung dati kinikilig ako sa panggaganyan niya, ngayon hindi na. Lagi na lang ako! Lagi na lang ako! Mali yatang pinatulan ko itong isang 'to. No, don’t get me wrong. He’s good looking. Silang magkakaibigan, puro pang-modelo ang mukha’t katawan. Ito talaga, pumalya sa ugali at sa mga kalokohan. Ibang kalokohan kasi yung gusto ko - just kidding! Anyways, I was just flirting with him. Wala namang masama dun. We need to live in the moment and practice our skills. Jax, I’m not yet sure. I'll tell you if I can Reply ko sa kanya kaagad. Ang totoo, nagdadalawang isip ako at wala talaga akong gagawin next week kundi mag-aral, maglakwatsa, at mag-aral ulit. “Teyah!” May kumalampag ng table sa harap ko. “Ay, Thea!” Nakita kong umupo sa harapan ko ang kambal kong si Thea. Mukhang nagtataka sa itsura kong nammroblema. “Oh? Problema mo ngayon?” Tanong niya nang hindi makatiis. “Si Jax, nanghihingi na naman ng pabor.” Ngumuso ako sa harap nya at napabuntong hininga. Narinig ko syang tumawa ng mahina “Oh ano? Game ka?” Nangingiti niyang tanong sa akin. It would’ve mirrored my own expression if the situation’s different. Kung hindi si Jax or kung hindi ito nanghihingi pabor. We’re identical twins, by the way and our name sounds the same but is spelled differently. Magkasingtangkad kami and pareho kaming may mahabang buhok. Mine’s super straight while hers is wavy. Tahimik siya samantalang ako ay napaka-outgoing at ingay. Ako pa madalas nag nanghihila sa kanya para lumabas. Ano bang ipinaglalaban ko? Siyempre  kahit kambal kami, may pinagkaiba pa rin kami. Pero hinahayaan lang namin yung mga tao sa paligid namin kung paano nila kita differentiate  from each other. “Tigilan mo ako, kambal ah.” “Sige kasi makipag-exchange pa ng number. Psh,” inirapan lang ako ng kambal ko. “Why don’t you try it? Para naman magkakulay yang mundo mo?” Umiling lang siya sa akin. “'Wag niyo akong itulad sa inyo ni Ate Pao. I’m happy where I am. Ayaw kong isiping gumanyan. I’ll cross the bridge when I get there.” Tumayo siya para mag-order ng kape na alam kong kailangan niya lalo na't galing siya sa school. She needs her daily dose of caffeine. Napabalik siya nang wala sa oras para tanungin ako ng gusto ko na alam niya naman. Habang naghihintay ako, nakita kong may nag-mo-mop ng floor malapit sa entrance ng coffee shop. I'm calculating kung hanggang saan yung lalampusin niya at kung saan ilalagay nung nag-mop yung yellow sign na nakalagay na Caution: Wet floor. Hindi ko na namang namalayan na bumalik na pala ang kambal ko at ilang minuto na akong nakatitig dun sa naglilinis. “Maawa ka naman dun sa kuyang naglilinis, baka siya madulas dun sa ginagawa niya.” “'Pag natapos tayo dito, ikaw unang lumabas, ha?” Nagtataka siyang lumingon sa may likuran niya kung saan ako nakatingin. “Oh, okay.” Na-gets niya naman agad dahil alam niya kung anong meron between me and floors. “Wala ka na bang ibang bibilhin? Para isang lakad na lang, kailangan natin mag-aral,” tanong niya sa akin ulit bago tuluyang naglakad palayo sa table namin at lumabas. “Nah. Isa lang naman talaga ang agenda ko ngayon. Sadyang inakit lang ako no'ng ibang laman ng paper bags na ito.” Itinaas ko yung apat na paper bags na nasa kanang kamay ko, puro dami lang yung mga yun. “Gumastos ka na naman?” akusa niya sa akin. “What? Naipon ko naman ito, 'no.” singhal ko sa kanya. Siyempre galing pa rin kila Dad pero ilang kape rin ang pinigilan kong bilhin para dito. “If you say so," pagsang-ayon niya kunwari. Sabi ko sa kanya, siya ang munang maglakad. Pero dahil kapalaran ko na yata ang mahalin at yakapin ang sahig, ako ang naunang naglakad kesa sa kanya. Dahil nagkukuwentuhan kami, hindi ko napansin na dun ako sa pinaka-iiwasan kong parte ako naglakad. Yep. Tama kayo - 'yung newly mopped part ng floor. Well, ano bang nangyayari 'pag madulas ang sahig at isang katulad ko ang nakaharap? Siyempre, madudulas ako. Napapikit na lang ako habang hinihintay ang masakit na pagbagsak ng balakang ko sa sahig o yung pagtama ng ulo ko sa kongkreto. “Whoa, miss. You don’t have to literally fall on me,” natatawang salita ng inaakala kong sahig. Ano? Nagsasalita 'yung sahig? Kinapa-kapa ko ang paligid at tanging hangin lang ang naramdaman ko. Saka ko lang napagtanto na may braso na nakahawak sa balakang ko para i-steady ako at hindi tumuloy sa sahig. Na-estatwa ako sa pagkakahawak niya dahil pinipigilan kong huminga. Once I let this breath out, makikiliti ako. At 'pag nakiliti ako, magkikislot ako dito na parang dalag na kakahuli lang at alam kong mabibitawan niya ako. Kami pa rin ng sahig ang end game. Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata at maliwanag na ilaw lang bumungad sa akin. Against the light ang mukha ng nakasalo sa akin kaya hindi ko sya maaninag. Naramdaman kong itinayo niya ako. Napayuko ako para ayusin yung itsura ko nang magpakilala siya. “I’m Blade.” Blade? As in 'yung pinanghihiwa? 'Yung matalim at matulis? Tiningala ko siya dahil may katangkaran si matulis. Napatigil ako saglit nang makita ko na may itsura siya. “H-Hi..." 'Yung buhok niya parang military style na gupit - very clean cut ang nais. v-neck shirt and some camouflage pants. I wonder if he's matulis din down there? Nailing na lang ako sa pinag-iisip ko at agad na bumalik ang tingin sa mukha niya. “Thank you, Blade. Tayo end game, hindi kami n'ung sahig,” banat ko sa kanya. He smiled at me. Napansin ko napati ang mga mata niya ay ngumingiti rin. Singkit ang mga mata niya at mapula ang labi niya. His teeth are perfect, too! Wow. “May sinabi ka miss?” He peered over me while tilting his head to the side. Umiling lang ako saka inilgay sa likod ng tenga ko yung buhok kong ngayon eh nagulo dahil sa pagkakatumba ko. In short, malanding move. Pa-cute. I extended my hand and smiled, “Sabi ko I’m Teyah. Anyways, thank you!” Nang makipagkamay siya, agad kong hinila si Thea palayo para hindi pa madagdagan ang kahihiyan ko sa buhay.  “Bakit kasi suot mo na naman 'yang doll shoes na yan?” Tanong ni Thea nang masuri ang suot ko. Oo na, madulas ang soles ng doll shoes na 'to dahil gamit na gamit. This is my favorite kaya 'pag mag-shopping ako, ito lagi suot ko. It’s comfortable kaya gustung-gusto ko pero hindi na ngayon dahil siya pala ang magpapahamak sa akin. I trusted you, shoes. ** “Kailan nga ulit yung binyag ni Saskia?” Pagkarating na pagkarating ni Ate Pao, 'yan yung tanong nya sa akin. Nasa living room lang kasi ako at tapos na ako mag-aral samantalang si Thea naman ay nasa kwarto na niya nagkulong. “Next month. Nakalagay naman dun sa memo board natin. TIngnan mo na lang. I’m busy.” Nanonood kasi ang ng The Proposal and I don’t want to be disturbed. Narinig kong bumulong si Ate pero di ko alam kung ano yun, pero alam kong nagrereklamo lang 'yun. Sanay na ako dahil palagi naman pagod 'yun at isa siyang nurse. Maya-maya, naramdaman ko siyang sumalampak sa tabi ko sa sofa. “May susuotin ka na?” Tanong niya sa akin habang nag-check email sa itouch niya. “Yep!" Napansin kong ngingiti-ngiti na naman siya habang nakatutok sa binabasa niya. Agad ko siyang sinaway at tinapik, "Ano ba 'yan, ate! Maligo ka nga muna bago ka makipaglandian diyan sa email.” Sinamaan lang niya ako ng tingin at inasar pa, “Aba, nagsalita ka? Kamusta na si Jaxon, ha?” “Hay nako, Ate! Huwag mo ngang pinapaalala si Jaxon. Nanghihingi na naman ng pabor.” Napatawa siya bigla. “Saka! At least ako, kilala at alam ko kung sino ang mga kausap ko. Eh ikaw?” Hindi na naman siya natinag at nagpatuloy lang sa pag-scroll at pag-ngiti na parang kinikilig. “Hala, sige, magbingi-bingihan ka diyan. 'Yan ba nagagawa ng amoy ng hospital sayo? Mas bagay ka sa asylum sa pangiti-ngiti mong parang tanga ay.” May biglang nag-doorbell. Inutusan niya ako para ako magbukas pero ayaw ko. Nang sabihin niyang ang in-order niya pala na pizza iyon, parang nagpalakpakan yung tenga ko sa narinig ko. Pizza! Wala pang ilang segundo nasa harap na ako ng pintuan. Buong ngiti kong binuksan at sinalubong ang pagkain pero nawala iyon at napalitan ng gulat dahil sa tumambad sa akin. “BLADE?!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD