bc

The Contract Marriage with Mister Kenta Caddel

book_age18+
3.4K
FOLLOW
34.9K
READ
escape while being pregnant
age gap
dominant
independent
drama
tragedy
bxg
city
first love
bodyguard
like
intro-logo
Blurb

‼️ COMPLETED AND PAY TO READ ‼️

“Finally, I found you! Ilang taon din kitang hinanap, Anna!”

Nanigas ako sa aking kinatatayuan at hindi ko man lang magawang humakbang at tumakbo papalayo sa lalaking iniwan ko dalawang taon na ang nakararaan.

“Anna, please, umuwi na tayo...” mahinang saad niya sa akin na siyang lalong paninigas ng aking buong katawan.

Dalawang taon ako nagtago sa kanya. Dalawang taon na ang nakakaraan ng putulin ko nang tuluyan ang kontrata na mayro'n sa aming dalawa dahil sa huli itong pag-iibigan namin ay isa lamang pagpapanggap at natapos na ito nang bumalik ang first love niya.

chap-preview
Free preview
CONTRACT #1
“Anna! Gumising ka na, Anna!” Tulala akong napatingin sa may pinto ng may malakas na kumakatok doon. Ang aga-aga todo kalabog na sila sa k'warto. Hindi ba nila alam na inaantok pa ako? Hindi ba nila alam na nigh shift ako kanina sa restaurant na pinapasukan ko? Adik ba sila, ha? “Hoy, Anna! Gumising ka na riyan! Anong oras na! Kababae mong tao tulog mantika ka! Gumising ka na d'yan!” Galit na sabi kung sino man ang tao sa labas ng k'warto ko. Tinadyakan pa niya ang pinto. Kababae kong tao? Malamang matutulog pa ako dahil night shift nga ako kanina! Bwisit sila! Kauuwi ko lamang ng ala-una ng madaling araw kanina tapos papasok na naman ako ng alas-dos ng hapon mamaya. Nagkakamot ako ng ulo nang tumayo ako sa kamang hinihigaan ko. Gusto kong sabunutan kung sino man ang kumakatok sa pinto kanina. “Urgh! Ang sakit ng ulo ko!” angil ko sa aking sarili at hinila nang kaunti ang aking buhok para mawala-wala ang sakit ng aking ulo. Inayos ko muna ang aking higaan at saka na rin ako lumabas. Umagang-umaga badtrip na ako. Bwisit talaga! “Oh, buti naman nagising ka na, ha? Wala pang pagkain at wala pa ring sinaing, Anna, magsaing ka na!” Matabil na dila ang sumalubong sa akin at nanggagaling iyon sa pinsan kong mahadera na si Alyssa. Bwisit na Alyssa na ito! Nagugutom pero hindi marunong magluto, walang hiya! Hindi naman siya anak mayaman. Kung umasta akala mo pinapakain ako. “Edi, magluto ka! May kamay ka naman para magluto at magsaing, Alyssa! Night shift ako sa work ko ngayon!” Balik na sabi ko sa kanya at dinuro-duro pa siya. Hindi porket anak siya ni tiya Rosing ay gaganituhin na niya ako! Mag-pinsan kami pero siya ay nakulangan sa turnilyo ang utak. “Nagugutom nga ako! Gusto ko ng kumain! Saka, ano naman pake ko kung night shift ka sa work mo?! Pagluto mo ako!” Napahawak ako sa aking buhok at hindi makapaniwala sa sinabi ni Alyssa sa akin. Bobo talaga ang isang ito, tagalog na nga iyong sinabi ko hindi pa naintindihan. “Teka lang, ha? Uulitin ko ang sinabi ko sa'yo, Alyssa. Night shift ako at gusto kong matulog pa. Kung nagugutom ka, magluto ka at magsaing. May dalawang kamay ka, ‘di ba? Ang kamay na iyan ay hindi pang-display kaya gamitin mo.” Pinapahinahon ko ang aking boses at tinuro ko pa ang dalawa niyang kamay na nakahawak sa phone niya. Nakita ko ang pagtayo niya, alam kong gigil na ito sa akin. Subukan lang niya akong sampalin, makikita niya agad si San Pedro. “Nagugutom nga ako, Anna! Ang bobo mo naman!” Napatawa ako sa sinabi niya. Ako pa ngayon ang bobo. Nilapitan ko na siya at ayoko ng makipagtalo pa sa kanya. Mukhang mahahawaan ako ng kabobohan nitong si Alyssa. “Hoy!” Sigaw ko sa kanya at dinutdot ang kanyang noo. “Mas bobo ka, Alyssa. Ilang beses ka ng bumalik sa pagiging grade 10 mo, ha? Naunahan ka pa ni Mark, mas matanda ka roon pero ang kapatid mo ay nasa Grade 12 na at graduating na this year. Iyang utak mo kasi ay natatabunan ng make-up, naku, linisin mo baka ang dami ng agiw d'yan sa utak mo!” Gigil na sabi ko sa kanya at hindi na ako nakapagpigil, pinitik ko ang kanyang noo. “Maganda naman ako! Kaysa sayo na ang panget mo!” Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at pumasok na ulit ako sa k'warto, ni-lock ko iyon at hindi pinansin ang pagwawala ng pinsan kong bobo na si Alyssa. Nabubwisit talaga ako sa isang iyon. Hindi ko ba alam kay tiya Rosing ba't hindi pinuputol ang sungay ng panganay niyang anak. Kaya lalo nagiging ganyan, akala niya siguro anak mayaman siya. Humiga na ulit ako sa kama at kinuha ko ang unan kong mahaba at pinatong ito sa aking tenga para hindi marinig ang pagngawa ni Alyssa. Nagugutom pala siya, edi magluto siya. Kapag ‘di siya nagluto bahala siya magutom. Twenty three years old na pala ako ngayong taon, at simula pitong taon gulang ako ay kinupkop na ako ni tiya Rosing. Namatay kasi si Mama sa isang aksidente, na-hit and run siya habang pauwi galing sa raket niya bilang dancer sa isang club, iyon ang k'wento sa akin ni tiya Rosing. Si tiya Rosing naman may dalawang anak na sina Alyssa at Mark – sa dalawang anak niya si Alyssa ang hindi ko makasundo, kita niyo naman kanina kung bakit. Si Mark naman ay matalino, scholar sa pinapasukan niya kaya hindi ko alam ba't hindi na lamang gayahin ni Alyssa ang kapatid niya. Si tiya Rosing ay biyuda na pala, pagkapanganak niya kay Mark ay namatay ang asawa niya dahil sa atake sa puso. Kaya nagtulungan sila ni Mama. About naman sa tatay ko ay wala akong alam, naanakan lang kasi si Mama ng isa niyang customer. Hinanap ni Mama pero walang nakapagturo kung nasaan iyon. Hindi ko na rin hinanap dahil wala naman akong larawan ng tatay ko, tanging necklace lang ang iniwan niya kay Mama. Suot-suot ko lagi ang necklace na iyon. Tinanggal ko ang unan sa tenga ko at mukhang tapos na dumaldal si Alyssa. Mabuti na lamang ay napag-isip-isip din niyang gumawa ng gawaing bahay. Sobrang tamad kasi ang isang iyon. Makatulog na nga lang ulit. Nagising na muli ako ng mga bandang alas-diyes ng umaga. Nakatulog ulit ako ng tatlong oras. Bumangon na ako at kumuha ng damit na pang-alis, papasok na ako sa work ko maya-maya. Mabuti na nga lang ay sembreak pa namin kaya magaan pa ang aking schedule kaya nakakatulog pa ako nang mahigit na anim na oras. Dahil kapag pasukan na ulit, three hours na ang pinakamatagal kong tulog. Last year ko na ngayon sa kurso kong Information Technology at this semester ay OJT na ako kaya need ko na umalis sa pinagta-trabauhan ko. Lumabas ako ng k'warto at nakita ko si Mark na nagtutupi ng mga damit. “Magandang umaga, ate Anna.” bati nito sa akin at nagpatuloy sa pagtutupi. “Naubos na agad ang paninda niyo?” pagtatanong ko sa kanya. Alas-diyes pa lang kasi ng umaga. Nagtitinda sila tiya Rosing ng kakanin sa may tapat ng simbahan na malapit sa barangay namin. Iyon ang trabaho na mayro'n si tiya. “Opo, ate Anna. May pumakyaw po sa paninda namin. Nagulat nga po si Mama kaya maaga kaming nakauwi.” Masayang sabi niya sa akin. Minsan kasi inaabot sila ng hapon doon para ibenta ang mga kakanin, hindi naman kasi araw-araw ay maraming tao sa simbahan. “Mabuti naman gano'n. Oh, siya maliligo na muna ako. Baka ma-late ako sa trabaho ko ngayon.” sabi ko kay Mark at gagawi na sana banyo namin pero pinigilan niya ako. “Ate Anna, day off niyo po bukas?” pagtatanong niya sa akin kaya tumango ako sa kanya. “Puwede niyo po ba ako samahan sa unibersidad niyo po? Kukuha po ako ng scholarship doon para sa next school year po. Balak ko pong doon na lang din mag-aral.” ani niya sa akin at ngumiti. Mabuti pa si Mark may future. Iyong ate niya puro landi ang iniisip. Ang pangarap ng isang iyon ay makapag-asawa ng matandang lalaki na madaling mamatay, siraulo talaga ang isang iyon. “Oo naman, samahan kita bukas. Sige na, maliligo na ako.” sabi ko sa kanya at pumasok na ako sa banyo. Mabilis lamang ang naging pagligo at eksaktong paglabas ko ay nakita ko si Alyssa na nakatutok pa rin sa cellphone niya. Tinarayan ako ng Alyssa na iyon at naglakad papalayo sa akin. Dukutin ko kaya ang mata niya, ano?! Nagbihis na ako ng aking usual na pang-alis, tanging jeans and shirt na pinartneran ko ng sneakers na white, sana nga lang hindi umulan at baka mabinyagan ito. Lumabas na ako dala ang aking backpack, pinag-iisipan kong mag-quit nasa part-time job ko dahil paniguradong magiging busy ako pagkabalik namin this semester, On the Job Training na kasi ang gagawin ko at after na iyon ay ga-graduate na ako. Malaki-laki na rin naman ang naipon ko dahil sa part-time job na ito kaya kahit mag-quit na ako ay ayos na para sa ilang months, iyon din kasi ang sinabi ni tiya Rosing baka raw kasi ay hindi ko kayang pagsabayin ang part-time job at OJT ko. “Tiya, alis na po ako!” Anunsyo ko sa kanya at nakita ko siyang nakaharap sa may lababo. Maliit lang naman itong bahay ni tiya Rosing, may tatlong k'warto at isang banyo then magkasama ang kusina at sala. “Anna, hindi ka ba muna kakain? O, magbabaon man lang? Para makatipid ka!” Pahabol na sabi sa akin ni tiya Rosing pero umiling ako sa kanya. Libre naman ang pagkain namin sa pinagta-trabauhan ko kaya ayos lang na wala akong baon. “Ayos lamang po, tiya Rosing!” ani ko sa kanya. “Sandali, Anna. Day off mo bukas, ‘di ba?” pagtatanong niya sa akin at nakita kong nagpunas pa siya ng kamay sa kanyang suot na saya. “Ah, opo, tiya. Sasamahan ko po si Mark bukas sa unibersidad na pinapasukan ko po. Doon po niya balak mag-aral.” sagot ko sa kanya. Inunahan ko na rin baka kasi iyon ang itanong niya. “Bago kayo umalis ni Mark bukas ay may ipapahatid ako sa inyo... Kilala mo ba iyong nanay ni Dylan?” Tumango ako sa kanyang tanong. Iyong babaerong Dylan na iyon, may gusto raw sa akin iyon pero ekis siya. Playboy hindi naman gwapo. “Puntahan mo ang nanay ni Dylan, ibigay mo iyong bayad ko sa inutang ko sa kanya. May pupuntahan kasi ako bukas kaya hindi rin ako magtitinda ng kakanin sa may simbahan. Bukas ko ibibigay ang pera bago kami umalis.” Mahabang alintana niya sa akin kaya tumango na lang ulit ako. Aalis siya bukas? Sino kasama naman niya? Si tiya Rosing talaga ay napaka-raketera. Bakit kasi hindi niya isama si Alyssa para matutong maghanap buhay. Ay, bahala na nga sila!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook