000002x

2031 Words
000002x Pinapatay na pusa   It's Blade! The same Blade na sumalo sa akin kanina nang madulas ako sa mall. Naramdaman kong uminit 'yung mukha ko. Malamang ay pulang-pula ako ngayon dahil naalala ko na naman ang katangahan ko kanina. He's wearing a black jacket with his white stripes polo shirt inside. Nandun sa parehong 'yun ang logo ng pizza restaurant. And then he's wearing a navy blue almost black pants with a baseball cap on. Tinanggal niya 'yun at inayos ang kanyang buhok. Ngumiti sya ng nakakaloko na naging dahilan para mawala yung mga mata nya. In-offer niya ang dala niyang dalawang box ng Pizza bago magsalita, "Pizza, Ma'am Teyah?" Natinag ako sa pagkakatayo ko at bahagyang napataas ang boses, "OH MY GOD! BLADE! You're Blade!!" Biglan naman akong nataranta dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ako makapaniwala na isang tulad niyang mukhang model kanina sa mall ay ang siya magiging pizza delivery boy namin ngayon. Sumigaw si Ate Pao at nagtanong kung bakit ako nagsisisigaw habang papalapit siya. "H-ha... kasi! Kasi, ate!" "Ano nga?" Napatingin siya sa pintuan at nakita niya si Blade na nakatayo lang dun, napalingon ang ulo niya patagilid "Oh, ito na pala yun pizza. Kaya ka ba sumisigaw?" Hinawi niya ako papunta sa tabi at saka kinuha kay Blade ang boxes. "Hindi ko naman alam na gutom ka pala talaga. Buti na lang nag-order ako," Inabot nya yung bayad kay Blade at nagpasalamat. Hindi pa man ako nakakasagot eh sinara niya na ang pinto. "ATE! Bakit mo sinarado?!" Agad-agad ko namang binuksan ulit yung pintuan hoping na nandun pa si Blade. Pero sa pagmamadali at sa katangahan ko sa buhay, naiuntog ko sa sarili ko ang mismong pinto. s**t, that hurts! Napapikit at napahawak ako sa noo ko dahil 'yun yung tumama. "Teyah!" Naramdaman kong sinakop ng malalaking kamay 'yung mukha ko. Dumilat ako para makita si Blade na nasa harap ko. "Okay ka lang?" Nagulat ako at napasigaw ako nang diniinan niya ang parte kung saan alam kong may magfo-form na bukol 'pag nagtagal. "MASAKIT! Pucha, magtatanong ka kung okay ako tapos diniinan mo 'yung nauntog." Napakamot siya sa batok niya. "Sorry. Para lang naman hindi na magkaroon ng bukol at para hanggang pasa na lang." Inilagay niya sa likod ng tenga ko ang iilang buhok na kumawala sa pagkakapusod nito. s**t, e, bakit kinikilig ako? "Pero seryoso, okay ka lang?" Inilapit niya ang mukha niya para masuri ang noo ko. Pero wala akong pakialam sa tanong niya dahil ka-level ng mga mata ko ang labi niya. Halos maduling ako kasi dun lang ako nakatitig. Natinag lang ako sa pagkakahumaling ko dun sa labi niya nang mawala yun sa line of vision ko at pumalit yung singkit niyang mata. "Teyah?" Kita mo yung pag-aalala sa mukha niya. Napadiretso ako ng tayo at napasapo sa noo ko, "A-ay, Blade. Oo, okay na ako. Thank you nga pala ulit kanina." Nginitian ko siya nang pagkatamis-tamis. Napangiti siya ng kaunti sa narinig. "You're welcome. Mag-iingat ka sa susunod." Napansin niyang nasa loob na sya ng unit namin kaya umatras siya palabas at nahihiyang ngumiti. "Sige, bye! Thank you din pala," itinaas niya ang bag na pinaglagyan niya ng in-order namin kasama ang bayad bago tuluyang lumiko kung saan naroroon ang elevator. Pumasok na ako at dumiretso sa dining table kung saan nakahain ang pagkain. Napasalo na lang ako sa noo ko na may bukol nang ma-realize na sa ikalawang pagkakataon, nasaksihan na naman niya ang isang katangahan ko sa buhay.  'Yung totoo? "Anong nangyari sa noo mo?" Tanong ni Thea sa akin na kalalabas lang ng kwarto niya. Lakas talaga ng pang-amoy nito kapag may pagkain, e. "Nauntog sa pinto." "Bakit ka naman nauntog sa pinto? Tuwang-tuwa lang sa pizza?" saad niya habang may dalawang slice ng na hawak at nakayuko sa libro na kanyang binabasa. "Bakit ba kayo ganyan sa akin! Hindi ba pwedeng tanga yung pinakabit na pinto?" Hindi niya ako hinarap at bumulong na lang na baka ako daw talaga ang tanga. Konti na lang masasampal ko 'tong kambal ko, e. "WAIT! Naalala mo si Blade?" Napatingin siya sa akin at nag-aalangang tumango. Itinaas niya ang kanyang kilay silently asking kung ano naman connect sa amin? "Siya 'yung nag-deliver kanina," bulalas ko na naging dahilan para mapaubo siya. "ANO?! Wala na bang crew 'yung pizza parlor nila kaya siyang may-ari 'yung nagdedeliver?" Putol-putol niyang tanong habang kinakabog-kabog ang dibdib niya. Totoo nga yatang nabilaukan siya. "Saan mo naman nakuha 'yang pinagsasasabi mo?"  She shrug nonchalantly bago sumimangot, "Bakit? I just thought... Hindi ba't ang guwapo niya at sobrang postura kanina. I assumed..." "Exactly! He's too good looking to be just a delivery boy," sang-ayon ko. Napaisip ako bigla pero nahawakan ko yung noo ko kaya napamura na naman ako sa sakit. Matindi 'tong pinto namin, napuruhan yata ako. "Oh!" Sinalpok ni Ate Pao ang isang hot compress sa noo ko at lalong diniinan nang umangil ako sa sakit. "Ang tanga ng pinto, ay. Hindi umiwas! At saka ano naman kung gwapo siya at delivery boy lang. May masama ba dun? Pangit lang ba ang puwede maging empleyado, ha? Nako, kayo talaga!" "Pero ate..." Napailing siya at nagpatuloy sa pagligpit ng kalat na naiwan namin ni Thea. "Sino ba namang baliw na may-ari ang mag-de-deliver ng pizza nila? Isip mga kapatid, isip!" Pumalatak siya at pagkaraan ng ilang minuto ay tumabi sa amin. She sighed and proclaimed, "Ang sarap ng pizza at gatas." Napatingin ako sa kanya. "Anong gatas?" Itinaas nya yung gatas na nasa tabi niya. "Though I prefer to taste some other kind of milk," komento niya at nagkatinginan kaming tatlo at napahagalpak ng tawa. ** It's a Saturday kaya maaga akong nakauwi. Naabutan ko si Ate Pao sa kusina at naghahanda ng pagkain para kay Dalli at Saskia. Dadalhin kasi sila dito ni Kuya Gage at Ck. Oo, kami naka-assign na magbantay this weekend. Ang magkapatid na 'yun ay ginagawa kaming baby sitters. Simula no'ng nawala si Lois, hindi na nagbalik sa dati ang lahat. Naka-move on na halos lahat pero 'yun lang ang nakikita ng nasa labas. Kung kayo ang nasa pwesto namin, makikita niyo nangg malapitan ang pamilya ni Lois. CK? Lalo na siya. Mapapabuntong-hininga ka na lang sa sama ng loob. He loves Saskia, pero wala na ang ningning sa mga mata niya. Maihahalintulad na siya sa Kuya niya na si Gage. Pareho silang single fathers na kita ang lungkot sa mga mata. Mabuti naman silang mga magulang, pero hindi ba't there's more to life than working non-stop? "Ate! Sa kwarto muna ako, ikaw muna maghintay sa kanila." Dumiretso ako sa kwarto para mag-shower dahil asar na asar ako sa init ng panahon! Para kahapon lang maulan at malamig ang paligid. Ang sarap lang sa pakiramdam ng malamig na tubig. Parang nag-evaporate yung lahat ng bigat ng katawan ko dahil shower na ito. Hindi naman kasi ako nagtagal kaya narinig kong may nag-doorbell. Agad akong nagbihis para masalubong yung dalawang bata. Pagkalabas ko dala-dala ni Ate Pao yung carrier ni Saskia at naka-settle na sa sofa si Dalli nag-browse ng channels. Pero ang pinagtataka ko, e, yung namumulang mukha ng Ate. "Bakit namumula ka, ate?" Napatingin lang siya sa akin, pero hindi ko alam kung naintindihan niya  ang tanong ko because she's in a daze at talaga pulang-pula sya! Yung maputla-putla niyang puti, ngayon ay namumulang parang kamatis "'Wag mong sabihin dahil kay CK iyan?" Pagkuha ko kay Saskia mula sa pagkakahiga niya sa carseat carrier para laruin. "H-ha, hindi! Wala 'to. Mainit kasi sa labas tapos malamig dito sa loob natin, so... yeah." "O baka dahil kay Kuya Gage?" Nanlaki yung mata niya at umiling-iling. "H-hindi ah!" Kumunot yang noo niya at kinagat ang mga labi. Alam na alam mong nagsisinungaling siya 'pag ganyan. "HA! Si Kuya Gage nagdala sa kanina, 'no? Hanggang ngayon crush mo si Kuya Gage?! Akala ko nagbibiro ka lang!" Paghuli ko sa kanya. Tiningnan lang niya ako na parang nagtataka. She's feigning innocence pero hindi uubra sa akin yun dahil kilala ko siya. "You really like Kuya Gage?" Pang-aasar ko pa lalo habang nilalapitan ko si Dalli. "Hey, Dalli, my pretty baby. Do you like to have a mommy?" Tumango lang si Dalli at nagtatalon sa sofa habang nagsisisigaw ng maraming yes. I smirked towards Ate and I started to laugh. "You want one now, Dalli?" Napa-stop siya sa pagtalon at tumingin sa akin. "Now? No! I'll want her if she gives me a baby sister," pag-upo pa niya sa edge ng armrest. Umiling lang ako dahil this kid is amusing. One minute she's excited ang the next, she's thinking something absurd. Napatawa lang ako nang malakas at binulungan si Dalli na nagbibiro lang ako at dapat sa Daddy niya siya nakikipag-transaction. Pero sa tingin ni Ate Pao, tinuturuan ko ng kalokohan ang bata. "TEYAH VIVIENNE HERRERA! 'Wag mong impluwensyahan ng kalokohan yung bata!" Paghampas ni Ate Pao sa akin ng hand towel. "Aray!" Natawa si Saskia na nasa braso ko. Aba'y natuwa ang baby sa pagkakahampas sa akin. Isang sadista ito paglaki! May pagmamanahan talaga. "Oh. Nga pala, uuwi na si Jett pala next month. 1 week from now – I think tatapat yun sa birthday mo." "Really? Ano ba dapat gawin sa birthday ko? 'Yung something fun?" "Pizza party! Tapos ang host 'yung si Blade." "What! No! Simula nung araw na siya nagdeliver dito, lagi niyo akong inaasar dun!" Napanguso ako at nilaro na lang si Saskia na ngayon, e, naglalaro ng laway niya. "You wanna order some pizza? Baka siya ulit." Since that time na naiuntog ko yung mukha ko sa pinto, lahat na yata ng paraan ginagawa ng dalawa kong magaling kapatid para lang makapag-order ng pizza. Mag-two weeks na rin 'yun. And everytime that happens, si Blade yung nagde-deliver. I don't know if sya lang talaga ang delivery boy o sadyang ni-re-request siya ng dalawang 'to. Minsan, inaaya namin siya kumain dito with my sisters' insistence. Buti nga at hindi siya napapagalitan ng kanyang boss kapag natatagalan. We've talked about many things, pero alam mong mayron syang hindi sinasabi. We've become friends, yes. I even have his number. Hindi nga lang niya dala ang personal phone niya sa t'wing nasa trabaho. Kahit na umaayaw ako sa pinaggagagawa ng mga kapatid ko, gusto ko din naman. Hello! He's good looking and sort of hot. Did I say na buffed rin 'yung katawan niya unlike other delivery boys? It's like he goes to the gym every now and then. Kaya nagtataka talaga ako kung delivery lang ang isang 'to. Nakakasakit ng ulo 'yun lumanay ng boses nya sa tuwing kausap niya ako 'pag nagkukwento siya sa experiences nya sa work nya. Hindi ko naman magawang magtanong dahil laging lumalabas na may halong pang-aasar. Kaya ayaw kong magtanong dahil baka ma-offend ko 'to at baka hindi na bumalik. Sayang naman ang daily servings ng kaguwapuhan sa building na ito, hindi ba? "Tigilan mo ako, Ate! 'Wag mong ibaling sa akin 'yung pang-aasar ko sayo kay Kuya Gage." Bato ko sa kanya nung maliit na unan na dala ni Dalli. Nagkibit-balikat siya at natawa. "Mag-ready ka na nga. Night duty ka ngayon 'di ba? Psh." Ibinaba ko na sa nakalatag na foam si Saskia dahil nakatulog na ito matapos mapagod maglaro at mai-hele ko. Nakita ko rin naman na tulog na si Dalli sa sofa. Mga pagod din kasi sila sa sa byahe. Medyo malayo kasi ang bahay nila and traffic pa dahil sa mga kalsadang ginagawa. Narinig kong nag-ring yung phone ko kaya pinuntahan ko yun sa ibabaw ng side table. Nakita kong si Jaxon pala yung tumatawag. Napasapo lang ako sa mukha ko ulit. "Hello?" Narinig kong parang hingal na hingal si Jaxon sa kabilang linya at ang tagal nyang mag-respond. "Teyah! Teka..." may narinig akong babaeng boses sa kabila. At 'yung hingal na naririnig ko, ungol! Ungol ng isang babae. What the f**k? Ew! s**t. IS HE REALLY... WHAT THE HELL! "SERIOUSLY, JAXON?! SERIOUSLY?!" I can still hear slapping of their bodies on the other side and Jaxon's heavy breathing. "JAXON!" Sinigawan ko na siya at kasabay nu'n 'yung pag-iingay na parang pinapatay na pusa ang kalandian niya sa kama. Malamang ko, hindi ako narinig nito. Sarap ipalapa sa hyena ng lalaking 'to. "Teyah, sorry! Pero I'll be picking you up at around 6pm. See you!" and then he cuts off the line. Napatingin ako sa phone ko at medyo nagtaka pa ako kung ano yung tinutukoy niya pero napa-double face palm lang ako sa mukha ko. s**t! Ngayon pala yung sinasabi niyang event. PERO s**t! Kailangan bang tawagan ako habang...AHHH! My ears are ruined!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD