000003x

1818 Words
000003x RIP Fingernails   “Aray ko! T-Teyah!!” Hirap na sigaw ni Jaxon habang nasa harap ko ngayon. Pinapasok kasi siya ni Thea after niyang mag-doorbell nang ilang paulit. Muntik pang magising si Saskia. Anong ginagawa ko sa kanya? Hinihila ko yung necktie niya para humigpit at para masakal siya. Nabubuwisit ako. Hindi ko pa rin makalimutan 'yung ginawa niya kanina. Bilang ganti, kung anong formal dress na lang 'yung kinuha ko at isinuot. Simple lang ang itsura ko, halos hindi ako naglagay ng make-up dahil naiinis talaga ako sa kanya. Buti nga hindi nagising 'yung dalawang bata sa pagdadabog na ginagawa ko. Sa kalagitnaan ng pagdadabog na 'yun ang pagdating ni Thea. Buti pa siya, alam niyang may lakad ako ngayon. Tinatawanan pa ako dahil hindi ko rin naman pala matitiis si Jaxon. Pero kinuwento ko sa kanya ang pagtawag ni Jaxon sa akin habang may pusang kasama na mas lalong nagpatawa sa kanya. Sana ay buhay pa siya ngayon dahil para na siyang naghihingalo kanina. Para tuloy akong naging comedy show sa kambal ko. Pumapalakpak pa habang tumatawa. “Gusto mo rin naman. Ano? Hot ba nu'ng sounds?” “Maganda sana kung hindi si Jaxon 'yung nakikita ko 'pag naaalala ko 'yung tunog! TIgilan mo nga ako, Thea! Nangingilabot ako sa mga pangyayari. Mapapatay ko talaga 'yun 'pag dumating!” So here we are, kulang na lang talaga putulan ko ng hininga 'tong taong 'to, e. “Ano ba, Teyah! Ano bang nagawa kong kasalanan?!” Nagpuyos 'yung galit ko. Ang lakas ng loob magtanong nito. “UNA!” Hinapit ko ulit 'yung necktie niya. “Tumawag ka sa akin na may ka-s*x na parang pinapatay na pusa naman!” Sumisigaw ako pero sinisigurado kong hindi magigising ang mga bata. Halos mamaos na ako sa kakapigil na bumunghalit ng todong sigaw sa totoo lang. Iniikot ko na sa kanang kamay ko yung dulo ng tie. “PANGALAWA! Kung makapindot ka ng doorbell, e, ppara kang hinahabol ng kung anong maligno?" Sunod kong ginawa ang pagpingot ko sa tenga niya. “PANGATLO, ipapahamak mo na naman yata ako. Saan na naman ba tayo papunta? Kailangang pormal?" Wala siyang nagawa kundi ang magpumiglas hanggang sa makahiwalay siya sa akin. Umuubo-ubo pa sya dahil sa pagkakahigpit ko sa necktie niya. “Sorry, okay?” Inayos niya ang suit nya at niluwagan  na rin ang tie. “I was too caught up in the moment. I saw the time and I panicked! But… I cannot just leave the girl unsatisfied, Teyah. You feel me?” “Hindi kita feel! Walanghiya ka! E 'di sana minadali mo na lang whoever you were screwing!” “As I said, hindi ko nga alam gagawin ko. After I do that woman, alam kong makakalimutan ko dahil sa pagod. That’s why I made sure I call you before anything else.” “You’re an incorrigible pervert, Jaxon! Bakit ba kita kaibigan?” Sinamaan ko siya ng tingin. Nagpaalam na ako kay Thea at lumabas na ng unit namin. Maniwala man kayo’t sa hindi, hindi ko na kayang makipag-flirt sa kanya. After everything that have happened with all of us, naging labasan ko ng sama ng loob 'yang si Jaxon. We’ve grown close since Loislane’s departure. Kaya ganyan kami ngayon dahil nabubuwisit ako sa kanya. Kahit sabihin pang mas matanda siya sa akin ng ilang taon, dahil kasing-edad siya nila Ate Pao, aba! Hindi ko kinakaya ang pinaggagawa niya. “Because you have a crush on me,” he said in a singsong voice. “Hindi kita naging crush. I was flirting with you dahil wala akong magawa. Nandidiri talaga ako! Kung makakarinig man ako ulit ng gan'ong sound, hindi mula sa inyo, sa iyo at kung kanino mang babaeng makati!” Nanggagalaiti kong sabi. “What? Okay. Hindi na. Sorry na, bunso. Bati na tayo.” “Bati… bati… bastos ka talaga!” Iba kasi pagkakaintindi ko dun. Anak ng patola 'tong utak na ito, oo. “Bakit ba ang green mo?! Sorry na nga.” “No. And Jaxon?” Humilig ako ng tingin sa kanya. “Huwag mo nang ipapakita ang babaeng kasama mo kanina, ha? Baka magawa kong siopao.” Pinanindigan ko yung hindi pagpansin sa kanya hanggang sa makarating kami sa isang hotel. Itong mga mayayamang businessmen na ito, ang hilig sa hotel mag-venue. “Ano bang meron ngayon? Ang dami yatang tao?” Binuksan ng valet ang passenger door. Sinalubong ako ni Jaxon sa may harap ng hotel entrance bago ako sinagot. “May charity event hosted by the Limuacos and we were invited. Ikaw ang date ko.” Humawak ako sa braso niya at nagtuloy na kami paloob. As usual, grande ang itsura ng hotel. Napakakintab na sahig. May naglalakihang chandeliers at matataas na kisame. Saan ka man bumaling ay may nagniningning na repleksiyon ng gintong mga gamit sa loob. Mapapaisip ka minsan kung limliman ba ito ng sisiw na nasa ilalim ng dilaw na ilaw. Pumasok kami sa isang function hall kung saan halos lahat ay nakatayo at nakikipag-usap over a glass of whatever liquor that might be. 'Yun din ang isa pang hindi ko rin maintindihan - kung bakit lubos ang kagustuhan nilang tumayo sa mga ganitong okasyon at makipagdaldalan sa isa’t isa? Isn’t it nice to seat instead and chat with your friends? Isang charity event ito kaya kung anu-anong items ang display nila para sa auction. Magmula sa mga paintings, mamahaling alahas at kahit magagarbong damit na naisuot ng hindi ko kilalang personalidad. Sabi ni Jax, para ito sa biktima ng typhoon Yolanda last year at iilang kids' foundation. Hindi naman ako kontra sa pinaggagagawa nila pero gusto ko nang umuwi. I don’t know anybody here and I can’t even drink. I don’t want to, that’s why. Hangga’t wala akong kasamang kilala ko. Nadala na akong uminom since malaman kong sinapak ko si Kuya CK no'ng malasing ako sa birthday celebration ng mga magulang namin last year. Wala na si Jax sa tabi ko dahil nasa stage na siya ngayon kasama ang anim pang lalaki. Sabi ko sainyo kung anu-ano na lang ang ipinapa-bid nila. Tingnan mo ngayon, pati 'tong mga anak ng invited businessmen. Jax’s family owns a mall. Like, chains of malls in the Philippines. Ewan ko lang kung ipamamana nila ito sa lalaking 'to o ano. Ito ang rason kung bakit kailangan niya na may kasamang date. Kailangan may kasama siya para hindi  mapaakyat sa stage. Malas niya galit ako sa kanya dahil sa kasalanan niya kaya ako mismo ang naghatid sa kanya sa harap. Parusa niya 'yun. At least, bawi na siya sa akin. I tried looking around but ended up outside. It is where the pool is. Bakit kaya hindi na lang dito sa labas 'yung party? Masarap pa ang hangin at maganda ang panahon. The skies are clear of any clouds and all the stars are sparkling down at me. Stars… Tumingala ako at hinanap yung pinakamaliwanag na star sa gitna ng milyong-milyon kumukutitap. Hindi ko alam, pero isang start ang nakapukaw ng pansin ko. Hindi siya ang pinakamaliwanag, pero katabi siya ng pinakamalaki at may hint ito ng kulay pink. Hindi ako sigurado kung may pink bang start pero kung tititigan, it does have a pink glitter. I wonder if it’s you Loislane? I miss you, girl. Wala na akong inaaway. Marami pa akong itatanong sayo, alam mo ba? Actually, lahat kami marami pang itatanong. Alam mo naman na ikaw ang may experience sa ating lahat. Do you not miss Saskia? She’s growing fast, Lois. Sa pagkakatingala ko, hindi ko alam na may tumutulo na palang luha mula sa aking mata. Agad ko namang pinunasan yun at laking pasasalamat ko’t hindi ako naglagay ng heavy make up. Hindi ako magmumukhang bruha. See, Lois? Nakakainis ka pa din kahit kailan. Nami-miss ka pa rin namin. Bago ako tuluyang pumasok ulit, sumulyap ako sa star na 'yun muli at nakita kong kumislap ito nang matindi. Tumindig ang mga balahibo ko. Really, Loislane? Kinindatan mo ako? Hindi pa rin bagay sa'yo. 'Pag ako nag-senti, minsan nawawala yata ako sa katinuan. Pati star kinakausap ko na. Bumuntong hininga ako at pumilig papasok kung saan dinaraos ang event. Ang corny lang talaga, pero at least it’s for a good cause. Muli kong nilakad ang path kung saan ako galing kanina, it was actually eerie dahil ako lang 'yung naglalakad pero okay lang. Hindi naman ako matatakutin. There are also doors on the side, maybe for utility and storage. Nang lumiko ako sa huling lugar bago ako makarating sa function hall, biglang may humila sa akin. Hinapit ako ng kung sino man. Pumaikot ang braso niya sa tiyan ko na naging dahilan para halos maubusan ako ng hininga. Ipinasok niya ako sa isang maliit at madilim na kwarto. Nakasandal lang ako sa pader. Dahil maliit ang espasyo, halos magkadikit kami sa pagkakaharap namin sa isa't isa. My head only reaches under his chin, gan'un siya katangkad. Our bodies are aligned with each other, so I can feel his hard upper stomach pressing against my chest. And his lower body... is.... bakit ba kasi ang tangkad niya? “Wait, mister! Nagkamali ka yata ng hablot!” Bigkas ko nang malakas. Pilit kong inaninag ang mukha niya kahit alam kong wala rin namang magagawa. “Shh, shh… don’t talk, baby.” Itinulak-tulak ko siya para makadaan ako at maipihit ang doorknob - kung nasaan man 'yun. Nakaramdam ako ng kamay sa gilid ng mukha ko. His fingers are finding something and tumigil ang hinlalaki niya sa gilid ng lips ko. Na-f-frustrate ako, gusto ko nang lumabas.I’m feeling claustrophobic at unti-unting bumibilis at bumibigat ang paghinga ko. Humugot ako ng malalim na hininga at nagsalita habang ramdam ko pa dun yung daliri niya sa labi ko, “Wala tayong magiging problema kung palalabasin –“ Hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil biglang sinakop ng mga labi niya ang labi ko. I was frozen for a few seconds pero naka-recover din ako kaagad. Itinulak ko siya nang malakas na dahilan para tumama siya sa isang shelf. Naging dahilan naman 'yung ng pagbagsak ng matigas at mabigat na bagay sa daliri ng paa ko. “f**k s**t! Nanakaw na nga first kiss ko, mamamatayan pa yata ako ng kuko!” Sigaw ko sa sobrang inis. “Dreigo?” Narinig kong tawag ng isang babae mula sa labas. Napatingin ako sa direksyon kung saan nanggagaling ang boses. Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga ng lalaking kasama ko dito. Agad kong kinapa at inabot ang doorknob. Ipinihit ko 'to at akmang bubuksan pero pinigilan ako nung lalaki. “Ikaw! Kung sino ka man! Bwisit ka!” Sinampal ko siya ng malakas. “'Yan! Bagay sayo. Walanghiya ka! Basta-basta kang nanghahalik. Bwisit!” Tumalikod ako sa kanya at tuluyang lumabas. Napansin naman yata ito ng babaeng boses ipis kaya siguro agad kaming pinuntahan. “Dreigo?” Narinig ko pang tanong nito sa kanya. “Who’s this girl?” Tanong niya sa lalaki sa likod ko. Hindi ko na nilingon, baka mapatay ko pa, e. Tiningnan naman ako ni ipis girl mula ulo hanggang paa. “Wag mo akong ma-head-to-toe, miss. Baka gusto mong manghiram ng mukha sa paa mo.” Sinamaan ko sya ng tingin. “And if this guy is your boyfriend?” Itinuro ko ang nagnakaw ng halik sa akin, “Pakitali sa bewang mo nang hindi nakakawala.” Pagkatapos nu'n ay nag-walkout na ako. Can this night get any crazier? Mukhang ako yata 'yung napaparusahan sa pag-presenta ko kay Jax sa stage para ikalakal siya for charity. But, Dreigo? Really? Pamilyar angpangalan niya. Hindi ko lang alam at maalala kung saan ko narinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD