Chapter One: My Husband is a Stranger
Nakarinig ng bulungan si Athena mula sa nakaawang na pinto. Isang makapanindig balahibong imahe ang nakita niya nang sumilip siya roon.
Nanlabo ang mga mata niya at nagsimulang mabasa ang mga pisngi niya ng luha. Sa sandaling iyon ay naging blangko ang isipan niya at hindi siya nakagalaw. Hanggang sa naalala niya ang cellphone niya sa suot na dress at kinuha ito sa nanginginig na mga kamay.
Maingat pa niyang binukas ang pinto at doon ay nandoon ang kaniyang asawa at si Vera, ang assistant nito, ang taong napalapit sa kaniya at trinato niya nang maayos. They both betrayed her trust and they will pay the price. Natagpuan niya ang sariling tinututok ang camera sa dalawa at kumuha ng mga litrato habang nagsasalo ang mga ito sa mainit na halikan. Both so lost in their own world to even notice her presence.
Matapos niyon ay mabilis na siyang lumayo kahit pa nanghihina na ang mga tuhod. Ayaw na niyang makita ang eksena dahil labis siyang nandidiri at nasaktan. Habang lumalayo ay hinawakan niya ang tiyan niya na nagsimulang sumakit.
Bakit nagawa sa kaniya iyon ng asawa niya? He had not even touched her once, at nagdadahilan na hindi na raw ito tinatayuan ng ari, at hindi siya mapapaligaya.
'All this time ay niloko niya ako at pinagmukhang tanga. Pinagmukha nila akong tanga! Pero magbabayad sila at malalaman ng lahat ang kababuyan nila.' sabi niya sa isipan.
Sa sandaling iyon ay parang nilukob ng dilim ang isipan ni Athena at walang nais gawin kung hindi sirain ang mga ito.
"Mommy?" Tawag sa kaniya ng munting si Liam.
Tinignan siya ni Athena na may sakit sa mga mata bago ito pinaglaro sa labas kasama ng ibang mga bata dahil ayaw niya itong madamay.
Ang asawa niyang si Brian ay nagkaroon ng tatlong anak mula sa dating asawa. Si Emily at Jean na kambal at kapwa sixteen-year-old at si Liam na seven years old.
Pinakasalan niya noon si Brian na isang byudo noong twenty-three years old siya dahil sa utos ng lola niyang may sakit. Dahil sa malubhang sakit ay bilang na ang mga araw nito, at ayaw siyang iwan mag-isa lalo pa at malaki ang mamanahin niya sa mga namatay na magulang. Inakala nitong aalagaan siya ni Brian kapag nagpakasal sila.
'At malaking pagkakamali iyon, lola.' Mapait niyang sabi sa isip.
Dahil makalipas ang dalawang taon ay nalaman niya kung kaninong lalaki siya naipakasal. Tumingin siya sa labas ng bintana at sa mga bisita. Mga pamilya at kaibigan ni Brian.
"Tignan natin kung ano ang sasabihin nila sa lalaking inakala nilang mabait at respetable, pero isa palang babaero." Galit niyang sabi habang nakakuyom ang mga kamao.
Naglakad siya papunta sa garden at nakita ang mga taong nagsasaya, at ang ilan ay binati pa siya.
"Napakasarap ng mga pagkain! Brian is so lucky to have a devoted and obedient wife." Sabi pa ng isa sa kaniya.
Nakangiti si Athena, pero walang emosyon sa mga mata niya. Naiwan siyang nakatayo sa gitna ng pamilya ng taksil niyang asawa at pinag-iisipang ipadala sa lahat ang video galing sa phone niya. Sa huli ay nabuo ang loob niya at ipinadala ito sa lahat ng bisita pati na rin sa dalawang taksil na kalalabas lang at tinignan ang hawak na cellphone. In a matter of minutes, ang lahat ay nakatingin sa kaniya-kaniyang phone.
Kitang-kita niya kung paanong nanlaki ang mga mata ng dalawang taksil bago nagkatinginan. Sunod nito ay nagtagpo ang mga mata nila ni Brian, at sigurado siyang nakita nito ang galit at disgusto sa mga mata niya.
People stood up abruptly, shocked at what they saw at hindi makapaniwala. Maging ang mga magulang ni Vera Nelson ay naroon. Tumayo ang ina nito at sinampal ang anak at hinatak naman ito ng ama bago minura si Brian at kinaladkad ang hitad palayo. Sa kanilang pagdaan sa mga tao ay maririnig ang mga bulungan habang ang iba ang nagsimula nang umalis habang masama ang tingin kay Brian.
Pinilit namang supilin ni Brian ang nararamdamang galit dahil napahiya lang naman siya sa close friends at pamilya niya. Ilang sandali pa ay nilapitan siya ng kapatid niya.
"Brian, I'm taking the kids home to sleep. Sino ang mag-aakalang ang asawa mo ang nagpadala ng video? Ang martyr at inosente mong asawa na harap-harapan kang ginago."
Matapos nito ay umalis na ang kapatid ni Brian at kinuha ang mga bata para umuwi.
"What's going on?" Tanong ni Emily sa inang si Athena. "May problema ba?"
Pekeng ngumiti si Athena dahil hindi niya makuhang supilin ang damdamin.
"Yes, honey. Sumama ka muna sa Tita Martina mo, ha? I'll see you tomorrow." Masuyong sabi ni Athena sa anak-anakan.
Niyakap ni Athena si Liam nang mahigpit at pinanood ang mga batang umalis. Kasama ng iba pang mga bisita. Hindi nagtagal ay mag-isa na lang siya at nag-atubiling pumasok. Doon ay narinig niyang may kausap ang asawa niya.
Ramdam niya ang delubyong parating kaya hindi niya naiwasang manginig, gayunpaman ay tinapangan niya ang loob.
Nakaupo si Brian sa may armchair, ang mga siko ay nakapatong sa mga hita at ang mga mata ay nakatutok sa carpet. Forty years old na ang lalaki, kilalang malupit, masungit, magaspang ang ugali. Itinuturing lang nitong trophy ang asawa kapag convenient dito. Isang decoration kumbaga. Isang yaya para sa mga anak. Gayunpaman, ang asawa nitong si Athena ay nagkaroon pa rin ng ilusyon na isang araw ay sasabihin sa kaniya ng asawa niyang mahal siya nito.
"Niloko mo ako, Brian. Sinabi mong... hindi mo kaya pero sa kaniya ay ano?!" Hindi napigilang galit na bulalas ni Athena habang taas-baba ang dibdib.
Kahit na si Brian ay ibang babae ang tingin sa kaharap. Isang babaeng baliw na hindi niya maatim na makita. Kaya naman tumayo ito sa madilim na paningin at marahang nilapitan si Athena.
"Shut up, you damn b***h! You ruined everything! Sino ka sa inaakala mo?!"
Matapos ang galit na mga salita ay dumapo ang kamay nito sa mukha ni Athena na kinasadlak ng huli sa lapag. Dahil sa impact ay nagpanting ang mga tainga niya at hindi agad nakuha ang nangyari dahil hindi naman siya sinasaktan nito. Hindi niya iyon inasahan kaya naman napasigaw na lang siya sa sakit at hindi agad na nakakilos. Hindi lamang ang katawan niya ang masakit kung hindi maging ang puso niya.
Wala na nga siyang narinig na salita mula rito, niloko siya at sinaktan pa nito.